Chapter 31
"Tita, Alis na po kami. Dadalaw po kami kapag may time po." Magalang na sinabi ni eythan kay mama.
"Okay hijo. Aasahan ko yan, Ah?"
"Opo tita. Don't worry! Mamimiss ko po ang luto niyo, e." Sagot ni eythan at ngumisi.
Tumawa si mama at hindi ko na nasundan pa ang pinag usapan nila ng lumayo ako dun para hagilapin si papa sa labas. Pagkagising ko ay hindi ko pa siya nakikita, e. Gusto ko sanang yakapin siya at magpapaalam na.
"Mama nasaan po si papa? Kanina ko pa siya di nakikita." Tanong ko kay mama ng bumalik ako sa loob ng bahay.
"Naku, maagang umalis papa mo para bumyahe."
"Ba 'yan ma. Hindi man lang ako ginising bago siya umalis. Hindi tuloy ako makakapagpaalam sakanya." Ngumiwi ako.
"Hayaan mo na anak. Humalik naman sa noo mo papa mo bago umalis. Hindi kana niya ginising dahil ayaw ka niyang maistorbo sa pagtulog. Sige na. Umalis na kayo... Tumawag ka na lang sakanya mamaya pag nakarating na kayo ng maynila."
"Kahit na, Ma... Ano ba yan! Baka matagal na naman tayo hindi magkita kita, e." Binoses may pagtatampo kong sinabi.
"Anong matagal? Isang linggo lang lilipas at magkikita ulit tayo. Sa bahay nila eythan."
"Huh? Anong sa bahay nila eythan, Ma?" Nagtataka akong tumingin sa kanilang dalawa.
"Eh sabi ni eythan sama sama daw tayong magbagong taon doon sa mansyon nila, e. Susunduin niya raw kami. Hindi ba hijo?" Baling ni mama sa kay eythan na nakangiti.
Tumango naman si eythan. At lumapit sa akin.
"Dito tayo nagpasko sa bahay niyo. Doon naman tayo sa amin magbagong taon. Okay lang ba?"
I smile and nod. Of course that is more than okay. I want to be with my family and i want to be with him also. That will be my most memorable new year for sure.
Umalis na kami after saying goodbye to my mother. Eythan was driving when I fell asleep and just woke up when we're already on the front of mansion. I saw wilson opening the gate for us.
"They're here?" I asked eythan.
"Yup. Tumawag ako sa kanila kanina at sinabing pauwi na ko kasama ka. Ayun sabi ni wilson pupunta daw sila dito at aantayin pagdating natin. They missed you." Anya sabay tingin sakin.
Ngumiti siya at ngumiti din ako. Nang malagay na niya sa garahe ang sasakyan sabay kaming tatlo nila wilson pumasok. Sinalubong agad ako ng yakap at halik sa pisnge ng mga kaibigan ko. Akala ko sina shawn, wilson, jigs at mio lang ang nandito pero pati pala sina aveya, claire, zander, troy at joshua ay nandito din. Sunud sunod na tanong agad ang pinaulan nila sa akin. Hindi ko naman agad nasasagot dahil sabay sabay.
"Paupuin niyo muna si babes bago niyo paulanan ng tanong. Hindi halatang miss na miss niyo siya, Ah?" Ani zander.
"Bakit zan, Parang hindi mo namiss si cait Ah? Ikaw nga tong tanong ng tanong palagi kung may balita na sakanya, e." Nangangantyaw na sinabi ni aveya.
Tumahimik si zander at humalakhak si aveya at claire. Nag umpisang tuksuhin ni joshua at troy si zander. Tumatawa sila ng sunud sunod na tumikhim sina shawn at mio habang nakatuon ang tingin sa aking likuran. Alam ko kung bakit. Eythan was in my back. At naiimagine ko ang galit nitong ekspresyon. Tumahimik na sina aveya at iba pa sa ginagawang panunukso. Hindi ko pa rin malingon si eythan sa likod ko. Ayaw kong makita ekspresyon niya. Mmm. Dapat kasi nanahimik na lang sila aveya, e. Kahit binibiro lang nila si zander. Hays!
Nilagpasan lang ako ni eythan at dumiretso siya sa dining room. Jealous? Mad? Whatever. Wala akong ginagawa. Nakatayo lang ako dito habang ginagawa nila aveya ang panunukso kay zander. I'm innocent! Geez.
"Ikaw kasi eh..."
"Bakit ako? Si avs yun, e."
"Sorry. Di ko sinasadya.."
Nag umpisa na silang magturuan at magsisihan. Hinayaan ko na lang sila at sinundan si eythan sa dining room.
"Eythan we need to do that. We're just going to pretend you know."
Napapreno ako sa pagpasok ng marinig ang pamilyar na boses. Amanda was here, too?
"No. Bakit kailangan pa nating magpanggap na tayo? Sinabi ko na kay lance na hindi ko mahal si Cait, mukha naman siyang naniwala, e." Iritado si eythan.
"He's not. Hindi niya tayo nakikitang magkasama kaya nagdududa siya. I heard may pinaplano na naman siya para kay cait. Ayokong mapasama ng husto pinsan ko, I don't want him to rot in jail. And of course I want to help you and cait. Cait is my friend. Tulad mo ayaw ko din namang may mangyaring hindi maganda sakanya."
Nanahimik si eythan ng ilang sandali. Maya maya ay nagsalita din.
"Ayaw kong maging dahilan na naman to ng hindi namin pagkakaintindihan ni cait. I don't want her to leave me again."
Napaisip ako! Siguro'y nadala na siya sa pag iwan ko sakanya. Nahihirapan siyang magdesisyon. Gusto niya kong proteksyonan pero ayaw niyang magtampo ako sa paraan ng pagpoprotekta niya. Ayokong makita na nahihirapan siya. Gusto kong pagaanin ang hirap na iniisip niya sa paraan ng pagpayag. Pero kakayanin ko bang makita silang dalawa na magkasama? Kakayanin ko ba na sa mata ng ibang tao sila ang magkarelasyon at hindi kami? Iniisip ko pa lang nasasaktan na ko. Nagseselos na ko kahit ang lahat ng gagawin nila ay pawang pagpapanggap lang!
Masisisi ba ako? Amanda was his Ex. He's deeply inlove with her before. Paano kung bumalik ang pagmamahal na iyon? Paano kung mainlove siya kay amanda ulit ng hindi sinasadya kapag magkasama na sila? Ugh! It's frustrating.
Isintabi ko ang iniisip at bumalik na lang sa living room kung nasaan ang aming mga kaibigan. Hinanap ko agad si mildred sa paligid. Gusto ko siyang makausap. Kapag ganitong may bumabagabag sa akin ay siya lang naman itong nalalapitan ko. But realization hits me. Mildred's not here. She's in states, I remembered.
"Wilson, Kailan balik ni mils?" Sabi ko at tumabi sakanya.
"I'm not sure. Baka daw kasi magextend sila ng two weeks pa depende sa gusto ng parents niya."
I frown. "I missed her. Sana umuwi na sila sa bagong taon."
"I missed her too. Pinipilit ko nga, e. Kaso hindi daw niya masuway magulang niya. Don't worry tatry ko ulit kausapin via skype. I'll tell her na nandito ka na ulit kay eythan baka umuwi agad 'yun ng wala sa oras. Mas mahal ka ata nun kesa sakin, e."
"What a jealous boyfriend," Ani shawn sabay halakhak.
Tumawa din ako pati sina mio at jigs. Nang magtama ang tingin namin ni jigs ay saka ko lang siya nakausap. Ngumiti siya sa akin at kinamusta ako. Sinabi ko naman na ayos lang ako. Maya maya ay nakita ko siyang parang may hinahanap.
"Nakita mo si amanda? Kukuha lang yun ng tube ice, e. Tagal naman bumalik." Natanong niya bigla.
"Nasa kitchen. Kausap si eythan."
Nakita kong kumunot ang noo niya. Parang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Nanahimik siya at parang nawalan na ng gana makipag usap o gawin ang kahit ano. Weird!
Iniwan ko siya doon at lumipat sa pwesto nila aveya.
"Beh, sorry kanina Ah? Hindi ko talaga sinasadya. Binibiro ko lang naman si zander nun."
"Okay lang, Avs. Huwag mo na lang ulitin pag nandyan si eythan." Ngumiti ako para makampante na siya.
Naging okay na ang lahat. Ang mga boys ay nagpatuloy sa pag iinuman. Si zander, troy at joshua ay nakihalubilo na din kina wilson. Habang kami nina aveya at claire nanood na lang ng horror movie at nagpapak ng mga pagkain. Inabutan ako ni claire ng chips kaya yun ang nilamutak ko.
Ilang sandali pa naramdaman ko ang pagtabi ni eythan sa akin. Si amanda ay pumagitna kay jigs at shawn.
"You're drinking?" Ani eythan. His voice was husky. Ang lapit ng bibig niya sa tainga ko parang nakikiliti tuloy ako.
Umiling ako at di siya nilingon.
"Are you mad? Hindi ba dapat ako ang galit dito? Why zander calling you 'babes?" Nagbago ang tono ng boses niya.
"I don't know. H-hindi pa tayo endearment na niya sa akin 'yun." My heart beating so fast. Sobrang lapit kasi niya. Halos amoy ko na ang mabango niyang hininga.
"Then, Tell him to stop. May boyfriend ka na. May magseselos na." Sinabi niya sabay ayos ng upo.
Saka ko lang siya nilingon at kita ko ang nakakunot niyang noo. Diretso ang tingin niya sa flatscreen TV. Seriously? Galit na siya non?
"Eythan, O! Inom ka din." Ani mio sabay abot ng basong may laman na alak kay eythan.
Tinanggap naman niya iyon at walang pasubali niyang nilagok. Aba! Anong problema?
Nagpatuloy sila sa pag iinuman. Inaabutan ako nila mio ng shots pero inaagaw naman ni eythan at siya ang umiinom nun. Nakailang shots na siya at alam kong medyo tinamaan na.
"Lasing ka na. Tama na kaya?" Sinabi ko.
Umiling siya. "Kaya ko pa." Anya at nagtaas ng kilay.
Umirap ako! Ano bang hinihimutok ng butsi nito? Hays. Naiinis na din ako. Sinubukan ko pa siyang awatin ng isang beses pero ayaw niyang magpatinag. Pinagtataasan niya lang ako ng kilay kaya Nakakapang init na talaga ng Ulo. Tumayo ako. Ayaw ko siyang makatabi. Naiinis ako.
"San punta?" Tanong niya.
Sa impyerno. Gusto ko sanang sabihin. Pero wag na lang. Ayaw kong magtalo na naman kami. Lalo na sa harap ng mga kaibigan namin.
"Bathroom lang." Sinabi ko at umalis na. Tinotoo ko na lang ang pagpunta sa Cr at naghilamos ng mukha. Na para bang kapag ginawa ko iyon ay mawawala ang init ng ulo ko.
"Cait, Open the door."
Napapitlag ako ng marinig ang boses ni eythan. Sumunod siya? Ano na naman kaya ito? Umiiwas ako sa away kaya please lang sana Wag ngayon. Wala ako sa mood.
"Bakit? Doon kana. Babalik naman ako, Sandali lang to."
"Ano ba ginagawa mo? I want to talk to you. Open it... Please?"
A sigh escape on my lips. Wala. Talo ako sa pagkabossy niya! Sabagay boss ko naman talaga siya, e. Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto. Nagulat ako ng pagkabukas ko ay agad niya kong niyakap. Ang kanyang baba ay nakapatong sa balikat ko at ang dalawa niyang braso ay nasa magkabilang bewang ko.
"I'm sorry for being a baddass. I'm just jealous. Ayaw kong pinapares o tinutukso ka sa iba. Gusto ko akin ka lang, Sorry." Malambing niyang sinabi.
Humiwalay ako sa yakap at tinitigan ko siya. I understand what he feel. We're on the same boat. He's jealous, I'm jealous too. He's possesive And I'm possesive too. Gusto niya sakanya lang ako tulad ng gusto kong akin lang siya.
"Eythan, I'm yours and you're mine. Just like you I'm jealous too... Please stay away from amanda."
****
Yow! Ang sabaw. =D Ge.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top