Acrofyce 30: Sibaian Island

Ayesha's PoV

Ngayong araw din ang alis namin sabi ni HM. Hindi ko alam kung bakit ang aga naming aalis, but knowing him, he's really unpredictable. I can't even read his mind. Oo na intruder na! Curious ako e! Naglalakad na kami ngayon papunta sa gate ng Academy, sinabi sa amin ni HM na naghihintay si Prof. Leona doon para sa pag-alis namin.

Headmaster gave us cards, larger from those normal cards. Each of them are depicting different colors, designs and symbols. Mine is purple in color match with senescent kind of style and a brain on the center part, with two swords on its background, match with different lights. It's glowing to be exact. HM gave this to us before we get out from his office, he said that this is a gift from the Acrogies. I will gonna talk to Luca about this, I think?

"Mukha bang nagbibiro si tanda kanina?"pambasag ni Theo sa katahimikan. Hindi mag rin ako kumbinsido kanina pero mukhang seryoso naman si HM kanina kaya in-absorb ko na lang lahat ng sinabi niya. Walang labis at walang kulang.

"Tingin ko nga nababaliw na si tanda e!"we chuckled in unison.

"Pano naman natin malalaman kung virgin pa ang isang rabbit? Sige sabihin niyo kung paano?"inis na sabi ni Thea. Kahit pa sabihing ako ang utal ng grupo, hindi ko rin alam kung paano.

"Crystal Egg of a Virgin Rabbit, pero diba nanganganak ang rabbit? How come na may itlog ito?"

"Everything in this world are possible, Brent. You can see creatures you won't expect that exist in this world, kaya hindi malayong mangitlog din ang mag rabbit dito."paliwanag sa kanya ni Zike.

"Hindi ka na naman kasi nag-isip. Puro si Thyn lang naman kasi iniisip mo e!"sabi sa kanya na ikina-yamot ni Thyn.

"Tumahimik ka nga kuya! Kung ano-anong lumalabas sa bunganga mo!"singhal nito kay Theo ngunit umiwas lang ito ng tingin saka sumipol. May mga bulong pa siya pero hindi marinig kaya ginamit ko ang enhance hearing ko to hear what she's saying.

"Bwisit kasi!"

Napatawa naman ako ng lihim dahil sa paulit-ulit niyang pagsabi ng ganoon. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad habang sinasalubong ang malamig na simoy ng hangin. Maliwanag na sa labas pero wala pang mga estudyante. Maririnig na rin ang mga mumunting tinig ng mga ibon sa mga sanga, kasbay ng pagsayaw ng mga puno sa hampas ng hangin. Ang presko at ang payapa sa pakiramdam ang ganito.

Hindi rin nagtagal ay natanaw na namin ang gate ng Academy, habang isang pigura naman ng isang babae ang nasa gatehouse. Si Prof. Leona iyon for sure. Noong nakarating na kami sa gatehouse ay magkakasunod naming binagsak any mga hawak na bag. Iba pa ang mga backpack namin. Hindi naman kasi namin alam kung hanggang kailan kami sa mission kaya mabuti na ang handa diba? Sabi nga nila, ligtas ang may alam. Huh? Wait mali! Sabi nga nila dapat laging handa!

Natawa naman si Prof. Leona dahil sa ginawa namin.

"Narito pa lang tayo pero nangalay na itong kamay ko! Kainis!"reklamo ni Thyn sabay unat sa kamay nito.

"The heck! Ang pangit naman tignan kung hila-hila natin ito habang naglalakbay diba? Bwisit!"segunda pa ni Brent. Napailing na lang kami dahil sa kanilang dalawa.

"Bagay nga talaga kayong dalawa, parehong mareklamo."natatawang saad ni Kiara sa kanila.

"At least bagay pa rin."kibit balikat na tugon naman ni Brent. Nakatikim naman ito ng mahinang pagsiko galing kay Thyn.

"Pasensiya na po Prof. Leona dahil sa kanila,"kamot ulo kong sabi kay Prof. Tumawa lang ito sa sinabi ko.

"Ayos lang, nakakatuwa nga kayo e."sabi nito saka ngumiti.

"By the way, here."she handed each of us a white bracelet. Tinitigan lang namin ito saka bumaling sa kanya.

"Anong gagawin namin dito Prof?"sabi na naman ni Brent. Tinignan namin siya.

"Kainin mo baka sumabog sa bunganga mo. Ayos 'yon para di ka na kumuda!"grabe naman itong si Thyn.

"E di wala ng hahalik sa iyo kapag!"tumatawang sabi naman nito at binalewala ang tao sa paligid niya. Goodness! Noong humupa ang tawa nito'y tumikhim pa siya bago magsalita.

"So ano nga 'to?"

"Really Brent? Hindi ka ba nagbabasa kapag nasa library tayo?"irap na tanong ni Thea.

"Nagbabasa ako kaso nakakalimutan ko rin e."sabi nito saka awkward na tumawa.

"This bracelet is called Peridax. You can store things inside of it by chanting a spell. This is just given to those who will take a mission as a token."paliwanag sa kanya ni Zike.

"And what is the chant?"tanong pa ulit nito sa amin.

"Pati ba naman 'yon Brent!"sigaw sa kanya ni Thyn.

"I don't know what you're doing when we are inside the library. You're sleeping with wide eyes open, I think?"Zike and Theo high five and chuckled. Nagkasalubong naman ang kilay ni Brent.

"Damn you Zike!"sigaw nito sa dalawa.

"Since all you got your Peridax, you can now put your things inside of it. Just chant 'luctana buccesa' with the name of the thing you want to get or just say it to put your things. Chant 'klossa buccesa' when you want to return the thing you used."hanggang ngayon namamangha pa rin ako dito. Ang talino ng taong gumawa nito for sure. Biltong braincells siguro ang tumatakbo sa utak niya para makagawa ng ganito.

"Go try it!"tila excited na sabi ni Prof. Leona sa amin.

"Luctana buccesa..."we chanted in unison, and a purple magic circle appeared on the top of my bracelet and also to my things and suddenly,  they're gone.

"Woah!"usal naming pinto dahil sa nagyari.

"Cool."Zike said with an uninterested tone. Hindi naman halatang cool talaga batay sa pagbigkas niya. Para siyang patay.

"Alam kong namamangha pa kayo but then, you need to go kids! Time is gold."dahil sa Peredox na ito, nakalimutan pa naming may mission kami.

"Wait! One more thing is when you are already outside of the Academy, just say cloak. You'll use it to hide your identity and for protection. Take care kids!"in just a snap she vanished. Umalis na kami sa gatehouse at pumaroon aa gate. Sabay-sabay kaming napatingala kahit hindi namin makita ang tuktok nito.

"Saan tayo lalabas?"kusang lumabas iyon sa bibig ni Thyn. Wala kasing pinto 'yong gate. Saka hindi kami dito pumasok noon. Nagising na lang kami na nandito na kaya wala kaming kaalam-alam kung paano lumabas.

"Sana tinanong natin si Prof. Leona kanina diba?"sabi pa ni Theo. Napai-isip ako bigla. The spell that I used in the Acro Fountain!

"Do you have something in mind Ayesha?"lumingon ako kay Zike. Tumango ako sa kanya bilang sagot.

"Do it, it will work. Believe me."kahit hindi ako sigurado, I silently chanted the spell.

"lüçtàña zûèa..."mahinang usal ko and out of the blue, rays of light suddenly envelopes us. I closed my eyes and when I opened it, we already outside the Academy. Cool!

"Woah!"hindi namin akalain na ganito pala ang labas ng Academy! Ang ganda! Different kind of flowers that is blooming around us and its fragrance mixed in the air. The smell is very addictive!

"Cloak."napalingon kami kay Zike ng marinig namin ang boses niya. He's now wearing a black cloak with maroon color on every edge of it.

"Cloak."sabay naming sabi at umilaw lang sandali ang katawan namin and after it, we're wearing the same cloak with the logo of our school, located  on left chest of it.

"Let's go?"usal ni Theo na ikinatango namin. Kahit maganda ang bumungad sa aming tanawin, may kailangan pa kaming gawin. Pumwesto na si Thea sa harap namin para bumuo ng isang portal.

"Saan nga ulit tayo Ayesha?"nakangiting tanong nito sa akin.

"Sibaian Island."maikling sagot ko sa kanya. Bumuo na ito ng portal sa harapan namin. Sa maikling panahon, naging bihasa na siya sa paggawa ng portal. Hindi niya ito tinigilan hanggat hindi niya nagagamay. Since suki kami ng library hindi na bago sa amin ang mga lugar na sinabi ni HM na kailangan naming puntahan para kunin ang mga kinakailangang bagay para mahanap ang Crystal Egg of a Virgin Rabbit.

Ako na ang unang pumasok sa portal. Pakiramdam ko bumaliktad ang sikmura ko ng bigla na lamang akong higupin ng kung ano. Para siyang vacuum kung humigop. Bumagsak ako sa lupa at napadaing na lang ako dahil sa sakit ng pwetan ko. Agad akong tumayo at hinimas ito. Bwisit ang sakit!

Rinig ko din ang pagdaing ng mga kasama ko kaya't nilingon ko sila.

"Bakit kasi hindi mo inayos!"reklamo ni Theo at hinihimas ang ulo nito. Siguro ulo ang unang bumagsak ng mag landing siya.

"Ang mahalaga nakarating tayo!"sagot naman ni Thea. Lahat kami ay may hinihimas. Puro mali ang bagsak namin maya nasaktan kami. Sana naman may sumalo diba? Naglakad sila palapit sa kinaroroonan ko. Naglibot kami ng tingin at na-realize naming nasa gubat pala kami.

"Nandito kaya si Tarzan?"marahas kaming napabaling kay Thyn ng sabihin niya iyon, dahilan para mapatawa kami.

"Naalog ba utak mo Thyn?"punas luhang sabi ni Kiara sa kanya.

"What if lang naman diba?"sabi nito saka sumimangot. She's cute.

"Nandito naman ako a, magiging Tarzan ako para sayo."kikindat-kindat pang sabi ni Brent sa kanya. Natawa naman ako ng umaktong parang nasusuka si Thea at Kiara. Sumipol naman si Theo at Zike.

"Huwag na! Mas mukha kang unggoy, 'yong mga kasama niya."napahalakhak na kami dahil doon. Nalukot naman ang noo ni Brent dahil doon. Umupo muna kami sa silong ng isang uri ng puno para magpahinga lamang ng kaunti, sabay na namin ang pag-uusap tungkol sa gagawin namin.

"Una kailangan nating hanapin ang Crystal Carrot,"usal ko sa kanila. Tahimik lamang silang nakikinig sa akin.

"Base sa impormasyong sinabi ni HM, makikita iyon sa pusod ng Sibaian Island at binabantayan ng isang nymph."dagdag ko pa.

"Sounds easy but it is not,"sabi ni Zike na ikinatango ko.

"Yes it is. The nymph, has different ways to deceive his targets and test before getting the Crystal Carrot."

"Kailangan lang natin manalo sa Nymph para matapos ang mission."tumango kami sa isa't isa.

"So paano? Mas mapapadali tayo kung maghihiwalay tayo, pero delikado rin dahil hindi natin gamay ang islang ito."sa pagkakataong ito, dapat kaming magsama-sama. Hindi namin alam kung anong panganib ang makasalubong namin kaya't mas mabuti ng magkakasama kami.

"Let's stick together. Mapanganib masyado kung maghihiwalay pa tayo."sumang-ayon naman sila sa suhestyon ko.

Sibaian Island is a well-known island, may mga nagtangka ng pumasok at pumunta sa lugar na ito. But then wala ng nagtangka pang bumalik. There's something inside of this Island causing them not to comeback. And I think, it's because of the Nymph. Maybe she thinks that everyone who set their feet on this Island is a threat. And from there, her ways are present, kaya mas mapanganib kung maghihiwalay kami. Mas mabuti ng magkakasama kami para mabantayan namin ang bawat isa. 

"Tara na!"yaya ko sa kanila tumalima naman sila sa sinabi ko. Naglakad na kami papasok sa masukal na parte ng gubat. Kahit nasa loob na kami ng gubat dito sa Sibaian, hindi ko pa rin mapigilang mamangha dito. Ibang-iba ang mga uri ng puno dito kumpara sa Faladius. Base sa mga nabasa ko, ang Sibaian Island ay bahay ng iba't ibang variety ng mga halaman at iba pang nilalang. Kaya hindi malayong maraming herbal na mga halaman dito at mga kakaibang mga hayop. Tumigil kami sa paglakad dahil sa pag-iba ng direksyon ni Thea.

"Saan ka pupunta?"hindi ito sumagot sa tanong sa kanya ni Theo, bagkus nagtuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad. Wala na rin kaming nagawa pa kundi ang sundan kung saan man siya pupunta.

"Hoy! Babae! Saan ka ba kasi pupunta?"umulit si Theo sa pagtawag kay Thea, pero sinamaan lang siya nito ng tingin. Saan ba kasi siya pupunta? Bigla na lamang itong tumigil sa isang halaman at malamyos nitong hinaplos ang mga dahon nito.

"This is the Caroleian Agasne, a very rare kind of herbal, used by ancient civilization in curing curse, diseases, wounds and spells."walang nagsalita isa man sa amin. She's really a great healer. She knows everything that is connected to her ability, I guess?

"And I'm very happy I got one!"nagtatalon na ito sa tuwa habang kami naman ay naiiling na lang sa kanya.

"My goodness! I didn't expect that I'm able to get one of the rarest herbal of healers!"

"Oh! Gosh! Lord Gux blessed me! I can't believe!"

Nagtinginan na lamang kami at kapwa nagkibit balikat. Hindi kami maka-relate sa nararamdaman ni Thea dahil hindi naman kami healer kagaya niya. Although alam naming importante ang halamang iyon sa kanya. Maybe, when we see something that is connected to the ability that we had, we'll react just like she's doing.

"Just get it Thea, time is Gold."nakapamulsang sabi ni Zike sa kanya. Nawala naman ang ngiti nitong bumaling sa amin.

"Oh! I forgot! Kasama ko pala kayo!"sabi nito at natatawa pa.

"Really? Nakalimutan niya tayo, just beacuse of that plant?"hindi makapaniwalang saad ni Kiara sa tabi ko.

"Unbelievable!"Thyn clicked her tounge, while shooking her head slowly. Umupo si Thea katapat ang halaman, na hanggang bukong-bukong ang taas. A cute little plant, and she manage to see it. May enhance sight din siya?

Itinapat nito ang kamay sa halaman at unti-unting nagkaroon ng berdeng magic circle dito. At pagkatapos ng ilang segundo'y unti-unting lumutang ang halaman sa ere. Namangha na lamang kami dahil sa pagbabago ng mga dahon nito, mula sa berdeng dahon ay naging pilak ito.

"Caroleian Agasne, can't easily find beacuse of it's capability to camouflage. It only reveals it's true color when someone already got it from the soil it rooted."paliwanag sa amin ni Thea habang nakatingin sa nagbabagong anyong halaman. This world is really amazing!

"Book!"out of the blue a green colored book with geriatric cravings on it's stem and ancient style on it's cover, with three leaves on the cover's center part that is green, gold and brown in color. And it's glowing with green lights. Wala kaming salitang maapuhap, dahil sa pagkamangha at pagkagulat.

"Close your mouth guys!"nabalik kami sa wisyo ng magsalita si Thea.

"The hell! When did you get that book? And where did you get it!?"eksaheradong tanong ni Theo sa kanya.

"That book isn't a normal book. It emits different aura."usal naman ni Zike. He looks so boring.

"Well, I will show it sana to you when we're on the middle of a battle. But since I found this herb, napilitan akong ilabas."bakit biglang naging conyo? Hindi ko naman naaalalang namimilipit ang dila nito e.

"This book is a gift from someone, I can use it to store different herbs and such. But my favorite part is, I can use this in a battle!"nagigiliwang paliwanag nito sa amin. Kumuha iti ng isang card mula sa loob ng libro at itinapat sa halaman. Pinapanood lang namin kung ano ang susunod niyang gagawin. A magic circle appeared on the card and it absorbs the plant. Para na siyang picture na nakadikit.

"Cool!"usal namin.

"I know right!"sabi nito saka tumawa. Isang kumpas lang ng kamay nito ay nawala na parang usok ang libro.

"Gusto ko din ng ganoon!"sigaw ni Thyn.

"Magpa-book bind ka na lang."bara sa kanya ni Brent kaya napatawa kami. Baka regalo iyon ng isa sa mga Acrogies. Baka lang naman.

After a long and long talks, we finally walk again through the woods and heading towards it's center. Doon namin matatagpuan ang bagay na sinabi sa amin ni HM, na kailangan naming makuha. Mataas pa ang araw kaya't may oras pa kaming makarating doon, o makahanap ng ligatas na lugar para magpalipas ng gabi. Sana lamang ay makuha namin agad para mas mapadali ang mission namin. This is our first ever mission that's why we don't want to fail.

We can do this!

To be continued...

———
©Sage_Xrachen

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top