ACROSS TIME
"Kain ka muna bago ka pumasok sa work!"
"I'm running late, meron pa akong meeting at 8AM—"
"Your watch! Huwag mong kalimutan ang relo mo!"
Mabilis akong pumasok ng aming master's bedroom para kunin ang antigong wristwatch na iniregalo ko sa kanya noong unang date namin. Nakangiti ko itong dinampot mula sa nightstand at muling lumabas para isuot sa kanya iyon.
"Ito na, honey!" Sabi ko sa kanya habang maingat na isinuot iyon sa kamay niya. "Time is precious you know! Ingat ka ha?"
"Okay."
How much are you willing to give just for the person you loved the most?
Iyan ang paulit-ulit kong tanong sa aking sarili the moment my live-in partner, Ashton, left for work.
Naupo ako sa hapagkainan habang pinagmamasdan ang mga pagkain na buong puso kong inihanda. I even woke up early just to prepare these.
For our seventh-year anniversary.
Pero mukhang nakalimutan niya ang isang bagay na maituturing kong pinakamahalaga sa akin. I let out a deep breath tsaka nagsimulang kumain.
This wasn't what I'm expecting to happen today. Sa isip ko kasi ay masaya kaming nagsasalo ni Ashton habang nagtatawanan. But maybe, things just changed over time.
I was busy with all the tasks I need to accomplish today pero nakukuha ko pa rin sumilip-silip sa aking phone. Hoping na baka may text or chat man lang sa akin ang boyfriend ko. Pero bigo ako.
I work as a secretary in a law firm just a few blocks from our condo unit. Law talaga ang kinukuha ko noong nasa college pa ako. But when I met Ashton? My views in life changed. I just want to take care of him and stay by his side all the time.
And slowly lost myself in the midst of that. Kaya naman a future lawyer end up being a normal secretary and assistant of Atty. Marga Villario, or Ms. Maggie for short.
"Alyssa, are you done with the files I gave you?" Bungad sa akin ni Atty. Maggie.
Dalian kong nailapag ang aking cellphone at natatarantang tumayo upang harapin siya.
"A-Almost done po, Ma'am!"
Nakita kong tumaas ang isa niyang kilay habang ako'y tila sinusuri gamit ang kanyang mataray na tingin.
"Boy problem?"
Nagulantang ako sa naging tanong niya, I don't even know how to react. "P-Po?" Iyon na lang ang naging tanong ko.
Napalitan ng isang tipid na ngiti ang kaninang mataray na expression ni Ms. Maggie kaya naman kahit papaano'y lumuwag ang aking paghinga. She then tapped my shoulder na siyang nagpatalon sa akin.
"A friendly advice from a superior? Don't let anything eat you alive. Go out and have fun!"
After niyang sabihin iyon ay tsaka siya nagpaalam at umalis na, reminding me of the files I need to finish within the day. Muli akong umupo sa aking swivel chair at pinanatili ang ngiti sa aking labi.
Ms. Maggie was right. Life is too short to waste it on things that aren't worth it. I can't let Ashton's negligence of our special day to ruin everything.
Pilit kong inalis sa isipan ko ang tungkol sa nangyari kaninang umaga. Itinuon ko ang aking buong atensyon sa aking trabaho at kalauna'y natapos ko rin ang mga iyon bago pa man ang mismong oras ng pag-clock out.
I texted Ashton kung anong oras siya makakauwi but still, I didn't get any response from him. And so I decided to visit the restaurant kung saan kami nagkakilala ng long time boyfriend kong si Ashton.
Pagpasok ko pa lang sa loob made me reminisce everything. I even occupied the exact table kung saan kami naupo that time.
This place is like a café because it's surrounded by different kinds of books pero they serve gourmet meals which made me fall in love with this place. I scanned the whole place and it feels nostalgic.
But one thing's weird.
Napansin ko kasi na halos walang tao ngayon, which is very unusual kasi sobrang high-end ng restaurant na ito because of their quality food and service.
I shook my head and erased that thought. Being alone isn't so bad. It may even seemed like I rented the whole place just for tonight. Kinuha ko ang menu na nasa aking harapan at tahimik na nagbasa kung ano ang aking o-order-in.
"Mind if I take a seat with you?" Said someone.
Napaangat ako ng tingin at tumambad sa akin ang isang lalaki which I think is in his late 70s. Nakangiti ito sa akin kaya naman tanging tango na lamang ang aking naisagot.
"Long time no see, Alyssa."
Nanlaki ang aking mga mata nang banggitin niya aking pangalan. Nagawa ko pang ituro ang aking sarili na para bang may iba pang Alyssa sa restaurant na ito.
"A-Ako po?"
Tumango lamang ang matanda habang nakangiti sa akin.
"Paano niyo po nalaman ang pangalan ko?"
"Alam kong kahibangan ang sasabihin ko pero ako ang future husband mo."
Kumunot ang aking noo at nanliit ang aking mga mata. "P-Po? Future husband?"
Hindi siya sumagot at sa halip ay tumawag ito ng waiter para um-order. Naguguluhan man ako sa inaasal ng maituturing ko ng lolo ay tahimik ko siyang pinanood sa kanyang ginagawa.
"What would you like to have, sir?" tanong ng waiter sa kanya habang ito'y nakahawak sa kanyang maliit na notepad at ballpen.
"I'll have two medium rare steak with chili sauce."
He scribbled it on his notepad at inulit pang muli ang aming order tsaka nagpaalam na para magtungo sa kitchen.
"Paano niyo po nalaman na mahilig ako sa steak na may chili sauce?"
Marahang natawa si Lolo sa naging tanong ko. "Hindi lang iyon ang alam kong gusto mo."
I didn't give him a respond. Hinintay ko lamang itong magsalita muli para patunayan ang sinasabi niya.
"Favorite mo ang mga kanta ng Parokya ni Edgar."
Crap! That's correct.
"Gustung-gusto mo ang movie na Me, Before You."
"Paano—"
Hindi ko na nagawang tapusin ang tanong ko dahil dumating na ang order naming dalawa. Nang ilapag ng waiter ang aking pagkain ay hindi ko iyon masyadong pinansin dahil sa mga katanungang pumupuno sa aking isip.
Ang matandang nasa harap ko'y maingat na naglagay ng chili sauce sa gilid ng kanyang plato. He drew a letter 'V' on his plate tsaka ako muling tiningnan.
"Paano ko nalaman?"
I nodded.
"Gaya ng sinabi ko sa iyo kanina, ako ang asawa mo mula sa hinaharap. Pumunta ako rito para makita ka."
Nagpalinga-linga ako sa buong paligid, thinking na baka prank lamang ito at nasa isang reality show ako or what. But we're the only ones here.
"Lolo, joke time po ba ito?" Naguguluhan kong tanong. Paano ba naman kasi mangyayari na ang isang tao ay kayang mag-travel from the future pabalik sa past niya. That would be cool!
"Hindi ako nagbibiro, Alyssa. We've been married for fifty years and although we argue a lot, naging masaya ang pagsasama natin kasama ang ating mga anak."
Natigilan ako.
Honestly, it's quite hard to believe what this old man is saying right now. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, I also feel na he's telling the truth.
Mataman ko pa siyang tinitigan hanggang sa mapadako ang aking tingin sa kanyang kamay and saw the antique wristwatch I gave Ashton.
"Your watch!" Duro ko sa kamay niya. Ngumiti siya at maingat na hinubad iyon tsaka iniabot sa akin.
"You gave this to me during our first date together."
Doon na nagsimulang bumagsak ang aking mga luha habang hawak ang relong pamilyar sa akin.
I can't believe this. Am I actually seeing Ashton, 50 years from now? Did we really end up together?
That surreal feeling never escaped my heart hanggang sa matapos kaming kumain at nagpaalam na ako para umuwi.
"Good morning, honey! Breakfast ka na!"
Inilapag ko ang sirloin steak na may chili sauce sa mesa. Sinilip lang iyon ni Ashton tsaka ako binalingan ng tingin.
"Bakit naman may chili sauce ang steak na 'yan?"
Kumunot ang aking noo habang punung-puno ng pagtataka ang aking isipan. "Akala ko, gusto mo rin ng ganito."
"Pepper and salt lang ang gusto ko sa steak," sagot niya tsaka umalis.
Napakamot ako sa aking ulo. Siguro natutunan na lang niyang gustuhin ang ganitong pagkain dahil favorite ko ito.
Napangiti ako. "Sige na nga! Dahil magiging masaya naman ang pagsasama natin in the future kaya I'll let this slide."
Mabilis kong iniligpit ang inihain kong pagkain at nag-ayos na para sa trabaho ngayong araw. Once I was done with everything in our condo, naglakad na ako papunta sa pintuan at sinigurong naka-lock ang pinto.
Another day to spare.
It was our afternoon break nang maisipan kong bumaba saglit para bumili ng kape sa isang coffee shop malapit lang sa building namin.
I was about to step inside the coffee shop nang lumihis sa peripheral vision ko ang pamilyar na mukha. Kaagad ko itong nilingon at tumambad sa akin si Ashton na nakaupo sa isang bakanteng table, may kaakbay na babae.
I froze for a bit bago ako nagkaron ng lakas upang lapitan sila, habang pilit kong pinipigil ang mga luhang nagbabadyang tumakas sa aking mga mata.
"A-Ashton..." my voice broke.
Nag-angat sila ng tingin sa akin at bakas ang pagkagulat sa mukha ng lalaking hindi ko inaasahang magtataksil sa akin.
Mabilis itong tumayo at hinila ako palayo sa table nila.
"A-Ashton—"
"Let's break up."
Those words were like small daggers pierced onto my heart. I never thought that those three words would shatter me in pieces.
"N-Nagbibiro ka lang 'di ba?"
Humugot ng malalim na hininga si Ashton tsaka maingat na tinanggal ang relong bigay ko sa kanya.
"I don't deserve you. Kaya mas mabuting tapusin na lang natin ito," sabi niya tsaka inilagay ang relo sa kamay ko.
It was too much to bear that I forgot my errands. Tumakbo ako palabas ng coffee shop at mabilis na nagtungo sa restaurant kung saan ko nakita ang matandang nagpakilala sa akin bilang future husband ko raw.
Nang marating ko ang restaurant ay agad kong tinungo ang mesa kung saan ako naupo kagabi, umaasa na baka muli kong makita ang matandang nakausap ko. Muli kong pinasadahan ng tingin ang buong restaurant and unlike last night, maraming customers ngayon.
Halos 30 minutes din ang lumipas nang may isang waiter ang lumapit sa akin para ilapag ang steak with chili sauce sa harap ko.
"I didn't order for anything."
"We're given some orders po to serve you this meal," sagot ng waiter. "Tsaka po pala itong sulat, Ma'am. May nagpapabigay po."
Medyo gulantang man ay maagap kong tinanggap ang sulat at tsaka nagpasalamat sa waiter na nag-serve sa akin. Nang makaalis ito'y tsaka ko unti-unting binuksan ang sulat para basahin ang naroon.
My dearest Alyssa,
Sa mga sandaling binabasa mo ang sulat na ito'y baka wala na ako. Isang pagkakataon lang kasi ang ibinigay sa akin upang gamitin ang time machine mula sa hinaharap. And I've used mine, para makita ka.
Gusto ko lang sabihin sa 'yo na huwag kang mag-alala dahil mamumuhay tayo nang masaya kasama ang ating mga anak. Kahit alam kong malaki ang naging pagkukulang ko bilang asawa'y hindi ka napagod magbigay ng pag-intindi sa akin.
Walang araw na hindi kita hinanap mula nang ika'y mawala sa aming piling. Kung sana'y pwede lang akong manatali pa diyan nang mas matagal. Araw-araw kong ipaparamdam kung gaano kita kamahal.
Magpakatatag ka, mahal ko. Magkikita na rin tayo.
Nagmamahal,
V
Hindi ko maintindihan kung bakit may kirot akong naramdaman matapos kong mabasa ang sulat. Alam kong galing sa matandang kausap ko kagabi ang sulat na ito.
Pero paano pa mangyayari ang sinasabi niyang magsasama kami nang masaya sa loob ng 50 years kung ngayon pa lang ay pinutol na ni Ashton ang relasyon namin?
Napabuga ako ng hangin.
All those time, akala ko siya na ang para sa akin. Akala ko'y siya na ang makakasama ko hanggang pagtanda. Sa pitong taon na ginugugol ko para alagaan at suportahan siya'y napunta lang sa wala.
How much are you willing to give for the person you loved the most?
"Excuse me? Can I take this seat?"
Napatingin ako sa nagsalita pero kaagad ko rin binawi iyon at tipid na tumango. Inabala ko ang aking sarili sa pag-kain ng steak na sinerve sa akin kanina and the guy who asked me about the vacant seat in front of me, already occupied it.
"What would you like to have sir?"
"A medium rare steak with chili sauce, please."
Napaangat ako ng tingin sa lalaking kaharap ko at nang magtama ang aming mga mata ay ngumiti lang ito sa akin. He already avoided my gaze when his order got served at mas lalo pa akong nagulat when he drew a 'V' shape letter using the chili sauce from his steak.
"Miss?" Tawag niya.
Marahan akong napailing and snapped myself back to reality.
"S-Sorry!" I said. "May naalala lang ako."
Muli siyang ngumiti sa akin. Ang mga mata niya'y tuluyan nang nanikit kasabay ng pagsilad ng kanyang dimples sa gilid ng ibabang bahagi ng kanyang pisngi. And from there, I realized... Siya na nga kaya?
"I'm glad you still remember me, Alyssa," aniya. "It's great to finally meet you. I'm Valentin."
At ang huli niyang pahayag ang siyang gumimbal sa aking kamalayan, making my head spin and heart pound like crazy.
>WAKAS<
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top