Acrofyce 4: Acro Beach Resort
Ayesha's POV
Nagamulat ako ng mata ng maramdamang tumigil ang sinasakyan naming van. Papungay pungay ang mga mata kong nagmulat saka kinusot ito bago tuluyang makapag-adjust ang paningin ko.
"You're already awake sleeping beauty!" Thea exclaimed out of her lungs kaya napatakip ako ng tainga.
"Ang sweet naman ng bungad mo Thea!"I said sarcastically while removing my hands who I used to cover my ears.
"Napa antukin mo naman kasi, kanina ka pa ginigising!"sigaw naman ni Thyn na nakadungaw sa bintana ng sasakyan mula sa labas nito. Nilibot ko ang tingin at ako na lang pala ang nasa loob ng sasakyan.
"Nasa labas na sila ikaw na lang talaga ang natirang tulog."rinig kong saad ni Kiara na dumungaw din sa kabilang bintana ng sasakyan.
Ganoon ba kasarap ang tulog ko at hindi ko sila namalayan?
"May balak ka pa bang bumaba Yesha?"bumaling ako ng tingin kay Thea dahil sa sinabi nito.
"O baka gusto mong bumalik ulit sa Manila."pagkasabi noon ni Thyn ay agad akong bumaba kaya't nagsilapit naman sila sa akin.
"Tara na sa loob naghihintay na sila doon!"Kiara said with excitement. Hindi halatang excited siya. Magkakatabi kaming naglalakad papasok sa naturang resort. Nakahawak sa kaliwang kamay ko si Thyn at sa kanan naman si Thea, habang si Kiara naman sa kamay ni Thyn. Habang naglalakad kami papasok, agad nakuha ng atensiyon ko ang pangalan ng resort.
"Acro Beach Resort..." mahinang usal ko sa pangalan. It is carve on a metal habang paarko naman ang hugis nito. Kumikislap din ito kapag natatamaan ang araw na nagbibigay ng kakaibang liawanag pero hindi masakit sa mata. Marami ring taong labas pasok sa resort kaya siguradong maraming tao ang nasa loob nito.
Hindi nagtagal, nakarating na kami sa loob ng resort at agad kaming tumungo sa reception area kung saan naroon daw sila mama sabi ni Thea sa amin. Pumasok kami sa pinakamalaking gusali sa lahat ng naririto, siguro'y dito na iyong reception.
"Oh! Kiara narito na pala kayo."sinalubong agad kami nila Tita Kana, mama nila Theo at Thyn.
"Nandito rin kami mama!"maktol namang sabi ni Thyn sa kanya.
"Of course baby! I saw you."malambing na sabi ni Tita sa kanya. Nakita kong naka-upo sila Brent sa couch malapit sa receptionist habang sila Tita Sandra, mama ni Zike kasama si Mama. Siguro'y sila na umaayos para sa magiging kwarto namin.
Niyaya na kami ni Tita Kana para lumapit sa mga kasama namin. Agad akong sumalampak ng upo sa kaharap na upuan saka sumunod sila Thyn, Thea at Kiara.
"Bakit ang tagal niyo?"tanong sa amin ni Theo habang nakahalukipkip. Tinitigan naman ako ng tatlo kaya't kinunotan ko sila ng noo.
"Bakit ganyan kayo makatingin?"kinunotan ko rin sila ng noo.
"Ang sarap kasi ng tulog niya kaya natagalan kami."sagot ni Thea saka sumandal sa upuan, kasalanan ko bang masarap matulog? Tsk!
"Buti nagising ka pa Ayesha?"sinamaan ko naman ng tingin si Brent dahil sa sinabi niya.
"Sana nga hindi na."nagulat naman sila dahil sa sinabi ko. Ano na naman bang mali?
"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan Ayesha, pwede?"gigil na usal ni Kiara sa akin.
"Ikaw naman huwag ka nga ring magbiro ng ganyan! Kukutusan talaga kita!"galit na sigaw ni Thyn kay Brent kaya nagkibit balikat na lang ito.
"Anong bang pinagsasabi niyo?"hindi ko maintindihan kung bakit sila nagkakaganyan, sinagot ko lang naman iyong sinabi ni Brent.
"Are you for real Yesha?"napabangon si Theo sa pagkakasandal at gulat na tumingin sa akin.
"Sinabi ko lang naman na sana nga hindi na dahil inaantok pa ako, anong mali doon?"napamaang naman sila dahil sa naging sagot ko.
"Ikaw ang magiging dahilan kung bakit ako mamatay!"Thyn said with a heavy sigh. Kita ko ring napa-iling na lang iyong mga iba at masama namang nakatingin sa akin si Thea at Kiara. Naputol ang pagtitig ko sa kanila ng makarinig kaming nagsalita.
"Hey kids!"nakita namin sila mama na naglalakad palapit kung nasaan kami. Tumayo naman sila Zike at naglakad papunta sa amin para bigyan ng mauupuan sila mama. Gentleman din pala ang mga loko.
"Okay here's the key,"abot sa amin ni tita sa isang card.
"You should separate your rooms but we insisted to make all of you together in one room, so who will take the key?" walang sino man ang nagsalita sa amin pero bigla na lang natuon sa akin ang mga paningin nila. Don't tell me ako ang maghahawak?
"So I assume it's you Ayesha."nakangiting sabi sa akin ni Tita Lyca, mama ni Thea. Pilit akong ngumiti sa kanya habang pasimpleng sinamaan sila ng tingin.
"Ako nga po Tita."magalang na sagot ko sa kanya sabay abot ng susi.
"So paano, magpaaalam na kayo matagal tagal din tayong hindi magkikita."nakangiting sabi sa amin ni Tita Asuntha, mama ni Kiara. Napatingin ako sa gawi ni mama at binigyan naman niya ako ng matamis na ngiti. Hindi rin nagtagal nagsitayuan na kami at nagsilapitan sa sariling magulang.
I immediately approach mama with the tightest hug I can ever made. We stayed like that for a few seconds before we separate. She looked at me and a sweet smile flashed on her face while she's caressing my face.
"Mag-ingat ka dito honey okay?"mama said with a concern on her voice. I nooded at her as my response.
"I will mama, ikaw din mag-ingat ka lagi."malungkot kong sagot sa kanya.
"Don't worry about me honey, just enjoy your stay here okay?"for the second time I nooded at her.
"I will literally miss you very much honey."maluha-luhang sabi ni mama sa akin. Kahit ilang araw lang kami dito sa resort pero knowing na na hindi ko kasama si mama, it feels like a month kaya buti na lang at kasama ko ang mga kaibigan ko.
For the last time before they leave, I hugged mama again. She wiped her tears and kissed me on my forehead.
Iniwan na nila kami sa reception area at sabay sabay silang lumabas doon para umuwi na. We bid our goodbyes by waving our hands, kita ko rin na mangiyak-iyak si Thea kaya't nilapitan ko ito para yakapin kasama si Kiara. Yakap naman ni Theo si Thyn dahil mangiyak-iyak din ito, habang iyong dalawang lalaki ay tahimik lang habang tinitignan ang pigura ng aming mga magulang paalis.
Hindi nagtagal ay binuhat na rin namin ang kanya-kanyang gamit para umakyat na sa kwarto. Pumasok kami sa elevator at pinindot ang number three dahil sa third floor naka-locate iyong kwarto naming pito. Pagbukas ng elevator ay agad din kaming lumabas, nasa unahan kami Thea at nakasunod naman si Kiara at Thyn, kaya nasa hulian iyong tatlong lalaki.
Habang naglalakad kami sa bawat pasilyo ay walang nagsasalita sa amin kaya't di na rin ako nag-abala pang magsalita at dumiretso lang ng lakad habang hinahanap ang numero aming kwarto sa bawat pintuan. Hanggang sa tumigil ako sa tapat ng isang pinto dahilan para mapatigil din sila sa paglalakad. Room 112.
"Narito na tayo."nakangiti kong sabi sa kanila. I swiped the card and I heard a low crack from the door, so I hold the knob and opened the door.
Agad bumungad sa amin ang pitong puting kamang nakahilera sa magkabilang sulok ng kwarto. Nilibot ko o ang tingin ko't nakita ang isang veranda sa labas ng sliding window, mayroon ding mini chandelier na nakasabit sa ceiling sa pinakasentro ng kwarto. Mayroon ding flat screen TV at Comfort Room di kalayuan doon.
Naglakad ako papunta sa kama malapit sa veranda ng kwarto. Linapag ko ang mga kamit ko dito at naglakad muli patungo sa veranda. Binuksan ko ang sliding door and the fresh air coming from the crystal clear water surrounded by white sand and coconut trees welcomed me. Napapikit na lang ako habang dinadama ang sarap ng bawat tumatamang hangin sa aking balat, dagdag pa ang nagandang view ng beach mula dito a veranda ng kwarto namin, perfect for breakfast.
Napamulat ako ng mata ng may magsalita sa tabi ko.
"It's very beautiful isn't?"lumingon ako tabi ko't nakita ko roon sila Thyn, Thea at Kiara na nakatingin din sa dagat. Binalik ko muli ang tingin ko sa harap habang tinitignan ang bawat along humahampas papunta sa dalampasigan.
"Probably it is."napalingon na naman ako dahil sa nagsalita. Nakita kong nakasandal silang tatlo sa may pintuan ng veranda at nakatingin din sa dagat. Naglakad sila papunta sa kaliwa ko't humawak sa hawakan.
"Ang ganda sigurong mag breakfast dito diba?"tanong sa amin ni Thea. Probably yes, while watching the sun as it rise.
"Maybe we can do it tomorrow right?"suggest naman ni Kiara na ikinasang-ayon naman namin. Pansin ko ding muluwang ang veranda kung nasaan kami ngayon kaya magkakasya talaga kami.
"And we can also watch the sunrise, it is more beautiful because we're on a beach!"Thyn exclaimed with excitement. Well, she has a point naman kasi, mas maganda talaga ang sunrise sa beach or even sunset.
"I took my camera so we can also take pictures afterwards."Zike said na mas lalong nakapagpa-excite pa sa amin. Nagsi-upo kami sa mga silyang nakapalibot sa isang bilog na mesa habang tinititigan bawat isa.
"So we must have a plan kung ano ang mga gagawin natin for tomorrow, do you agree with that?"Thea is right, para hindi magkagulo-gulo lalo na at hindi naman kami pare-pareho ng gusto.
"First is we'll gonna watch the sunrise tomorrow before we take our breakfast,"Theo said.
"Next we will try the water activities!"masayang sabi ni Thyn sa amin. Pero I don't like that kind of idea, because the truth is I don't know how to swim, that's why. Hindi naman nila ako masisisi kung ganoon.
"Then the rest is bahala na!"napatawa naman kami dahil sa sinabi ni Brent. Mas masaya kasi iyong mga bagay na mangyayari ng hindi mo inaasahan pero hindi ko naman nilalahat kasi may mga pangyayari ding hindi kaayaya kapag nangyari ng biglaan.
"Bumaba tayo bilis! Manood tayo ng sunset!"yaya sa amin ni Thea kaya't wala na kaming nagawa kundi ang sumama. Lumabas kami ng unit namin at sabay sabay lumabas sa hotel na tinutuluyan namin. Nasa leeg din ni Zike and camera niya dahil pinadampot ni Thea kanina kasi tiyak na kukuha kami ng mga litrato.
Nakarating kami sa gilid ng dagat ay nagsi-upo na kami sa buhanginan. Katabi ko si Thea at sa kaliwa ko naman si Kiara art Thyn habang nasa tabi naman ni Thea iyong mga lalaki. Nilibot ko ang paningin at marami rin palang mga taong naririto ng ganitong oras. Siguro'y gusto rin nilang makita ang paglubog ng araw. Habang naka-upo kami, biglang may kumislap na bagay sa gilid namin kaya't sabay sabay kaming napabaling doon at nakita naming si Zike pala iyon. Kinuhanan kami ng litrato.
Nakisuyo na rin siya ng may mga dumadaan sa may gawi namin para kuhanan kami ng mga litrato. Marami rami rin kaming nakuha dahil sa pakikisuyo namin. Hahaha.
Hindi nagtagal ay kita na namin ang unti-unting paglubog ng araw.
"Ang ganda..."mahinang usal ni Thyn sa tabi ko. It's really beautiful, God is really creative that he was able to create this kind of scenery.
"Before this day ends my wish ba kayo? I mean wala namang mawawala diba?"we heard Kiara said while we're still watching the sunset.
"Isa lang naman iyong wish natin e diba?"sabi naman ni Brent.
"To have a happy and memorable vacation for us!"masaya naming bigkas kasabay ng mga tawa namin.
Sa huling pagkakataon kumuha kami ng litratong magkamasama habang nakatingin sa paglubog ng araw.
Sa paglubog ng araw, napagtagumpayan na naman namin ang isang araw at ang panibagong araw ay darating na naman na aming harapin. Ang gusto ko lang ay maging masaya ang bakasyon naming ito, alam ko naman sa sarili kong isa ito sa mga paka-iingatan kong ala-ala. Sana sa mga araw na pananatili namin dito'y maging memorable para sa bawat isa sa amin, maging masaya na magiging isa mga ala-alang aming pakaka-ingatan sa habang panahon. Masaya akong sila ang parte ng ala-alang ito.
To be Continued...
———
©Sage_Xrachen
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top