Chapter 16
Four days had passed. I enjoy everything about the resort. The place, the beach and the restaurant which had a plenty delicious foods that i had eaten for the very first time.
Eythan were not too bad, really. He's not boring to be with. Ang akala ko mag aaway lang kami dito sa resort pero hindi. Mali ako ng akala. Parehas kaming nag enjoy. Tinuturuan niya ko sa pagsuswimming pero hindi ko makuha. He even tour me everywhere. Lahat ng magagandang tanawin sa resort ay ipinakita niya at wala akong ibang naramdaman kundi ang humanga sa mga iyon.
Minsan lang namin makasama si uncle vic dahil busy ito sa pagmamanage ng resort ngunit gumagawa naman ito kahit papaano ng paraan para makabonding kami. Uncle vic was really nice to be with also. Asikasong asikaso niya ako. Tinuring niya kong prinsesa. Yun ay dahil sa akala niyang tunay akong girlfriend ng pamangkin niyang si eythan. But i feel uncomfortable about it. Hindi ko gusto na nagsinungaling kami ni eythan. Pero wala akong magawa. Eythan didn't want me to tell the truth. He even threatened me. So, no choice for me.
Just go with the flow.
"Are you having fun?" Eythan asked me suddenly.
Nakaupo kami sa isang bench na nakasandal sa isang malaking puno. Malapit lang iyon sa dagat na pareho naming tinatanaw. Malapit ng mag gabi at kitang kita mula dito ang papalubog na araw.
"Yeah. This place was really nice. Thanks to you for bringing me here.." I said without looking at him.
"No. Don't thank me. If there's someone who's really thankful.. Its me. Thanks dahil sumama ka dito.."
"What do you mean?"
I looked at him. He dare to look at me too. His glance makes my heart beats fast. It makes me feel awkward kaya nag iwas ako ng tingin.
"You heard my uncle, right? This is the second time i brought a girl here.. After amanda.." Kita ko ang bigla niyang paglungkot.
"Yes. But why?"
Narinig ko ang malalim na paghinga niya bago ako sagutin.
"I don't know. To tell you the truth, amanda is my first love. We really love each other right back then. pero isang araw nabago ang lahat ng yon ng sabihin niyang wala na daw siyang nararamdaman sakin at may mahal na siyang iba.."
What the hell he's talking about? Kaibigan ko noon si amanda kaya alam ko kung gaano siya kamahal noon dati. Paano yun nangyari? Kung totoo man iyon bakit walang kwinento sakin si amanda na may mahal siyang iba kung dati ay ako naman ang lagi niyang sinasabihan ng mga sikreto niya? Many questions comes in my mind.
"I'm sorry to hear that.." Nasambit ko na lamang sakanya.
"Ohh. It's okay!"
Ngumiti siya sakin. Ngunit alam kong pilit lng iyon. How pityful to see him like this. He was smiling outside but deep inside he's broken. Napabuntong hininga na lang ako at tinignan ang papalubog na araw.
"Ang ganda no?"
Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa papalubog ng araw. Yun siguro ang tinutukoy niya. Binalik ko ang tingin sa araw. Ngumiti ako at tumango bilang sagot kahit alam ko namang hindi niya iyon makikita dahil nakafocus ang tingin niya kung saan naroon ang magandang view ng lumulubog na araw.
"You know what? This sun looks like me.."
Naguluhan man ay hindi na ko nagsalita. Alam kong sa mga oras na ito ay kailangan niya ng tagapakinig. And i will be his good listener for now.
Bumuntong hininga siya.
"This sun resemble of me. You know why? Hinahayaan niya ang sarili niya na lumubog para mag give way sa buwan. Ang buwan na kailangan ng mundo para mabigyan sila ng liwanag sa gabi. The world who got tired all day at kapag sapit ng gabi, sa ilalim ng buwan, ay doon sila magpapahinga.This sun is me and the world i'm talking about is amanda."
Huminga siya ng malalim. Heartache and sadness were visible in his eyes.
"May i know who's the moon there?.."
Hindi ko alam kung bakit iyon lumabas sa bibig ko. There's inside of me na curious kung sino ang lalaking pinalit ni amanda kay ethan. The moon. Who is he?
"Someday, you'll know.. But Now is not the right time." He said.
"I'm sorry! hindi ko na dapat tinanong.. I'm being too nosy."
"No Cait. That's not the case. Don't worry.." He smiled again.
"Okay. So pwede ba ko magtanong?"
"Go on.." Mabilis niyang sagot.
"Kung wala ka ng naging girlfriend bukod kay amanda. Eh ano mo sina cheska, lian at yung iba pang babae na nakikita kong nakakasama mo..?"
Tanong ko sakanya. Curious lang ako kung ano ba niya ang mga babaeng yun. It's confusing!
Humagalpak siya ng tawa.
"Hey! Bakit ka tumatawa?"
"Wala akong relasyon sakanila. They were just my past time. Ah basta! Hindi mo maiintindihan. May gatas ka pa sa labi." Sabi niya at palihim ulit na tumawa.
"Ah ganon. May gatas pa sa labi huh. May first kiss na kaya ako."
Bago ko pa mabawi ang sinabi ko ay nakita ko ng ngumisi si Eythan.
Natutop ko bigla ang bibig. Geez! Bakit walang preno tong bibig ko.
"And who's the lucky guy who got your first kiss?" Nang aasar niyang sambit.
"It's none of your business.."
Sabi ko sabay tayo. Pinigilan niya ko sa braso ngunit Hindi ko siya pinansin.
"Hey!"
Sinundan niya ako habang tumatawa. Lalo kong binilisan ang lakad ngunit sadyang mas mabilis siya kaya naabutan niya ako ng nasa malapit na kami papasok ng building kung saan nandun ang room na tinutuluyan namin.
Hinila niya ang braso ko pero Hindi ako nagpatinag at nilagpasan ko lang siya. Ngunit naging makulit pa rin siya. Hinabol niya ulit ako at humarang na sa daraanan ko.
"What?"
Inis ko siyang tinignan at inirapan!
"Don't tell me. Ako yung first kiss mo?"
Inirapan ko siya at nilagpasan. Narinig ko pa siyang tumawa bago ako tuluyang nakapasok ng building.
Pabagsak akong nahiga sa kama nang makapasok ako ng room.
Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito. Pero tila ang saya ng pakiramdam ko.
Apat na araw ko ng kasama si eythan sa resort na ito at ang saya sa pakiramdam na naging mas malapit kami sa isa't isa. I felt so happy.
Hindi ko alam kung imagination ko lang ba ito at ako lang ba ang nag iisip ng ganto. But for now, I cherish every moment we had together.
Halos kalahating oras ata akong natulala at nakatitig sa puting ceiling ng kwarto bago ako nakatulog ng hindi ko namalayan.
It's 12 midnight ng maalimpungatan ako. Naramdaman ko ang pagkalam ng aking tiyan. Nakalimutan ko na hindi pa pala ako nakakain ng dinner. Ngunit bakit hindi ako kinatok ni eythan gayong lagi naman niya ako pinupuntahan dito sa kwarto pag oras na ng hapunan?
Siguro'y kahit siya ay nakatulog ng hindi sinasadya! Tulad ko ay pagod din iyon sapagkat maghapon kaming naglibot sa resort.
Binalewala ko na lang iyon at bumangon sa kama para puntahan siya sa room niya. Nagbabakasakaling tulad ko'y nagising din dahil nakaligtaan ang pagkain ng hapunan.
I checked myself in front of full length mirror and i comb my hair before i went out to my room.
Nakailang katok na ako sa pintuan ng kwarto ni eythan ngunit hindi siya lumabas. Mahimbing na siguro ang tulog! Paalis na ako ng bigla akong nakarinig ng mahina at mahinhing boses mula sa loob ng kwarto niya.
Nagkaroon ako ng pag asa ng dahil doon. Makakakain na ko kung gising na siya. Kumatok muli ako ng isang beses, ngunit nakakapagtaka dahil hindi pa rin niya ako pinagbubuksan.
"Eythan, gising ka pa ba?"
Nang sabihin ko iyon ay sakto namang pagkabukas ng pinto. Laking gulat ko ng hindi si eythan ang masilayan pagkabukas nito. Isang babaeng nakatapis lang ng tuwalya ang lumantad sa harap ko. Maganda, matangkad, makinis ang balat at puno ng make up ang mukha.
"Yes? Who are you?" Sabi ng babae sakin.
Tinitigan niya ko mula ulo hanggang paa pagkatapos ay pinagtaasan ako ng kilay.
"Oh. Hi! I'm cait, i came here because .. I just want to know if eythan is still awake?"
I am trembling. Hindi ko malabanan ang paninitig niya kaya napadpad ang tingin ko sa ibaba.
"No. He's now taking a shower. Parehas kaming pagod sa ginawa namin kanina. So im sure matutulog na din siya pagkatapos maligo." Aniya.
She's intimidating. Siya yung klase ng taong warfreak. Kung may gagawin ka or sasabihing hindi niya magustuhan ay aawayin ka niya. Bakas sakanya ang pagkakaroon ng marangyang buhay. she's good in speaking, very fluent.
"May kailangan ka ba sakanya? Saglit lang at tatawagin ko"
"No, Don't!" Maagap ko siyang pinigilan.
Napatitig siya saakin.
"I mean hindi naman importante yung ipinunta ko kaya ipapabukas ko nalang."
"Are you sure?" Tanong niya.
"Yes." Sabi ko at pumilit ako ng isang ngiti.
Paalis na sana ako ng biglang magpakita si eythan sa likod ng babae.
"Cait?" He said.
Nagkunwari akong walang narinig at hindi siya nakita. Mabilis ang hakbang ko palayo sakanila.
"Cait! Hey."
Hindi ko namalayan na sumunod pala siya. Hinila niya ang braso ko para mapigilan sa paglalakad. Nagkatitigan kami. He's serious and that makes me uneasy. I can't make an eye contact with him. What's with me? What's this strange feeling i felt now?
Marahan kong inalis ang kamay niya sa braso ko at Binaling ko ang tingin sa kaliwang banda ko.
"Cait, yung nakita mo kanina.."
"I'm sorry kung naistorbo ko kayo sa ginagawa niyo. Hindi ko alam. I'm really sorry."
Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita pa at mabilis akong nagtungo sa kwarto ko. Narinig ko pa siyang tinatawag ako ngunit hindi ko na iyon pinansin pa.
Nang makapasok sa kwarto ay nahiga agad ako at tumitig ulit sa ceiling. Humugot ako ng malalim na hininga at kinalma ang sarili.
Cait, why are you like this?
Kinakausap ko sa isip ang sarili. What's wrong with me? Bakit ako nakaramdam ng galit? I don't even have the rigths to feel that.
Am i crazy?
What is that feeling for?
Bakit may pakiramdam ako na hindi ko mapangalanan?
I am confused.
Is that possible na may feelings ako for him? No. absolutely not!
Eythan is a playboy. Yung babaeng nakita ko kanina fling niya yun. Jerk! I will never love those kind of boys. Jigs is my type and he's the one and only i'll love.
Put that in mind, cait.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top