PORTAL

CHAPTER 14

Nagising nalang ako bigla na naghahabol ng hininga. Lumabas ako sa kwarto at sinalubong ako ni Celestia at Warden.

"Saan siya?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Thanks Pandaki you're okay" sabi ni Celestia at niyakap ako.

"Hinahanap ka na niya" sabi ni Warden at agad kaming lumabas.

"Uno!" Tawag ko sa kanya at wala pang segundo naramdaman ko na lamang siya sa mga labi ko. Alam ko di ito ang oras para rito at di naman ako ganun ka tagal natulog ngunit labis ko siyang hinanap at hiniling na sana nasa mga bisig niya ako.

"Bakit nandito ang mga tao?" Tanong ko at napahiwalay sa halik nang makita ang katawan ni Yazzie sa lupa.

"Kinagat mo yung bata?" Di makapaniwalang bulyaw ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala di ko iniwan ang venom ko sa kanya" sabi ni Uno na parang walang paki.

"Tumayo ka" utos ko sa bata at dinilaan ang dumudugo nitong leeg.

"Kelan mo kami balak palayain sa isla?" Tanong ni Uno sa Salamangkero, unti-unti na ding nawawala ang nakakasilaw na ilaw mula sa mata niya.

"Sinabi ko na sa inyo na hindi ako ang nagpapasok sa inyo dito!" Sigaw ng salamangkero.

"Edi huwag kang sumigaw!" Sigaw ko din at umirap.

"Sabihin mo na nga sino ang nagpapasok nang makaalis na kami!" Sigaw ni Max.

"Sa tingin mo kilala ko? Kayo ang may kapangyarihang makapagbasa ng utak! Tao lang ako di ko alam" sabi ng salamangkero. Nanahimik kami dahil hindi namin maaaring mabasa ang isip ng isat-isa maliban na lamang kung ito talaga ang aming kapangyarihan, taging mga tao at walang dugong bampira lamang ang magagamitan namin ng kapangyarihan na yan.

"Ano ang dapat naming gawin kung natukoy na namin?" Tanong ni Turo na mahinahon.

"Buksan ang portal at lumabas na, ano pa nga ba" pamimilosopo ng Salamangkero pero napikon yata si Turo kaya nagmadali siyang lumapit at pinitik ito sa pisnge na parang sampal na din dahil sa lakas ng pagkakatapon ng mukha nito.

"May Talon sa loob ng kweba na nakatago sa isa sa mga lagusan dito sa isla, sasagutin ng mahiwagang tubig na yun ang anomang tanong niyo. Kapangyarihan ito ng mga diyos" sabi ni Yazzie at tumayo. Inalalayan siya ng mga tao at binuhat naman si Tarhain papunta sa bayan.

"Salamat" sabi ko at ngumiti lamang siya na umaalis.

"Bagong misyon nanaman" singhal ko.

"Mukhang maliit lang naman ang isla na toh ngunit bakit parang ang daming nakatago?" Tanong ni Roja.

"Maganda ang estraktura ng pagkagawa" sagot ni Warden.

Nagpahinga kami ng sandali upang uminom ng dugo saka nag-usap ulit tungkol sa paghahanap namin sa kwebang sinasabi ni Yazzie.

"Paano kung nagsisinungaling ang babaeng yun?" Tanong ni Turo.

"Mabait si Yazzie, hindi siya nagsisinungaling" sabi ko sa kanila.

Napag-alaman ko ang katotohanang ito nang ipasok ako ni Tarhain sa utak niya. Sumpa ito ng kapatid ni Yazzie sa kanya.

"Pagsikat ng araw, aalis na tayo sa lugar na toh at tutungo na sa kweba" sabi ni Uno at sa isang iglap nagsipuntahan na kami sa kanya-kanyang puwesto at hinintay na sumikat ang araw.

Kanina pa kami naglalakbay sa loob ng kuweba at alam mo kung anong nakita ko? Bato! Rocks! Pebbles! Wala, pero sinusundan lang namin ang daan.

"Maglaro nga tayo!" Suhestiyon ni max

"Anon klaseng laro?" Tanong ni Roja

"Jan ka naman magaling sa paglalaro eh" sabi ni Celestia na nagpaparinig.

"Ohhh anong meron?" Tanong ni Nori at tinaas-taas ang kilay niya ng salitan.

"Anong pinaglaruan ko chicka?" Tanong ni Max at sumulyap ng kaonti kay Celestia.

"Ohhhhhhh?" Gulat na tanong ni Yulli

"Talaga bah?" Tanong ni Nori

"Anong meron?" Tanong ni Roja

"Oo nga anong meron?" Tanong ko din sa kanila

"Wala talagang pinipili" kumento ni Turo at iginalaw galaw ang ulo na parang na-dissapoint.

"Ano ngang meron?" Tanong ko sa kanila at nagtawanan ang dalawang kumag.

"Alamin mo" sabi ni Nori at muli nagtawanan sila.

"Wala! Mga chismosa!" Sabi ni Max at nilapitan si Celestia pero tinungo ni Celestia si Warden.

"Ano ngang meron?" Tanong ko sa kanila.

"Wag ka na makisali sa kanila Ral" sabi ni Uno at hinawakan ang kamay ko. Nauna kaming dalawa na maglakad ayaw ata ni uno ng ingay.

"Oh wag lalayo ha! Baka ano nanamang gawin niyo" sabi ni Max at sinamaan lang siya ng tingin ni Uno.

Malayo na kami sa kanila pero nararamdaman pa din naman namin ang presensya nila kaya di kami nababahala.

"Bat tayo lumayo?" Tanong ko sa kanya

"Huwag ka nang makisali sa kanila, wag mo na ding alamin ang nangyayari" sabi ni Uno na parang pakiusap.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya naguguluhan.

"Nakita ko na toh sa aking mga pangitain Ral" sabi ni Uno kaya natahimik ako.

"Anong nakita mo Uno?" Tanong ko sa kanya.

"Wag mo na alamin Ral" sabi niya kaya bumitaw ako sa pagkakahawak niya.

"Hindi ko pwedeng sabihin sayo ang isang bagay na di pa nangyayari, pabayaan mo na lamang ako na ilayo ka sa mga yun" sabi ni Uno.

"Karapatan kong malaman yun Uno, kung kasali ako dun edi kailangan kong malaman" sabi ko sa kanya at alam niyang nagagalit na ako dahil dumidilim na mg pagkapula ng mata ko.

"Magkakaroon ng Alitan sa Grupo natin dahil sa napag-usapan kanina, at maaring may masaktan. Di basta-basta ang sinasabi ko kundi isang bagay na itatanim nila sa mga puso nila at posibleng panggalingan ng kadiliman" sabi ni Uno.

"Sigurado ka bang di ako pwede makialam?" Tanong ko

"Lalala ang sitwasyon kung makikialam ka" sabi ni Uno at naniniwala naman ako sa kanya.

Hindi ko alam kung tungkol sa ano ang alitan ni Celestia at Max basta sana naman maayos nila ito.

"Turo!" Tawag ni Uno sa kanya at sumunod na ang iba.

Mukhang nakita na namin ang talon na sinasabi ni Yazzie, ang problema napapalibutan ng pating ang papunta sa talon. Mayroon ring isang estatwa sa gitna ng talon.

"Makokontrol mo ba sila?" Tanong ko kay Menti.

"Walang sariling utak ang mga pating, baliw sila kaya hindi mauutusan" sabi ni Menti.

"Nilagay ang mga pating na ito upang walang makalapit sa talon" sabi ni Turo.

"Sino kaya ang naglagay?" Tanong ni Roja.

"Sino pa nga ba edi yung walang kwentang salamangkero" sabi ni Uno.

"Hindi na abot ng kapangyarihan niya ang lugar na toh" sabi ni Celestia.

"Kung ganun mga diyos na ang may kagagawan nito" sabi ni Warden at tumango naman ang iba.

"WAHHHH!!!" Sigaw ni Nori at tumakbo sa tubig pero di pa siya nakakalayo ay napatalon siya dahil sa pating. Lumangoy siya pero sa kabila ay meron din kaya tumalon siya ng mataas at dumiretso sa lupa.

"Shuta di ko na gagawin ulit yun" sabi ni Nori kaya natawa kami.

"Bobo mo! Di ka nag-iisip" sabi ni Turo.

"Ano yun tol? Antanga naman non" sabi ni Yulli at tumawa kasama ni Max

"Tawa-tawa ka jan gago!" Sabi ni Nori at sinapak si Yulli di naman niya naabotan si Max dahil mabilis ito.

"Hindi ba pwedeng kontrolin nalang ang tubig?" Tanong ni Roja.

"Susubukan ko" sabi ni Warden.

"Susubukan ko rin" sabi ni Orio.

"Ano pang hinihintay niyo?" Tanong ni Turo na di makahintay.

Biglang lumutang ang tubig at nagmukhang hagdan. Sinubukan ni warden na umapak dito pero biglang nasira ang tubig.

"Di pa sapat ang kaalaman ko upang maitawid tayo papunta sa kabila" sabi ni Warden.

"Kaya mo ba Orio?" Tanong ko sa kanya, Si orio at menti ang dalawang pinaka-bata sa amin dahil kinse palang sila.

Sa isang kumpas ng kamay ni Orio ay gumalaw ang mga bato sa ilalim at gumawa ng tulay. Umapak si Uno ngunit muntik na siyang madulas, sinubukan ni Menti at nakatawid naman siya ng maayos.

"Ang bigat mo daw kasi Tol" sabi ni Nori

"Inggit ka lang sa muscles ko" sabi ni Uno at nagflex.

"Aysos kung yan lang man kaiinggitan ko, wag na" sabi ni Max sabay flex din.

"Para kayong mga bata" sabi ni Turo at sinubukang tawidin ang tulay pero natumba siya. Sinubukan ko din at nakatawid naman ako.

"Ang daya bakit yung mga babae kaya?" Tanong ni yulli.

"Kaya nga eh" sabi ni Nori na puno ng pagkakadismaya at pagod.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top