Chapter 4: Eye Sore
Nathan's POV:
Pagkatapos kong umalis dun sa secret garden na nakita ko ay nagpunta ako ng court. Dito kasi kami magme-meet ng nga tropa ko. I miss them
Habang iniintay ko ang mga tropa ko ay naalala ko ang nangyare kanina sa secret garden.
Ang cute niya pala. Ang sarap niyang galitin. Haluh gago! Ayos ka pa ba Nathan? Wag ka ngang nagiisip ng ganyan dun sa masungit na babaeng yun!
"Sino naman kaya ang iniisip ni Nathan?" Tanong ni Seth
"Wala akong iniisip" sabi ko kay Seth.
Siya si Seth Adelard , ang isa sa mga kaibigan ko. Playboy yan at isip bata.
"Baka babae iniisip niya tol" sabi naman ni Grey
Siya naman si Grey Villamor. Siya ang makulit at palabiro sa aming magkakaibigan. Medyo may pagka playboy din.
"Kayo nag-iisip niyan, hindi ako" asar na sabi ko
"Pero di nga, babae yan noh?" Pangungulit naman ni Noah
Siya si Noah Perez, at oo, tito niya ang headmaster ng school. Siya ang pinaka mabait at malambing sa aming apat. Siya din ang pinaka matakaw=-=
"Oo na! Babae na iniisip ko. Pero hindi katulad ng iniisip niyo" pagmamataray ko sa kanila
"Sino yan pre?" Tanong sa'kin ni Seth
"Maganda ba?" Dag-dag pa niya
"Maganda na sana kaso masungit=•=" sabi ko
"Oooo spicy one!" Pabirong sabi Seth
"Chickboy mo talaga Seth" sabi ni Noah
"Baka agawan mopa si Nathan ng babae" panga-asar ni Grey
"Kanyang kanya na yung babae, yun nga lang baka maghirap ka. Baka dimo matansya" sabi ko
"Bakit, ganun ba talaga ka sungit yung girl?" Tanong ni Noah
"Oo, kung alam niyo lang" sabi ko sa kanila
"Anong bang nangyare at parang ayaw na ayaw mo dun sa babae?" Tanong ni Grey
Kinuwento ko sa kanila yung una naming pagkikita sa mall at yung nangyare na tour.
"Easy lang yan pre!" Mayabang na sabi ni Seth
"Sus! Yabang naman neto. Sige nga gawin mo" hamon ni Grey
"Sige ba!" Sang-ayon ni Seth
"Pano pag nagawa ko?" Dagdag pa niya
"Edi ibibigay ko sayo Mustang ko" sabi ni Grey
"Sabi moyan ha! Walang bawian!" Masayang sabi ni Seth
"Goodluck nalang sayo.." sabi ko kay Seth
"Guys kain na tayo. Gutom na talaga ako!" Sabi sa amin ni Noah na mukang hindi pa nakakakain ng ilang linggo
"Ikaw patay gutom ka din ano? Parang ang hirap hirap niyo e samantalang ang yaman niyo naman!" Sabi ko kay Noah
"E sa gutom pa ako eh. Diko naman mapipigilan tiyan ko eh!" Sabi sa'kin ni Noah
Nagpunta kami ng canteen para samahan si Noah. Kawawa naman kasi at mukhang dipa sapat ang mga pagkain sa kanila. Hay... Now I think I regret being friends with them, nakakahiya tong mga toh. Pero syempre, joke lang yun! I miss them a lot.
Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami sa room. Nagulat ako kasi kaklase ko pala tong mga kupal na toh! Pero bakit wala sila dito nung unang pasok ko?
"Kaklase ko pala kayo. Bakit hindi ko kayo nakita nung first day ko dito?" Tanong ko sa kanila
"Kasi bro nag walwal kami nung araw na yun" sagot naman ni Seth
Nanahimik nalang ako sa sagot nila. And when I thought they changed, nothing changed pala. They're still the same... And I like it :)
Nagsimula ang klase at katabi ko nanaman tong babaeng masungit. You know, she's beautiful but she's not so nice. I still can't forget about the thing she did to me in the mall. You might think na it's just a small thing but it still humiliated me in public. She's the first one to humiliate me in public ever since I went back to the Philippines. And I'll make her regret that.
Natapos ang class namin and I went to my friends to hangout. I usually don't hangout before when I was in States.
Wala naman akong masyadong kaibigan dun plus I don't easily make friends. I only befriend those who I think is worthy. You might think that I'm a choosy when it comes with friends, but I'm not. I'm just being careful. Also you might think that I'm makulit like them because of how I treat that girl,Athena; but trust me. I have a plan.
We chilled at the lounge that they call "Chill Room". They told me that they use to hangout here whenever they like chilling. They also eat here sometimes.
I realized that I still have so many things to know about this school, the students, the teachers, and even my friends. A lot has changed and I need to adjust. I mean, my friends did not change much, specially their personalities; but I kinda feel left out. I didn't even know that there was a Chill room, nalaman kolang nung sinabi nila. I know it will be hard but I chose to be here and even if I don't want to be here, I still have to.
Pagkatapos ng ilang oras na nasa Chill room kami ay umalis na din kami.
Naglakad lakad muna ako sa school kasi ayaw ko pang umuwi. Habang naglalakad ako ay nakita ko si Athena na nakaupo sa isa sa mga bench. May naisip akong planoʕ•̀ω•́ʔ✧ Naglakad ako papunta sa kanya at...
*BOOOO!*
"AYYY ANAK NG TIPAKLONG NA NAHULOG ANG KABAYO!" Sigaw niya at bigla siyang nahulog sa pagkaka-upo niya
Success!(^o^)丿
Lumingon siya at ngumiti naman ako. HAHHAA serves you right! Di pa ako tapos sayo.
"Ikaw nanaman! Alam mo bwisit ka talaga eh!" Pagalit na sigaw niya sa'kin
"HAHHAA kung makikita mo oang mukha mo!" Natatawa kong sabi sa kanya
"Bakit ba lagi kang pasulpot-sulpot kung saan ako nandun? Ano kaba? Stalker ko?" Mataray na sabi niya sa'kin
"Kapal mo naman! I just happen to be here too. Don't assume anything miss sungit" asar ko sa kanya
"Alam nakakainis ka talaga eh!" Inis na sabi niya sa'kin
"Aminin mo na kasi, ikaw ang stalker, hindi ako" panga-asar ko ulit sa kanya
Bigla naman siya napanganga sa sinabi ko at mukhang nagiinit na siya sa galit. Well I intend to make her angry and frustrated. I don't know why but I like seeing her angry. Don't get me wrong, hindi ko siya gusto. Satisfied lang talaga ako sa reactions niya.
"Ikaw ang makapal! Ako stalker mo? Sa ganda kong toh mang s-stalk ako ng mayabang na lalaking tuhod? In you dreams!" Mataray at galit na sabi niya sa'kin
"Don't be too sure miss sungit. Malay mo magka gusto ka sa'kin" panga-asar ko ulit
"Wag kang magalala, hindi pa mababa ang standards ko" kampanti niyang sabi
"Wehh? Baka nga nagagwapuhan kana sa'kin eh" asar na tanong ko sa kanya
"No way! Isa kalang EYE SORE sa paningin ko" sabi niya na may halong diin
"Well see miss sungit" naka smirk na sabi ko
Wala na siyang sinabi at nag walk-out nalang siya. Tandaan mo miss sungit, maf-fall kadin sa'kin.
------------------------------------------------------
Athena's POV:
Aminin mo na kasi, ikaw ang stalker, hindi ako" sabi nung lalaking tuhod
Kapal ng mukha ng tuhod na toh! Ako pa ang stalker ha! Nananahimik ako dito tapos siya bigla bigla nalang susulpot!
"Ikaw ang makapal! Ako stalker mo? Sa ganda kong toh mang s-stalk ako ng mayabang na lalaking tuhod? In you dreams!" Sabi ko sa kanya
"Don't be too sure miss sungit. Malay mo magka gusto ka sa'kin" panga-asar naman niya
Kita niyo na? Makapal talaga nangarap pa ha! Sabagay, libre naman mangarap. Pero sorry siya, hanggang pangarap nalang siya.
"Wag kang magalala, hindi pa mababa ang standards ko" kampanti kong sabi
"Wehh? Baka nga nagagwapuhan kana sa'kin eh" panga-asar pa niya
Bwisit talaga toh kahit kailan eh! Sarap saksakin yung mukha niya tuhod!
"No way! Isa kalang EYE SORE sa paningin ko" sabi ko na may halong diin
"Well see miss sungit" naka smirk na sabi niya
Nakuuuu!! Naiinis talaga ako sa lalaking yun! Bwisit! Napaka hangin! Nung nagpasabog ng kayabangan, sinalo niya lahat. Hindi nagtira sa iba kaya yan tuloy! Nagu-umapaw siya sa kayabangan! Mukha siya tuloy bagyo. Sobrang hangin, daig pa aircon namin. Partida, madami kaming aircon ah!
Tinalikuran ko nalang siya at umalis nalang kasi baka kung ano magawa ko dun kapag hindi ako lumayo sa kanya. Nagpunta nalang ako ng parking lot...
Nang makarating ako sa parking lot ay nakita ko si Kaytlyn na iniintay ako at nandun na din si Manong Jerry. Naglakad ako papunta sa kanila.
"Ate bakit parang bad mood ka?" Tanong sa'kin ni Kaytlyn
"Wala, may nakita lang akong asungot. Tara na" sabi ko sa kanya
To be continued....
A/N: Sorry at dahil matagal akong mag update. Sobrang wala na kasi akong inspirasyon. Sobrang boring kasi sa bahay٩(๑'3`๑)۶ kaya ngayon dalawa ang chapter na pinablish ko kasi para naman makabawi ako ng konti. Wag kayong magalala, pipilitin ko talaga mag update ng mabilis. Basta comment and vote lang kayo para naman magkaroon ako ng inspirasyon hehehe... Anyways, keep safe and stay at home my bbs. Basa basa muna tayo ng wattpad. Thank chu for reading~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top