PAG-AKLAS

CHAPTER 8

"Wala kaming nilabag na batas" panimula ni Uno kay madam Valenzuela

"May nakapagsumbong na nakipag-usap kayo sa mga lobo" sabi ni Madam Valenzuela na halatang kinakabahan habang hawak ng mahigpit ang kanyang kamay.

"Hindi kami nakipag-usap, naramdaman ni Nori ang pag-tapak nila sa lupa ng Miranasa kaya sinamahan namin ang Pinuno ng mga Aranazona na harapin sila" sabi ni Uno.

"Huwag kang magsinungaling, amoy ko sa kanya ang mababahong amoy ng mga lobong yun. Hindi didikit ang amoy nila ng basta basta sa isang bampira" sabi ni Mitri Kuwatro sabay turo kay Max.

"Anong ginawa mo max?" Sigaw ni Turo.

"Hindi ko sinasadya" sabi ni Max at yumuko

"Anong ginawa mong Bobo ka? Anong kapahamakan nanaman ba ang dinala mo sa amin ngayun? Sigaw ni Uno kay nanahimik kami, tumayo ang mga balahibo ko sa kilabot.

"May namagitan sa amin ng isang lobo, ngunit isang gabi lang iyon maniwala kayo" sabi ni max at napasampal nalang sa noo si Uno. Masama naman ng tingin ni Yulli at Nori sa kanya.

"Bawal magkaroon ng Relasyon ang isang Lobo at Bampira Macxilliam" nagtaas ng boses si madam Valenzuela dahil sa galit, nadisapoint siguro siya

"Wala kaming Relasyon, isang gabi lang yun at di ko makontrol ang pangangailangan ko" sabi mi Max

"Kayong mga mitri hindi ba't araw-araw iba-ibang babae ang itinatalik niyo? Kagaya niyo ay wala ring kontrol sa pangangailangan si Max. Hindi niyo siya pwedeng parusahan sa kasalanang di niya sinadya" sumbat ko ngunit mukhang ginalit ko ang punong Mitri.

"Huwag kang magsalita istupida! Wala kang alam dahil hindi ka tunay na bampira!" Sigaw ng punong Mitri at dumagundong sa buong hukuman ang boses niya, sumabay rin ang kulog at kidlat sa paglalakad niya papunta sa akin.

"Wala siyang kasalanan" pinilit kong magsalita kahit bumaloktot na ang dila ko.

"Wala kang alam! Isang Propesiya ang nahulaan ng isa sa pinaka makapangyarihang bampira. Nakasaad sa Propesiya na isang Kalahating-lobo at kalahating-bampira ang sisira sa Mateo Manor at papatay sa Hari ng mga Bampira" sigaw ng Mitri.

"Kaya ka takot? Dahil dadating na ang tatapos sa inyong paghahari?" Tanong ko at ngumisi ng nakakaloko.

"Pugutan ng ulo ang mga walang kwentang Mandirigmang yang!" Sigaw ng punong Mitri.

"Ral may gagawin si Orio hilahin mo si Turo, Max at Uno palayo riyan" sabi ni Menti sa isip ko.

Habang kinakaladkad kami ay hinala ko ang tatlo kagaya ng sani ni Menti. Napansin ko din na hinala niya si Yulli, Nori, at Celestia. Nasa tabi naman ni Orio si Roja at Warden.

Biglang nahulog ang malaking chandelier dahilan upang mabigla ang mga mitri, ginamit namin ang pagkakataong yun upang tumakas.

"Madam Valenzuela" tawag ni Turo kay Madam pero tinignan lang siya nito at tila nagkaintindihan na sila.

"Dito tayo!" Sigaw ni Uno at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Sumunod ang iba ngunit pagdating namin sa hagdan maraming paakyat na mga bampirang mandirigma.

"Umalis kayo sa daraanan namin" sabi ko

"Saan kayo pupunta? Hahanapin at hahanapin din kayo ng mga Mitri" sabi ng Jadi ang punong Bampira ng mga Mandirigma.

"Padaanin niyo kami! Pinagbibintangan kami sa isang kasalanang di sinasadya, pupugutan nila ng ulo si Max pag di niyo kami pinadaan" sabi ko at ramdam ko ang pagpula lalo ng mga mata ko.

"Ngayun lang may nagbalak na kontrahin ang mga Mitri, wala tayong nakita. Wala tayong inabutan dito" sabi ni Jadi at umatras na sila ng mga mandirigma niya kaya nakadaan kami.

"Tatanawin namin itong utang na loob" sabi ko kay Jadi

"Pag nagtagumpay kayo sa kung ano mang binabalak niyo, huwag niyo kaming kakalimutan" sabi ni Jadi at ngumiti ako sa kanya.

Hindi lamang ako ang nagsasawa na sa pamamalakad ng mga Mitri. Lahat kami ay epektado ng isang Propesiya na kinakatakutan nila, pagod na akong mamuhay sa takot at pang-aapi. Panahon na para bumangon ang mga hating-dugo

Lumabas kami sa Manor at tumakbo na palayo. Marami pa ding guwardiyang Bampira ang humahabol sa amin ngunit mabuti na lamang at may mga kapangyarihan kami na wala sila kaya napipigilam namin sila sa paglapit.

Si Menti ay may kakayanang kumontrol at makipag-usap gamit ng kanyang utak, Si Celestia ay may kakayanang makontrol ang Panahon, Si Warden ay kayang kontrolin ang tubig, si Roja ay nagpapalit-palit ng anyo, si Orio ay kasin-katulad ng kay Menti ng kaonti dahil kaya niyang kumontrol ng kahit na anong walang-buhay.

Si Uno ay di pa pinapamalas ang kapangyarihan niya pero alam kong napakalakas niya. Si Max ay napakabilis at kaya niya ding kontrolin ang Araw, si Turo ay mayroong enhanced sense, si Tulli ay magaling sa illusion at si Nori naman ay kayang kontrolin ang lupa.

Ang mga buong bampira ay mayroon ding kapangyarihan na tulad namin ngunit hindi lahat. Paglalahad ng Hinaharap, pagkontrol ng tao, pagpapahirap gamit ng paningin. Yan lamang ang mg kapangyarihang maaring makuha ng isang normal na bampira. Ngunit mas madami pang kayang gawin ang mga dugong bughaw lalo na ang pamilya ng hari. Ngunit kaming mga hating-dugo ay kakaiba dahil katulad ng sa tao sinusunod namin ang kagustuhan ng aming puso at doon nangagaling ang mga kapangyarihan namin.

Nakakita kami ng bangka at diretso na namin iyong sinakyan. Sa tulong ni warden ay napadali ang aming paglalayag dahil kontrolado niya ang tubig, at salamat kay Celestia at nakontrol niya ang panahon.

Nakarating kami sa isang Isla at sandali kaming nagmasid-masid sa paligid. Mukhang puro tao lamang ang laman ng Isla, si Nori atYulli ang naghanap ng matitirhan namin pansamantala.

"Ibinenta ko ang singsing ni max" sabi ni Yulli sabay bigay ng mga damit sa amin. Masyadong simple manamit ang mga tao dito at kailangan naming makibagay.

"Binenta mo singsing ko!?" Gulat na tanong ni Max.

"Bawiin mo nalang sa sunod" sabi ni Turo. Sinamaan lang sila ng tingin ni Max

"Shithead" sabi niya at tumakbo na paalis.

"May naaamoy akong nilalang na may pambihirang kapangyarihan" sabi ni Turo kaya napatingin ang lahat sa kanya.

"Nararamdaman kong may bagyong paparating sa islang ito, lalabas muna kami ni Warden upang maghanap ng makakain" sabi ni Celestia at lumabas.

"Magbabantay kami sa labas" sabi ni Orio at sinama si Menti.

"Kailangan nating mahanap yung babae" sabi ni Uno kaya napatingin ako sa kanya.

"Sinong babae?" Tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

"Yung lobong nakasalamuha ni Max, kung totoo nga ang propesiya at kung nabuntis siya ni max. Maaring ang dadalhin niyang bata ay ang nasa propesiya" sabi ni Uno.

"Hindi tayo pwedeng bumalik ng Arazona, siguradong pag-iinitan tayo ng mga lobo" sabi ko.

"Kapag nalaman ng mga lobo ang tungkol dito ay papatayin nila ang babaeng yun" sabi ni Nori

"Bakit nila papatayin?" Tanong ni Roja

"Hindi lamang ang Mitri kundi pati ang lahi ng mga lobo ay maaapektuhan din ng kung sino mang nasa propesiya" sabi ni Turo.

"Ano ba talaga ang nasa Propesiya?" Tanong ko at nag-tinginan silang apat.

"Kapatid ni Madam Valenzuela ang nakakita ng Propesiya" sabi ni Turo

"Hating dugo ng bampira at lobo, uubos sa lahi ng mga Mitring sakim sa dugo, tatayo bilang pinuno.
Susundin ng lahat ng lobo, dahilan ng pagbalik ng nga Elemento" sabi ni Yulli

"Yan ang binitawang propesiya ng nakakatandang bampira, napag-alamang nagkaroon din ng propesiya ang mga lobo tungkol dito ngunit di pa tukoy kung ano ito" sabi ni Uno

"Kung tutulong tayo sa pagpapaganap ng propesiyang ito dapat malaman natin ang buong kwento" sabi ko

"Sinasabi mong kailangan nating malaman ang propesiya ng mga lobo?" Tanong ni Roja

"Tama si Ral kailangan nating marinig ang bawat banda ng propesiya upang mapatumba ang mga sakim na mitri" sabi ni Yulli

"Paano natin gagawin yun?" Tanong ni Roja

"Kailangan nating maghanap ng lobo" sabi ni Uno

"Mahihirapan tayong maghanap ng lobong di manlalaban" sabi ko

"May kilala ako" sabi ni Uno at napatingin kaming lahat sa kanya.

"Aalis tayo pagkatapos at pagkatapos ng Bagyong ito" sabi at tumango kaming lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top