Chapter 25

Amanda has been back a few days ago. I Heard she will stay here in the philippines for good. Hindi ko pa siya nakikita since ng dumating siya. Until we literally bumped into each other at starbucks. And sat together as if it was a natural thing for us. We had a lot story to talk about. Nauna sa kamustahan, nagkwentuhan at nagtawanan hanggang sa may sabihin siyang pahayag na nagpatameme sa akin.

"I heard you and eythan were dating.. Is that true?" Biglang tanong ni amanda.

Nagulat ako that time. Hindi ako nakapagreact kaagad. Tumawa siya ng makita ang reaksyon ko.

"Hey! What's with your reaction?" She said laughing. "Don't worry cait. I'm not against to you for dating him. Infact i'm happy for the both of you.."

Ngumiti siya. Maganda pa din si amanda hanggang ngayon. Mas nagmukha siyang mature at sosyal. Alam kong mabait si amanda. Magkaibigan kami ng anim na taon kaya alam ko na ang ugali niya. Alam kong totoo siya sakanyang sinasabi.

Hindi ko na nagawang sumagot ng makatanggap ng tawag mula kay mildred. Sinagot ko agad iyon.

"Hello mils?"

"Bessy, bumalik kana dito sa school. Nagkainitan sina lance at eythan. Nagkakagulo dito. Oh my god. Eythan!"

Naputol ang tawag. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Lalo na ng marinig ang pagsigaw ni mildred.

"Cait, what's the matter?" Tanong ni amanda ng makitang nagmamadali ako sa pagliligpit ng gamit ko.

"Nag aaway sina eythan at lance sa school. Kailangan ko ng bumalik, Amanda." Sabi ko at nagmadaling lumabas na ng coffee shop.

Pumapara na ko ng taxi ng biglang sumulpot sa gilid ko si amanda.

"Tara sumakay kana sa kotse ko," Sinabi niya at nauna ng sumakay sa kulay itim na kotse. Wala na kong sinayang na oras pa. Sinundan ko si amanda at sumakay sa kotse niya.

Ilang minuto lang ng marating namin ang school. Napukol agad ang tingin ko sa mga taong nagkumpulan sa malaking espasyo ng openfield. Lumapit kami ni amanda doon. Hinanap agad ng mata ko si eythan. Nanginig ang buong katawan ko ng makita ang itsura niya. May dugo. Madaming dugo ang nagkalat sa kulay puting damit na suot niya. May hiwa sa labi niya at dumudugo ang ilong. Hinahawakan ang dalawang braso niya ni mio at shawn para awatin sa pagsugod kay lance.

Lumipat ang tingin ko kay lance. Kung naawa ko sa itsura ni eythan, Mas naawa ko sa naging itsura ni lance. Mas madami siyang sugat sa mukha. Nagkulay itim ang gilid ng kanyang isang mata. Black eye. At mas madaming dugo ang nagkalat sa kanyang katawan.

"Lance.." Lumapit si amanda sa pinsan niyang nakahandusay sa lupa.

Nilapitan ko naman si eythan. Nagtama ang paningin naming dalawa. Hindi ako nagsalita. Wala din siyang sinabi. Binitawan na siya nina mio at shawn. Mils, jigs and wilson were on the side. Shocks on there face were evidence.

Dumating si Mrs. santiago. Tumahimik ang lahat.

"Eythan monte and lance benedicto go to my office now.." Seryosong sinabi ni mrs. santiago.

--
"Ang tagal naman nilang kausapin. Hindi kaya hatulan sila ng drop out?" Sinabi ni shawn.

"Baliw ka ba? Paano papaalisin ang nagmamay-ari ng school?" Sagot ni mio.

"Ay. oo nga pala. Monte nga pala si eythan. Edi kawawa si lance. Sana mapaalis na siya dito sa school, Tutal siya naman ang nanguna ng gulo, e."

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Kwinento sakin ni mildred ang nangyari. Si lance nga daw ang unang sumuntok, Gumanti lang si eythan.

Ilang oras na din kaming nag aantay dito sa labas ng dean office. Nasa loob sina lance at eythan. Kasalukuyang kinakausap ng mga dean. Naiwan kami nina amanda, mildred, shawn, wilson, jigs at mio dito sa labas. Nag-uusap sina wilson at mildred. Si mio at shawn ay kanina pa nagbabarahan. Si amanda at jigs naman ay tahimik lang. Ramdam ko ang pagkailang nila sa isa't- isa. Hindi ko alam kung bakit. Samantalang ako ay kanina pa nananahimik. Lutang kasi ang isip ko ngayon. Parang gusto kong pumasok sa loob ng dean office para hilahin si eythan papuntang clinic. Paano ba naman kasi'y pinadiretso agad sila dito sa office kesa sa clinic kahit nakikita naman na parehong may sugat ang dalawa.

Ano ba naman sana yung bigyan muna ng lunas ang mga sugat nila bago kausapin di ba? Naiinis tuloy ako.

Lumipas pa ang ilang minuto ng biglang bumukas ang pinto. Niluwa nun si eythan. Lumapit agad ako sakanya at niyakap siya. Sabihan na kong over reacting pero hindi ko napigilan ang pag iyak. Nag alala ko ng sobra, e.

Naramdaman ko ang paghagod niya sa likod ko. "Sorry kung pinag alala kita." Sinabi niya.

Humiwalay ako mula sa pagkakayakap. Pinunasan ko ng panyo ang luhang dumaloy sa pisnge ko. "Huwag ka ng madaming sinasabi.  Pumunta na tayo sa clinic." Sinabi ko.

Tumango siya. Aalis na sana kami doon ng biglang bumukas muli ang pinto ng office, Lumabas si lance. Madilim ang mukha niya ng tumingin sa amin.

"Kung akala mo titigil na ako dahil pinalayas mo ko sa school na to. Pwes nagkakamali kayo. Lintik lang walang ganti. Tandaan niyo yan eythan." Sinabi niya at tinalikuran kaming lahat.

Dala dala ko sa isip nitong mga nagdaang araw ang huling sinabi ni lance. Tatlong araw na din ang lumipas pero may kakaibang kaba pa din ang hatid sakin ng bantang iyon. Parang may masama talagang mangyayari. Kaya naman heto ako ngayon at araw araw kong binabantayan si eythan. Natatakot ako na baka magkita pa sila ni lance at may mangyari na namang hindi maganda. Patago ko lang siyang sinusundan kapag walang pasok sa school.

Ngayon, dinala ako sa isang tagong lugar dahil sa pagsunod ko sakanya. Sa isang bahay na hindi pa natatapos gawin siya nagpunta. Mula dito sa pinagtataguan ko. Sa likod ng malaking drum ay nasisilil ko kung sino ang kanyang kausap.

Lance.

Hindi nga ko nagkakamali. Alam kong hindi pa din talaga tapos ang lahat. Kaya tama ang desisyon ko na sundan si eythan.

"Anong kailangan mo at nakipagkita ka sa akin?" Sinabi ni lance.

"Hindi na ko magpapaliguy ligoy pa. Gusto ko lang sabihin sayo na wag mo ng ituloy ang binabalak mo."

"What are you talking about?"

"About kidnapping cait on christmas eve. Sa party ni amanda. Ten o'clock in the evening."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. May balak sina lance kidnappin ako sa araw ng christmas party sa bahay ni amanda? Ilang araw pagkatapos ng insidente sa school ay nagkita kami ni amanda at ininvite niya ko na pumunta sa gaganapin niyang christmas party. At dahil dalawa lang kami ni eythan magkasama sa mansyon sa disperas ng pasko pumayag kami. Besides pati ang iba pa naming kaibigan ay pupunta din naman.

Lance clap his hands. Then he laughed.

"Magaling. Hindi ko akalain na malakas pala ang pang amoy mo."

"Hindi ko malalaman yun kung walang nagsabi sa akin, And guess who? It's your own cousin." Sinabi ni eythan.

Amanda.

"Hindi magagawa ng pinsan ko sa akin yun. Hindi niya ko tatraydurin." Sumigaw si lance.

"Well. Tinraydor ka ng pinsan mo! Mas pinili niya ako kesa sayo. Naiisip ko tuloy na baka hanggang ngayon hindi pa din ako nakakalimutan ni amanda, e. Hindi kaya mahal niya pa rin ako?"

Halos malaglagan ako ng panga sa narinig. Tama ba yung narinig ko?

"Hindi ka pa din nagbabago. Playboy ka pa din. Ano na lang kaya mararamdaman ng girlfriend mo kung sabihin ko sakanya na hanggang ngayon ay may pagnanasa ka pa din sa ex mo?" Nanunuyang sinabi ni lance.

Tumawa si eythan. "Wala akong pakealam. I didn't love her anyway. Si amanda naman talaga ang totoong mahal ko."

Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Sunud- sunod na bumagsak ang mga iyon.

Sa takot na mahuli ako sa gitna ng paghikbi. Nagmadali akong umalis doon ng hindi nila napapansin.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top