Acrofyce 28: Class System

Ayesha's PoV

Madaling natapos ang lunch break namin at agad din kaming bumalik sa silid aralan. Kasama naming pito ngayon sila Shaia. Sama-sama na kaming pumunta kanina sa cafeteria dahil iisa lang naman ang pupuntahan namin. Nagmadali lamang kaming kumain para makarating sa room ng mas maaga. Masyadong kaming nawili sa mga sinabi ni Sir Prime kanina, at mas ginaganahan pa akong malaman ang susunod niyang tatalakayin mamaya.

"I'm getting curious about Prof,"napabaling kami kay Theo ng magsalita ito.

"Ako din naman. There's something wierd about him."sabi naman ni Thea. Basically, they had a point. Masyadong wierd si Sir Prime, nakakainis lang kasi dahil pa suspense siya. Gustong-gusto ng isip kong malaman iyon pero wala akong choice.

"Naguguluhan pa rin ako kung buhay ba talaga si Laganor e!"maktol ni Shaia.

"If he's still alive, then a second Acro Blood War may come." Zike said in a monotone voice. He's right, a second Acro Blood War might come and we  can't do anything about it. Hindi namin iyon mapipigilan kung iyon ang nakatakdang mangyari. Ang tanging magagawa lang namin ay ang harapin na lamang ito.

"But I'm still hoping that he already vanished in this world."they all nodded as I said those. This world deserves peacefulness just like what every creatures wanted this world to be.

"Itigil niyo na nga 'yan baka mabaliw na kayo kakaisip kung buhay ba siya o hindi."

"Hindi ba at nagtitipid ka? Bakit dumaldal ka pa?"bara sa kanya ni Thyn. Ginatungan naman ito ni Kiara.

"Mukhang marami kang maiipon Brent ha!"nagtawanan naman sila dahil sa pag-ismid ni Brent.

"Sa dami naman kasi ng sasabihin mo kanina, puro bulok pa lumabas sa bunganga mo!"nakatanggap naman si Brent ng batok kay Thyn.

"Ayaw mo ng ganoon Thyn? Ipinapangalandakan niyang sa kanya ka?"mapanuksong sabi ni Thea. Hindi naman iyon nakaligtas sa pandinig ni Thyn.

"Oo nga naman Thyn diba?"segunda naman ni Shaia.

"Calper ipangalandakan mo nga rin itong si Shaia, at ikaw kuya ipangalandakan mo nga itong si Thea!"parehong nagkatinginan si Thea at Shaia dahil sa sinabi ni Thyn.

'Gosh! Nakakahiya!'

'God! Kainin nawa ako ng lupa!'

Natawa na lang ako dahil sa mga pumasok sa mga isip nila.

"Bakit na naman kami na isali?"pagtugon ni Theo.

"Nanahimik na nga lang ako dito e."sabi naman ni Calper. Umirap lang sa kanila si Thyn, halatang walang mapapala sa kanila.

"Tanggapin mo na lang kasi, mamahalin naman kita e. Hindi ko kayo gugutumin ng mga anak nati—"

"Titigil ka ba o gusto mong hindi ka na maka-alis sa kinatatayuan mo ngayon? Mamili ka!"napatahimik na lang si Brent dahil sa banta ni Thyn.

'God! Please made him stop! I can't take it anymore!'

Hindi ko mapigilang mapatawa dahilan para mapatingin sila sa akin. Otomatikong naningkit ang mata ni Thyn sa akin.

"Don't you lie Ayesha!"sabi nito sa akin.

"What? I didn't do anything."painosente kong sabi sa kanya. Mas lalo namang naningkit ang mga mata nito.

"Ayesha!"impit na sigaw nito at tumakbo patungo sa gawi ko. Natatawa naman akong tumakbo palayo sa kanila. Alam naman nila kung saan sila pupunta kaya bahala na sila.

"Humanda ka Ayesha!"sigaw ni Thyn sa likod ko. Paglingon ko'y nakita ko ding sumunod na sa pagtakbo sila Thea. Hingal akong tumigil sa harap ng silid namin kasunod si Thyn. Bigla na lamang lumitaw silang lahat sa likod namin. 'Teleportation' usal ko sa isip ko.

"Ang bilis mo namang tumakbo! Kambal ka ba nila Jim?"natawa naman sila dahil doon. Binuksan namin ang pintuan at sabay napadako ang tingin namin sa harap.

"You're too early for tomorrow,"awkward kaming ngumiti kay Prof bago dahang-dahang pumasok sa silid.

"Akala ko hindi tayo mahuhili e!"bulong ni Zike sa amin. Lihim kaming napatawa dahil doon.

"Baka may balak kayong umupo, diba?"sarkastikong sabi sa amin ni Prof.

"Salamat tanda!"sigaw ni Calper dahilan ng pagtawa. I can't believe Prof is being like this.

"Huwag ka ng kumuda ng kumuda pa Calper! Umupo ka na nga lang!"sigaw naman sa kanya ni Prof na nagpasidhi ng tawanan. I really like the vibe, seriously.

Nagsisunuran na kami habang napapa-iling na lang kami dahil sa kagagawan din namin. Sino ba naman mag-aakalang sa napaka-aga naming pagbalik dito mula sa canteen ay mas maaga pa pala si Prof. Siguro most punctual siya noong kapanahunan niya. I'm so brilliant! Hahahaha!

"Okay settle down and contain your laughs. Masama ang sobrang pagtawa baka hindi mo na magawa pa sa susunod."

"Grabe ka naman Prof!"sigaw ni Gear habang nilalaro ang bolang kuryente sa kamay nito.

"Sumpa ba 'yan Prof?"segunda naman ni Vare. Iniayos naman ni Prof ang salamin nito bago sumagot. Hobby niya ba ang pag-ayos sa salamin niya?

"Shut up you two and settle down, you're delaying the discussion."sabi nito. Natawa lang ang dalawa bago sumunod sa sinabi ni Prof. Naging tahimik na ang buong silid. Sir Prime cleared his throat before speaking.

"Thank you Lord Gux, I felt peaceful even in just a few seconds."Sir Prime uttered while his eyes are close, followed by a deep sighed. When he opened his eyes, he's a little but shock.
Nakalimutan ba niyang kasama niya kami? Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa amin.

"What's with that look?"he asked us, as if he doesn't have any clue.

"Are you really asking that question Prof?"tugon naman ni Castil. He's a shifter.

"Yes, absolutely!"he fixed his eyeglass again. Rinig ko ang buntong hininga ni Zike kaya napalingon ako sa gawi niya. Nakangisi ito at iiling-iling.

"You look so stupid a while ago Prof, that's the fact."walang prenong sabi ni Zike sa kanya.

"Hindi ka man lang nagpreno, gago!"sabi sa kanya ni Brent.

"I don't use break, either."pagsagot nito na ikina-ismid ni Brent. Natatawa na lang ako sa isip ko.

"I appreciate your honesty Mr. Creepy,"napatawa naman kami dahil sa sinabi ni Prof. Saan naman kaya niya nakuha iyon? Hahaha!

"You're too loud Prof, you're delaying the discussion."mas lalong nagkaroon ng malalakas na halakhakan dahil sa pagsagot ni Zike. Pati rin sila Thea, Thyn ay Kiara dahil doon.

"Bwisit ka Zike! Nanahimik ka na lang sana!"naluluhang sabi ni Vien kay Zike.

"This section will be the death of me!"natatawang sabi ni Prof sa amin. Siyempre dahil mabubuti kaming istudyante, sasagot kami. Hahaha!

"Don't worry Prof, sasama kami sa lamay."sabi ni Zoie. Naiiling na lamang si Prof dahil sa mga mabubuti niyang mga istudyante.

"Okay, enough let's get into the discussion."unti-unting nawala ang maingay na tawanan ng sabihin iyon ni Prof. Isa iyon sa nakakabilib na katangian ng Section M. Kung oras ng asaran at kulitan makikipag-sabayan siya, pero kapag oras na ng diskusyon, ay seryosohan na. Kahit na ang kukulit at pasaway sila, o kami, marunong din naman magseryoso.

"Now, we'll discuss the Class System of our Academy,"base sa mga nabasa kong libro doon sa library, the Academy consist of Six Class.

"Who can recite the first class?"agad nagtaas ng kamay ang ilan sa mga kaklase namin. Alam ko namang alam na nila kung ano ang Class System sa Academy but still they need to answer.

"Yes, Thea."biglang tumayo si Thea na nasa tabi ko. Suki rin siya ng library noong mga panahong wala pa kaming ability kaya alam kong nabasa na niya ang tungkol dito.

"The first class is called the Class A or also known as Sen. They are the class who can't control their abilities, or in short they are the newbies. They have the average lever from 1-20."she recited and after it she immediately sat on her chair.

"Very well said Thea. Class A or the Sen Class is the newbies, they are the student who just previously discovered their abilities. They belong to the lowest section with an average Level of 1-20, just like what Thea said."paliwanag ni Prof sa amin. So basically it depends on the level how a student improves. It's very convenient for the student, para malaman nila kung nag-iimprove ba sila o hindi.

"The next class is the Class B, also known as Hora Class. This is the class wherein, the students from Class A are being accelerated if they can barely control they abilities and reach the average level form level 21-50."nagtaas ng kamay si Theo.

"Yes Theo?"tumayo ito saka tumikhim bago magsalita.

"How can a student be accelerated,  aside from they can barely control their abilities?"maybe a practicum? Or a practical exams? I don't know.

"Nice question Fire boy,"napaismid naman si Theo dahil sa sinabi ni Prof. Hindi na ako magtataka kung Air boy ang tawag niya kay Brent.

"There are ways for a student to level up and be accelerated from his or her current level. They can have practicum or practical exam scheduled by their Professors. They can also participate in the leveling activities that happens annually, it serves as a stepping stone of every student to strive more for them to control their power before the leveling."that sounds great! I didn't know there's such thing called leveling here in the Academy.

"And when is the next leveling Prof?"Vien suddenly asked. Sir Prime think a few seconds before answering.

"The faculty of the Academy didn't talked about it right now, maybe well announce it next week."pagsagot nito. I can't believe we'll able to witness the leveling!

"That leveling sounds good!"tila excited na sabi ni Thyn.

"Sinabi mo pa Thyn. I can't wait!"segunda naman ni Kiara. Mukhang katulad ko rim silang nasasabik para sa leveling.

"Sir I do have a question!"

"Spill it Gear."tanging usal ni Prof. Tumayo si Gear bago magsalita.

"Is there a connection between the acceleration of level to how strong the technique that the player used?" If he is talking about the leveling, maybe theres a connection. Siyempre everyone will show what they've got and that includes showing their techniques and such.

"Of course Land boy, there's a connection,"napa-irap na lang sa hangin si Gear dahil sa sinabi ni Prof.

"Kung gaano kalakas ang technique na ginawa ng isang manlalaro, mas malaki ang tiyansa nitong mapataas ang lebel niya. Nakasalay sa lakas ng kalahok ang kahihinatnan ng lebel nito."paliwanag no Prof sa amin. So kailangan ng matinding training ang bawat kalahok na sasali sa leveling. That is their chance to showcase their power and their eagerness to level up. Kung ganoon, matinding training ang kinakailangan upang makagawa ng malalakas na techniques. Hindi naman kasi pwedeng instant lang na gumawa ka ng techniques without a proper training. It can cause  destruction to others, and worst to yourself. Madali ding maubos ang stamina mo kung wala kang sapat na training. For sure, puspusan ang magaganap na training kapag naianunsyo na kung kailan gaganapin ang leveling.

"Okay if there's no question, let's now proceed to Class S also known as Caia. In this class, those who can control their abilities well and in the stage of improving it and making stronger techniques. Their level is from level 51-70." paliwanag ni Prof. Hindi na rin siya nagtawag pa ng magre-recite at siya na lamang ang umako. Mas mapapadali rin kasi kapag siya na lang.

"The next class is the Class SSS+ or the Soffir. In this class, students can now fully control their abilities and they are now able to accept missions and such. Their level is level 71-90."

"Cool! They can accept missions!"usal ni Vien.

"Akala mo naman hindi ka nakakatanggap ng mission!"sigaw sa kanya ni Minx.

"Ang boring nga dahil wala pa tayong mission hanggang ngayon e!"reklamo pa nito.

"Just wait for the right time Kuryente boy, but for now let's get into the main topic."halos mapamulagat naman ni si Vien.

"Kuryente boy!? Damn! Prof naman ang gwapo ng pangalan ko!"maktol nito dahilan para mapatawa kami.

"Shut up kuryente boy!"wala ng nagawa pa si Vien kundi ang manahimik na lang.

"This is the much improve version of the class lower than it. They can also received and accept missions if they wanted to but more stronger than the Soffir. They are the Cosmos Class or the Class SSS+. Their level is from level 91-97."napuno ng tikhiman ang buong silid.

"But their level can't exceed to that  and no one in the history of SSS+ exceeded to level 97."ngunit kahit na ganoon, mga nagsisi-ubo at tikhiman pa rin sila.

"Oo na! Oo na! Kayo iyon!"parang pilit pang sabi ni Prof sa kanila.

"I forget that the Class SSS+ is with us."mahinang usal ni Zike.

"Ako nga rin e, akalain mo 'yon ang sosyal ng pangalan nila? Cosmos it sounds very premium."napailing naman kami dahil kay Thyn.

"Nilaklak mo na naman 'yong milo say ref kagabi, no?"umiwas ng tingin si Thyn.

"I knew it!"Brent hissed.

"Dahil sa pag-uugali niyo napagkakamalan ko kayong Sen at hindi Cosmos."inayos ni Sir Prime and salamin nito at pinatong ang kamay sa mesa.

"Grabe ka naman Prof!"

"Oo nga!"

"You're childish but I know behind your childish attitude, you're strong within."makahulugang sabi ni Prof.

"Yes naman! Nakaka-iyak Prof!"

"Prof! I love you!"

"Mahal ka namin Professor Primo!"

Sigawan nila na nagbigay ng maliit ma ngiti sa mga labi ni Prof. He's happy I know.

"And for the last, they are the class of the chosen students. They are the  students who receive the blessing from the God and Goddess or also known as the Acrogies, their inheritors. This is the class who are more trusted to do missions and such than the other classes, and that is because they're the mightiest among all classes. The Mythical Class with a power level of 98—100+. " all of their eyes locked on the seven of us. Bigla na lamang akong nailang dahil doon.

"Tigilan niyo nga 'yang pagtitig niyo! Nakaka-ilang kaya!"singhal ko sa kanila dahilan para mapatawa sila.

"The seven of you are the mightiest among the students here on the Academy, and because you're the inheritors,"tumigil ito at tumitig sa amin. He smiled creepily.

"You're the ace of our School like those aces of another school has."feeling ko na pressure ako dahil sa sinabi ni Prof. Parang ang taas ng tingin nila sa amin, ang taas ng expectations nila sa amin at siyempre hindi ko maatim mabigo sila.

"Nakaka-pressure naman!"sabi ni Thea at umirap.

"We never act superior than anyone because in our eyes all of us are equal."Zike said.

"Hindi porket sinabi nilang mightiest e, iiwasan niyo na kami. Hindi 'yon pwede!"sabi pa ni Thyn.

"We're family now, and even though we don't have the same Class, it will never affect our relationship."Brent said in a monotone voice.

"They are right we never asked for this that's why we don't gave the right to abuse our position."sabi pa ni Theo habang kamot ulo.

"Kung paano niyo kami nakilala, ganoon kami hanggang say huli."si Kiara naman ang nagsabi noon. Lahat ng sinabi nila ay pawang katotohanan. Walang palya at sakto.

"You're too humble,"bigkas na mga salita ni Yuca.

"Yes we are because, this is us."I proudly say. Hindi naman kami mayabang at ipinapangalandakan na nakakataas kami o mas may otoridad kami kaysa sa iba. We never wanted this, that's why we don't have the right to be boastful.

"Remember that you're not just classmates, you're more than that."Prof said to us with a slight smile on his lips. We all nodded at him. From now on, we'll build a family. Pamilyang hindi maghihilahan pababa kundi sama-samang aangat at walang maiiwan.

We will build a family and not just a section higher than others. We will make a family, wherein no one will be intimidated in interacting to one another. Iisa kami, kapit-bisig at salamamin ng iba sa iba't ibang aspeto.

We're Section M, a family.

To be continued....

———
©Sage_Xrachen

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top