Chapter 20
I was got home at exactly ten p.m. Agad akong nagpunas ng ulo at nagpalit ng damit dahil medyo nabasa ako sa ulan. Pagkatapos gawin yun ay bumaba ako sa dining room. Kumuha ako ng malamig na tubig. Habang umiinom bigla akong nakarinig ng kaluskos kung saan. Nilapag ko ang baso sa sink at hinanap kung saan galing ang kaluskos na iyon. Napadpad ako malapit sa main door ng bahay. Nagulat ako ng makita si eythan. Basang basa sa ulan at nanginginig sa lamig. Kahit ang kanyang labi ay mapusyaw hindi tulad ng normal kong nakikita. He looks sick.
Lumapit ako sakanya. "Eythan, what happened to you?" Tanong ko sakanya. Despite of what he did for me, i can't contain myself but to be concerned.
"When did you got home?" Hindi niya ko sinagot. Sa halip ay yan ang pabalik niyang tanong.
"Ngayon ngayon lang. Maybe 20 minutes before you're here."
"Okay. Aakyat na ko." Sabi niya at umakyat na ng hagdan.
Nagtataka ko siyang tiningnan habang siya ay parang nahihirapan pa sa pag akyat. Nanginginig siya sa lamig. He even looks pale. But what happened to him? Saan siya nagpunta? He has his car when he left me to the freeway road. Bakit siya basang basa sa ulan? Why?
Umakyat na lang din ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama. I rest my one arm to my forehead and i closed my eyes. Ngunit hindi ako makatulog. Something's bothering me. Bumangon ako sa kama. I want to check eythan first if he's okay before i sleep. Nasa tapat na ako ng pintuan niya pero nag aalangan akong kumatok. We're not in good terms now. Paano kung magalit na naman siya? Bahala na.
Pinakiramdaman ko muna kung gising pa ba siya. Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan niya pero wala naman akong naririnig na kahit anong ingay. So i opened the door silently. Napasinghap ako ng makitang nanginginig si eythan sa lamig kahit ang kapal kapal na ng kumot niya. I immediately went to him.
"Eythan," I hissed.
Hinawakan ko ang noo niya. Nagulat ako ng halos mapaso ako sa sobrang init. He's sick. Lumabas ako ng kwarto niya at bumaba. Naghanda ako ng pamunas at tubig pagkatapos ay bumalik. Nang pinupunasan ko na siya ay bigla na lang siyang napamulat ng mata. Even his eyes can tell that he's really sick.
"What are you doing?" Sabi niya at biglang hinawakan ang kamay ko para mapigilan sa pagpupunas sakanya.
"Mataas lagnat mo. Kailangan kitang punasan-"
"Leave me alone." Sabi niya. Hindi man lang ako pinatapos sa sinasabi.
Umiling ako. "How can i leave a sick person like this?" Pagtutol ko.
Hindi siya nakapagsalita agad. Nakatingin lang siya sa'kin. So pinunasan ko na lang ulit siya pero mga ilang sandali lang bigla na lang siyang tumalikod sa'kin.
Napasinghap ako. He really hates me, huh? Kahit sa ganitong sitwasyon hindi man lang niya matiis makita ang pagmumukha kong to? Kahit sandali lang? Kahit hanggang sa matapos lang ang pagpupunas ko sakanya?
"Leave! Get out of my sight." Sabi niya ng nakatalikod.
Napabuntong hininga ako. He really keeps on pushing me away, huh?
"Okay. Kung gusto mo kong umalis. Sige aalis na ko. Hindi lang ako aalis sa mga paningin mo, aalis na din ako sa buhay mo." Sabi ko at bigla na lang tumulo ang mga luha.
"You really wants me to get out of your sight, huh? Then your wish is my command. You'll never see me again." Basag ang boses na sabi ko. Pagkatapos nun ay lumabas na ko ng kwarto niya.
Parang water falls ang mga luhang tumutulo sa mata ko habang patungo sa sariling kwarto. I gave up now! Aalis na ko sa bahay na to at babalik na sa dati kong buhay kasama ang magulang ko. Gagawa na lang ako ng ibang paraan para maipagpatuloy pa ang pag aaral. Hahanap ako ng ibang part time job. Buo na ang desisyon ko. Kung ayaw niya sakin, fine! Kung gusto niyang mawala na ko sa buhay niya, fine! I give up.
Panay ang punas ko sa mga luhang dumadausdos sa sariling pisnge habang nag iimpake.
Kinuha ko ang cellphone ko para matawagan si mildred. Kahit ganito na may sama ako ng loob ay hindi ko namang hahayaan na iwan siya sa ganitong kalagayan. Kung ayaw niyang magpaalaga sa'kin then atleast si mildred na lang. Napatigil ako sa pagdadial ng number ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. I didn't look back. Nanatili akong nakatalikod sa may pintuan. Alam kong si eythan iyon. Binaba ko muna ang phone at nagpatuloy na lang sa pag iimpake.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Then suddenly he gave me a back hug. Nakapatong ang ulo niya sa balikat ko at nakapulupot sa katawan ko ang braso niya. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya sa katawan ko kahit ang mainit niyang hininga ay nagbibigay sakin ng kakaibang pakiramdam.
"I'm sorry. Please don't leave." He said sincerely.
Tears fell down again.
Hinarap ako ni euthan sakanya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisnge pagkatapos niyang punasan ang mga luhang dumausdos doon.
"I'm sorry. I think i started to like you before you do. But i can't believe that. I didn't believe in love again after my first heartache. So i pushed you away to stop my feelings. I am sorry." Puno ng emosyon niyang sinabi.
"Eythan-"
"Sshh!" Sinabi niya pagkatapos ilagay ang hintuturong daliri sa labi ko. "I love you, cait."
He held my face and kissed me right away. I like his lips. He kissed me slowly and passionately. Napapikit ako. Lumalim ang halik niya. At kusang sinabayan ng labi ko ang galaw niya. His tounge enter my mouth. Napahigpit ang hawak ko sa damit niya.
A minute later the kiss went slowly. Then he stopped.
Hinahabol ko ang hininga ng maghiwalay ang aming labi. It was my first time. Hindi ko alam kung nagustuhan niya ba iyon tulad ng pagkagusto ko.
Nagdikit ang aming mga noo pagkatapos ay ngumiti siya. "I like your lips. It's smooth ans sweet." Sinabi niya.
Nakagat ko ang ibabang labi. Feeling ko pinamumulahan ako ng pisnge. Tumawa siya sa naging reaksyon ko pagkatapos ay niyakap ako.
Ilang segundo kaming ganoon hanggang sa naalala ko na may sakit pala siya. Humiwalay ako sa yakap at hinaplos ang isang pisnge niya.
"Magpahinga kana muna. May sakit ka pa." Sabi ko at ngumiti sakanya.
Tumango siya sakin pagkatapos ay nahiga sa kama ko. "I will sleep here."
"What?"
"You can't leave a sick person like this. So dito tayong dalawa matutulog." Sabi niya at ngumiti.
"Pero-"
Hindi ko na natuloy ang sinasabi ng hilahin niya ako. Napahiga ako sa tabi niya.
"Matulog na tayo, Okay?"
"Sige. Pero saglit lang may kukuhain lang ako."
Wala akong nagawa kundi sundin na lang ang gusto niya. Binalikan ko ang pamunas at tubig na naiwan sa kwarto niya pagkatapos ay pinagpatuloy ko na ang pagpunas sa katawan niya. But he stopped me again in the middle time. Kinuha niya ang pamunas sa kamay ko at tinabi iyon sa gilid. Laking gulat ko ng bigla niya akong hinila para mapahiga sa tabi niya. Pagkatapos ay bigla na lang niya akong niyakap.
"Hey! Kailangan kitang punasan para bumaba lagnat mo." Histerical kong sabi.
"This will do." Sabi niya at hinigpitan pa ang yakap.
Wala akong nagawa kundi ang yumakap na lang din sakanya. Bigla akong napangiti. Sobrang saya ng pakiramdam ko. Now, we're officially in a relationship na.
***
"Baby, wake up!" A soft voice hissed.
Nagising ako dahil doon. Nakangiting eythan ang una kong nasilayan ng imulat ko ang aking mata. He was sitting to the side of my bed. Ang kanyang isang kamay ay nakapatong sa left side ng gilid ko. Napangiti din ako ng makita ang matamis niyang ngiti. Ang gwapo niya. Hindi ko mapigilan ang kiligin. Lalo na at tinawag niya pa akong baby.
"Good morning," Bati ko sakanya. He greet me back. Pagkatapos ay bumangon na ako.
"Let's go! Kain muna tayo bago pumasok." Sabi niya. Pero teka nakapagluto na siya? Wala na ba siya sakit?
"Are you okay?" Tanong ko.
Hinawakan niya ang kamay ko habang pababa ng hagdan. "Yep. Magaling na ko! All thanks to my girlfriend slash nurse." Sabi niya at ngumisi.
Pinaginitan ata ako ng pisnge ng marinig ang word na 'girlfriend'. OMG.
"Wow." Sabi ko. My favorite pork sinigang kasi ang nakahain sa dining table.
Ngumisi si eythan at pinaupo muna ako sa upuan bago siya sumunod umupo. Naglagay siya ng karne sa plato ko at sabaw naman sa bowl. Tinitigan niya ako habang ngumunguya ng karne. Ngumiti ako sakanya at nagthumbs-up.
"Eat well, baby." Tumawa siya pagkatapos ay nagsimula na din kumain. Habang ako ay pinamulahan na naman ng pisnge. For the second time tinawag na naman niya akong baby. Masasanay kaya ako sa ganung endearment? Masyado kasing nakakakilig eh.
Pagkatapos naming kumain ay naghanda na kami sa pagpasok. Mas nauna siyang natapos sa'kin. Pagkababa ko ng hagdan ay nandoon na siya sa sofa nakaupo at naghihintay. He smiled at me. Ngumiti din ako sakanya.
Magkaholding hands kami habang nagmamaneho siya. Isang kamay lang niya ang nakahawak sa manibela. Nang makarating kami sa parking lot ay abot abot na kaba na ang bumalot sa akin. Kung si jigs nga ay nangligaw lang sa'kin kung ano anong masasakit na salita na ang narinig ko sa mga tao. Paano pa kaya ngayon na si eythan na ang pinag uusapan? Mas lalong madami ang magagalit pag nalaman ng mga tao na kami na.
Nagtataka akong tinitigan ni eythan.
"What's problem?"
Nag alinlangan akong ngumiti at umiling. "Wala." Sabi ko.
"Don't worry. Okay?" Sabi niya at hinalikan ako sa noo bago bumaba.
Pinagbuksan niya ko ng pinto ng sasakyan. Huminga ako ng malalim bago lumabas. Authomatic naman ang tingin samin ng mga tao na nandoon. Nagsimula na agad sila magbulungan lalo na ng hawakan ni ethan ang kamay ko.
"OMG. What is this? Sila na ba?"
"Ang kapal ng peslak ni girl. Mang aagaw."
"Social climber talaga. Pagkatapos kay jigs, si eythan naman? Oh my gosh."
Sabi ng mga taong nandoon. Halos manginig ang tuhod ko dahil sa kaba. Kulang na lang ay magtago ako sa likod ni eythan.
"Hey. Relax, okay? You don't have to be afraid of them. You didn't do anything bad." Ani eythan at lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
Ngumiti lang ako kay eythan at pinakalma nga ang sarili ko. Nagsimula na kaming maglakad. Taas noo si eythan samantalang ako ay yukong yuko dahil sa takot at hiya. Nadaanan namin ang grupo ni zander kasama sina aveya, claire, joshua at troy. Nagulat sila at Tinitigan nila ang magkahawak kamay namin ni eythan pagkatapos ay napangiti silang lahat. Si aveya at claire ay napatili pa sa kilig. Napangiti ako sa tinuran nila at kumaway na lang dahil tila walang balak huminto ang boyfriend ko sa paglalakad.
Sa isang bleacher ng openfield nakita ko sina jigs, mio, shawn, wilson at mildred.
"Lapitan natin." si eythan. Nakatingin na din pla siya sa tinitignan ko.
Tumango naman ako. Habang papalapit kaming dalawa sa kinaroroonan nina mildred ay nakasalubong namin si lian ofcourse kasama niya ang dalawa niyang alipores na sina melanie at krisha. Humalukipkip ang tatlo. Napahinto naman kami sa paglalakad.
"Oh well, so totoo pala ang tsismis. You two are dating?" Sabi ni lian. Nakataas ang isang kilay.
Hindi ako nagsalita bagkus si eythan ang sumagot.
"Oh yeah. That's true! Any problem with that?" Nakangiting sabi ni eythan. Parang nang aasar.
"Tch. As if seryoso ka naman sa babaeng yan?" Natatawang sabi ni lian.
"Seryoso ako sa kanya." Agap agad ni eythan na nagpatameme sakanilang tatlo.
Tumawa si lian sabay nagseryoso. Bipolar ang peg?
"Oh really? Then how about me? Ipagpapalit mo ko sa babaeng yan?" Halos pahisterical na sabi ni lian.
"I don't have anything to do with you. I'm not into you. I'm to cait. So stop fantacizing me." Sabi ni eythan at hinila na ako para lagpasan ang tatlo.
Nilingon ko sila at nakita kong nagpapadyak sa inis si lian. "Aish! I will kill that girl." Ani lian.
"Bessy-" Napahinto si mildred sa pagsasalita ng makita ang magkaholding hands namin ni eythan.
"OMG. What is this?-" Tanong ni mildred. "-So totoo ang kumakalat na tsismis? Kayong dalawa na talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan ko.
"Oh yeah. As you can see?" Ani eythan at inangat yung magkahawak naming kamay.
"Oh my gosh, I can't believe this." Iiling iling na sabi ni mils pero nakangiti naman. Niyakap niya ko sa sobrang saya.
"Ang bilis ah? Kelan pa kayo nagkainlaban? Bakit hindi namin alam?" Sabi naman ni shawn.
"Huwag niyo ng tanungin. Ang importante suportahan na lang natin." Si wilson. Lumapit siya samin ni eythan at nagsabi ng 'congratulations'.
Ganun din ang ginawa nila mio at shawn.
"Stay strong, You have our blessings." Si shawn.
"Amen." Biro naman ni mio. Tumatawa.
Natawa kaming lahat. Bukod kay jigs na seryoso lang ang ekspresyon. Natahimik kami bigla. Liningon ako ni jigs at ngumiti siya.
"I'm happy for you. Congratulations." Sabi niya at tinapik ako sa balikat. Ganun din kay eythan. He seems sincere kahit na medyo hindi malapad ang ngiti niya.
Liningon ko si eythan. Napakurap ako ng makitang nakatingin pala siya sa akin. Ngumiti siya at niyakap ako mula sa likod.
"I love you." Bulong niya sa tenga ko.
Tumili si mildred. Kinikilig samin ni eythan. Kahit naman ako ay kinikilig din. He seems didn't care sa mga nakakakita sa amin. He seems proud of having me.
Paano ko nga ba minahal ang isang ethan monte? For me, It's not my intention. It just happened. I loved him accidentally.
I started to hate him since the first day i met him. Then, it was like a furious shooting star that hit me and i woke up one day, caring for this bad boy jerk. And suddenly, everything falls on that place. Conquering his fangirls, his past, his secret and fate.
Hi! Thank you for reading my story. I will be glad to read your comments. So please comment down your feelings. I will appreciate it. Happy reading. :)
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top