Chapter 5

It's monday. A freaking three o'clock cold monday morning. And we had to go in the airport para maihatid si Mr. enrico. Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Si eythan ay seryosong nagmamaneho.

"Monday ngayon, so may pasok na kayo ni eythan mamaya right..?" Ani tito enrico.

"Uhm si eythan lang po. Hindi pa ho ako makapasok mamaya kasi hindi ko pa nababayaran yung tuition fee ko," Sagot ko. Nalungkot ako bigla ng maisip na hindi pa ako makakapasok dahil sa unpaid tuition fee.

"Ah yes, i almost forgot.. pumasok kana mamaya cait. Kinausap ko na si Mrs. santiago at ipinabalik ko na ang scholarship mo. Kwinento sakin ni mildred ang lahat.."

"Oh my! talaga po..?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Nakangiti itong tumango.

"Naku! salamat po.." Sa sobrang saya napayakap ako sakanya ng hindi sinasadya. narinig ko naman ang pagtawa nito kaya ng marealize ang ginawa ay agad akong bumitaw sa pagkakayakap at nahihiyang tumungo.

"Pasensya na po! sobrang saya ko lang po kasi naibalik po ang scholarship ko. pasensya na po talaga..." nahihiyang hingi ko ng paumanhin.

Narinig ko itong tumawa ulit. "I understand hija, you don't have to say sorry. In fact, nakakatuwa ka nga dahil mukhang desidido ka makatapos ng pag aaral. Your parents surely proud of you.." Nakangiting sabi nito na sinuklian ko din naman ng ngiti.

But later on sumeryoso din ang ekspresyon at na kay eythan na ang atensyon. Seryoso niyang tinititigan ang anak kahit nakatalikod ito sa amin. Nang tingnan ko naman si eythan ay seryoso din ito habang tutok ang atensyon sa pagmamaneho ngunit kapansin pansin ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. May alitan ba ang mag ama kaya ganun na lang kalamig ang trato nila sa isa't isa? Binalewala ko na lang ang nakita ng magpark na ang kotse at bumaba si eythan. Sumunod naman si tito enrico at akma na sana akong bababa ng pigilan ako nito.

"Dito ka nalang sa loob ng kotse, Si eythan na lang ang maghahatid sakin sa loob. Kailangan ko din siyang makausap ng kami lang bago ako umalis." Sabi nito at saglit na tinignan ang anak na ilang layo lang ang distansya sa amin. dala dala nito ang bagahe ng ama at seryosong nakatingin lang sa amin.

Tumango ako. "Sige po, Thank you po sa scholarship na binigay niyo. Mag iingat po kayo.." I heaved a deep sigh bago ko siya niyakap. Naramdaman ko naman ang paglapat ng mga kamay nito sa aking balikat.

"You're welcome, cait." Sabi niya pagkatapos naglakad na papunta sa kinaroroonan ng anak.

____

Makalipas ang halos kalahating oras dumating din ang asungot na si eythan. Seryoso ito at bakas ang pamumula ng dalawang mata at ng ilong. Pumasok ito ng kotse at narinig ko pa itong suminghot. He cried. The great eythan monte cried because his daddy left him. Sumilay ang ngiti sa aking labi.

"Why you're smiling?" Nagulat ako ng magsalita ito habang inaatras ang kotse.

"H-ha!?" Nauutal kong sabi.

"Here we go again. Puro 'Ha' lang ba ang alam mong sagot pag tinatanong kita? O bingi ka lang talaga..?" Halos magkasalubong na ang kilay nito na nakatingin sakin.

"Tumingin ka sa harap. mamaya mabunggo tayo eh!" Sabi ko.

Agad naman itong tumingin sa harap at tinuon na lang ang atensyon sa pagmamaneho. Thank god at hindi na ulit siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa mansion.

Matapos niyang ipark ang kotse. Bumaba ako agad at mabilis na pumasok ng palasyo. Oo palasyo! Hindi naman kasi to simpleng bahay lang dahil napakalawak nito. may swimming pool, may malawak na garden at napakalaki ng bahay. Tapos dalawang tao lang ang nakatira? creepy.

Tumingin ako sa wrist watch ko. It's Six o'clock in the morning. May two hours pa ko para magpahinga dahil eight o'clock naman ang pasok ko. Umakyat ako ng second floor at pumasok ng kwarto. Mabilis akong humiga sa kama at binalot ng kumot ang katawan. A minute later i fell asleep.

Nagising ako ng bandang alas siyete dahil sa malakas na tunog ng alarm clock. Mabilis akong pumunta ng banyo at ginawa ang daily routine ng isang estudyante. 7:30 ng bumaba ako sa first floor. Medyo malapit lang naman ang Monte University dito kaya 15 minutes lang ang biyahe makakarating ako dun.

Naglakad ako papunta ng main door para makaalis na agad.

"Where are you going...?" Nakataas ang kilay na tanong ni eythan.

Nakasuot na ito ng plain blue v-neck shirt and faded jeans saka may suot na shade.

"Can't you see? Papasok sa school.."

"Without eating any breakfast?"

"Hindi na kasi ako kakain baka malate na ko.."

Lumapit ito sakin at hinawakan ako sa braso saka hinigit papuntang dining room.

"We have 30 minutes left. Magkaklase tayo sa first subject, right? Sumabay ka na sakin.." Sabi nito at bigla akong pinaupo sa isang upuan na nandoon. Umupo naman siya sa katapat kong upuan at nagsimula ng kumain.

"Ikaw ba ang nagluto..?" Tanong ko ng magsimula na din akong kumain. Puro prito lang ang mga nakahain. bacon, hotdogs, egg and fried rice.

"Obviously yes.." Tipid nitong sagot.

"I'm sorry. Hindi kita maipagluluto. hindi kasi ako marunong.."

Hindi ito sumagot. Saglit lang na sumulyap sakin pero agad ding itinuon ang sarili sa pagkain.

"Infairness, ang sarap mo magluto.." Nakangiti kong sabi.

Kumunot ang noo nito at bumaling sakin.

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo. I said kumain ka, hindi ko sinabing kausapin mo ko. ang daldal mo.." Anya

Ang sungit. Nagkibit balikat na lang ako at susubo na sana ng pagkain ng hatakin nito ako patayo at higitin palabas ng pinto. bastos! hindi pa ko tapos kumain eh.

"Lets go. Malelate na tayo.." Sabi nito at pumasok ng kotse saka inistart ito.

"Jerk!" I mumbled.

"Hop in. Anong tinatayo tayo mo diyan?" Iritable nitong bulyaw.

Agad naman akong tumalima at pumasok sa backseat ng kotse.

Nakarating kami ng 7:55 sa university. Mabilis kaming nakarating dahil sa mabilis na pagmamaneho ng sasakyan ni ethan. Bumaba ako ng sasakyan at mabilis na naglakad papunta sa room ng first subject.

Pero nakakainis lang dahil habang naglalakad ako nakamasid at nakatitig sa akin ang mga estudyanteng nadadaanan ko. Yun ay dahil sa nasa likod ko si eythan.

Si eythan na pinapantasya nila, hinahabol habol at pinagnanasaan.

"Hey!" Tawag nito sa akin kaya naman napahinto ako at humarap sakanya. Sakto namang pagkaharap ko ang sabay na paghagis niya ng bag sa akin. Mabuti na lamang at nasalo ko ito agad kung hindi sapul ako sa mukha.

"Anong problema mo?" Bulyaw ko at Hindi na maitago ang pagkainis.

"You're my slave, so bitbitin mo yang bag ko papunta ng room" Walang emosyon na sabi nito.

"What?" Naiinis at hindi makapaniwalang tanong ko.

Ngunit hindi na ko nito sinagot at naglakad na papasok ng building. Hayjusko! gusto ko pa sana siya komprontahin pero dahil late na ko kailangan ko ng magmadali at mamaya ko na lang siya kakausapin. Inunahan ko siya sa paglalakad at mabilis na tinungo ang room. Mabuti na lamang at wala pa si prof. Martinez! Pabagsak kong hinagis ang bag ni eythan sa upuan nito. Nakita ko naman ang pagkagulat ng mga kaklase ko lalo na ang apat na miyembro ng high five boys.

"Bakit nasayo yung bag ni eythan at saka nasaan siya?" Tanong ni shawn.

Sasagutin ko sana siya kaso bigla naman ang dating ni prof martinez. Pumunta na ako sa upuan ko at naiinis na umupo doon. Bwiset na eythan na iyon. Speaking of him. wala pa din siya, ang kupad! Naunahan pa siya ng professor. Mabuti nga nalate siya.

Ilang minuto ang nakalipas. Kakasimula pa lang ng discussion ng may tumulak ng pinto at pumasok ang asungot na si eythan.

"You're late again. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag ka na lang pumasok sa klase ko kapag late ka na?" Sinabi ni prof.

"I will do what i want to do mrs. martinez." Ani eythan at nilagpasan lang ang kawawang professor.

Wala namang nagawa si Mrs. Martinez dahil anak si eythan ng owner ng university. Kaya imbes na sermonan pa ulit ay bumalik na lang ito sa pagtuturo.

Naglalakad na ito papunta sakanyang upuan pero tumigil ito saglit sa harap ko. Ngumisi ito ng nakakaloko at kumindat.

Ano daw? kumindat yung asungot!

Hindi ito nakaligtas sa mga nakakita. Nakarinig ako ng mga bulungan ng mga kaklase.

Tila naman ako binuhusan ng malamig na tubig sa ginawa ni eythan. I was frozen in shock for almost one minute maybe. Pinagtitripan ata ako.  Ano bang problema ng asungot na to?

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top