Chapter 23
Isang umagang puno ng patagong bulungan ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa school. Kalat na kalat na agad sa school ang nangyaring aksidente na kinasangkutan nina eythan.
Lahat ay may kanya kanyang pinaniniwalaan. May naniniwalang hindi kasalanan o hindi sinadya ang nangyaring aksidente sa lider ng badboys na si jacob benedicto. Yung iba naman ay naniniwalang sinadya ang nangyari para makapaghiganti sa aksidente ding nangyari two years ago.
One thing was clear to me. Eythan and other members didn't do anything bad. It's all was an accident. Nothing wants it to happen. Mas naniniwala ako sa sinabi nila sa akin. Alam kong nagsasabi sila ng totoo na ang badboys ang nagyaya sakanila na makipagpaligsahang muli. At ang aksidenteng nangyari, ang pagkawala ng preno ng sasakyan ni jacob ay hindi ginawa nina eythan para maghiganti o ano pa mang dahilan. Naniniwala akong malinis ang kanilang pagkatao at konsensya.
But one thing was still unclear to me. Ang rason kung bakit silang pumayag makipagpaligsahan. Ang rason kung bakit napilitan sila na makipaglaban kahit ayaw na nilang gawin iyon. Tutop ang bibig nila kapag iyon na ang tinatanong ko. They hiding something to me and that's bothering me.
Suspended ng isang linggo ang lahat ng nasangkot sa drag racing. Ang nakipagpaligsahan at ang lahat ng nanood sa racing. Lunch break ng makasalubong ko sa daan sina zander. Niyaya nila ako na sumama sakanila sa cafeteria. So i did. Wala si mildred at sina eyrhan kaya sakanila ako didikit ngayon.
"Beh, okay ka lang ba? I heard the news. How's eythan?" Tanong ni aveya sa akin. Malumanay ang boses niya at tinatantiya ang mood ko.
I bitterly smiled. "They're worried about the case but i heard that it will resolve." Kalmado kong sabi.
"That's a relief." Nakangiting sabi ni aveya pero mabilis din iyong naglaho. "Balita ko ililibing na agad si jacob bukas. Yun ang desisyon ng pamilya. Should we atleast visit the burial?"
"Avs, do you think cait can go there? What if-"
"I'll go. Gusto kong makiramay sa pamilya ni jacob." Pinutol ko ang sinasabi ni claire.
Walang may kasalanan ng aksidente. Kung hindi makakapunta sina eythan ay ako na lang.
"Cait, kilala ka bilang girlfriend ni eythan dito sa school. I'm sure makikilala ka ng mga miyembro ng badboys lalo na ng kapatid ni jacob. Paano kung may gawin silang hindi maganda sayo doon?" Nag aalalang sabi ni joshua.
"May kapatid si jacob?" Nagulat kong tanong.
"Oo. Si lance benedicto. Balita ko galit na galit siya. Naniniwala siyang sina eythan ang sumira ng preno ni jacob." Dugtong ni troy.
"But it's not true. Walang kinalaman sina eythan sa pagkasira ng preno ng sasakyan ng kapatid niya." Nakuyom ko ang mga kamao dahil sa galit na nararamdaman.
My boyfriend and friends were innocent. Kasalanan ng badboys ang nangyari. Kung hindi nila pinilit na makipagpaligsahan hindi iyon mangyayari.
"Pero nagmamatigas sila at dinidiin nila na ang grupo ni eythan ang may kagagawan. Yun ang matindi nilang pinaniniwalaan. They believe that Eythan and his friends took revenge for them." Sabi ni zander.
Hindi ako nakapagsalita. Mahigpit kong nakuyom ang kamao dahil sa mga naririnig. Ang badboys ang nagyaya ng paligsahan, bakit nila sinasabing naghiganti sakanila? Sila ang nagyaya. Sila ang dapat masisi sa lahat.
"Sigurado ako na ang dalawang grupong to ay magkakainitan pa lalo dahil sa nangyari. Lahat ay aware sa posibilidad na iyon." Ani joshua.
"That's why i should kill the growing fire to both of them. I should help eythan and my friends. Kailangan maareglo at magkasundo ang dalawang grupo. I don't want them to fight."
"What are you going to do, then?" Tanong ni zander.
Huminga ako ng malalim. "I'll convince eythan to reconcile with badboys."
"Do you think that will be easy? Do you think sorry will be enough?" Umiiling iling na sabi ni zander.
-
Naresolba ang kaso ilang araw ang nakalipas. Sa susunod na linggo ay makakabalik na ulit sila ng school mula sa suspension. Pagkauwi ko ng mansyon galing school ay nandoon ang magkakaibigan kasama si mildred. Ang mga lalaki ay nag iinom ng alak samantalang si mildred ay nagpapapak ng junk foods sa tabi ni wilson.
"You're here?" Sabi ni eythan at sinalubong ako. He kissed me on my cheeks. Amoy na amoy ko ang alak na iniinom nila.
"Anong meron? Bakit kayo nag iinuman?" Tanong ko. Naglakad kami ni eythan papuntang sofa at umupo doon.
"Wala lang. Boring ako dito sa bahay dahil wala akong pasok sa school. Niyaya ko na lang sila mag inuman." Sagot niya.
Tumango ako.
"How's school, cait?" Si jigs ang nagtanong.
"Okay lang. Kailangan niyo ng pumasok next week. Ang dami niyong namiss na lecture."
"We'll be back on monday. Don't worry!" Ani jigs.
Hindi na ulit ako nagsalita at nagpaalam na magpapalit muna ng damit. Mabigat ang pakiramdam ko pagkapasok ko ng kwarto. May takot akong naramdaman mula ng makilala ko si lance benedicto. Kanina sa school ay tinabihan niya ako sa bleacher. Nung una ay hindi ko alam na ako talaga ang pakay niya pero ng kausapin niya ako ay doon ko napagtanto. He asked me one thing that really bothers me.
"Are you eythan's girlfriend?" Tanong niya sakin.
"Yes." I answered.
He smirked. A horrible smirk that makes me had a goosebump.
"It's nice to meet you eythan's girlfriend. No wonder eythan really loves you a lot. You're so pretty." Sabi niya at tumayo. "We'll see each other again next time." Nakangisi niyang saad sabay lakad palayo.
"Bessy?!"
Napakurap ako ng mata ng marinig ang boses ni mildred. Hindi ko namalayan na pumasok pala siya sa kwarto ko. Tinignan ko siya at nakatingin din naman siya sakin ng nagtataka.
"Mils, bakit? Ano nga ulit sinasabi mo?"
"Sabi ko baba na tayo kung tapos ka ng magpalit ng damit. Manonood tayo ng movie."
"Ah. Sige! Tara na." Sabi ko at sabay kaming naglakad palabas ng kwarto.
Habang pababa ng hagdan ay tinititigan niya ko ng nagtataka. "Bessy, are you okay? Bakit parang malalim iniisip mo?"
Hindi ako sumagot. Huminga ako ng malalim ng makababa na kami. Pumwesto ako sa gilid ng sofa. Niligpit na nila mio at shawn ang mga kalat sa lamesa pati ang alak ay tinabi na nila. Si eythan ang nagset ng panonoorin namin. Nang matapos siya sa ginagawa ay pinatay niya ang ilaw. Ang lahat ay pumwesto na sa kani kanilang upuan. Umupo si eythan sa tabi ko at pinulupot ang kanang kamay sa bewang ko.
Nagsimula ang palabas. Tahimik ang lahat sa panonood. Ngunit napansin ko sa gilid ng mata ko ang pagtitig ni mildred. Hindi ako lumingon sakanya at tinutok ang atensyon sa flat screen t.v. Nang nasa kalagitnaan na ang pinapanood ay bigla naman akong nakatanggap ng tawag. I excused myself at lumabas.
"Hello. Who's this?" Tanong ko sa caller. Hindi kasi nakaregister ang number niya sa phone book ko.
"You have a delivery. Punta po kayo dito sa gate." Sabi ng lalaki sa kabilang linya.
Nagtaka naman ako. Hindi naman ako umorder ng kahit ano. Siguro ay si eythan ang umorder. So lumabas ako. Isang nakamotorsiklo ang naabutan ko. Inabot niya sakin ang isang box. Nagulat ako ng maiabot niya iyon ay agad din siyang umalis.
Umiling iling ako bago sinara ang gate. Bumalik ako sa sala. "Sinong nag order sainyo neto?" Tinaas ko ang box na dala. Nagkatinginan sila. "Walang umorder sainyo nito?" Nagtataka kong tanong sabay tingin kay eythan.
Umiling siya. "Hindi ako umorder niyan. Baka wrong address yung napuntahan ng delivery."
Nilapag ko sa lamesa ang box at kinuha ko ang maliit na papel na nakaipit sa ribbon. Binasa ko iyon at nanlaki ang mata ko ng mabasa na para talaga iyon sakin.
To: Eythan's girlfriend
You'll be the best revenge for the sin they make. As they took our leader jacob's life, you're life will suit the best for the exchanged.
Nanginginig kong binitawan ang papel at kinuha ang kahon. Nagtataka naman akong tinititigan ng aking mga kasama. Nang matanggal ko ang balot ay dahan dahan kong inalis ang takip. Isang natatakot na hiyaw ang kumawala sa bibig ko. Nanginginig ang kamay ko kaya't nabitawan ko ang kahon.
Tumambad ang mabaho at patay na daga. Nakakalat ang dugo sa kahon.
Tumakbo si eythan palabas. Sumunod sina mio, shawn at jigs. Naiwan kami ni mildred at wilson sa sala. Si mildred ay nakatutop ang kamay sa bibig.
Bumalik sila eythan makalipas ang ilang minuto. pawis na pawis silang apat.
"Hindi namin naabutan." Malutong na mura ang kumawala sa bibig niya bago lumapit sa akin. "Are you okay?" Nag aalala niyang tanong at niyakap ako.
Si shawn ang nagtapon ng kahong may laman na daga sa basurahan sa labas. Kinuha ni mio ang papel na binasa ko kanina at inabot iyon kay eythan.
"Tingin ko sila lance ang may kagagawan niyan." Sinabi ni mio.
"Sino ang tumawag sayo kanina?" Tanong sakin ni eythan.
"Yung nagdeliver nun."
"Give me your phone." Sabi niya at nilahad ang kamay sa akin.
Kinuha ko sa bulsa ang phone at inilagay iyon sa kamay niya. Walang sabi sabi ay kinalikot niya iyon at may tinatawagan na. I think the guy who called me earlier. Inis na nagdabog si eythan ng ibaba mula sa tenga ang cell phone. "Nakaturned off na ang cell phone nung hayop."
Umupo ako sa sofa. "Kanina sa school may lumapit saking lalaki. He asked me kung ako ba yung girlfriend mo. I answered the fact. Then, sabi niya magkikita daw ulit kami sa susunod. Tingin ko ay si lance yun." Pag amin ko sakanila.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Galit na tanong ni eythan.
"Hindi ako sigurado na siya iyon." Nanghihina kong sagot.
Nagmura siya. "I'll kill him kapag may ginawa siyang masama sayo. I'm really going to kill him." Seryosong sabi niya. Kitang kita ko ang galit sa mukha niya. Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganito.
Tumayo ako at hinawakan siya sa braso. "Don't say that. Ireport natin to sa pulis at hayaan natin silang mag imbestiga tungkol dito."
"Pinsan, huwag kang magpadalos dalos. Kumalma ka lang muna." Dugtong ni mildred.
"How can i calm? Pinagbabantaan nila si cait. Walang kasalanan sakanila si cait. Bakit siya ang pinupuntirya nila?" Sigaw ni eythan.
Hinagod ko ang likod ni eythan. Gusto ko siyang pakalmahin. Ayoko na ganito siya. I'm scared. Halos mapatalon ako sa gulat ng magring ang cell phone ko na hawak hawak ni eythan. Agad niya iyong sinagot at niloud speaker para marinig namin ang sinasabi ng nasa kabilang linya.
"Who are you? I'll kill you. Who are you?" Bakas ang galit sa boses ni eythan.
Tumawa ang nasa kabilang linya. "Hey eythan?! Calm down. You really love your girlfriend, huh? Galit na galit kana agad yun pa lang ang ginagawa ko?! Kaya nga mas magandang target ang girlfriend mo para kapag napatay ko na siya maramdaman mo din kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay." Seryosong sabi ng lalaki.
"Lance, huwag na huwag mong susubukan na hawakan maski dulo ng buhok ni cait. I will kill you kapag may ginawa kang hindi maganda. Tandaan mo yan." Banta ni eythan sa kausap.
"Oh really? Are you kidding me?!" Sabi ni lance at tumawa. "So sino ang gusto mong targetin ko? Maliban sa girlfriend mo may iba ka pa bang mahal sa buhay? May pamilya ka ba? May nanay at tatay ka ba? You're so pitiful. Wala ka na ng ibang pamilya. How unlucky your girlfriend is. Madadamay siya sa kamalasan mo." Sabi ni lance. Kahit hindi namin nakikita ay alam naming ngumisi ito sa kabilang linya.
Nakita kong kumuyom ang palad ni eythan. "Do you think i'll let you hurt cait? Bago mo pa yun magawa, nasa kulungan ka ng hayop ka. Pagkababa mo ng tawag na to, i'll call the police right away. Nakarecord ang tawag na ito, fool." Ani eythan.
Saglit na tumahimik ang sa kabilang linya. Pero saglit lang iyon at matapang ulit na nagsalita. "Go ahead. You do that! Sa tingin mo ba pag napakulong mo ako ay katapusan na ng paghihiganti ko?! Madami akong pwedeng pag utusan na patayin ang girlfriend mo. Try me, eythan." Paghahamon ni lance. "Don't do anything stupid! I can do what i want wherever i am. Huwag mo kong galitin lalo at baka mapabilis ang kamatayan ng girlfriend mo." Sabi niya at pinutol ang tawag.
Tinawagan ni eythan ang number pero nakapatay na iyon. "F*ck!" Sigaw niya at napahilot sa sintido.
Nanginig ang tuhod ko. Muntik na akong matumba, mabuti na lang at naalalayan agad niya ko. Humagulgol ako sa sobrang takot.
He hugged me. "I'll protect you no matter what. Don't worry." Bulong niya sa tenga ko.
***
🥺
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top