Chapter 7: When she gets angry

Kaytlyn's POV:

Nandito ako ngayon sa living room, nakaupo at nanunuod ng movie sa TV. Hindi pa kasi ako makatulog tapos may inaantay pa akong live ng BTS ʕ•̀ω•́ʔ✧

Oh btw, sa mga hindi pa nakaka-kilala sa'kin; ako si Kaytlyn Jade Armane Diaz. Ang maganda at fashionista na kapatid ng bida sa librong ito. Oo alam ko! Alam ko na siya bida sa kwentong ito pero okay lang yun kasi atleast kapatid ako ng bida, diba? Anyways ako ay isang multi kpop fan. Madami akong stan na groups gaya nanga ng BTS. Stan ko din ang BTOB, NCT Dream, Astro, Twice, BlackPink, G-Idle, at Red Velvet. Yun lang naman tungkol sa buhay ko.

Habang nanunuod ako ng movie ay narinig ko ang busina ng kotse sa labas. Andyan na si ate!

Lumabas ako ng bahay at nagtungo sa may gate para abangan sila.

"Ate, hows the party?" Curious na tanong ko

"Hay naku...wag mo nang tanungin pa" walang ganang sagot ni ate

May nangyaring hindi maganda. Ganyan si ate kapag galit siya eh, kahit kanino mataray. Kaya siguro walang jowa tong ate ko na toh...=_=

Hindi ko na lang kinulit pa ang ate at naglakad nalang ako patungo sa living room at ipinag patuloy ko ang panunuod ng movie.

Umakyat na si ate sa kanyang kwarto at parang wala talaga sa mood kasi hindi man lang bumaba para kumain ng dinner. Nag try akong katukin siya pero wala, hindi siya sumasagot. Hinayaan ko nalang siya kasi baka naman pagod. Saka ko na lang aiya chichikahin, may tamang time para maging kontrabida ako sa kanya. Pero hindi ito ang time nayon.

------------------------------------------------------

Athena's POV:

Bakit kaya iritang-irita ako sa lalaking yun? Wala naman ginawa na masama yun diba? Hay naku! Wag nalang nating isipin, nakaka stress lang(ーー;)

Kinabukasan.....

Nagising ako ng maaga. Actually hindi naman talaga ako natulog kasi hindi ako inaantok. Iniisip ko pa rin talaga kung bakit lagi akong tinotoyo kaoag nakikita ko yung lalaking tuhod na yun? Di kaya gusto ko talaga siya? NOOOO! ERASE ERASE YAN ATHENA! Tama! Hindi yun totoo, wala akong gusto dun!

Naligo nalang ako para wala ang aking isipin. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng aking uniform at nag-ayos ng nga gamit ko sa school.

Bumaba ako sa kitchen para kumain ng breakfast na inihanda ni yaya Marie. Wala ngayon ang parents ko kasi si mommy nasa Spain para sa meeting niya with her business partner. Si daddy naman ay nasa Cebu dahil inaasikaso niya yung itatayo naming branch sa Cebu. Oh btw, ang aming business is like multi-business. Restaurant, mall, condo, salon, at cosmetics. Sobrang dami noh? I'm surprised nga kasi kahit na sobrang busy ng parents namin, nakakahanap padin sila ng time para asikasuhin kami at makipag bonding sa aming dalwa ni Kaytlyn.

"Ate, what's for breakfast?" Tanong sa'kin ni Kaytlyn na naghihikab pa

"Bacon and eggs" sabi ko sa kanya

"Oh, okay..." Inaantok niyang reply

"Bakit parang inaantok kapa? Nagpuyat ka noh?" Tanong ko sa kanya

"Huh? Inaantok ba ako? Hindi kaya! Ganyan talaga ako kapag bagong gising" pagde-deny niya

"Siguro nagpuyat ka nanaman kakanuod ng kpop videos noh?" Tanong ko sa kanya na may halong panghihinala

"Ahh...hehehe..." Sabi niya sabay peace sign

"Naku ha! Puro kpop inaatupag, imbes na nagaaral ay nanunuod ng kpop" dismayado kong sabi sa kanya

"Eh ate naman! Konti lang naman yung pinanuod ko kagabi eh..." Pagdedefend niya

"Sige nga, anong oras ka natulog?" Tanong ko sa kanya

"Uhmmm...2:50am?" Patanong na sabi niya

Aba! Hindi pa siya sure nyan ah!

"Talaga bang 2:50am?" Tanong ko ulit sa kanya na may pangasar na tono

"Uhm...1:30am?" Sabi ulit niya na para bang hindi siya ulit sure

"Baka naman 3:00am o kaya naman 4:30am? O baka naman hindi ka talaga natulog, ha Kaytlyn Jade Armane Diaz" pagsesermon ko sa kanya na may halong mataray at galit na tono

"Sorry na ate...promise diko na ulit gagawin" malungkot na sabi niya

"Kaya pala lagi kang nahuhuli sa paggising sa umaga eh" sabi ko sa kanya

"Sorry nanga kasi..." Nagsisisi na sabi niya

"Sige na! Basta wag na magpupuyat ha! Pwede manuod pero bawal pagpuyatan" sagot ko sa kanya na may awtoridad

"Yes po ate (^o^)" masayang tugon niya

Nagpatuloy na kami sa pagkain ng breakfast. Oonga pala, kung tatanungin niyo ako o si author kung bihis na dito si Kaytlyn, ang sagot ay oo. Pagkatapos naming kumain ay nag toothbrush kami at kinuha ang aming mga gamit at sumakay na sa aming sasakyan papunta sa school

At the school...

Nandito ako ngayon sa classroom kasi nga malamang nag start na klase namin. Medyo hindi ko maintindihan ang mga pinagsasasabi ni sir Delgado kasi iniisip ko padin yung iniisip ko kanina, alam niyo na kung ano yun! At oo, gising ako ngayon sa klase niya kasi gising ang diwa ko, nagiisip siya(・o・)

Habang nagiisip ako ay bigla akong napatingin sa kaliwa ko at yun, nakita ko siya na nakatingin sa akin. Oo, si lalaking tuhod, nakatingin siya. Ehem...walang malisya! Hindi ako kinikilig. Tinarayan ko lang siya samantalang binigyan niya ako ng isang sweet smile. Sus! Edi siya na maganda ngumiti. Kala naman niya hindi ko kaya yun? Ako kaya ang pinaka may charming na smile sa klaseng ito(*'ω`*)

*Bell rings*

Waaaaaa yesss! Kakain na! Hindi naman halatang excited akong kumain, lalong hindi din naman halata na gutom ako. Kahit na nakita ko ang lalaking tuhod na yan, although hindi ko maaavoid na hindi siya makita, ay hinding hindi ako magpapatalo sa kanya. Hindi ako ngayon mawawalan ng gana sa pagkain! Sarap kaya ng pagkain ngayon sa cafeteria.

Tumakbo ako papunta kayna Ysa (Ysabelle)

"Mga frenniesss! Tara na sa cafeteria!" Masayang sabi ko sa kanilang tatlo

"Saya mo ah?" Sabi sa'kin ni Cora

"Naol masaya" sabi ni Ysabelle

"Syempre kakain na eh. Magiging masaya talaga yan" dugtong ni Ruby

"Oo naman! Sino namang tao ang hindi masaya kapag kakain na? Kahit siguro hindi masarap ulam, basta gutom, kakainin yan!" Pagpapaliwanag ko sa kanila

"Siya, lets go na" yaya ni Cora

Nagpunta na kami sa cafeteria para kumain. Umorder si Ysabelle ng isang spaghetti w/ chicken at isang coke, si Cora naman ay umorder ng Carbonara at isang croissant tapos sprite, ang order naman ni Ruby ay adobo w/ rice tapos isang Blue na ang flavor ay lichee, at ako naman ay umorder ng palabok, fries, croissant, at ang aking paborito na inumin, ang Choc-O \(^o^)/. Sabi na sa inyo eh, masarap ang pagkain ngayon sa cafeteria(^o^)

"Ang dami mo kumain, Athena" sabi sa'kin ni Ruby

"Yaan muna! Di naman ikaw ang tataba plus ang sarap kaya kumain" sabi ko sa kanya habang sumusubo ng palabok

Hindi naman kasi kami katulad nung mga maaarte na mayaman na ayaw kumain ng mga ganito dahil cheap daw. Sarap kaya ng mga ganito na pagkain. Kumakain nga din kami ng isaw, fishball, kwek-kwek, at ibang pagkain na nasa food stand sa labas. At kung hindi ka pa nakakakain ng mga ganun, ano kana?! Saang bato ka nakatira?! You're missing out on so many things!

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa sunod naming klase, at yun ang Physics. Madali lang naman ang physics, intindihin molang ng maayos, pero kapag kutang ka gaya ng ginawa ko kanina, edi nganga ka. Hindi mo maiintindihan.

After school...

Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko dahil may nangyari sa isa naming kaibigan na si Ruby. Nag break kasi sila ng boyfriend niya na si James Michael De Castro, ang varsity player ng baseball team. Niloko daw kasi siya nitong mokong na ito, kaya yun nagalit si Ruby tapos inaway niya si James.

"Tama ba yung ginawa ko kay James?" Tanong niya sa aming tatlo

"Oo, you did the right thing. Hindi mo naman kasalanan yun eh! Niloko ka niya kaya dapat lang na sapakin mo talaga siya" matuwid na sabi ni Ysabelle

Alam niyo parehas kami ni Ysabelle pag dating sa mga lalaki na ganun, nagiging matapang kami. Yun nga lang, nagmumukang tombuyin.

"Tama si Ysa, Ruby. Alam mo kung ako yung niloko ng gag*ng yun, sinipa ko pa yun sa ano niya" sabi ko kay Ruby

Alam niyo na yung tinutukoy ko

"Okay lang yan Ruby, makakahanao ka din ng lalaking deserve ka" sabi naman ni Cora

Dinamayan lang namin Ruby para kumalma siya at para naman makapag move on siya ng kahit konti lang. Sabi nga nila: "You're friends are there for you when you need them most" oh diba? Straight english! Duh Athena?! May mayaman bang hindi maalam mag english? Dugyutin mo naman girl!

Nang matapos kaming mag drama ay tumayo na kami at naglakad pa alis. Habang naglalakad kami ay biglang may humarang sa aming tatlong babae at biglang tinulak si Ruby

"Hoy b*tch! Bakit mo sinaktan si James?" Galit na tanong nung girl #1

"Oonga! How dare you do that to our idol?!" Mataray at galit na sabi nung girl #2

"Excuse me pero wala akong sasagutin na tanong niyo kaya pwede ba? Tumabi kayo!" Sabi ni Ruby

Aalis na sana kami ng biglang hilahin nung girl #3 ang buhok ni Ruby

"Sl*t come back here!" Sabi ni girl #3 habang hinihila ang buhok ni Ruby

"Aray! Ano ba bitawan mo yung buhok ko!" Daing na sabi ni Ruby

"Hoy babaeng hito! Bitawan mo nga yung kaibigan namin!" Sigaw ni Cora

"Sino ka ba ha? Who are you to order me? Di ka naman kasali dito ah!" Mataray na sabi ni girl #1

"Hooooy! Ako lang naman si Cora, ang isa sa mga kaibigan ng babaeng sinasaktan niyo ngayon!" Inis na sigaw ni Cora

Sa sobrang ingay at gulo ng pang-yayari ay madami ang pumalibot sa amin at nanuod ng mga nagaganap na away

"Wala akong pakialam kung sino ka man! Shut up and leave!" Sigaw ni girl #1

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi niyo binibitawan ang kaibigan namin!" Galit na sagot ni Cora sa tatlong higad girls

"Oh eto na!" Sabi ni girl #2 sabay tulak kay Ruby

"Aba sumosobra kana ah!" Sabi ni Ysabelle

"Manahimik ka! Yang babaeng yan ay isang b*tch! Napaka malandi niya! Pagkatapos niyang landiin si James, mang seseduce pa siya ng ibang lalaki? Ganyan din siguro kayo noh?" Sabi ni girl #3 na may kasama pang accusation tungkol sa amin

Aba! Kapal ng mukha nitong mga babaeng higad na mga ito. Konti nalang talaga, konting konti nalang

"How dare you! Hindi kami ganyan! Baka kayong tatlo! Mga mukha kayong prostitute na nakakalat sa kalsada!" Bara ni Ysabelle

"You--!" Galit na sabi ni girl #2

Bigla naman nilang hinili si Ysabelle at sinampal ng ilang beses

Okay! That's it!

"Enough!" Sigaw ko sa kanilang lahat

Biglang nanahimik ang lahat. Pati mga nanunuod ay natigil at natulala

"You have no right to accuse us of being sl*ts and b*itches and you have absolutely have no right to hurt my friends!" Galit na sabi ko sa kanila

"Eh sino ka ba ha?!" Mayabang na tanong ni girl #1

"Oh it doesn't matter who I am. Just know that I'm their friends. Besides, you don't have the right to know my name or even call my name. Ayoko kasi na may nagsasabi ng pangalan ko. Lalo na kapag mga malalanding higad na kagaya niyo!" Galit at inis na sabi ko sa kanila

"How dare you!" Sabi ni girl #3

"How dare you dare me! How dare you accuse us?! How dare you hurt my friends?!" Bara ko sa kanila

"You are such a sl--"

Bago pa makaimik si girl #1 ay agad ko na agad siyang sinampal ng pagkakalakas

"Ayan! Para sa pananakit kay Ruby" sabi ko kay girl #1 habang sinasampal ito

"Eto, para kay Cora" sinampal ko din si girl #2 ng malakas

"Eto naman para kay Ysabelle!" sigaw ko habang sinasampal si girl #3

"Ano gusto niyo pa?! Mga malalandi kayo! Kung gusto niyong angkinin yang si James na idol niyo, ay inyong inyo na! Isaksak niyo sa mga baga niyo dahil hindi niya deserve yung kaibigan ko! Magsama kayo ng idol niyong harot at makapal ang mukha! Kala niya kung sino siya?! Hindi naman kagwapuhan yang idol niyo! Buti nga pinatulan yan ng kaibigan ko! At kayong tatlong higad! Wag na wag niyo ulit sasaktan yung mga kaibigan ko dahil makakatikim kayo sa'kin ng mas masakit pa sa sampal!" Galit na sabi ko dun sa tatlong babaeng higad

"Get out of here! Baka pagbuhulin ko pa kayong tatlo!" Pagpapaalis ko dun sa tatlo

Agad naman silang tumakbo papaalis

"This is not over! Makakatikim ka din samin!" Sigaw nung si girl #1

"Good! I'll be waiting for your return!" Sabi ko sa kanila na may confidence

Nang makaalis sila ay unti unti namang nawala ang mga tao sa paligid. Lumapit ako sa tatlo kong kaibigan at inalalayan sila paupo sa isang bench

"Okay lang ba kayong tatlo?" Pagaalala ko sa kanila

"I love you na talaga Athena! Mwaaahh!" Sabi ni Cora sabay kiss sa cheeks ko

"Ikaw na talaga girl! Ang fierce mo!" Sabi sa'kin ni Ysabelle

"Salamat sa pagtatanggol samin kanina Athena ha? We appreciate it" nakangiting sabi sa'kin ni Ruby

"Sus! Wala yun guys. Alam niyo naman na ayaw ko ng mga ganun eh...atsaka ayoko din na inaapi kayo at basta basta nalang inaaway" sabi ko sa kanila

"Grabe ka talaga Athena kanina, kaya ayaw ka namin galitin eh...nakakatakot ka" sabi ni Cora

"Oonga, baka kainin mo kami ng buhay" biro ni Ysabelle

"Wag kayong matakot! Hindi ko kayo kakainin noh! Di kaya kayo masarap! HAHAHA" biro ko sa kanila

"Wala na! Dina cool si Athena, waley na ulit siya" sabi naman ni Ruby

"HAHAHAHHAHAHAHA" sabay-sabay naming tawa

To be Continued....

A/N: sorry guys kung medyo pangit yung story ko ngayon ah? Medyo nawalan kasi ako ng idea heheheh... Anyways eto na ang update ko ng Chapter 7. Salamat sa mga nagbabasa ng aking libro. To be honest akala ko walang magbabasa ng libro na toh eh HAHA. Pere biruin mo? May nagbabasa pala. Sana magustuhan niyo ang story na ito at patuloy niyo pa itong magustuhan kahit na medyo matagal akong mag update. Stay safe everyone, stay at your house and always wash your hands. Don't forget to pray🤗💖

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top