Chapter 22
May mga tao na pumapangarap ng buhay ng iba. Ang mahihirap at kapos sa buhay ay nangangarap na maging mayaman, Ang mga walang pang aral naiinggit sa mga taong nag aaral. Pero paano kung yung taong kinaiinggitan mo, na akala mong perpekto ang buhay ay hindi naman pala ganun kasaya katulad ng iniisip mo? Paano kung yung taong yun ay mayroon ding kalungkutang itinitago? Paano kung mayaman nga siya sa materyal na bagay pero kulang siya sa pagmamahal at kalinga ng isang magulang? Nakakalungkot, hindi ba?
Eythan monte, isang sikat na tao sa paaralang pinapasukan. Hinahangaan ng karamihan, mayaman at good-looking. Almost perfect. Right? Pero sinong mag aakala na sa likod ng karangyaan ay hindi siya lubos na masaya?
Christmas is coming but no one in his family will be in his side on that coming day. His mom has her own family in statea. 5 years old pa lang daw siya nang maghiwalay ang mommy at daddy niya. Ang mom niya ay nag asawang muli, isang amerikano. Wala na daw silang contact sa isa't isa noon pa. Samantalang ang kanyang daddy ay laging nasa ibang bansa. Trabaho at pagpapalago ng negosyo ang inaasikaso.
Bilang anak na walang maayos na tagakalinga ay naging rebelde siya mula pagkabata. Natuto siyang maglasing, makipag away, at sumubok pa ng illegal na gawain tulad ng drag racing.
"All this time all i want is love from my parents. Nung bata pa ako inggit na inggit ako sa mga batang may kumpletong pamilya. Hindi ako masaya sa pera at mga materyal na bagay. Dad was like that, binibigay niya lahat ng bagay sa'kin. Akala niya masaya na ako dun pero ang totoo pagmamahal at oras niya ang kailangan ko." Malungkot at seryosong sabi ni eythan. Nakaupo kami sa gilid ng swimming pool. Ang mga paa lang namin ang nakalublob sa tubig.
"That's hard. Living without anyone in your side. I'm sorry to hear that." Malungkot ko ding saad.
Nangarap akong maging mayaman noon pero narealize kong mas okay pa ang maging mahirap na may masayang pamilya kesa mayaman ka nga malungkot at nag iisa ka naman sa buhay.
Nakakalungkot lang isipin na ganito ang nararanasan ng taong mahal ko.
"Noon akala ni dad okay na sakin ang mga katulong. Akala niya sapat na iyon para mapalaki at maalagaan ako ng maayos. But that's not enough. Hug from my parents were warmer than my maids. I push away my maids to leave our house so that my dad will have no choice but to stay with me."
"At kaya walang tumatagal na katulong dito?" Tanong ko sakanya.
"Yup. But after i met you everything has changed now. I want you to stay here forever right beside me. You're my family now. Okay?" Tiningnan niya ko sabay hawak sa kamay ko. "So baby, you're dead if you abandon me."
Ngumiti ako at pinisil ang kamay niya. "I'm not going to do that. I will always right beside you." Sabi ko at niyakap siya.
"Promise?" Tanong niya.
Natawa ako. "I promised." Kumawala ako sa yakap at tinitigan siya "Hey! You too, dapat magpromise ka din na hindi mo ako iiwan."
Ngumisi siya at tinaas ng bahagya ang kanang kamay. "Me, eythan monte promised to not leave but stay forever to my girlfriend Cait belo."
"Corny." Tumawa ako pagkatapos ay binasa ko siya ng tubig. Tumakbo agad ako bago pa siya makaganti.
"Hey!" Natatawang sabi niya at tumakbo para habulin ako.
Nasa loob na ko ng bahay ng mahawakan niya ko sa kamay. Tawa ko ng tawa ng bigla niya kong kilitiin sa tagiliran. Napaupo pa ako sa sofa dahil doon.
"Hey! Stop." Saway ko sakanya.
"I don't want to." Nakangisi niyang sabi habang patuloy pa din siya sa pangingiliti.
"Hey!"
"What?" Tumigil siya at nakangiti akong tinitigan.
"Stop na. And let's eat."
"Ayoko. Kiss mo muna ko." Nakanguso niyang sabi sabay pikit ng mata.
I laughed. So childish! Tinitigan ko siya bago pinatakan ng isang halik ang labi niya.
Ang masayang pakiramdam sa bawat oras na kasama ko siya ay napalitan ng ibang pakiramdam ng dumating ang ibang araw.
"Guys, did you hear the news?" Tanong ni claire.
Sa kanila ako nakadikit ngayon dahil hindi ko mahagilap si eythan. Nasa open field kami. Nakaupo kaming lahat sa damuhan dahil tinutulungan namin si claire sa ginagawa niyang report.
Nagtataka namin siyang tinignan. "What is it?" Si joshua ang nagtanong.
"Kilala niyo pa yung grupong badboys gang?" Ani claire.
Walang umimik sa kanila. Hindi ko alam kung ayaw lang nilang sumagot. Naging balita sa school yun dahil sa aksidente noon. I'm sure lahat may alam tungkol doon.
Tumikhim ako. "Oo. Sila yung dating kalaban nila eythan sa drag racing. Bakit mo tinatanong, claire?" Kinakabahan kong tanong.
"May drag racing mamaya. Badboys group daw ang kalaban, hindi ko-"
"Claire, sigurado ka ba? Gossip lang yan." Hindi pinatapos ni mildred si claire sa sinasabi.
Napakamot siya ng ulo. "Narinig ko lang naman sa mga estudyante kanina. Sorry." Sabi ni claire pagkatapos ay nagpatuloy sa pagsusulat sa report niya.
Nagtataka kong tinignan si mildred. Nang magtama ang aming paningin ay umiwas agad siya. Isa isa kong tinignan sina troy, zander, joshua at aveya pero lahat sila ay nag iiwas ng tingin sa akin. Napabuntong hininga ako ng malalim. Something's wrong! What's going on?
Natapos ang klase ng hindi nagpapakita sa akin si eythan. Nagmamadaling umalis naman si shawn sa class room. He just bid goodbye to me, after that he leave quickly. Tiningnan ko si jigs, Nakatingin din siya sa akin. Ilang segundo kaming nagkatitigan. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa. Nag iwas siya ng tingin. Naglakad ako palapit sakanya.
"Jigs, is there something wrong?" Tanong ko.
Bumalik ang tingin niya sakin. He didn't smile but he patted my shoulder. "There's nothing. Let's go! Inutusan ako ni eythan na ihatid ka pauwi." Sabi niya sabay akbay sa akin.
Nagtataka ko siyang tinignan. "Why? Nasaan ba siya?" Tanong ko.
"Hindi daw siya makakauwi agad. Don't ask the reason. I don't know that either." Sagot niya at pinalakad na ko.
Nang makauwi na ay nagluto ako. Since wala si eythan, ako ngayon ang incharge sa pagluluto. Puro fried lang ang niluto ko dahil yun lang naman ang alam kong gawin. Hindi muna ako kumain dahil inantay ko si eythan. Pero ilang oras na ang nakalipas ay wala pa din siya. Umabot na ng alas onse ang pag aantay ko kaya umakyat na lang ako sa kwarto ko. Hindi na ko kumain dahil nawalan ako ng gana. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog pero nagising ako ng madaling araw. Mga alas tres iyon ng makatanggap ako ng tawag.
"Hello, what is it?" Inaantok kong tanong kay mildred sa kabilang linya.
"Bessy, Thank god sinagot mo. Ilang beses na kitang tinawagan." Garalgal ang boses ni mildred. She's crying.
"What happened?" Nakarinig ako sa kabilang linya ng tunog ng ambulansya at police car. Tahip tahip na kaba ang agad kong naramdaman. "Are you okay? anong nangyayari dyan? Nasaan ka?" Sunud sunod kong tanong sakanya.
Madaming boses ang naririnig kong nag uusap sa kabilang linya. Hindi na mawari ang kabang nararamdaman ko.
"Bessy, nandito lang kami sa kabilang street. Sa santilian residence. Nahuli na sila eythan ng mga pulis. Huhulihin kaming lahat. I'm scared! Tulungan mo-"
Naputol ang tawag. Muntik ko ng mabitawan ang hand phone na hawak. My body was shaking and i can't even move my feet. I held back my tears and tried to calm myself. I should calm first para mapuntahan ko sila.
Napakadaming tao ang bumungad sa'kin pagkapasok ko ng presinto. Ang ilan sakanila ay nakilala ko sa mukha. May mga umiiyak sa gilid, yung iba may mga kausap sa cellphone at yung iba ay parang traumatized na nakatulala lang. Hinanap ko sa gitna ng napakadaming tao sina eythan. Nahagilap ng tingin ko si mildred na may kausap na matandang babae, ang mommy niya. Nakayuko siya habang pinapangaralan.
"Mils, nasaan si eythan?" Tanong ko kay mildred.
Nilingon ako ni mildred. Namumugto pa ang mata niya dahil sa pag iyak. Pinulupot niya ang dalawang braso sa akin at humagulgol. "I'm sorry, bessy. Hindi ko sinabi sayo na may balak sina eythan makipagracing." Garalgal ang boses na sabi niya. Hinaplos ko ang likod niya para matahan siya.
Tumingin ako sa mommy niya. Tumango lang siya sa'kin. Wala ata sa mood dahil sa problemang nangyayari. Hindi ko alam kung paano ko siya babatiin sa ganitong kalagayan kaya wala na lang akong sinabing kahit ano.
"Kausap sila ng officer doon, hija." Ang mommy ni mildred ang sumagot. Sabay turo sa kinaroroonan nila eythan.
Nakaupo silang lima kasama naman si tito jose, ang daddy ni mildred na kumakausap sa police officer, Ang pagkakaalam ko'y abogado ito.
Nagtama ang paningin namin ni eythan. Sakto namang natapos ang pagtatanong sakanila ng police officer kaya isa isa silang tumayo. Nagkatitigan kaming dalawa pero ako ang unang bumitaw. Nag iwas ako ng tingin sakanya. Nag alala ako ng sobra sakanya kaya ako nagagalit. Bakit? Anong dahilan? Yun ang tanong sa isip ko kung bakit na naman siya umulit sa pagsali sa drag racing na yan.
"Meril, iuwi mo na ang mga bata. Susunod ako pagkatapos kong masettle ang lahat." Utos ng daddy ni mildred kay tita meril.
"Thank you po, tito." Isa isang pagpapasalamat nila jigs, mio, shawn at wilson. Nakayuko sila at parang hiyang hiya sa nagawang kasalanan.
Nagpaalam kami kay tito jose pagkatapos ay sumakay ng kotse ni tita meril. Si mildred ay nasa tabi ng mommy niya na nagdadrive. Si jigs, eythan at ako ang nasa gitna samantalang si mio, shawn at wilson ay nasa likod. Walang imik ang lahat. No one dare to open the topic about what happened. Tinignan ko si jigs sa kaliwa ko ng marinig ko ang malalim niyang paghinga. Sinandal niya ang ulo sa salamin na bintana at pinikit ang mata. Even my three friends on the back looks so exhausted.
I heaved a deep sigh.
Madami akong gustong tanungin sakanila, gusto ko ng explanation pero kung ganito ang kalagayan nila? I'm going to let them rest for a while but i'm not going to just slide it.
Napakurap ako ng isandal ni eythan ang ulo niya sa balikat ko. Hinawakan niya ang kamay ko pagkatapos ay pinikit niya ang mga mata. Hinayaan ko na lang muna siya makapagpahinga. At kapag nakabawi na ng lakas ay tsaka ako magtatanong ng mga nangyari at rason nila.
"Hijo, dito mo muna patulugin sainyo ang mga kaibigan mo. Pati si mildred. I'll go back to police station. Sasamahan ko uncle mo doon." Sabi ni tita meril kay eythan. Nasa tapat na kami ng mansyon.
Walang imik ang lahat. Bakas sa kanila ang frustration at pagod.
"Yes auntie." Malumanay na sagot ni eythan.
Bumaba na ang lahat. Tiningnan ako ni tita meril. Tumango lang siya sa akin bago pinaharurot paalis ang sasakyan niya. Pumasok kami ng mansyon. Nang makapasok ay pagod na pagod silang umupo sa sofa. Pumunta ako sa kusina. kumuha ng malamig na tubig at anim na baso pagkatapos ay dinala iyon sa sala.
"Uminom muna kayo ng tubig ng kumalma kayo." Sabi ko at nilapag sa harap nila ang pitsel at mga baso.
Tiningnan nila akong lahat. Pinanatili ko ang seryosong ekspresyon para malaman nilang hindi ako masaya sa pagtatago nila ng sikreto sa akin. Even mildred lied to me. Una pa lang alam na niya pero hindi niya pinaalam sa'kin. Naalala ko yung pagpigil niya kay claire sa sinasabi sa akin nung nasa school kami.
Nag iwas ako ng tingin sakanila at umupo sa single sofa na medyo malayo ng konti sakanila. Tiningnan ko ang oras. Alas kwatro na ng madaling araw. Mamayang alas otso ay may pasok pa kaming lahat. Kaya hahayaan ko na muna silang makatulog.
Tumayo si mio. "Nahihilo ako. Can i sleep in your guest room?" anya.
"Me too. I'm exhausted. I'll explain myself tomorrow." Ani shawn at tumayo na din.
Sa akin sila nakatingin. Hindi naman ako may ari ng mansyon. Huminga ako ng malalim at tumango. "Yeah. Matulog na tayong lahat." Sabi ko.
"Jigs, wilson matulog na din kayo. Mils doon kana sa kwarto ni cait matulog." Utos ni eythan sakanila.
"Okay." Si mildred ang sumagot at kumuha muna ng malamig na tubig bago tumayo.
Paakyat ng hagdan ang mga boys nang mag ring ang phone ni mildred. She immediately read the message on her phone. Nabitawan ni mildred ang basong hawak at nanginginig na natutop ang kanyang bibig. Nabasag ang baso sa sahig.
Nagtataka akong napatayo.
Agad na nilapitan ni wilson ang kasintahan. "Why? Anong sabi sa natanggap mong text?" Natatarantang tanong ni wilson.
Umiyak si mildred. Humagulgol siya. Bumaba sina mio, shawn at jigs sa hagdan at lumapit kay mildred. Me and eythan just stay put on the place. Mils handed the phone to wilson. Binasa ni wilson ang text at nagulat din siya pagkatapos niya iyon basahin.
"What is it, wilson?" Tanong ni jigs.
"Si jacob hindi nakaligtas. He died."
Kita ko ang pagkagulat ng mga boys sa narinig. Even me was startled. Isa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit.
Naulit ang aksidente noon. But this time hindi nailigtas ang naaksidente. May namatay sa drag racing. Si jacob benedicto. Ang pinsan ni amanda benedicto!
***
💔
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top