UNO

CHAPTER 13

UNO'S POV

Hindi ko alam bakit ayaw niya magising, lagi niyang kinakamot ang lalamunan niya na parang may gustong itanggal parang gusto niyang mawala. Napag-alaman namin isang uri ng lason ang nasa engkantasyon ng Salamangkerong yun.

"Walang nakalagay dito kung paano tanggalin ang Engkantasyon" sabi ni Warden kaya pinaningkitan ko ng mata ang bwesit na lalaki.

"Sabi ko nga maghahanap ako eh" sabi niya at nagsimula na ulit na magbasa.

"Humihina ng humihina ang pulso ng Salamangkero" sabi ni Turo na nakatayo sa may bintana.

"Wala akong paki sa salamangkerong yan! Maghanap kayo ng paraan na magising si Ral" sabi ko na may diin sa bawat salita. Nag-ikot ako sa kwarto, sinipa ko ng malakas ang lamesang malaki at tinungo ang Salamangkero.

"Gising! Pota ka! Gumising ka nga wag kang magtulog-tulogan diyan! Alam kong gising ka!" Sigaw ko at sumilay ang ngisi sa kanyang mukha.

"Mukhang ikaw nga ang pinakamatalino sa kanilang lahat" sabi ng Salamangkero na tumatawa pa. Nakakapikon ang tawa niya kaya sinuntok ko ang maingay niyang bunganga para tumahimik.

"Ang ingay mo para kang kambing!" Sigaw ko susugurin sana siya pero pinigilan ako ni Turo, Nori, Yulli at Max.

"Kami na bahala sa Salamangkero" sabi ni Celestia. Pero di ako nagpatinag sa pagkakadkad sa akin ng apat na kumag na toh.

"GRRRRRRR" mala halimaw na tunog na nagawa ng aking angil dahil sa poot.

Sinugod ko ang nakangising Salamangkero na parang namimikon at pinagsusuntok. Napaupo ito at gumamit ng engkantasyon, gumawa siya ng gawa sa diamanteng kahon kung saan siya lang ang laman. Sinuntok ko ng sinuntok ang kahon hanggang sa may narinig akong basag sa kung saan nagpapahiwatig na nabasag na ang kahon.

"Impossible! Isa itong Kahong Diamante, di ito kayang wasakin ng isang Katulad mo" kunot-noong sabi ng Salamangkero.

"Madami pa akong kayang wasakin, hindi lang yan" sabi ko at sinuntok ulit ang kahon, dahil dun nasira at nagkapira-piraso ang kahon.

"Sige patayin mo ako! Pag-pinatay mo ako wala ng makakapatigil sa sumpa ng kaibigan niyo" sabi niya at tumawa ng nakakaloko. Tinignan ko siya ng masama at doon sumagi ang isang mas nakakalokong ideya.

"Kayong apat na kumag, lipunin niyo lahat ng tao sa isla. Ipapakita ko sa Salamangkero na toh kung sino ang binabangga niya" sabi ko at tumawa ng nakakaloko pa sa kanya.

"Anong gagawin mo?" Sigaw ng salamangkero.

"Wawasakin ko ang mundo mo" sabi ko at sinuntok siya sa mukha.

"Gusto kong uminom ng madaming dugo" sabi ko sabay inilabas ang mga pangil ko at ngumisi sa kanya.

"Subukan mong saktan ang mga taong bayan ko, sisiguraduhin kong mamamatay ang babaeng ito" sabi ng salamangkero

"Bakit ka nanginginig!?" Ngisi ko at lumabas na ng kwarto upang salobungin ang mga taong-bayan.

Alam ko na ang kahinaan niya. Nakita ko na sa tulong ng kapangyarihan ko.

"KUMAPIT KA LANG RAZELLE, ILILIGTAS KITA" bulong ko habang naglalakad.

Nakikita ko na ang nagtatakbuhan na papalapit sa amin.

"Bilis!!!" Sigaw ni Max na tumalon galing sa kung saan at ipinantakot ang pangil nito. Madaming umiyak na mga bata.

"Celestia! Ilabas mo ang bihag!" Sabi ko at alam kong narinig nila ako kaya wala pang ilang segundo ay asa tabi ko na sila.

"Walang kinalaman ang mga tao dito! Papatayin ko ang babae mo!" Sabi ng salamangkero at nagpipilit makawala, bawat galaw niya mas dinidiinan pa ni Celestia at Warden ang mga kuko nila na nakatarak sa mga braso at palad ng Salamangkero.

"Pag-isipan mo ulit yang sinabi mo" sabi ko sabay lapit sa isang batang lalaki na nasa limang taong gulang at kinagat ang leeg nito. Sumigaw sa sakit ang bata at sumigaw naman sa gulat ang mga nakakita.

"HALIMAW!!!" Sigaw ng isang nagtatapang-tapangan na babae na pinalo-palo ang likod ko.

Ramdam ko ang init ng mapupula kong mga mata nang itinapon ko ang bata sa mga nag-iiyakang kalaro nito at ginamit ang bilis para madaling mapunta sa harap ng babaeng sumigaw saka sinakal siya.

"Sa tingin mo matapang ka?" Bulong ko sa leeg nito at ramdam ko ang panginginig niya, dapat lang siyang manginig.

Sinakal ko ang babae hanggang at tinurok sa leeg nito ang mga kuko ko, mabilis na kumalat ang pulang likido mula sa leeg nito habang dahan-dahan ko siyang kinukunan ng hininga.

"Yazzie!!!" Sigaw ng Salamangkero. Ah mahalaga sa kanya ang babaeng ito?

"Ayos lang ako" sabi ng babae na kinainis ko. Dapat magmakaawa siya sa Salamangkerong ito, humingi ng tulong at magmakaawa.

"Mukha bang ayos toh?" Tanong ko sa Salamangkero at inihagis ang babae, gumulong-guling siya at pinulot ko ulit na parang laruan.

"Tama na! Tatanggalin ko na ang Engkantasyon" sigaw ng puno ng pawis at luha na Salamangkero.

"Wag mong sabihin! Gawin mo!" Sigaw ko at ipinakita ang wala nang malay na babae sa kanya.

"Di ko matatanggal kung di niyo ako papagalawin" sabi ng Salamangkero kaya tinignan ko siya ng masama.

"Papatayin ko ang babaeng toh kasama ng lahat ng tao na nandito sa oras na malaman kong nagsisinungaling ka" sabi ko at sa isang tingin ko lang binitawan ng dalawaang kamay ng Salamangkero.

"Ozaro Triolo Eznar" sabi ng salamangkero sabay kumpas ng kamay. Hinigpitan ko ang hawak sa babae at pinakita ito sa kanya, sinigurado kong kita ng dalawa niyang mata.

"Puntahan niyo si Ral, lumakas na ulit ang pulso niya" sabi ko sa dalawa at sumunod naman sila.

"Ginawa ko na ang gusto mo! Pakawalan mo na ang mga tao" sabi ng Salamangkero na napaluhod sa lupa na ramdam kong hinang-hina.

"Parang Uod na tumitiklop pag natatakot" sabi ko at tinapon ang babae sa kanya. Agad naman niyang hinagod ang likod nito at pinagtatago ang pangalan na wala akong paki Tazzie ata Lazzie? Ewan.

"Uno" tawag sakin ng boses na kanina ko pa gustong marinig kaagad ko siyang pinuntahan.

"Huwag ka nang iidlip ulit ng ganun ka tagal" sabi ko at hinalikan siya na punong-puno ng pagmamahal, hinawakan ko ang malalambot niyang pisnge at diniinan pa lalo ang halik.

"Bakit nandito ang mga tao?" Tanong ni Ral at humilay na sa halik.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top