"ψ(`∇')ψ

Ever felt like your life isn't yours to control with?

"Wear this dress darling this one suits you.Wag mong isuot ang cheap jeans na yan."

Na para bang wala kang lakas na kontrolin ang mga bagay.

"Sa susunod wag ka nang kumain nang unhealthy beverages and foods.It will ruin your figure.Pano ka magugustuhan ng mga mayayaman nyan?"

Just be controlled like a human puppet.


"Wag ka nang sumama sa mga mahihirap mong kaibigan at puro lang sila mga hampaslupang manggagamit,naintindihan mo ba xane?."

Everything must be perfect.All must go according to plan.

All my life i kept nodding in agreement, a yes-girl.I could never say no to my parents.Our home is a prison.My life is always behind the imaginary bars and walls that they place around me.Its difficult to breathe.Every decision made wasn't my choice.

"Xane darling.This is Ryuiko,she's going to be your husband when you graduate this year.Isn't it darling?"

I am a puppet.A slave to my parents wishes.A yes-girl that could never refuse.A robot made to serve.All my life...thats just me.

"Xane,nice to meet you"binigyan ko ng maganda at pekeng ngiti ang lalaki.Nag-nod lang ito.

"The 'Arranged Marriage' will happen on fourth day of May.Isn't it honey?"paglalahad ni dad.There's no escaping this marriage.I could never say no.

"Yes,hon.That's right,Ryuiko here is the son of the biggest clients that invested in our company."Money does control everything.

Seryoso akong tinignan ni 'ryuiko'.

"Darling...xane i think iiwan na muna namin kayo para makilala nya ang...isa't isa.Halika na honey."sabi ni mom at kasama si dad na lumabas sa living room.Naiwan kami ni ryuiko...ang lalaking sapilitang ipapakasal sa akin.

"Ako si Xane Dela Vega, and you're Ryuiko Walters,right?"pagtatanong ko.

Seryoso lang syang nakatitig.Maya maya ay nag-sip ito ng kape na nakahanda sa table.

"We're not getting married.I already love someone.Tell your parents to cancel the engagement."

I could never say no.

Hindi nya maiintindihan.I could never say no.I was made to obey orders and not disobey them.All my life...all i could do is say yes and agree.

"Hindi ko magagawa yan.As much as i dont want to.Everything must go according to plan."

Tumayo ito at lumabas ng living room kung saan naroon ang parents nya na sina Mr. at Mrs. Walters.Then there was shouting outside na parang may nag-aaway.

Inubos ko ang darjeeling tea at saka nakinig sa may pintuan.Nag-aaway sina ryuiko at ang ama nya.He pinned his father on the wall.Ang mukha nito ay galit na galit.

"Hindi ako magpapakasal sa kanya dad! Hindi mo ba naiintindihan?! May mahal na ako at si Eiya yun! Narinig mo ba ako dad? Mahal ko sya!"at niyugyog nya ang ama nya sa bawat pagbigkas ng mga salitang yon.

Malakas na hinawakan ng ama nya ang kanyang kamay at inalia ito mula sa pagkakahawak.

"No son.It's my final decision and there's no changing it."

Nag-walk out siya at malakas na isinara ang pintuan sa hallway na yun.

Dumaan ako sa backdoor at sinundan si ryuiko palabas.Narinig ko syang may kinakausap sa phone.

"Eiya,hindi ko kayang magpakasal sa babaeng yun.Ikaw ang mahal ko at ikaw lang ang pakakasalan ko."

Nag-uusap sila ng 'eiya' na sinabi nya kanina...ang babaeng mahal nya.

"Ikaw lang ang mamahalin ko.It's just me and you baby, me and you.Magtanan na tayo,please.While there's still time.I will--"

Natisod ako ng bato sa pinagtataguan ko kaya natumba ako.Naputol ang tawag nya at agad na tinulungan ako.

"Bakit ka ba nakikinig sa usapan ng may usapan? Hindi mo dapat nalaman yun.Magsusumbong ka hindi ba?!"sunod-sunod na reklamo nito.

Hindi ko alam pero bumagsak na lang ang mga mainit na luha na matagal nang hindi bumabagsak.Ang emosyon na matagal kong tinatago.

"Hindi mo naiintindihan.Did you ever feel like your life was nothing that that of a puppet? Hindi ka makapagdesisyon dahil kontrolado ka ng iba? All my life sunod-sunoran ako sa mga bagay kahit hindi ko gusto.I wanna make a decision by myself.Now please,let me tell you...how can i help?"tumutulo pa din ang mga luha ko at hindi ko na ito pinigilan pa sa pagbagsak.

He looks shocked.Kumuha ito ng bandaid at inilagay sa nasugatan ko palang kamay nang bumagsak ako sa lupa.

"Magtatanan kami ngayong gabi alas ocho ng gabi.Hindi tayo dapat ikasal."walang pag-aalinlangan nitong sabi.

Tinawagan nitong muli si 'eiya'.Nanatili akong tahimik at naupo sa bato na nasa lupa at nakinig sa kanilang pag-uusap.

"Hello? Eiya? Magtanan na tayo...alam kong nakikinig ka.Alas ocho ng gabi mamaya...hihintayin kita.Nag-set na ako ng flight papuntang paris.K-kung hindi ka darating ay a-alam ko a-ang i-ibig sabihin nito.Mahal na mahal kita,baby."

"Mauna ka na sa airport.Ako na ang bahala sa pagsundo sa kanya...alamin natin kung papayag nga ba sya o hindi.Yang lang ang ...ang maitutulong ko."sabi ko.

His gaze softened.

"Salamat.Aalis na ako at maghahanda habang may oras pa.Xane...salamat."

Umalis na ito.

~~~~~

Mga ilang oras ang lumipas ay nakasakay na si Eiya sa sasakyang kong itim.At pinaandar ko na ang sasakyan.

Napakaganda ni eiya at napakabait.Isa syang anghel sa tingin ng lahat ng tao sa lugar namin.

"Xane...salamat at tinutulungan mo kami."Binigyan nya ako ng isang napakatamis na ngiti.Tumugon din ako ng isa ding ngiti.
 

"Walang anuman yon.Anong oras na pala?"

"Ah...7:55 na pala.Kanina pa siguro naghihintay si ryuiko."

Ilang minuto at dumaan na kami sa gubat.

"Uh...xane.Hindi naman ito ang papuntang a-airport eh.Naliligaw na ata tayo? Xane...?"

Tinignan nya ako mula sa salamin sa sasakyan at tila nagulat ito ng nakita nya akong nakangisi.Inilabas ko ang kutsilyo sa compartment ng sasakyan at pinababa sya.

"Ngayon eiya...run!"nakangisi kong sabi.

Nahintatakutan itong tumakbo pero nang medyo malayo ito ay sinunod ko sya at inundayan ng saksak.Napahiyaw ito sa sakit.

"R-ryu-ryuiko...m-mahal n-na mahal k-kita...p-pa-pasensya na at h-hindi n-na ako ma-m-makakarating..."

Ilang saksak pa ang ginawa ko bago sya nawalan ng hininga.

Tinignan ko ang oras sa relo nito.

7:59 pm.Isang minuto na lang at alas ocho na ng gabi.

Mukhang hindi na matutuloy ang flight nyo papuntang paris,juliet.Hanggang ngayon ay hinihintay ka ng iyong pinakamamahal na romeo sa airport.Sagabal ka kasi sa plano ng mga magulang ko eh.

Nagpalit ako ng damit at iniwan ang katawan nya sa gubat.Pasensya na Eiya...Hindi pwedeng masira ang plano.

As my parents say...everything must go according to plan.

*****Lime is Evil******




(☆^ー^☆) ang cute kasi ng story kinilig ako haha.
“ψ(`∇´)ψ

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top