Chapter 1


Note:
Thank you for the warm welcome! Nagulat ako sa dagsa ng thoughts sa nakaraang chapter. And because of your comments and heartwarming thoughts, here's the next chapter. 💚🍃

Chapter 1

. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊

"Samonte, Athanacia Norainne," ulit ni Sir Fajardo sa pangalan ko habang pinagpapatuloy ang rollcall ng klase namin. He's one of the professors who preferred the old system of checking attendance. Swerte lang na kaunti lang ang batch namin.

I never thought that I'd be in a class. . .with less than fifteen students. Alam ko naman na hindi masyadong malaki ang budget ng school para sa kursong tinahak ko pero hindi ko inakalang ganito kakaunti ang makakausap ko sa buong taon. I'm also in my first year so there's a huge chance that the number of students would decrease in the upcoming years.

Mas kakaunti talaga ang estudyante sa kolehiyo. Himala na kung aabot ng singkwento sa isang kwarto. Unlike high school that extended a lot of sections to cater to students, college is a different route. Minsan paunahan pa makakuha ng slot sa kailangan na kurso at units sa kolehiyo. Malas mo kung kupad ka dahil magiging irregular ka talaga nang wala sa oras kapag hindi ka umabot sa slots.

Gets ko naman, It all boils down to less demand, less supply. It's a terrifying idea that art is slowly dying against the corporate giants but it's the reality. As long as people refused to pay for art or any creative work—the artists would rather work in a 5-to-8 job to sustain their needs than to end up as a starved artist.

Napailing ako. I shouldn't try to oversee the future. Pero ang alam ko ay hindi ko p'wedeng bitawan ang pangarap kong ito. I took BA Creative Writing despite my parents' disapproval. Hindi kami mayaman. I was just blessed to have books with me so I was able to fund my own knowledge.

There's a lot of hard things that you learn at college and I think one of them is having friends. Inikot ko ang paningin ko upang maghanap ng mauupuan dahil halos dinadagsa ang mga booths para sa mga freshmen. I only have a few friends despite our entire classroom having a few students as well.

Hindi ko alam pero natakot na lang din ako makipag-kaibigan. I feel like they would soon find how weird I am. . .and another cycle of torture would emerge. Naaawa na nga ako sa mga magulang ko noon na kailangan pa nila akong hanapan ng panibagong eskwelahan.

Ruby with her red-colored hair was fiery and passionate. Madalas siyang sumasama sa mga organizations. Kadalasan din na siya ang laman ng OSA dahil sa dress code. Umaapoy sa galit si Ruby dahil kaya naman n'yang mag-aral kahit daw naka-baby bra at panty lang siya.

Si Mineth naman ay kabaliktaran ni Ruby. She's always prim and proper, ngayon nga ay umaabot hanggang tuhod n'ya ang baby blue dress n'yang suot. She's also soft spoken because of her upbringing. Yet, she sometimes comes head to head with Ruby. Pareho kasi silang mainitin ang ulo.

Both of them became my friends during enrollment. Pare-pareho kasi kaming naligaw sa University of Arts and Culture no'ng naghahanap kami ng slots. Labis ang naging saya naming tatlo nang malaman na pare-pareho kami ng subjects!

"Nacia, ang lalim na naman ng iniisip mo," puna ni Mineth sa akin nang mapansin na tahimik ako.

"I'm sorry," I snapped back to reality. "May iniisip lang ako tungkol sa class natin."

"Girl, free cut na." Halakhak ni Ruby. "Save the stress for later. Wala pa naman requirements na binibigay sa atin."

Tumango ako. What she said was true, I couldn't stay calm and enjoy the week that we still didn't have any activities to do. Hindi ko nga napansin masyado ang mga booths dahil masyado akong lulong sa iniisip ko.

I want to make this work. I have to make this work because this is all I have. If this doesn't end up like how I perceive it to be. . .I couldn't imagine how I would live my life.

When I left my province and disappointed my parents with my career choice—it was all or nothing for me. It's either I make it out alive and successful or live my life regretting pursuing what I used to love.

I have no backup plans because I was the backup plan.

"Puro gen ed pa naman yata ang subjects natin," sabi ni Ruby habang naka-angkla ang kamay sa aking braso. "Kalmahan mo lang, Nacia."

"Sorry," I smiled a bit. "Siguro nga masyado lang ako nagaalala. Balak ko kasi kumuha ng part time job kaya iniisip ko kung paano ko pagkakasyahin ang twenty three units ngayong semester."

Nakakuha kasi ako ng slots sa lahat ng required na subjects. Wala akong magiging back subject pero ang problema ko naman ngayon ay saan ako makakahanap ng trabaho na tatanggap bilang part-timer? I couldn't apply to any full time jobs with my current schedule.

"May mga kilala akong kailangan ng tulong sa school, at kailangan ng tutor, ayusin mo na lang siguro ang resume mo o portfolio tapos ire-recommend kita sa kanila," Mineth placed a hand on my shoulders. "Email mo na lang sa akin kung okay lang sa 'yo na heavy ang workload."

May karapatan ba akong magreklamo sa workload kung kailangan ko talaga ng pera?

I smiled at her. "Thank you! I-chat kita agad mamaya, Mineth."

"Kumain na muna tayo bago pumunta sa susunod na subject. Sa may annex pa raw kasi iyon kaya medyo malayo," anyaya ni Ruby at luminga-linga upang maghanap ng pwesto.

"Maki-seat in na lang tayo sa ibang BA Film na friends ko, okay lang ba?" tanong ni Mineth habang lumingon sa amin ni Ruby. Nauuna kasi siyang maglakad.

"Ang tanong ay kung okay lang ba sa kanila? Mamaya, nasa OSA na naman ako eh," ani Ruby.

"Okay lang 'yon, baka nga maging mga blockmate natin sila sa ibang gen ed dahil kakaunti lang din sila."

"Nandoon ba si Conjuanco?" Ruby licked her lower lip. "Tell me, para magpaganda muna ako bago tayo dumating doon! He's hot!"

"But elusive!" Mineth scoffed. "Sinubukan ko siyang kausapin dati! Bigla ba naman nag-Airpods sa harap ko! He's rude! Porke't gwapo!"

"Mas may thrill ang mga gan'yan! The ones who don't give their attention easily. . .mas bet ko 'yang mga 'yan," Ruby chuckled then nudged me. "Bakuran ko na si Conjuanco ah! I called dibs first."

I pouted my lips. Hindi ba dapat ako ang nauna? Grade seven pa lang, pantasya ko na siya eh.

Yet, I didn't want to spoil her appreciation. Gwapo naman kasi talaga si Kiran. He was effortlessly attractive and to be fair, I would want to look good in his eyes too.

Pero wala akong laban kay Ruby. She was the prettiest among us, at least conventionally. Sa kulay pa lang ng buhok, siya ang titingkad. I don't really stand out as well, I can only blend in.

My hair was dark brown, it also had shaped curls making it look a bit wavy but it perfectly framed my face. I also had a small face but large bold eyes and full lips. They told me that my eyes are my assets because it's expressive even when I have glasses on. Mabilis daw nilang mabasa ang ekspresyon ko.

Naka-salamin ako dahil malabo ang grado ng aking mga mata. Bata pa lang kasi ako ay pumupuslit na ako ng pagbabasa kahit sa gabi at kahit sa byahe; hindi raw pala maganda sa mata iyon. Nagulat na lang ako dahil no'ng may yearly check up sa school namin, hindi ko na mabasa yung binabasa sa akin para sa optical check up. Ang Letter 'c' na nasa chart ay mukhang letter 'e' sa akin.

"Huy, walang bakod-bakod! All is fair in love and war," Mineth said, obviously also interested in Kiran.

Tumawa si Ruby. "Fine! May the best girl win. Hindi naman ako super serious d'yan para i-brought up pa ang girl code. Ikaw ba, Nacia? Game ka rin?"

"Saan?" I jolted a bit.

"Earth to Nacia!" Ruby snapped her fingers in front of my face. "You're zoning out again! Kung type mo rin ba si Kiran?"

"Oh, type is a bit too much," I started to fidget my fingers. "He inspires me in all things that I do."

Nanglaki ang mga mata ni Mineth at Ruby sa isiniwalat ko. I got lost in my thoughts right away with their question.

"I just feel like I crave Kiran's existence," I told them with utmost honesty. "It makes me feel indebted to the world that we co-exist in the same timeframe and being able to be near him is a blessing."

"Tinanong ka lang 'te kung type mo ba?" Mineth widened her eyes more. "Ba't parang sumali ka na sa Miss Universe kung sumagot?"

"I'm sorry," I bashfully said. Nakakahiya! Pinangunahan na naman ako ng kadaldalan!

"Girl, tama ka na," Ruby faked tears then laughed heartily. "Kulang na lang mag-alay ka ng wedding song dahil parang vows na 'yang sinasabi mo sa amin. Kikilalanin pa lang natin si Kiran! Malay mo pangit talaga ang ugali ng isang iyon. Hindi naman namin hahayaan na ma-uto ka ng masamang nilalang! Kahit pa kasing-gwapo n'ya."

Napanguso ako. I can't help but admire Kiran beyond his appealing visuals. Hindi ko rin naman maitatanggi na kahit sa malayo ay gwapo talaga siya. At kahit nga siguro pangit ang ugali n'ya, his entire face could make us forget about it. He looked ethereal; someone so angelic that you couldn't even believe that they're real and they exist.

"Bakit pala Creative Writing ang kinuha mo?" tanong ni Mineth habang papunta kami sa mga unoccupied na lamesa.

Ruby coughed, waving her hand to dismiss a thought. "Honestly? I heard that it didn't have a long line. I really didn't know what to take anyway. Hindi ko nga alam na aabot ako ng college."

Medyo nanglaki ang mga mata ko. I forgot to ask them that question. Hindi ko rin naman kasi alam ang mga dahilan nila sa pagtahak ng kursong ito. We had to pass an essay before having our application confirmed for this course. Kung sa College of Tourism and Hospitality Management ay nagkakaroon muna ng screening kung pasok sa 5'2 man lang ang height, sa kurso naman namin ay tinitingnan kung may alam na ba sa pagsusulat. . or atleast innate talent for it.

"What do you mean?" Si Mineth.

Ruby grinned like she was faking it. "Screw teenage Ruby for thinking life ends at eighteen. I never thought that pursuing life is harder than seeking death. Kaya eto ako ngayon, hinahayaan na lang na gaguhin ako ng mundo."

"Oh. . ." Mineth gasped as if she had concluded something. "Mine's not really that deep. We're a family of writers, it runs in the blood. Kaya naman para sa akin mas makakatulong na may background na ako sa pagiging manunulat."

"Well, nepobaby na ba tawag sa 'yo n'yan?" biro ni Ruby.

"Is that supposed to be derogatory?" tanong ni Mineth at nagtaas ng kilay. "Sapakan na lang tayo?"

"Hindi! Geez, take a chill pill! Grabe, sa OSA na naman bagsak ko?" tawa ni Ruby at lumingon sa akin. "Ikaw ba, Nacia? What made you take Creative Writing?"

"I want to write," simpleng sagot ko. "Gusto sana ng magulang ko na kumuha ako ng mas praktikal na kurso. Sabi nila ay mag-doctor daw, pero mahal ang med school. Sabi nila ay mag-abogado raw, pero ganoon din ang law school. If I try to be a scholar, I don't even know how to survive knowing it isn't what I want. Sinabi nila na kahit anong kurso basta praktikal. . .doon sa magkakaroon raw ako ng trabaho agad."

Parehong natahimik ang dalawa. I bit my lower lip. I couldn't help but tell them the whole story right away. Ni hindi ko man lang naisip na baka hindi sila kumportable sa magiging sagot ko. But I usually don't have people to talk to, kaya nga nagsusulat ako. Writing has always been an outlet for me.

"They told me. . .ano na lang sasabihin ng ibang tao kung ganito ang kursong kukunin ko?" I reminisced bitterly. "It was as if I had murdered their dreams for me. Para bang sinira ko ang kinabukasan ko."

Nagkaroon ng saglit na katahimikan. Hindi ko alam kung dahil ba masyadong seryoso ang sagot ko o dahil naghari ang simpatya sa kapaligiran namin. I was just surprised when Ruby went near me.

"I'm glad you're here, Nacia," Ruby said and slowly enveloped me in a hug. "Makaka-graduate tayo, okay? Tapos, mananalo ka ng maraming awards! Yayaman ka! You'll get the life that you deserve, you'll prove them wrong!"

My eyes stung as I looked at her. "T-thank you. I don't aim for all of that. All I want is to write until I can."

"Ang cute mo talaga, Nacia! Naku, babakuran ka namin dahil ayaw naming masaktan ang puso mo! Some boys would take advantage of you!" Ruby huffed then hugged me tightly. Napapikit ako sa sobrang sikip ng kan'yang yakap.

"T-take advantage of me!?" I widened my eyes.

"Oo," Ruby nodded her head. "Magugulat ka na lang ay may magc-chat sa 'yo ng 'Hi? Kamusta ka na? Kumain ka na ba? Kainin kita?'. They're beyond our own comprehension! Kaya kung ako sa 'yo, i-padlock mo 'yang panty mo."

"Lagyan mo ng password," gatong ni Mineth gamit ng mahinhin n'yang boses. "Pero bigay mo rin agad kung kasing-pogi ni Kiran."

"Bawal! Baby pa si Nacia!" Ruby hissed.

"Rubylyn, hayaan mo siyang lumandi! Paano makakapagsulat 'yan kung walang inspirasyon?"

"Ay, bakit 'te? Kailangan ko ba pumatay para makapagsulat ng thriller? Imagination lang ang puhunan!" Si Ruby na biglang ngumiwi nang banggitin ang buong pangalan n'ya.

I just didn't want to be a slave of capitalism. I didn't want to sell my soul to the people who cannot see the beauty of art and creation. I wanted to write because it's something innate in my being. It is what fuels me to live. It is as if life is embedded in writing. You must live in order to write. . .or you must write in order to live. That's how it is for me.

Pinahid ko ang mga luhang kumawala mula sa aking mata. Mineth smiled at me with full sympathy as if she understood where I was coming from.

Dumaan muna kami sa makukulay na booths para tingnan ang mga binibenta o pinapamigay nila.

"Ang aga para sa marriage booth ah!" angal ni Ruby na nakakunot agad ang noo.

"Ang aga mo rin ma-high blood, Ruby," sabat ni Mineth.

"Sinong hindi mah-high blood, ikaw ang nakikita ko sa umaga?" pagtataray ni Ruby.

No'ng una ay akala ko magka-away talaga silang dalawa. Pero love language lang pala talaga nila ang pagdiskitahan ang isa't isa. Ingredient daw iyon para sa isang matatag na samahan, ika nilang dalawa. Kapag walang away, walang paguusapan. Ewan ko rin sa kanilang dalawa kung minsan.

The girl from the marriage booth blocked my path. Tumanggap ako ng flyer mula rito, inabutan kasi ako nung bantay na babae at di naman ako naka-tanggi dahil halos isuksok na n'ya sa mukha ko. They had decent booths but some of them had the wrong idea. Pang-Foundation Week na kasi iyong ibang booths. Grabe naman yung ikakasal sa unang araw pa lang ng school.

Sinuksok ko sa totebag ko iyong flyer. I didn't bring a big bag because I knew that we still didn't have any lessons, sinilip ko na rin kasi ang syllabus namin. Ballpen lang at mga anik-anik ang dala ko.

"Mine!" Someone called Mineth by her nickname. Mine as in Mi-Neh. Mukha siyang inaangkin kung literal na mine ang tawag sa kan'ya.

Sabay-sabay kaming napalingon sa tumawag sa kaibigan namin. It was a group of students as well. Malaki ang ngisi ng isa dahil namumukhaan yata si Mineth.

"Jakob! P'wede maki-share ng seats? Wala na kasi sa may field," sabi ni Mineth habang papalapit.

"Wala naman kaming choice kasi papalapit na kayo sa table namin eh," Jakob snorted then grinned at us.

"Manang-mana sa 'yo mga kaibigan mo, Mine. Ang sasama ng ugali," Ruby sneered and affectionately called Mineth as 'Mine' as in akin.

Iritado siyang binalingan ng tingin ni Mineth. "Tigilan mo ako, Rubylyn!"

True to his words, Jakob gave us some space so we could sit. Tatlo lang naman sila at pangwalo ang upuan. Umupo ako sa tabi ng isang lalaki na mukhang nagpapahinga. His forearm was placed on the table as his whole face was resting on it.

"Si Diether," pakilala ni Jakob sa katabi n'yang naka-sumbrero at malaki ang ngiti. "BA Film din. Balita ko baka may gen end subjects na tayo raw ang magkaka-blockmate?"

"Yes." Tumango si Mineth at lumingon sa amin para ipakilala kami. "Si Ruby tapos si Nacia nga pala. Maging mabait kayo kay Nacia kahit huwag na kay Ruby."

"Pakyu ka, girl," Ruby sneered at Mineth. "Pero totoo iyon, prinsesa namin si Nacia. Itago n'yo mga etits n'yo kasi studies first 'yang prinsesa namin."

Namula naman si Jakob at Diether. I could feel the embarrassment steaming from them. Kahit ako ay nahihiya dahil nanalo na naman ang pagiging prangka ng dalawang kaibigan ko. Si Ruby at Mineth ay kanina pa naga-away pero alam ko naman na hindi seryosong away iyon.

"Uh, hi po," nahihiyang bati ko sa kanilang dalawa. "Sorry sa abala. Wala na kasi talagang seats sa kung saan kami galing."

"Hindi naman." Ngumiti si Diether sa akin. "Never ka naman naging abala."

Tumikhim si Jakob. "Si Kiran nga pala, yung katabi ni Nacia. Nasa BA Film din, medyo puyat kasi kahapon yata ay may dinaluhan na party."

Nanglaki ang mga mata naming tatlo. Oh my goodness! Halos tumalbog ang puso ko sa kaba nang sabihin n'ya iyon. Tumitig naman agad si Ruby at Mineth sa natutulog na si Kiran. Nagtaas-baba ng kilay si Ruby at nag-gesture sa akin na gisingin ko si Kiran. Umiling-iling ako. Mineth encouraged me as well by gesturing that I should nudge Kiran a bit.

Para naman nila akong inuutusan na manggising ng dragon!

I was sweating. My palms were producing so much sweat that I feared I would look like I had Pasma. Paulit-ulit akong umiling hanggang sa nakaramdam ako ng kaunting paggalaw sa gilid ko.

"Hi. . ." baritonong bati ni Kiran habang kinukuskos gamit ng kan'yang kamay ang mga bagong gising na mata.

"I love you," I muttered straight away upon seeing his face. My cheeks are slowly heating up.

"Puta," Ruby gasped. "Binakuran agad! May tinatagong skills si Nacia! Bakod skills pro max!"

"Madaya, Nacia!" Mineth hissed but laughed in a ladylike manner.

Nanglaki ang mga singkit na mata ni Kiran. This was the first time that I saw his face this close. Wala siyang pores at mas maamo ang features n'ya. The confusion was plastered on his pretty face.

"I mean! I-I love your works! I love your roleplays! Ang totoo nga n'yan ay pangarap ko talaga maging screenwriter dahil sa 'yo! I w-would be honored to be someone that can create scripts for you! I-I can be someone useful for you! Kung gusto mo ipagtitimpla kita ng kape habang nagdi-direct ka, okay lang! If kailangan mo ng masahe, marunong ako manghilot! Kung magkakaanak ka man in the near future, willing din ako alagaan! I really love your artistry and I'm such a huge fan—" I blabbered as soon as I was given the chance to talk. Nauna na naman ang kadaldalan ko!

Kumuha ako ng papel at ng ballpen sa tote bag ko. Inabot ko ito kahit nanginginig na ang aking mga kamay. His eyes landed on it almost abruptly. Mas naningkit ang kan'yang mga mata.

"C-can I get your autograph?" I asked in a small voice, almost inaudible. Pakiramdam ko lahat ng kapal ng mukha magmula no'ng bata ako ay dito ko na ibinuhos.

I thought he would be flattered. He would feel my appreciation and love for him. Umangat ang tingin ko sa kan'ya dahil ang tagal n'yang kunin ang inaabot kong papel.

He was glaring at me, the intense disdain was vivid enough because I had to look away. I saw how he seethed as if he couldn't believe me.

Hala. . .bakit siya nagalit?

Am I also weird? In his eyes?

Kinuha n'ya yung papel at pinirmahan. His hands were gripping my pen so hard. My entire face blanched with the thought that I ruined our first encounter. Inabot n'ya sa akin yung papel at ni-roll patungo sa akin ang ballpen. I looked at the paper and I could feel my soul slowly ascending towards heaven.

"Una na ako," he coldly told us. Tumayo siya at mabilis na dinampot ang body bag upang makaalis agad. Sinundan naman siya ng tingin.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan bago nagsalita si Ruby upang maputol ito.

"Ang sungit! Porke't gwapo!" Ruby huffed then went beside me. "Pero ang bango n'ya, ano? Amoy hindi ko lalapitan kasi mahal yung pabango."

"Hala, Nacia," Diether said, clearly concerned.

"Okay lang yun," Jakob consoled. "Masungit talaga siya sa lahat eh. Sorry ha? Pero mabait naman iyon. Wrong side of the bed lang yata. Puyat din kasi."

"Still, not a valid reason to be an asshole," Mineth scoffed.

"K-kasalanan ko. . ." I bit my lower lip. "Hindi m-man lang ako nagpakilala bilang Athanacia Norainne Samonte. BA Creative Writing ang course. Nakatira sa Las Piñas City. Blood type ay O. May isang kapatid—"

"Huwag na, Nacia. Baka lalong matakot sa 'yo iyon kasi parang nagbibigay ka na ng resume sa kan'ya," Mineth said then shook her head.

"I'm sorry," nahihiyang sabi ko. Napayuko na lang ako. I am really an awkward person. Hindi ko alam kung paano mang-approach na hindi mukhang 'weird'.

"Don't blame yourself! Parang pirma lang eh. Bakit big deal sa kan'ya?" iritadong sabi ni Ruby. Humalukipkip siya. "Gwapo siya! Pero ubod ng antipatiko!"

"At least gwapo." Mineth shrugged. "His face can make you forget his awful attitude."

"B-baka kasi sa papel. . ." Napalunok ako habang nakasilip sa papel kung saan ko siya pinapirma. A part of me feels bad because I think the way he reacted was valid.

"Saan ba? Saan siya pumirma?" Sinilip ni Ruby at agad na nanglaki ang mga mata n'ya. Her relaxed stance slowly turned hard. "Gaga ka pala talaga!"

Lalo akong napalunok habang nakatitig sa marriage certificate na pinirmahan ni Kiran para sa akin. Para ko siyang pinilit na pakasalan ako! Maybe that's why his mood turned sour!

Kahit siguro ako. . .kung ikakasal ako sa unang linggo ng klase ay mababadtrip din.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top