Chapter 30

My parents were making a scene when me and eythan went on their house. Actually our house on rizal. They were gone crazy on making a show to impress our guest- eythan.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ni mama sa amin ni eythan tapos sabay baling kay papa. "Roman, lika dito. Tulungan mo ko magluto para makakain sila. Hayaan mo muna silang dalawa dyan."

Tumayo naman si papa at iiwan na dapat kami sa sala.

"Ma, kumain na po kami sa labas." Sinabi ko.

"Ganoon ba. Saan ba kayo nanggaling? Saan kayo natulog?" Tanong ni mama na naging dahilan para manayo ang mga balahibo ko sa balat.

Hindi kami nakapagsalita ni eythan. Maski siya ay hindi alam ang isasagot. Mabuti na lang at sinalo kami ni papa.

"Ano ka ba martha? Hayaan mo na yang anak mo, malaki na yan. Baka nag-usap lang ang dalawa. Alam mo naman na nagkaproblema sila."

Hindi na nagsalita pa si mama. Hindi naman siya galit. Parang nag-alala lang talaga siya sa akin dahil nagising sila na wala ako sa kwarto ko. Kasalanan ko naman kasi. Hindi ako nagtext sakanila. Hindi ko rin nasagot ang tawag nila dahil nga sa... nangyari kagabi.

"Tita, Tito pasensya na po kayo kung hindi ko po naihatid agad pauwi si cait. Ako po talaga ang may kasalanan. Sorry po." Ani eythan.

My mother shook her head. "Naku, hindi naman ako nagagalit! Huwag kang mag alala." Sinabi ni mama sabay ngisi.

Yeah. She's at it. She really likes eythan for me. Kahit ano siguro sabihin ni eythan okay lang sakanya. Botong boto siya kay eythan para sa akin. At masaya ako doon.

"Roman, lika na. Magluto pa rin tayo. Nakakahiya sa nobyo ng anak natin kung wala man lang tayo maaalok." Si mama ulit.

"Hindi po. Okay lang po-" Pinutol ko ang sinasabi ni eythan.

"Hayaan mo na sila. Hindi yan magpapapigil." Sinabi ko at ngumisi.

He smirked too. Pagkatapos ay nanood na lang kami ng TV sa sala. Nakaupo ako sa sofa samantalang humiga siya habang nakalagay ang ulo niya sa hita ko. Ilang minuto ang nakalipas ay nakatulog si eythan. Puyat siya. Madaling araw nangyari yung samin. Alas kwatro na ata kami nakatulog. Pagkatapos alas onse ng tanghali kami nagising tapos hindi na kami nagstay sa hotel ng matagal at lumabas na kami doon dahil gusto ko ng uwian ang magulang ko na sobrang nag aalala na sa akin.

I played his hair using my finger. Ngayon ko lang masisilayan ng sobrang lapit at matagal ang mukha niya. He was so handsome. Hindi ko tuloy mapigilang matanong ang sarili ko kung ano bang nagustuhan sakin ni eythan? Ano bang nakita niya sa akin? Para kasing hindi ako nababagay sakanya. Pogi siya at mayaman. Ako simple lang at mahirap. We're not compatible, right?

Wala akong maisagot sa sariling tanong. Si eythan lang naman ang makakasagot ng lahat dahil siya naman ang involve sa sarili niyang nararamdaman. Napahikab na lang ako ng ilang segundo pa ang lumipas. Hindi ko na napigilan ang sarili at nakatulugan ko na lang ang mga tumatakbo sa isip.

Nagising na lang ako ng may marinig akong nag- uusap sa may labas ng bahay namin. Maririnig ang boses nila mula sa labas hanggang dito sa sala dahil magkalapit lang naman ang distansya. Hindi kasi malaki ang bahay namin. Parang wala pa nga sa one fourt ng bahay nila eythan sa maynila. Pero hindi naman ako sa nagmamaliit sa sariling bahay. Nagsasabi lang ng totoo.

Gusto ko sanang lumapit pero tulog pa din si eythan at ayaw ko siyang maistorbo. Kaya nakuntento na lang ako doon tutal naririnig ko naman ang pinag uusapan nila.

"Grabe, ang yaman pala ng nobyo ng anak mo ano? Tsaka ang pogi pa mare." Narinig kong sinabi ni aling belen. Ang kapit bahay namin.

Tumawa si mama. "Oo nga, e. Maganda kasi anak ko at mabait pa. Hindi malabong hindi siya magustuhan ng nobyo niya ngayon."

"Naku. Madami namang maganda at mabait sa mundo mare pero bakit yung anak mo ang nagustuhan?" Ani aling belen.

Tumaas ang balahibo ko sa narinig. Anong pake niya? Hays.

"Anong ibig mong sabihin mare?"

Sinilip ko ang mukha ni mama. Nakatalikod siya aa akin pero bahagya ko pa ring nakikita ang pagkunot ng noo niya.

"Hindi ba amo ni cait yung nobyo niya ngayon? Anong ginawa niya para magustuhan siya ng lalaki? Baka naman inakit niya mare para makadali ng mayaman,"

Nakuyom ko na ang kamao ko dahil sa sinabi ni aling belen. Hindi ako nangbabastos ng matanda pero parang gusto kong pagsabihan ng kahit konti para matikom niya ang bibig. Tatayo na dapat ako sa sofa ng bigla kong marinig si mama.

"Hindi ganyan anak ko, belen. Hindi siya mang aakit ng lalaki para lang magustuhan. At lalong hindi pera ng lalaki ang habol ng anak ko. Huwag mo siyang igaya sayo na mukhang pera. Mahal nila pareho ang isa't isa.Naiintindihan mo? Imbyerna ka, a! Umalis ka nga sa harap ko bago pa kita masabunutan dyan." Medyo pasigaw na sinabi ni mama.

"Eto naman... Masyadong sensitive! Oo na sige aalis na ko."

"Ge. Alis! Pasensitive sensitive ka pang nalalaman dyan. Hoy huwag kang mag english. Di bagay sayo."

Hindi na nakapagsalita pa si aling belen at umalis na nga. Pumasok naman si mama sa bahay at sinarado ang pinto. Nakakunot ang noo niya at bumubulong bulong. Halatang iritado sa naging usapan nila ng kumare.

"Mama, masyado ka namang highblood. Easy ka lang po." Sinabi ko ng nakangisi.

Nagulat si mama sa bigla kong pagsalita. Akala ata niya tulog pa din ako.

"Eh ayan kasing ate belen mo ang kati ng bunganga. Nakakahighblood."

"Hayaan mo na po ma. Huwag niyo ng pansinin. Hindi po nakakaganda kapag nagagalit ka." Sabi ko sabay tawa.

Tumawa din si mama. Bigla tuloy gumalaw si eythan. Nagising ata namin. Nagmulat nga ng mata si eythan. Mamula mula pa ang mata niya dahil bagong gising.

"Sorry. Nagising ba kita?" Sinabi ko.

Ngumiti siya sa akin tapos inangat niya ang sarili para makaayos ng upo sa sofa. Diretso agad ang tingin niya sa akin. "Hindi. Ayos lang! Mabuti nga't nagising mo ko dahil nananaginip na naman ako ng tungkol sayo." Sinabi niya sabay ngisi.

Pinanlakihan ako ng mata. What the hell? Nananaginip na naman ba siya ng... Yung panaginip na... We're making love? Pinamulahan ako ng pisnge sabay iwas ng tingin sakanya. Narinig ko siyang humalakhak. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. Tawa siya ng tawa. Natigil kami pareho ng marinig ang pagtikhim ni mama. Oops! Nandito pala siya. This time si eythan naman ang natameme. Namutla dahil hindi inakalang nasa harap lang pala namin si mama.

"Mmm. Ihahanda ko lang ang meryenda. Maiwan ko muna kayo." Ani mama sabay panhik sa kusina.

Namumutla pa rin si eythan ng tingnan ko. Hindi ko napigilan ang mapabulanghit ng tawa. "Nananaginip ng tungkol sakin, huh?" Sabi ko sabay tawa ulit.

"Tsss. Stop it, Cait! Bakit di mo sinabing nandyan pala si Tita?"

Tumawa ulit ako. Nahihiya siya! Nahihiya siya kay mama dahil sa sinabi niya. Hindi ko mapigilan ang sarili kundi pagtawanan siya. Ilang minuto ko siyang inasar ng inasar. Hindi ko nga alam kung naiinis ko ba siya, e.

"Cait, halina kayo dito. Tigilan mo na muna pang aasar kay eythan ng makapagmeryenda na tayo." Nakangiting sinabi ni mama.

Imbis na tumigil ay tumawa ulit ako ng makitang namutla na naman si eythan.

"Baby, Stop it! Hahalikan kita dyan Sige!" Sinabi ni eythan sa paraang ako lang ang makakarinig.

Tumigil agad ako sa pagtawa at tinikom ang bibig. Ayaw kong makita nila mama na hahalikan ako ni eythan. Nakakahiya!

"Hindi na. Tara kain na tayo." Sinabi ko.

Ngumisi siya at hinawakan ang kamay ko. "Good baby. Let's go!" Sinabi niya at hinila na ko patungong lamesa.

One point for eythan! Clap. Clap.

Masaya kaming nagmeryenda nila mama, papa at eythan. Si mama at papa puro si eythan ang kinakausap. Bihira lang ako makasingit sa pinag uusapan nila. Nagbibiruan silang tatlo. Ako tagatawa lang! Ang saya nga, e. Insert sarcastic tone.

Nang gumabi na hindi na hinayaan nila mama at papa na umalis kami ni eythan. Babalik na dapat kasi kami sa monte mansyon pero pinigilan nila kami. Gabi na daw at baka mapaano pa kami kaya dito na daw kami matulog muna. Pumayag naman si eythan kahit ayoko. Nahihiya kasi ako patulugin siya dito sa bahay namin baka hindi siya sanay matulog sa maliit na kama. Pero ang sabi niya wala daw kaso sakanya kaya wag daw ako mag alala.

Ang balak ko ay sa kwarto ko matutulog si eythan tapos doon ako sa kwarto nila mama at papa makikitulog para wala silang isipin. Pero etong si mama at papa nagpumilit na sa kwarto ko na ako matulog katabi ni eythan kasi hindi daw kami magkakasya sa kwarto nila kung tatlo kami.

"Sige na anak. Dyan ka na matulog sa tabi ni eythan." Ani mama sabay tulak sa akin papasok sa kwarto ko.

Nakatingin lang si eythan sa amin ng nagtataka!

"Gusto ko kambal huh?"

"MA!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mama.

"Joke lang!" Sabi niya ulit sabay tawa.

Tumatawa si mama ng umalis siya sa kwarto ko. Geez! Feeling ko ang init init ng pisnge ko. Ano ba yun si mama? Grabe! Bakit ganun? Mama ko ba yun?

Ilang minuto bago ko inayos ang ekspresyon ng mukha ko. Huminga ako ng malalim bago hinarap si eythan. Naabutan ko siyang kinakagat ang labi at pulang pula ang mukha dahil nagpipigil ng tawa! Inirapan ko siya at hindi na pinansin.

Kinuha ko ang manipis na kutson na nakatago sa aparador ko at nilatag iyon sa sahig. Habang ginagawa ko iyon ay nagsalita si eythan.

"Hey, What are you doing?" Nakataas na ang isa niyang kilay. Wala na ang natatawa niyang ekspresyon.

"Dito ako matutulog."

"ANO? Sasakit likod mo dyan. Dito ka matulog sa kama. Ako na lang diyan kung ayaw mong magtabi tayo."

"Huwag na. Dyan ka na. Ako dito."

"Hindi. Dito ka na sa kama. Ako na lang diyan kahit sumakit likod ko okay lang basta hindi ikaw." Nagpaparinig pa niyang sinabi sabay pigil ng ngisi. Palibhasa kasi alam niyang madadaan niya ko sa paawa effect niya, e.

Hinarap ko siya at humalukipkip. "Hoy Mr. Eythan Monte hindi porke sinabi ni mama yung ganun, pwede mo na talagang gawin yun ha? Wala lang sa sarili si mama kaya niya nasabi yun. Bukas matatauhan din yon."

Ngumisi siya sa sinabi ko. "Opo Ms. Cait belo! Hindi po ako gagawa ng kahit ano. Baka nga ikaw pa may gawin, e." Sabi niya sabay tawa.

Pinag initan na naman ako ng pisnge. Fuck. Hindi ko na napigilan ang sarili at hinampas ko siya sa braso. "Siraulo." Sabi ko sabay higa sa kama.

"I think makakatulog ako ng mahimbing ngayon kaya huwag kang mag-alala walang mangyayari. Basta behave ka lang din. Okay baby?" Sabi niya sabay tawa.

Hinampas ko ulit siya. Umirap At di na nagsalita pa. Humiga naman siya sa tabi ko at pinulupot agad ang kanyang braso sa akin.

"Goodnight, baby. Sweet dreams." Ani eythan at hinigpitan pa ang yakap.

Yumakap din ako sakanya. "Goodnight." Wet dreams.

***

😜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top