Chapter 37

Hi guys! =)

Since malapit ng matapos tong story. Gagawan ko po ng point of view ang ibang characters. Para mas lalo niyong maintindihan at malaman na din ang bawat sides nila. Okay? okay.

*****

All of us stay silent and no one seems in the mood to talk. Nahihiya na nga ako kay shawn dahil birthday niya ito pero mukhang nasira namin. Humingi ako ng pasensya sakanya at sinabi niyang okay lang daw. Now, I was torn between going after my bestfriend or staying here for my boyfriend. But eythan gesture his head for me to go to mildred.

"Kakausapin ko lang siya saglit. I'll be back." Sinabi ko at pagkatapos niyang tumango ay lumabas na ko ng bahay ni shawn.

Nahanap ko si mildred malapit sa pool kayakap si wilson. Nang makita ako ni wilson ay tumango ito sa akin saka kami iniwan ni mildred. I'm not sure what magic wilson has worked but mildred's obviously in a better mood since the moment she sees me she wrapped her arms on me and hugged me tightly. Resting her chin on my shoulder she says "Sorry, I shouldn't have crossed the line."

Humiwalay ako sa yakap at nagkibit balikat. "That's okay. We understand."

"Whatever, I just want to help about your relationships but i guess i messed up real bad."

"We're good. Don't worry and let's go back to the party. Shawn will be happy on his birthday if we're there."

"Oh yeah." She says happily.

Nang makabalik kami nandoon pa din silang lahat sa sofa. But something's not well. Eythan got his phone clutched in his hand and his eyes dart nervously towards me.

"Eythan Is everything okay?"

He looks visibly shaken, bagay na napansin din ni mildred. "What's wrong?"

"I just got a call from amanda and she's crying. Nakapatay daw si lance kaya hinahanap na ito ng mga pulis." He ran his hand through his hair and exhale.

I start shaking and all the feelings that have been building up inside me the past couple of days seem to culmintae in this moment.

"Guys let's go upstairs. Madaming tao dito." Ani shawn at minuwestra ang hagdan paakyat sa second floor.

Nauna na kaming umakyat ni mildred sa taas and everyone else follows. Hinayaan namin ang mga tao sa baba na magpatuloy sa ginagawang pagparty dahil ayaw naming tuluyang masira ang birthday celebration ni shawn.

"So... Sino ang pinatay ni lance? Oh god! I can't believe it, Nakapatay talaga siya?" Hindi makapaniwalang tanong ni mildred.

"Nalaman na ni amanda kung sino ang totoong may kasalanan sa drag racing accident na naging dahilan ng pagkamatay ni jacob."

"Who? Sino yung suspect sa pagkamatay ng kapatid ni lance?"

"Harold. One of their member! Matagal na daw may alitan si harold at jacob dahil sa isang babae. Harold killed him nung drag racing. Sinira niya ang preno ng sasakyan ni jacob."

"Oh my god! Ibig mong sabihin ng malaman ni amanda na si harold ang pumatay kay jacob sinabi niya ito kay lance? And lance killed harold for the revenge?"

Tumango si eythan sa tanong ni mildred. SHIT! Lahat ng natuklasan namin ay talaga namang nakakapangilabot. Bakit umabot sa patayan? Where's lance? Where's amanda?

"Nasaan ngayon si amanda?" Tanong ni jigs kay eythan.

"I don't know. Tinatawagan ko siya pero hindi na siya sumasagot eh."

"Shit! Mauna na ko. Hahanapin ko siya." Sinabi ni jigs at nagmadali ng bumaba ng hagdan.





Amanda's POV

'The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try again later.'

Yan ang palaging sagot sa akin sa kabilang linya tuwing tinatawagan ko si lance. Fuckshit! Kinakabahan na talaga ako. Where is he? Saan siya nagpunta?

"Miss, sumama po kayo samin sa prisinto para mahingian po kayo ng detalye."

Nilingon ko ang pulis na nagsalita saka siya tinanguan. Iminuwestra nito ang loob ng sasakyan kaya pumasok ako doon. Harold on the other hand were on the ambulance car. Wala na siyang buhay. Lance killed him.

Muling bumuhos ang masaganang luha sa aking pisnge. Hindi ako makapaniwala na nangyari ito. Hindi ko akalain na papatay talaga ang pinsan kong si lance para maipaghiganti lang si jacob.

Alam kong malaki ang kasalanan ni harold. Oo kinamumuhian ko din siya mula ng malaman kong siya ang nasa likod ng pagpatay sa pinsan kong si jacob. Pero hindi sumagi sa isip ko ang patayin din siya para maghiganti. It's forbidden. Pinagbawal ng diyos at pati na din ng mga tao.

Kasalanan ko ito. Ako ang may kasalanan! Kung hindi ko sana sinabi kay lance ang natuklasan ko'y hindi sana niya papatayin si harold. Pero anong magagawa ko? Pupuntahan niya kanina sila cait at eythan sa birthday party ni shawn. Kung hindi ko sinabi ang totoo sila Cait ang guguluhin niya. Ayaw ko namang mapahamak ang mga kaibigan ko. Ayaw ko na silang maperwisyo pa ng tuluyan ni lance.

"Miss, Andito na po tayo."

Napalingon akong muli sa pulis. At ng tumingin ako sa labas ay nasa tapat na pala kami ng police station. Pinagbuksan niya ko ng pinto ng sasakyan kaya naman bumaba na ako.

Kaya ko bang isuplong ang sarili kong pinsan? Paano ko ipapaliwanag ang nangyari? Ayaw kong makulong si lance. Nanginginig ang tuhod ko ng makababa na ko sa police car. Hindi ko ata kayang maging testigo sa krimen ng sarili kong kadugo.

Naglalakad na ko papasok ng station ng makaramdam ako ng kakaibang hilo. Bumigat ang talukap ng aking mata at Sa isang iglap lang tila ako nawalan ng pakiramdam. Pero bago ako lamunin ng dilim narinig ko ang boses ng lalaking natatangi kong minahal. Kahit hindi ko na siya nakita, Sa pagtawag pa lang niya ng pangalan ko kilala ko na siya.

Jigs Chua. My love of my life.




Jigs POV

"How is she?" Tanong ni shawn pagkapasok niya sa kwartong pinagpapahingahan ni amanda.

"She's fine. Kailangan niya lang daw magpahinga sabi ng doctor. May balita na ba kayo kay lance?"

Umiling si shawn. "Wala pa. Pero tumulong na sina eythan at mio sa paghahanap sa-"

Hindi na natuloy ni shawn ang sinasabi ng magising si amanda. Halatang pagod na pagod siya kaya dapat ay nagpapahinga pa siya.

"Nakita na ba nila ang pinsan ko?"

"Amanda, magpahinga ka pa. Hayaan mo na silang maghanap sa pinsan mo."

"No jigs. Kailangan ako ng pinsan ko. Lumabas na tayo dito sa hospital."

Pinigilan ko siya sa braso ng makitang bababa nga siya ng kama. No. She needs to rest. Hindi ako papayag na may mangyari na namang masama sakanya.

"Stay there or else tatawagin ko ang doctor para turukan ka ng pampatulog,"

Tila naman siya natakot sa sinabi ko. Bumalik siya sa kama at saka humagulgol. Nataranta kami pareho ni shawn. Pinagalitan ko pa ang sarili dahil sa ginawa ko. Fuckshit! But I just want her to rest. May masama ba doon?

"Where's lance? Baka saktan siya ng mga pulis." Sinabi niya sa gitna ng pag iyak.

"Hindi siya sasaktan. Eythan will protect him, okay?" Tinahan ko siya ng tinahan hanggang sa nakatulog na lang ulit siya sa sobrang pagod.

Si shawn ay nakatulog din sa sofa pagkatapos samantalang ako ay nanatiling gising kahit madaling araw na. Tinitigan ko ang maamong mukha ng babaeng una kong minahal. Akala ko'y nakalimutan ko na siya pero nagkamali ako. Hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya.

Ilang taon na nga ba ang nakalipas? It's been two years. Freshman highschool kami noon ng malaman kong attractive ako sakanya. Hindi ko nagawang ipagtapat iyon hanggang sa magsophomore kami dahil torpe ako kaya naman labis labis na pagsisisi ang ginawa ko ng maunahan ako ni eythan. Naging sila noon at wala na akong nagawa. Nakuntento na lang ako sa pagmamasid sakanya mula sa malayo.

Pero hindi ko kinaya! Naglasing ako isang araw at ng mawala na ko sa katinuan pinuntahan ko siya sa bahay niya at nagawa kong ipagtapat ang pagmamahal na matagal kong kinimkim. Nung una ay nagalit siya. Hindi daw tama. Lasing lang daw ako kaya ko nasasabi yun. Pinaalis niya ko ng araw na yun at kinabukasan hindi ko na siya nagawa pang harapin dahil sa kahihiyang ginawa ko. Pero kalaunan ay nagtapat din siya sa akin. She told me na mahal din daw niya ako. Freshman pa lang daw. Nag antay daw siya na ligawan ko siya pero hindi ko daw ginawa. Kaya ng si eythan ang manligaw sakanya sinagot niya ito para pagselosin ako.

Nang mapaamin na niya ako natakot naman daw siyang saktan si eythan. Eythan loves her so much! At alam ko din iyon. Kaya tinago namin ang relasyon namin. Dalawang taon din namin iyon tinago at ng magsenior na ay saka lang namin inamin kay eythan. Obviously nasaktan nga namin si eythan but still nagparaya pa rin siya para sa amin.

Ipinakilala ko siya sa magulang ko. Pero tulad ng inaasahan ko hindi siya tinanggap. Lintik na chinese tradition! Chinese is for chinese, Ika nga sa amin. Pero dahil mahal ko siya nilabag ko ang tradisyon namin para mangyari lang kami. Ipinaglaban ko siya sa lahat ng tumutol sa amin. Mahirap pero kinaya ko lahat para sakanya kaso nga lang naging mahina siya. Sumuko siya. Tumigil siya at hindi na nakipaglaban para sa pag iibigan namin.

Iniwan niya ako at lumipad siya patungong america. Wala akong nagawa dahil huli ko ng nalaman. Sobrang sakit. Puro sakit ang iniwan niya sa dalawang taon na wala siya sa akin. Pinilit kong mag move on kahit mahirap At sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala ko si Cait. Nakita ko siya sa katauhan ni cait. Mabait si cait, maganda at hindi mahirap mahalin.

Nang malaman kong crush ako ni cait. Yun na ang naging Cue ko para ligawan siya. Pero tangina! Huli na pala ang lahat, naunahan na naman ako ni eythan. Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga ng tadhana. Umasa ako na mapupunta din sakin si cait tulad ng nangyari sa aming dalawa ni amanda. Akala ko fate will repeat itself pero hindi pala. Nagmamahalan si Cait at eythan. Kaya ng marealize kong wala ng pag asa hinayaan ko na lang si cait kay eythan. Siguro ay kinarma ako. Kinarma ako sa ginawa kong pangloloko kay eythan noon. And I think i deserve the bad karma I'd got.

Life goes on ika nga. Yun nga ang nangyari sa buhay ko! Pinilit kong isaayos ang baluktot kong buhay. At sa paglipas ng araw muli siyang bumalik. After two years bumalik ang first love ko. Kung akala ko nakaget over na ko, Hindi pa pala. Muli kong naramdaman ang pagmamahal na naramdaman ko sakanya noon. Nothing changed. I'm still Inlove with her.

Until now and then.

****

And this chapters brought to you by. Hahaha! Naging Jigs&Amanda story ang peg ng chapter na to!! :-D

Next chapter will be tomorrow ^^ Eythan's POV maybe? :-D Let's see..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top