Chapter 39
Eythan's POV
It was second year in highschool when i accidentally inlove with a girl. She's amanda benedicto. A girl who happens inloved with my friend.
Amanda were such a beautiful girl. Kind hearted and friendly. Nang makilala namin siya ng mga kaibigan ko noong first year high naging malapit na agad kami sakanya. All of us wants her to be a friend or maybe more than of that. Tinago ko sakanya ang feelings ko dahil hindi ko alam kung paano ba ang manligaw. Heck! That is my first time to fell inlove. Anong aasahan mo? Madaming nagkakagusto sa akin pero kahit isa doon ay wala akong nagustuhan. Si amanda lang ang unang nakapukaw ng atensyon ko at siya ang unang nagpatibok ng puso ko.
Lumipas ang isang taon. Nasa second year high school na kami. Classmate ko pa din nun si amanda. Actually, kami ng mga kaibigan ko classmate pa din siya. Alam nyo yung feeling ng nakakainis kasi kahati mo ang mga kaibigan mo sa taong gusto mo? Yun yung mahirap, e. Talo talo? Lalo na si jigs. Halatang halata na may gusto siya kay amanda. At ang masakit parang nararamdaman kong may gusto din si amanda kay jigs.
Inisip kong unahan si jigs sa pangliligaw kay amanda. Tutal torpe naman siya kaya uunahan ko na. Kaya naman ng makakuha ako ng lakas na loob nagtapat ako kay amanda. Sinabi ko na matagal na kong may gusto sakanya kaya kung papayag siya ay mangliligaw ako. Luckily, Pumayag si amanda. Sobrang saya ko nun. Araw araw ko siyang binigyan ng bulaklak, chocolates o kahit anong bagay na pwedeng magpasaya sakanya. Lagi kaming nagdedate at isang araw nakamit ko ang matamis niyang 'Oo'.
Maayos naman sa una ang relasyon namin. Masaya ako sakanya pero hindi ko alam kung masaya siya sa akin. Basta ako mahal ko siya at lahat gagawin ko para sakanya. Ganyan ako kabaliw sakanya noon kaya naman sobrang nasaktan ako ng may aminin siya sa akin makalipas ang dalawang taon.
The day before graduation umamin siya na may relasyon sila ni jigs. Tila nagimbal ako ng malaman iyon. Sobrang sakit kasi minahal ko siya ng sobra tapos yun lang ang matatanggap ko bilang kapalit. Wala akong nagawa. Kahit ilang beses ko siyang pakiusapan na wag akong iwan ay iniwan niya pa rin ako. Iniyakan ko siya. First love, First heartache.
Sinubukan kong magmove on. Pero ang hirap! Mahirap kalimutan ang taong minahal mo ng sobra sobra.
The ones that are hardest to get over are often the ones that teach you the greatest love!
Kaya lumipas pa ang ilang taon hindi ko pa din siya makalimutan. Kahit may dumating pang isang babae sa buhay ko Na muling pumukaw ng aking atensyon ay pilit kong binalewala! I'm not ready to fell inlove again. Kaya ng umamin sakin si Cait, ang babaeng nagpagulo sa aking puso, na mahal niya ko pinagtabuyan ko siya.
I said to myself I've lost a lot, my heart is still broken. I don't know if i could ever learn to love and trust again. But Cait makes me realized that it's not about me learning to love and trust again. It's about whether or not I'm willing to allow the wrong girl of my past to prevent me from loving and trusting again. I should not give my past a power over me.
Kaya naman binuksan ko ang puso ko para bigyang daan si Cait sa buhay ko.
Ika nga.
Only a new love can help repair the damage left by an old one!
Yun nga ang nangyari. Nakalimot ako sa nakaraan at natuto ulit akong magmahal ulit sa katauhan ni Cait. Yun nga lang ay hindi ko maiwasang mainsecure sa ibang lalaki. Lalo na kay jigs na umagaw sa first love ko. Tila ba naman kasi kami pinaglalaruan ng panahon dahil may gusto din si jigs kay Cait. Akala ko mauulit na naman ang nakaraan. Akala ko maaagawan na naman ako ng minamahal. But no! Cait is different. She's loyal to me.
Naging masaya ulit ako at alam kong masaya din sa akin si Cait. And that is the most perfect relationship for me. Yung hindi one sided. Yung tipong isa lang ang masaya tapos yung isa hindi pala. Kaya minahal ko pa ng mas sobra si Cait. Mas mahal kesa noong una. Yung tipong ikamamatay ko kapag nawala siya. Kung sa first love ko kinaya kong magparaya, sa pagkakataong ito. Si cait hindi ko kayang pakawalan para sa iba.
Too much love is bad!
Pero wala akong pakealam. As long as i'm inlove, there's nothing i can do but give my very best to show it.
--
"Hey bro! Daming chix naglalaway sayo oh? Bat nakatambay ka dyan?"
Napalingon ako kay mio at naghigh five kami. Tumatawa siya dahil ang daming girls na nakatingin sa akin. Wala naman ako pakealam sakanila dahil sawang sawa na ko sa pagpapapansin nila. Pogi problems.
"I'm waiting for Cait. Tagal ata magdismissed ng klase, e."
"Si Cait? Ano ka? Kanina pa tapos ang klase niya. Inaantay ka din niya sa openfield. Naku! dalian mo kanina pa naiinip yon, sa sobrang pagkainip nanghahunting na ng poging ipapalit sayo." Sinabi ni mio sabay tawa.
Binatukan ko muna siya bago umalis para mapuntahan ang magaling kong girlfriend. Naiwang tawa ng tawa si mio. Loko 'yun ah! Pinagtitripan ata ko.
Nang makarating ako sa openfield nahagip agad ng paningin ko si wilson. He was like upset! Nakatayo siya habang nakahalukipkip at masamang tinitingnan ng masama ang tumatawang si Cait at mildred.
Si Cait at mildred naman ay nakaupo sa bench may tinuturong mga lalaki. Lumapit ako sakanila para marinig ang pinag uusapan nila. Sa likod nila ako kaya hindi nila ako nakikita. Tanging si wilson lang ang nakakita sa akin. Ngumisi si gago kaya sinenyasan ko siya na manahimik.
"Mils, Oh ang pogi nung nasa gitna no?" Ani Cait sabay turo doon sa mga lalaking nagkukumpulan sa isang bench.
Hindi naman sila pogi. Mas pogi pa din ako.
Humagikhik si mildred. "Oo nga bessy. Ang pogi."
Pero teka nga? Nanlalalaki ba ang girlfriend ko? Kaya naman pala mukhang nalugi ang kaibigan kong si Wilson dahil sa pinaggagawa ng girlfriends namin, e.
"Shit! Tumayo siya. Ang gwapo talaga."
And thats it. Hindi ko na masikmura ang mga naririnig sa bibig ng girlfriend ko. Tumikhim ako bago nagsalita.
"Nasaan ang gwapo, Cait?"
*****
Hi. One more last chapter to go then tapos na po! :-)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top