Chapter 17
Napaaga ang uwi namin ni eythan sa manila. Kinaumagahan pagkagising ko ay umuwi na kmi. We bids goodbye to uncle vic. Sinabi nito na sana ay bumalik ulit kami. Eythan says we will. I don't know if we're really going back someday.
Nang nasa biyahe kami ay hindi ko kinibo si eythan. Naging tahimik ang biyahe hanggang sa nakarating na kami ng mansyon.
Pagkababa ko pumunta ako sa likod ng sasakyan para kuhain ang mga gamit at damit na dinala namin sa resort. Bumaba din agad si eythan at alam ko na nakatitig siya sa akin. Marahil ay nagtataka dahil hindi ako naimik mula ng mangyari ang kagabi.
"Ako na ang kukuha ng mga iyan. Pumanhik kana sa kwarto mo at magpahinga."
Nag-angat ako ng tingin sakanya. He was just serious. I was intimidated when i saw his piercing eyes looking intentionally at me.
I nodded and smiled.
I have to. I don't have the rights to be mad at him. Ano naman sakin kung may babae akong nakita sa kwarto niya kagabi? Wala akong karapatan magalit. Hindi ko siya boyfriend. At isa pa, wala akong gusto sakanya. Yun ang pilit na sinuksok ko sa utak ko.
Naglakad na ko papasok ng malaking pinto ng marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko.
I suddenly stopped. Nilingon ko siya at nagtatakang tiningnan.
"Yes?"
Hindi agad siya nagsalita. Tila may gustong sabihin ngunit parang kay hirap sakanya isatinig iyon. He looked away and he heaved a sigh.
"Nevermind.. Uhm, i'll call you later kapag kakain na. Just take a rest. Wag kana muna magtrabaho ngayon."
Tumango ako. "Okay."
-
Lunes. Sembreak is over. Balik eskwela na ulit lahat ng estudyante. Sabay kami ni eythan pumasok sa school. Parang tulad lang nung una ay pinagtitinginan pa din ako ng mga nakakakita kapag kasama ko siya.
"I'll wait you in parking lot after class. Sabay na tayo umuwi." Ani eythan.
Bandang tanghali na iyon. Third semester na kaya nabago ang schedule. Isang subject lang kami magkaklase ni eythan. Pagkatapos ng lecture, Bago kami pumunta sa magkahiwalay naming sunod na klase ay pinaalalahanan niya ako.
I just nodded. Hindi ko alam kung bakit ganito ang kinikilos ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit malamig ang pakikitungo ko kay eythan. At hindi ko alam kung bakit apektado ako sa kung anong nakita ko sa kwarto niya noong huling gabi namin sa resort. Am i have the rights to be affected? Am i turned off because of what i saw? And why im turned off? Do i even like him? It sucks.
Nasa huling klase na ako. Umakyat ako sa third floor kung saan yung bagong room na nakaschedule sa akin. Pagkapasok ko doon ay nakita ko si jigs na tulog, nakarest ang ulo niya sa arm chair at si shawn na nagsasoundtrip ata dahil may nakalagay na earphone sa magkabilang tenga.
"Cait!" Shawn happily went to me and hugged me.
Mabilis din naman siyang bumitaw sa yakap at hinawakan ako sa magkabilang braso. Malaki ang ngiti niya at tila miss na miss ako.
"Kelan pa kayo bumalik ni eythan? Ang daya niyo ha. Pumunta pala kayo ng resort nila sa tagaytay hindi man lang kayo nagyaya.." May himig pagtatampo na sabi ni shawn.
"Pasensya na shawn, Biglaan ang pagyaya ni eythan e."
"Ah. Hayaan mo na. Sabagay ilang ulit na din naman kami dinala doon ni eythan kaya okay lang. So ano nag enjoy ka ba? Maganda doon hindi ba?"
"Oo. Nag enjoy ako! Nakilala ko din ang uncle vic ni eythan.." Ngumiti ako sakanya.
Tumango siya. Hindi nawala ang ngiti sa labi niya.
"Dito kana sa tabi namin ni jigs.."
Giniya niya ako umupo sa upuan sa tabi ng inuupuan niya kanina. I sat right besides jigs. Hindi niya ako napansin dahil tulog siya. Umupo din si shawn sa right side ko. Bale pinapagitnaan nila akong dalawa.
Ramdam ko ang mga tinging nakapukol sa akin. Hindi na ako sumubok makipagtinginan pa sa mga babaeng hanggang ngayon ay naiinggit pa din ata sakin dahil malaya akong nakakalapit sa mga hinahangaan nilang lalaki. Nasanay na lang siguro ako na ganoon ang sitwasyon kaya dedma na lang ako.
"Kamusta pala kayo? Almost one week lang tayong hindi nagkita pero namiss ko na agad kayo.." Tumawa ako.
He chuckled. "Kami din! Naging boring ang araw namin dahil wala ka.. Tignan mo ang isang yan, Nakatulog dahil sa pagkabagot.." Ani shawn. Nginuso niya si jigs na nakatungo.
Tila ata malakas ang pandinig nitong si jigs dahil bigla itong nagising.
"Oh. gising na si sleeping intsek na pogi" Pabirong sabi ni shawn.
Nagtawanan kami. Umayos ng upo si jigs. Kinusot kusot pa nito ang mata. Mamula mula ang mata nito na tila ilang araw nagpuyat. He direct his chinito eyes at me.
"You're here?" He said with his husky voice..
"Can't you tell? you see her right?"
Natawa ako sa tinuran ni shawn. Birong binatukan naman siya ni jigs.
"Pilosopo ka din ano? Ikaw ba tinatanong ko?" Ani jigs.
Shawn laughed. " Nakikita mo naman kasi siya eh! You're just asking the obvious."
Bago pa makaganti ng sasabihin si jigs ay dumating na ang prof. Natigil ang pagbibiruan namin at umayos kaming tatlo ng upo.
We participate to the lecture just like a normal student. Mabilis ang oras at natapos ang klase. Tumayo na ako para makalabas sana ng room.
Nagpaalam agad si shawn sa amin ni jigs. Sabi nito ay may usapan sila nila mio at wilson na mag iinuman pagkatapos ng klase. Seriously? Sa ganitong oras? Hindi ba nila isasama si jigs? Or pati kahit si eythan?
"Hindi ako sasama sakanila ngayon.." Ani jigs.
Tila nabasa nito ang iniisip ko.
"Ah okay! Diretso uwi kana ba?" Tanong ko sakanya.
Tumayo na din siya at sumabay sakin palabas ng room.
"Nope. Pupunta ako ng burol ngayon, Doon ako nagpupunta kapag gusto ko mapag isa. But for now gusto kong samahan mo ako doon, can we go there?"
Ang burol na sinasabi niya ay nandito lang sa loob ng school. Minsan na din akong napunta doon. Since wala naman akong gagawin ngayon ay mas mabuting samahan ko na siya. Tutal ilang araw ko din siyang hindi nakita. Maybe we may catch up atleast? At sa ibang kaibigan ko tulad nila Zander and his company, mildred, wilson at mio siguro'y sa susunod na lang ako makikipagkamustahan.
Bandang alas singko ng hapon iyon ng pumunta kami ng burol. The place were perfect. Masarap ang simoy ng hangin. Nililipad nito ang ilang hibla ng aking buhok. Tahimik dito kumpara sa ibang lugar sa loob ng school.
Naupo si jigs malapit sa puno. Nakarest ang likod nito doon habang tanaw ang tanawin na nakikita namin dito sa tuktok ng burol. Maaliwalas ang ngiti ni jigs. He's awesome and perfect. No wonder kung bakit tumagal ng ilang taon ang pagkagusto ko sakanya. Noon lagi akong kinakabahan kapag nagkakatinginan kami at sobrang saya ko naman kapag nasisilayan ko siya. But im just wondering kung bakit ngayon ay tila nagbago ang pakiramdam ko. Hindi na ako ganoon kinakabahan kapag nagkakatinginan or kasama ko siya. Siguro ay naging komportable na ako dahil kaibigan ko na siya ngayon. Yun lang siguro ang dahilan, no more other reason.
Nang makita niyang nanatili lang akong nakatayo ay nagtaka siya. He motioned me to sit beside him. So i did.
"This place were good. Gaano ka kadalas pumunta dito?" Pagbubukas ko ng usapan.
"Well, pumupunta ako dito kapag may problema. Sometimes kapag may iniisip lang, and sometimes kapag sobrang nalulungkot!"
Tinitigan ko siya dahil sakanyang sinabi. I wonder if he has a problem.
"Mayroon ka bang problema ngayon jigs?"
"No. Not actually a problem. May naiisip lang kasi ako sa oras na ito."
"What is it?" Tanong ko. Hindi ko alam kung tama ba na tanungin ko siya ng kung ano ano. As he said earlier, pumupunta siya dito kapag gusto niyang mapag isa. Hindi kaya abala lang ako sakanya dahil sa pagsama ko dito?
Since siya naman ang nag aya sakin dito. Okay lang naman siguro. Ah ewan!
"May naaalala lang akong babae na minahal ko dati." Ani jigs. He smiled at me.
"Where is she?" Hindi ko mapigilan ang pagtatanong.
"She's in state now. We already split up a years ago. Nahirapan akong magmove on noon, pero tingin ko'y ngayon ay tanggap ko na na wala na kami. Wanna know why?"
Agaran ang pag-iling ko.
Ngumiti siya sakin. Nagulat ako ng kuhain niya ang isang kamay ko at ilagay iyon sa tapat ng dibdib niya. I immediately feel awkward in that situation. Sumeryoso bigla ang ekspresyon ng mukha niya.
"It's because this heart is beating so fast again whenever i'm with you just like the way i feel when she's with me right back then.."
"Jigs.." Tila ako nagulantang sa biglaan niyang pagtatapat. kaya wala akong masabing iba.
"You like me too, right? I'm aware that you had a crush on me. Now, i'm saying Gusto din kita cait! Ikaw lang ulit ang nagpatibok ng puso ko. When i'm with you im so happy. Pwede bang maging tayo na lang?" He sincerely said those line at me.
Napalunok ako dahil sa narinig. Nakakabigla talaga! Hindi ko alam kung anong sasabihin o irereak ko sa ganitong sitwasyon.
"J-jigs. Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo? Hindi ko ineexpect na magkakagusto ka din sakin." Naiilang kong sinabi. "And yes. Tama ka ilang taon na kong may sikretong paghanga sayo pero--"
"Why not? Hindi malabong hindi ako magkagusto sayo. You're pretty, You're kind hearted. Masaya ako pag nakikita kita."
Pinakiramdaman ko ang sariling nararamdaman. My heart beat so fast. But it's different. Sa pagtatapat na ginawa ni jigs at sa lahat ng matatamis na salitang sinabi niya ay dapat naghaharumentado na sa kilig ang aking puso. Ito ang matagal ko ng ginusto hinda ba? Matagal ko tong pinangarap na magustuhan din ako ng taong gusto ko. Pero bakit tila hindi tumatalon sa tuwa ang puso ko? Bakit tila biglang nagbago ang nararamdaman ko? For years this is all i want. What's wrong with me now? Mabilis ang tibok ng puso ko pero hindi dahil sa kinikilig at gusto ko ang pagtatapat niya kundi kinakabahan ako aminin sa sarili na Wala na ang paghangang naramdaman ko sakanya.
I think im just infatuated. The feeling i had for him in six years were just infatuation.
Napansin ko na nakatitig lang sa akin si jigs. Marahan kong binawi sakanya ang kamay ko galing sa pagkakalagay sakanyang dibdib. Bahagya siyang nagulat dahil sa ginawa ko.
"I'm sorry.."
Ang salitang iyon ay may malalim ng kahulugan. Alam kong naintindihan niya agad ang ibig sabihin nun. I'm sorry' that means i am rejecting him. I'm sorry because i can't accept his heart.
"Cait, Anong problema? Are you rejecting me?"
Hindi ako nagsalita. Nakakahiya ako! Paano ko ipapaliwanag ang lahat? I gave him a hint na gusto ko siya tapos biglang irereject ko ang pagtatapat niya na may gusto din siya sa akin? It seems na nagpaasa ako?
Ilang segundo akong hindi nakaimik habang siya ay nakatitig sakin. Maya maya ay nagsalita ulit siya.
"Siguro ay masyado akong mabilis. You didn't expect this confession, right? That's fine. I'm willing to wait."
He smiled despite of disappointment.
"Lets go.. ginabi na tayo! Ihahatid na kita sainyo baka hinahanap kana ni eythan.."
Now that he mentioned it bigla ko naalala ang usapan namin ni eythan kanina. Sinabi niya na mag aantay siya sa parking lot after class. Mabilis kong kinuha ang bag na nasa tabi at Agarang tumayo. And that i found out eythan was standing not so far from the place were in me and jigs standing.
Napa'Oh' na lang si jigs dahil din sa gulat ng makita si eythan. Jigs held my wrist while heading to eythan.
He seems mad. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa acacia tree na nasa gilid niya. Gaano na kaya siya katagal nakatayo doon?
"Hey, what are you doing here? you seems eavesdroping!" Pabirong sabi ni jigs ng makalapit kami kay eythan.
Hindi man lang siya umimik. Tinitigan niya lang ng masama ang kamay ni jigs na nasa bewang ko.
"Ihahatid ko na dapat si cait-"
"No need. Sabay na kaming uuwi. Besides usapan naman namin yon." Mariin niyang sinabi. Diretso saakin ang tingin niya. He seems really mad.
"Okay!" Nagkamot ng ulo si jigs.
"Lets go.." Hinawakan ako ni eythan sa braso at hinila pababa ng burol. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos kay jigs.
"Can you stop dragging me? I can walk by myself!" Pagalit kong sinabi.
Nakinig naman siya at binitiwan ang braso ko. Nauna siyang maglakad hanggang parking lot. Diretso siyang pumasok sa driver seat at padabog pang sinarado ang pinto.
Nang makapasok at makabit ko na ang seatbelt ay agaran niya ng pinatakbo ang sasakyan. He's serious. Ramdam ko ang galit niya saakin.
I heaved a deep sigh.
"I'm sorry.. Nakalimutan ko yung paalala mo kanina." I sincerely apologized.
That's what should i do. Matagal tagal kaming nag usap ni jigs sa burol kaya alam kong matagal din siyang nag antay sakin.
"Eythan.." I said. Hindi niya ako pinapansin. Tiim bagang habang seryosong nagmamaneho.
I'm dead. He's really mad. It seems my sorry not satisfied for him.
"Pagkauwi natin ipagluluto kita ng masarap na pagkain. Babawi ako.. Sorry talaga!"
Hindi pa din siya nagsalita.
Nasa tapat na kami ng gate ng mansyon at bababa na sana ako para pagbuksan siya ng gate at maipasok niya ang sasakyan ng bigla niyang pinatakbo ulit ito. Napatili ako dahil sa gulat. Tinignan ko siya ng masama.
"Ano ba! Bakit hindi mo pa ihinto-"
"What are you two doing there?" Seryoso niyang sinabi.
"Wala."
"Oh really. Inabot kayo ng mahigit isang oras doon para sa wala lang." Sarkastiko niyang sabi.
"Why do you care? Stop interfering in my life. Okay?" Naiinis na din ako kaya't pabalang ko na siyang sinagot.
"Why i do not care? Once i care, i can't stop myself but to care!" Sigaw niya.
"What are you talking about?"
Para siyang natauhan bigla dahil sa sinabi ko. Nakita ko ang biglaang pagbabago ng ekspresyon niya. Ginilid at saka niya hininto ang minamanehong sasakyan sa kalsada.
Hinilot niya ang sintido. He looks frustrated.
"Hey look! Hindi ko sinasadya na pag antayin ka. Nawala lang talaga sa isipan ko ang usapan natin. Hindi mo ba ko pwede pagbigyan ngayon? Kailangan ba talagang magalit ka ng ganyan? Tao lang ako. TAO! Nagkakamali."
"Hindi iyon ang ikinagagalit ko, cait. Ang gusto kong malaman kung anong sinabi ni jigs sayo doon."
Nag iwas ako ng tingin sakanya at umayos ng upo. Ilang segundo akong hindi nagsalita.
Kailangan ko bang sabihin sakanya na umamin sakin si jigs? Pero bakit ko pa kailangan sabihin sakanya? Personal life ko na yung pinapakealaman niya. Ano ko ba siya? Boss ko lang naman siya at hindi boyfriend.
"Cait, kung ayaw mong sabihin. Fine." Narinig ko ang malalim niyang paghugot ng hininga bago nagpatuloy. "Pero gusto lang kita warningan. Hindi mo siya pwedeng mahalin. Kilala ko kung sino ang totoong mahal niya. Hindi ikaw yon. Masasaktan ka lang niya."
"What are you talking about?" Naguguluhan kong tanong.
"Makinig ka na lang sakin. Okay?" Ani eythan. Mahinahon na siya ngayon.
Hindi ko na gusto si jigs. Wala na kong nararamdaman sakanya kaya wag ka ng mag alala.
Gusto ko sanang sabihin. Pero wag na lang baka maamin ko pa bigla sakanya
Na siya na ang gusto ko..
Ayoko munang aminin iyon sakanya hangga't hindi ko pa sigurado kung ano talaga tong nararamdaman ko. Mahirap umamin sakanya kung kahit ako hindi ko maamin sa sarili ko na..
I accidentally inlove with him.
***
Wow sabaw! Ang hirap mag edit piste. Haha!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top