Chapter 9

Nagising ako kinaumagahan sa tunog ng alarm clock na nasa side table. Antok na antok pa ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Nag unat ako ng kamay at humikab ng malalim.

"Good morning pretty."

Halos mapabalikwas ako ng bangon ng marinig ang boses ni...

"Jigs?" Nakaupo siya sa gilid ng kama at matamis na nakangiti sakin. "Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba dyan?"

"Kanina pa. You're cute while sleeping," He chuckled.

Mabilis akong pinamulahan ng pisnge. "Ikaw talaga! Ang aga aga nambobola ka." Natatawa kong sabi pero deep inside kinikilig na po ako.

"Totoo yun! promise." giit nito at tinaas pa ang kanang kamay na tila nangangako. Natawa ako at tumawa din siya.

"Uhm. so aalis na ba tayo? si eythan nauna na ba?" Tanong ko.

"Hindi pa. Nasa baba sila kumakain."

"Sila? sinong sila?" Nagtataka kong tanong.

"Kasama ko sina shawn, mio at wilson."

"Uh, okay. Sige bathroom lang ako. Bababa na lang ako dun." Sabi ko at tinuro ang pintuan ng cr sa kwarto.

"Sure, take your time." Sabi niya. Inantay ko siyang lumabas pero nanatili lang ito sa pagkakaupo habang nakatingin sa akin. Nailang ako dahil titig na titig siya sa mukha ko. Nag iwas ako ng tingin.

"B-bakit? May dumi ba mukha ko?" Sabi ko at pinunasan ang gilid ng mata ko na baka may muta kaya niya tinitignan.

Tumawa ito "Wala. ang ganda mo kasi kahit bagong gising," Sabi niya at lumabas na ng pinto.

Charing!

Natuwa ako sa compliment kaya pakanta kanta pa ako habang naliligo sa banyo. Feeling ko buo na agad ang araw ko. Isang ngiti lang ni jigs masaya na ko. Ganun siya makaapekto sakin e.

Nagsuot ako ng kulay yellow na floral dress na hindi lalagpas ng tuhod. Bagay na bagay ito sakin dahil lalong nadedepina ang makinis at maputi kong balat. Kinuha ko yung lipstick at make up na niregalo sakin ng mama ko nung nag 18th birthday ako. Niregalo niya sakin yun para daw mag ayos ako ng sarili dahil 18 na daw ako at dalaga na. Pero dahil hindi ko talaga hilig ang mag make up, Itinago ko lang iyon. Ngayon willing na ko gamitin yun para magpa impress kay jigs. Oo, kaya ko sigurong gawin ang lahat para sakanya. ganun na kasi kalalim ang nararamdaman ko.

Pagkatapos kong lagyan ng light make up ang mukha bumaba na ko. Naabutan ko silang kumakain at nagtatawanan sa dining room. Si wilson ang unang nakakita sakin.

"Hi cait. goodmorning." Nakangiti niyang bati. Napalingon na din sakin ang iba. Ngumiti din sila sakin at niyaya ako na umupo at kumain. Si eythan lang ata ang hindi masaya sa presensya ko dahil naalis ang ngiti nito sa labi ng makita ako. Tumabi ako kay jigs at wilson.

"Goodmorning.." Ngumiti ako. Pinilit kong maging pormal para hindi mahalatang kinakabahan ako sa presensiya nilang lima. Nakakaintimidate kasi. Sino nga ba naman ang hindi kakabahan kung kaharap mo ang sikat na kalalakihan na kinahuhumalingan sa school?

Sinuklian nila ako ng ngiti pwera kay eythan na nakakunot na naman ang noo.

"Blooming ka ngayon cait, huh?" Nangangantyaw na sabi ni shawn.

Nasamid ako bigla kahit wala pa naman akong kinakain. Masyado bang obvious na nagpapaganda ako?

"Uhm, hindi naman." Sabi ko at nagkunwaring busy sa paglalagay ng pagkain sa plato ko.

"You look nice today." Bulong ni jigs sakin.

Nilingon ko siya ng nakangiti "Thank you." sabi ko at sinuklian naman niya iyon ng ngiti.

Kinantyawan kami nila shawn ng makitang nagngitian at nagkatitigan kami ni jigs. Namula ang pisnge ko at nahihiyang kumain.

"You know jigs, I think kaya nagmake up ngayon si cait para magpaganda sayo.." Pangangantyaw ni mio.

Nagtawanan sila pwera kay eythan na ngayon ay matalim na nakatitig sakin. What his problem? Bakit siya mukhang galit? Sabagay hindi naman na dapat ako magtaka dahil bipolar talaga ang taong to at hindi ko gamay kung anong ugali. Binalewala ko na lang iyon at bumaling kay jigs na ngayon ay nakikipagtawanan sa tatlo.

"Hindi naman niya kailangang magmake up dahil maganda na siya sa paningin ko.."

Lalong naghiyawan ang tatlo dahil sa sinabi ni jigs samantalang hindi ko na maitago ang pamumula ng pisnge. Ang bait talaga niya.

Pagkatapos namin kumain nagbiyahe na kami papuntang school. Dala nila ang sari sarili nilang mga kotse kaya magkakahiwalay kami. Kami lang ni jigs yung magkasama sa kotse niya. Nang dumating kami sa school hindi ko akalain na may mga nag aabang pala sakanilang mga babae dun. Obviously mga girls head over heals sakanila.

Nakalabas na sila sa kani kanilang kotse pati si jigs lumabas na din at pinagbuksan ako ng pintuan pero hindi ko nagawang lumabas agad dahil sa kaba. Paano kung awayin ako ng mga fan girls nila? Saka nakakahiya kung makikita nila ako na kasama sina jigs.

Tinignan ako ni jigs ng nagtataka ng makitang hindi pa din ako lumalabas sa kotse niya. Bahagya siyang yumuko para tumapat ang mukha niya sa mukha ko.

"What's the problem cait?" Nagtataka ngunit may lambing pa rin sa tono ng tanong niya.

"Uh, N-nahihiya kasi ako lumabas. Ang daming tao baka awayin nila ako pag nakita nila ako na galing dito sa kotse mo.."

"Don't worry hindi kita pababayaan." Sabi niya at nilahad sakin ang kanyang kamay.

Tinignan ko muna sila shawn sa harap. Nang makitang bakas na sa mukha nila ang pagkakainip lalo na si eythan na nakakunot pa ang noo at halatang iritado doon ko napagtantong medyo paimportante na ako. Humugot ako ng malalim na hininga bago inabot ang nakalahad na kamay ni jigs saka lumabas ng kotse.

Narinig ko agad ang bulung bulungan ng mga estudyante ng lumabas ako. Pilit kong binalewala iyon at dire diretso lang ang lakad. Hindi pa din binibitawan ni jigs ang kamay ko kaya halos mangatog ako sa kaba. Naunang naglakad si eythan. Samantalang sinabayan kami nila mio, wilson at shawn sa paglalakad ni jigs. Palagpas na kami ng parking area ng may isang babaeng pumukol ng aming atensyon. Sa dami ng babaeng nandoon isang babae na nakasuot ng black skirt at sleeveless tank top ang sumigaw.

"Hoy babae. Akala mo ang ganda mo? Ang panget mo kaya. Eww." Maarteng sabi nung babae.

Nanginig ako ng marinig iyon. Napansin siguro ni jigs ang panginginig ng kamay ko kaya hinigpitan niya ang paghawak doon.

"Don't mind them.." Sabi niya at dumiretso lang kami ng lakad. Nilagpasan lang namin silang lahat pero ramdam ko ang pagkabanas sa mukha ng mga boys. Tila nagpipigil ng galit. I don't know why?

Nakarating din kami sa paroroonan.

"Tss. Kung hindi lang yun babae, nakatikim na sakin yun." Umiiling na sabi ni mio sabay tingin sakin "Okay ka lang ba cait? Huwag mong pansinin yun huh?"

Wala sa sariling tumango ako.

"Bakit ba kasi sinusundo mo pa siya, jigs? Pwede ko namang isabay sakin yan eh. Tignan mo nangyare kanina." Iritadong sabi ni eythan ng makapasok kami sa room.

Tahimik lang akong nakaupo doon habang pinapakinggan ang pag uusap nila.

"Lagi namang ganun ang nangyayare kapag may nakikita silang kasama natin na babae diba? Para ka namang hindi sanay." ani jigs.

"Oo nga naman eythan. Ganoon naman talaga kabayolente ang mga fan girls natin noon pa. Ang hirap talaga maging gwapo ano?" Natatawang sabi naman ni shawn.

Agad siyang binigyan ng matalim na titig ni eythan. Nagtawanan naman si shawn, mio at wilson.

"Sa susunod huwag na kayong pumunta sa bahay para lang sunduin to." Sabi ni eythan sabay turo sakin "Matanda na yan, kaya niyang pumasok mag isa."

"Huh? No way. Susunduin ko pa rin siya, Kaya  ko naman siyang ipagtanggol eh." Giit ni jigs.

"Really? Eh kanina nga hindi mo ipinagtanggol." Nanunuyang sabi ni eythan. Bakas pa rin ang iritasyon sa mukha.

"Wala naman ginawa sakanya yung babae hindi ba? Hindi naman siya sinaktan." Medyo naiirita ng sagot ni jigs.

Tumayo si eythan at hinarap si jigs.
"Aantayin mo pa bang saktan siya ng mga babae niyo?"

This time lahat na talaga ng atensyon nasa amin. Patago silang nagbubulung bulungan, Ang iba matalim na nakatitig sakin. Tila inaakusahan ako sa isang krimen. Kinikilabutan na ko sa nangyayari. Gusto kong umawat pero hindi ko mahanap ang lakas na loob para magsalita. Nakatunganga lang ako doon na tila nawawalang bata.

"Ano bang problema mo? Bakit apektado ka masyado? You're over reacting." Si jigs.

Shit!

Gusto ko silang pigilan sa pagtatalo ngunit hindi ko mahagilap ang boses ko. Bakit sila nag aaway ng ganyan. Maliit na problema lang naman iyon bakit kailangan nilang pag awayan. Pumagitna na si wilson sa dalawa dahil sa tensyon na nagaganap.

"Ano to? Nag aaway ba kayo?" Sabi ni wilson pero hindi siya pinansin ng dalawa "Magsitigil nga kayo. Relax lang mga brad." Tumatawang sabi niya.  He's trying to stop the tension between eythan and jigs.

-

"Sa susunod huwag ka ng magpapasundo kahit kanino. Naiintindihan mo?" Bulyaw ni eythan ng makauwi siya ng mansyon.

Nakasuot siya ng isang jersey na may nakasulat na monte sa likod. Siguro'y may laro sila ng basket ball kanina kaya ginabi na siya ng uwi.

Nasa kitchen ako at nagluluto ng fried chicken para sa hapunan namin. Yes. I can cook. Pero puro prito lang ang alam ko.

"Bakit mo ba ko pinapakealaman? Wala naman masama dun ah?" Naiirita kong sabi.

"Sa akin ka nagtatrabaho. I'm your boss, And i want you to focused on your job. Just on your job. Don't flirt!" Sabi niya habang naglalagay ng malamig na tubig sa baso.

Humalukipkip ako at pinagtaasan ko siya ng kilay.

"I'm not flirting. Jigs is just a friend. At isa pa inaayos ko ang trabaho ko. Lahat ng pinag uutos mo ginagawa ko. Ano pa bang nirereklamo mo?"

It's true. Pinapahirapan niya ako sa mga gawaing bahay. Lahat ng pinag uutos niya sinusunod ko kaya hindi na dapat siya nagrereklamo sa trabaho ko. Ngayon nga lang pagod na pagod na ako dahil pag uwi ko nag mop ako ng sahig, Pinaglabhan ko siya ng mga damit, Naghugas ako ng mga plato at ngayon nagluluto pa ako. How dare him to complain..

"Wala naman akong nirereklamo sa trabaho mo. Ang gusto ko lang, Huwag ka ng lumandi. Work is work. Huwag mong haluan ng kalandian. Kuha mo?" Sabi nito sabay akyat sa second floor.

Halos malaglag ang panga ko. Bakit siya masyadong apektado? Hindi naman ako nililigawan ni jigs. At hinding hindi ako aasa na magugustuhan nun. Alam ko ang limitasyon ko. Alam kong langit si jigs at lupa ako. Kaya hindi naman ako umaasa ng sobra pa sa kaibigan. Dahil malabo namang mangyari na patulan ako ni jigs. Yun lang naman ang gusto ko. Maging kaibigan ang mga hinahangaan ko noon pa man lalo na si jigs chua.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top