CHAPTER 5

CHAPTER 5

Walang matigas na tinapay sa mainit na kape.

Mapapaamo ko rin si Heaven. At kapag napaamo ko na siya ay sisiguraduhin kong makukuha ko ang pinakamatamis niyang "oo".

"Huwag ka nang umasa na papatulan ka ni Heaven, Micaller. Hindi 'yon pumapatol sa mga babaero."

Binato ko ng chips si Sid.

"Utot mo, Isidoro! Inggit ka lang kasi ako may pag-asang sagutin ni Heaven pero ikaw wala nang pag-asang balikan ng ex mo kasi tarantado ka raw."

"Gago! Ano'ng hindi babalikan e kami na nga ulit. At binalikan niya ako kasi mahal na mahal niya ako, samantalang ikaw umaasa ka lang na magugustuhan ka ni Heaven kahit na wala ka naman talagang pag-asa."

"Ulol! Magugustuhan niya rin ako, makikita mo. At puwede bang 'wag mo siyang tawaging Heaven? Ako lang ang may karapatang tumawag sa kanya ng gano'n. You can call her Cachelle if you want but not Heaven. Tss."

Tumawa si Elliot sa sinabi ko.

"Pft! Possessive amputa! Hindi bagay sa 'yo, Micaller! Para kang timang!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Actually, ipinagdarasal ko na sana ma-in love na rin si Elliot para makaganti na ako sa kanya. Kapag nangyari 'yon, gagawin ko ang lahat para maranasan niya namang umiyak kahit isang beses lang sa buong buhay niya maliban noong basa pa ang kanyang diaper.

I grinned inwardly. I can't wait for that day to happen.

"You look idiot, Micaller. Stop grinning. Tss."

Napatingin ako kay Theo. Akala ko hindi siya nakikinig sa usapan namin. Abala kasi siya sa kadudutdot ng laptop niya. Tiyak na sinusubaybayan niya na naman sa GPS ang mga pinupuntahan ni Arianne. Adik ang amputa.

"Kung makaasar kayo sa 'kin parang hindi ko kayo tinulungan sa mga babae n'yo. Mga hangal! Muntik pa akong mamatay no'ng niligtas natin si Arianne mo. Tss."

Actually, ikakasal na si Theo sa susunod na linggo. Kaka-propose niya lang kay Arianne noong nakaraang linggo. Sa aming lahat, siya ang pinaka-advanced mag-isip. Hindi pa man kasi nakapag-propose kay Arianne, nakahanda na ang simbahan para sa kasal nila.

"Ang weird mo kasing ma-in love, Micaller. Bakit ka pumayag na magkaroon ng bukol sa noo? Pft!"

"Pakialam mo? Atleast noo lang ang nasaktan, hindi ang puso. Eh, ikaw, 'di ba iniyakan mo si Serenity?"

"Shut up, dumbass!"

Binato ako ni Sid ng chips. Tanginang mga ugok na 'to. Lakas mang-asar pero mga pikon. Buti pa ako, kahit nagkabukol sa noo hinding-hindi susuko. Mapapa-ibig ko rin ang babaeng may pusong-bato.

Pero—shit! Ramdam ko pa rin ang takong ng sapatos ni Heaven sa noo ko. Napaka-amasona talaga ng babaeng 'yon. Nayurakan tuloy ang perpekto kong mukha. Pero okay lang, guwapo pa rin naman ako, 99.99% na nga lang, tangina.

Nagpahinga muna ako ng isang araw sa pangungulit sa kanya. Baka sa susunod hindi lang bukol ang aabutin ko sa kanya kundi black-eye na. Kung alam ko lang na babatuhin niya pala ako ng sapatos, nagsuot sana ako ng helmet. Tsk!

"Siguraduhin mo lang na hindi mo ako nanakawan ng matinong empleyado, Micaller. Do not interrupt Heaven when she's working—"

"Cachelle for you, Montreal. Heaven is only reserved for my mouth. Not you, you, and you! At kahit sinumang demonyo!" Tinuro ko sila isa-isa.

"Damn, whipped..." bulong ni Sid. I glared at them.

"Lumayas ka na nga, Micaller. Huwag kang magkakalat ng katarantaduhan sa teritoryo ko. "

"Tae mo, Montreal. Ang yabang-yabang mo porke't ikakasal ka na. Tss."

Tumayo na ako sa couch. It's actually weekend kaya naisipan kong dumaan dito sa mansyon ni Montreal. Sinubukan ko siyang kumbinsihin na ibigay sa akin ang address ni Heaven pero hindi niya talaga ibinigay. Wala talaga siyang balak na tulungan ako sa babaeng gusto ko. I wonder why.

"Miss Pantino is not just an ordinary flower that you can pick from the garden once you like it. You need to grasp the thorns before you can have her. Work your ass off, Micaller."

Ang seryosong mukha ni Theo ay nagpatigil sa 'kin. I gave him a mysterious smile. I knew exactly what he meant.

"Fine, kung ayaw mong ibigay sa akin ang address niya, aalamin ko 'yon sa sarili kong paraan."

Tinalikuran ko na sila. Rinig ko pang kinantiyawan ako ni Elliot. Tanginang Madrigal. Sana tumagos sa likod niya ang pana ni Kupido nang makaganti na talaga ako.

...

LUNES. Napag-isipan kong simulan ang plano kong alamin ang inuuwian ni Heaven. Kapag nalaman ko na ang address niya ay mas madali na sa aking dumiskarte sa panliligaw sa kanya. Mas maganda siguro kung pati ang pamilya niya ay pormahan ko. Sabi kasi sa nabasa ko kagabi sa internet, mas madaling makuha ang loob ng mga babae kapag ma-effort ka pati sa pamilya niya.

"Ang aga mo naman umuwi, anak. Napapadalas din ang absent mo sa trabaho. Ano'ng pinagkakaabalahan mo?" puna ni mommy pagkababa ko ng hagdan.

"Mom, I will tell you kapag sigurado na ako." I winked at her.

"What? Don't tell me 'yong babaeng nililigawan mo ang dahilan. Elliot told me last week na totoong may nililigawan ka. At siya ang dahilan kaya nagkabukol ka sa noo."

Aish! Tanginang Madrigal na 'yon, babaero na nga tsismoso pa. Napaiwas ako ng tingin kay mommy. Pa'no kasi bigla siyang ngumiti na parang nang-aasar.

"Mom, huwag ka nga magpapaniwala kay Elliot. Alam mo namang sinungaling 'yon."

"Anak, hindi naman nagsisinungaling sa 'kin ang mga kaibigan mo, sa 'yo lang. At saka huwag mo nang i-deny, okay lang naman. I'm starting to like this girl you're into. Kailan mo ba siya balak ipakilala sa 'kin? I'm excited!" mom squealed.

Napangiwi ako.

Tangina talaga. Kailangang mapasagot ko si Heaven, kung hindi habang-buhay akong aasarin ni mommy. Saksakan pa naman siya nang bungangera. Baka ipamalita niya sa buong village na nabasted ako. That's hilarious! Tiyak na kakantiyawan din ako ng mga babaeng binasted ko noon. I bet, sila ang pinakaunang matutuwa.

"Mommy, huwag ka nang makulit. Makikilala mo rin siya. 'Tsaka hayaan n'yo na ako sa diskarte ko. Wala pang babaeng tumanggi sa kaguwapuhan ng anak mo."

Ngumiwi si mommy.

"Anak, guwapo ka nga pero huwag masyadong confident, ha? Hindi lahat ng babae na-a-attract sa kaguwapuhan. Minsan, mas una nilang tinitingnan ang ugali mo. Baka mamaya umuwi kang luhaan, magpapa-press conference talaga ako."

Pumalapak pa si mommy sa ere.

"What the fuck!"

"Levi, ang bunganga mo!"

"Aish! Mommy naman! I thought you're supporting me? Anong klaseng ina kayo? You're supposed to be my number one fan!"

"Naku, hindi mo na kailangan ng fan, anak, nasobrahan ka na ng hangin, eh."

The hell? I walked out. I really can't believe this. I feel like the world is against me. Tss.

"Anak, huwag mong kalimutang isara ang zipper mo, baka mamaya 'yan ang unang masapatos ng nililigawan mo kapag nakita niyang namimintana ang mga itlog mo!" pahabol na sigaw ni mommy.

Napatigil naman ako sa paglalakad at napatingin sa harapan ko. Shit! Bukas nga ang zipper ko!

Pagkatapos kong maisara ang zipper ko ay mabilis akong lumabas ng bahay at tinungo ang kotse ko. Pabalibag akong pumasok.

Nang tuluyan akong makalabas ng village ay dumireto ako sa labas ng Montreal Estate. Sinakto kong uwian na para masundan ko pauwi si Heaven. Ito lang ang tanging paraan na naisip ko para malaman ang address niya. Naisip ko ngang mag-hire na lang ng private investigator kaya lang naisip kong masyadong maganda si Heaven, baka pati ang private investigator ay magkagusto sa kanya. Ayaw kong makabasag ng mukha.

Pasado alas singko, saktong naglabasan ang mga empleyado sa opisina. Ang tanging nasabi lang sa akin ni Montreal ay nag-co-commute lang pauwi si Heaven. May mga dumadaan kasing dyip sa highway malapit sa Montreal Estates.

Mga trenta minutos ang lumipas bago ko napansing palabas na ng lobby si Heaven. Hindi ako lumabas ng kotse. Tinted din ito kaya hindi niya ako makikita sa loob.

There she is. She's wearing a black fitted skirt matched with a royal blue blouse. Thank God she's wearing a blazer. Ayaw kong ma-expose sa iba ang makinis niyang balat.

Nakita kong naglakad siya palabas hanggang sa gilid ng highway. Pinara niya ang unang jeep na dumaan. Agad kong pinasibad ang kotse at sinundan iyon.

It took 15 minutes before she got off the public jeepney. Saka ko lang din napansing nasa harap kami ng ospital na pagmamay-ari ni daddy.

What the hell?

Agad kong ipinarada ang kotse at dali-daling umibis dito. Iniwan ko na muna ang mga dala kong bulaklak sa loob saka sinundan siya.

I saw her talked to the information desk officer then she went straight to the restroom. May bitbit siyang paperbag mula pa kanina sa Montreal building.

Bigla akong nagtago sa gilid nang bahagya siyang lumingon.

Naramdaman niya kayang may sumusunod sa kanya?

Pinalipas ko muna ang ilang segundo bago muling tiningnan siya. I saw her entered the restroom. Naghintay ako sa labas. I wore my aviators para hindi agad ako makilala.

After almost fifteen minutes of waiting, hindi ko pa rin nakikitang lumabas siya. Halos lahat ng mga pumasok ilang minuto ang nakalipas ay lumabas na. I sighed.

Tumae ba siya kaya natagalan?

But my questions were answered when I saw a familiar figure exited the restroom. My eyes went wide.

Si Heaven, nakapang-madreng kasuotan!

What the hell is she doing?

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top