Chapter 4

Halos ilang oras din akong nagkulong sa kwarto. Hindi din naman ako nakapagpahinga. Nasa gitna ako ng pag iisip ng biglang may kumatok sa pintuan.

"Hey. Pinapalabas ka na ni daddy, kakain na.." Sigaw ni eythan mula sa labas ng kwarto.

"Oo. andyan na!" I shouted back.

Tumayo na ko at bumaba ng kama. saglit kong tinignan ang sarili sa full length mirror na nandoon bago bumaba ng hagdan. Bumungad sakin ang nakangiting si tito enrico samantalang nakapoker face naman ang asungot pagkababa ko.

"Lets eat," Anyaya ni tito enrico.

Umupo ako agad. Katapat ko si eythan samantalang nasa left side ko si tito enrico. Ang tanghalian ay tahimik lang, Tila namiss ko agad ang magulang ko. Kapag kumakain kami ay maingay at hindi nawawala ang kwentuhan. Unlike here, the atmosphere were so silent! Hindi ako sanay sa ganito.

"Tito may iba pa po bang maid dito bukod sa'kin?" Basag ko sa katahimikang namamayani.

Tila hindi inaasahan ni tito enrico ang aking tanong. Tumikhim siya bago ako sagutin.

"Actually to tell you the truth hija, Walang tumatagal na maid dito.. So i was hoping na this time may tumagal na.." Tumingin ito sa anak at napabuntong hininga ng malalim.

Napatingin din ako kay eythan. He was just seriously eating his foods. Tila walang pakealam sa mundo. Napakurap  ako ng tumingin din siya sa'kin.

"Anong tinitingin tingin mo?" Iritableng sambit niya.

"Huh? Wala." Sagot ko.

"Intindihin mo na lang hija, ganyan talaga siya," Ani tito enrico.

"Opo-"

"Hindi mo ko kailangan intindihin. Kung ayaw mong makisama sa ugali ko, you're free to leave.. Besides hindi ko kailangan ng tagabantay! Hindi na ko bata for pete's sake," Iritableng sambit nito at Padabog na umalis.

"Sorry for that. I know mahihirapan kang makisama sakanya pero sana matiis mo siya."

I hope so! Ngayon pa lang gusto ko ng magback out. Kaso nga lang kailangan ko tong trabaho na to.

"I'll try my best po.." Sagot ko at ngumiti ng pilit.

"Okay.. Anyway i heard from mildred hindi ka marunong magluto?" He said, changing the topic.

"I'm sorry.." Nahihiya kong sagot.

Tumawa si tito enrico.

"Don't worry! Marunong magluto si eythan. Ang importante sa'kin ay may makasama siya dito habang wala ako at sana mabantayan mo siya ng maayos."

So hindi ko pala kailangan mamroblema sa ipapakain kay maldito dahil siya naman pala ang chef ng mansyon na to! That's good.

Meaning..

Ang trabaho ko lang dito ay tagalinis ng buong mansyon at tagabantay ng loko lokong lalaki na yun. Tagalinis? Check. Tagabantay? Hmp. That's bad! May record na to sa katarantaduhan, e! Mahihirapan ata ako sa part na tagabantay. Hayss!

flashback. Two years ago!

"Cait, magsisimula na! Oh my god. go babe!" Sigaw ni amanda na nasa left side ko.

Si amanda benedicto. kaibigan ko siya since first year highschool. Parehas kaming graduating na at parehas naming classmates ang limang magkakaibigan na drag racer na sina mio, wilson, shawn, jigs at eythan. Boyfriend niya si eythan monte. secret crush ko naman si jigs chua. isang chinese pero ang pagkakaalam ko lumaki siya dito sa pilipinas.

Magkakaklase kami pero hindi nila ako kilala. Si amanda lang ang kilala nila. Weird no? Ewan ko ba! Ni hindi man lang nila ako pinapansin. Idol ko sila sa drag racing. Actually bawat karera nila nandun ako para panoorin sila. Ganun ako kabaliw sakanilang magkakaibigan pero kahit isang beses hindi man lang nila napansin yun.

"Go babe! I love you," Sigaw ni amanda. Ganyan siya kasuportado sa boyfriend. Ewan ko ba dyan. hindi man lang ata nag aalala kahit illegal yung gawain ng jowa niya.

Naririnig ko ang bawat tili ng mga nanonood. Sobrang ingay! karamihan sumusuporta sa grupo ni eythan pero yung iba nagchicheer sa kalaban na grupo bad boy gang ata name nun.

Ilang sandali ang lumipas.

Lalong lumakas ang ingay. Hindi dahil sa tili o pagchicheer kundi dahil sa pagkakataob ng isang kotse. Kotse na pagmamay ari ni eythan. Lahat nagulantang at natakot sa nangyari. Yung iba nagsisigawan, yung iba tumatakbo palayo para tumakas dahil sa pagdating ng mga pulis. Hinanap ko si amanda. nawala siya sa tabi ko. tumakbo ako kung saan saan at nagpalinga linga sa tabi tabi. Maya maya pa nahagip ng aking paningin ang pagsakay niya kasunod sa walang malay na si eythan sa ambulance car. Umiiyak siya. Tinakbo ko ang distansya mula sa pwesto ko papunta sakanya. Sumakay din ako ng kotse at mabilis siyang yumakap sakin saka humagulgol. Nakita ko naman ang itsura ni eythan. Nagkalat ang mga dugo sa mukha at katawan niya.

Nang makarating sa hospital. Panay pa rin ang hagulgol ni amanda.

"Cait, this is my fault. Dapat pinigilan ko siya. Dapat hindi ko siya hinahayaan lumaban. I'm his girlfriend. Dapat pinigilan ko siya," sabi ni amanda sa gitna ng pag iyak.

"Don't blame yourself amanda. It's not your fault. walang may gusto ng nangyari. Okay?"

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Thank you. Thank you so much. Mabuti na lang nandito ka kung hindi baka mabaliw ako at di ko alam ang gagawin," anya at yumakap ng mahigpit.

"Im your friend. I'm here whenever you need me amanda," I flashed a smile.

"Thank you," Gumanti siya ng ngiti pero mabilis din itong nawala at napalitan ng lungkot.

Lumipas ang ilang araw. Nandoon lang kami ni amanda sa hospital. Sinamahan ko siya araw araw kahit hindi na kami pumasok sa school para mabantayan ang boyfriend niya. Pero isang araw pinauwi kami ni mr. Enrico. May kasama itong isang babae. pinakilala niya samin ito bilang p.a daw ni eythan. Siya na daw yung magbabantay kay eythan. Kaya napilitan kami ni amanda umuwi at pumasok na lamang sa school.

Lumipas ang dalawang linggo. nakarecover na si eythan at pumapasok na din sya sa school. Pero nakakapagtaka kasi kasama niya yung babaeng pinakilala samin ni mr. enrico doon sa hospital.

Pero wala pang isang linggo bago na yung bumubuntot buntot sakanya. every week ay nagbabago ang body guard niya.

"Hija, are you okay..?" Natigil ako sa pagbabalik tanaw ng magsalita si tito enrico.

Tumango ako.

"Mabuti pa at magpahinga kana muna ngayong araw. Dahil bukas maaga ang biyahe natin .. kailangan niyo kong ihatid ni eythan sa airport.."

"Bukas na ho kayo agad aalis?"

"Yes cait. Kailangan na kasi ako sa company sa new york. Madami na kong napabayaan na trabaho,"

What the hell? Tomorrow will be the start of my miserable life? Not?

**

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top