Chapter 2: Crossed Path
Athena's POV:
Kakauwi lang namin galing sa mall pero buong araw ay nawalan ako ng mood dahil sa lalaking tuhod na'yon! Naku! Wag kolang talaga makita ulit yun dahil sasapatusin ko talaga siya!
"Miss, If we ever meet again, pagsisisihan mong tinawag mo'kong ganun" Aish! Sa tuwing maririnig ko yung sinabi niya ay kumukulo ang dugo ko! Kami? Magkikita pa kami!? Over my dead body! I don't waste my time on things that aren't worth it. "Pero ate, ang pogi niya ha" sabi ni Kaytlyn na mukhang nag fa-fan girling nanaman "Kaytlyn gusto mo bang ipatingin ka namin nina daddy sa doctor? Baka lang kasi may sira na ang mata mo o kaya ulo mo" panga-asar kong sabi sa kanya. "Ate hindi noh! Basta pogi siya" sagot niya sa akin.
Nang matapos ang usapan namin ni Kaytlyn ay nagpunta ako sa aking kwarto at nag ayos ng aking gamit sa school. Alam ko na iniisip niyo kung bakit biglang may pasok na ulit ako. Itanong niyo nalang sa author.
(Ate Ai: Huy, shh! Wag mong sabihin yan sa readers!)
(Athena: eh totoo naman kasi! Ang tamad mo nanaman!)
(Ate Ai: Sige ka, subukan mong ilabas sa readers yang sikreto ko. Gagawin kitang pangit!)
(Athena: joke lang Ate Ai :) ikaw naman binibiro kolang readers natin eh hehe)
---------------------------------------------------------
4:30 am na nang gumising ako. Maaga pa pero naligo na agad ako at nagbihis na ng aking uniform. Inayos ko ang aking gamit at bumaba na ng hagdan papuntang kusina upang kumain. "Oh Athena dear, bakit ang aga mo?" Tanong sa'kin ni mommy na naghahanda pa lamang ng breakfast "goodmorning mommy. Maaga po kami ng friends ko ngayong monday" sabi ko sa kay mommy.
Kumain na ako at umakyat din para mag-toothbrush. As usual, iintayin ko nanaman si Kaytlyn. Ang time namin kapag nagpupunta kami ng school ay usually 7:15 am, but now 6:35 am ay naka-alis na kami ni Kaytlyn sa bahay. Nang makarating kami sa school ay 6:55 am na. Dumiretso ako sa bench doon sa center ng school at nakita ko ang mga kaibigan ko na inintay ako. Tumakbo ako papunta sa kanila. "Athena, andiyan kana pala" sabi ni Ysabelle "Hi Athena" sabi sa'kin ni Cora, ang isa sa mga bestfriends ko. "Parang tumaba ka ata Athena" sabi naman ni Ruby. Ayan! Kompleto na ang aming squad. "Bakit naman kayo absent nung isang araw ha Cora at Ruby?" Tanong ko sa kanilang dalawa "Nag-usap kayong dalawa noh?" Dagdag ko. Nagtinginan silang dalawa sa isa't-isa "Hindi ah! May nangyare lang sa lola ko" sabi ni Ruby "eh ikaw Cora, bakit ka absent?" Tanong ko kay Cora "Something came up kasi sa bahay kaya wala akong nagawa kundi ang mag absent" sagot sa'kin ni Cora. Nag-usap kami ng konti at pagkatapos ay nag-punta na sa room kasi nag ring na ang bell.
Ang dami naming mga ginawang project tapos nanominate pa ako as a candidate to be a student council president. Alam ko naman na matalino ako pero parang hindi ko naman bet ang mga ganyang gawain eh... I'm not suited for that. Pageants pwede pa HAHA Chaaarrrrr!
Tinawag ako ni Sir Perez, ang headmaster ng aming school. Dumiretso agad ako sa kanyang office kasi mukhang importante ang pag-uusapan namin. Nang makarating ako ay agad akong kumatok at pumasok sa loob. "Good afternoon po Sir Perez, pinapatawag niyo daw po ako?" Tanong ko kay sir "yes miss Diaz, come in" sabi sa'kin ni sir. Pumasok ako at umupo sa upuan. Ano kayang sasabihin sa'kin ni sir? Mae-expelled naba ako? My God! Anong ginawa ko?! Naging maganda lang naman ako, masama ba yun? (Hehe oo na medyo mahal ko ang sarili ko)
[Ate Ai: medyo daw? (=•=)]
"Pinatawag kita dito dahil ikaw lang ang maaasahan ko sa task na ito" sabi sa akin ni sir Perez. Ano kayang task ito? Sana naman hindi masyadong stressful kasi baka mabawasan beauty ko! "Ano po ba ang task ko sir?" Tanong ko kay sir "In a few days, we will have a new transferee and I need you to take care of him until he gets used to our school" utos sa'kin ni sir. So ano toh? Babysitter ako? Di naman ako na-inform na ang beauty ko ay pang yaya lang! Hay nako my gosh... "Yun lang po ba sir?" Pagtatanong ko kay sir "yes, that's all. I believe in you miss Diaz" pagko-compliment sakin ni sir.
Pagkatapos ng usapan namin ni Sir Perez ay agad akong nagpunta sa library para mag-cutting este matulog. Wala naman kasing klase kasi breaktime na, plus mas maganda matulog sa library kasi tahimik dun atsaka may fav spot ako dun eh...At hindi kona namalayan na tulog na pala ako =-=
--------------------------------------------------------
Natapos ang klase namin at time na ng uwian. Inintay kopa din yung kapatid ko na si Kaytlyn kasi minsan talaga late sila umuwi. Eto kasing kapatid ko di nalang mag-cutting, papasa din naman siya kasi matalino din naman gaya ko.
[Ate Ai: Gagaya mo sayo? Adik ka?]
Hehehe di naman Ate Ai... Eto naman kasi di mabiro. Nagjojoke lang ako eh! Peace tayo...
Lumabas na si Kaytlyn sa room nila at dumiretso nadin kami sa parking lot kung saan nagiintay si Manong Jerry. Nang makauwi kami sa bahay ay sinalubong kami ni mommy at hinalikan kami sa pisngi. My ghad! Dina ako bata mom! Isip-isip ko. Ang arte ko noh? HAHAHA! Anyways... Humalik din ako sa pisngi ni mommy sabay akyat sa taas para mag bihis ng damit. Bumaba ako para mag-dinner at agad umakyat din pagka-tapos. Nag browse ako ng konti sa aking social media at nagbasa ng konting libro. Pagkatapos nun ay natulog na din ako.
*Ring* *Ring* *Ring*
Nagising ako sa sound ng aking alarm clock. Bumangon na agad ako upang mag hilamos at mag toothbrush. Naligo nadin ako at nagbihis ng aking uniform at pagkatapos ay bumaba na ako para kumain ng breakfast. "Goodmorning mommy" pagbati ko sa aking mother na pagka sipag-sipag. I really admire her. She's like my idol, I wanna be like her. But not to soon HAHA gets niyo na.
"Mom, what's for breakfast?" Tanong ko kay mommy "Eggs and bacon dear" sagot sa'kin ni mommy. Naks naman! Ang sarap ng breakfast namin mwahaha. "Goodmorning mommy" sabi ni Kaytlyn na kabababa lang at mukhang inaantok pa. "What a surprise, bakit parang ang aga mo naman ata ngayon?" Pang-aasar ko sa kanya "Kailangan maaga ako ngayon kasi may gagawin pa ako. Di gaya mo! You're so lazy!" Sabi niya sa'kin na may pagdidiin pa. Aba! Grabe ah, tapatan na toh! The truth bombs blew on my face mga besh! Ang shaket ah shobrang shaket.
[Ate Ai: May braces ka bes? May brashes ka?]
[Athena: Ate Ai wag kana kumontra, moment ko toh! Atsaka dagdag scene yan HAHA]
Close kami ni author kaya don't worry >-<
Natapos kaming parehas kumain at tapos na din kaming mag-ayos ng gamit. May time pa kaming tumambay kasi maaga pa naman so nagpasya muna kami na mag ML. Di masyadong halata pero medyo gamer din naman kaming dalawa. Nakalipas ang ilang oras ay umalis na kami sa bahay. Nang makarating kami sa school ay dumiretso ako sa classroom. Umupo ako sa aking lamesa at kinuha ang aking notebook. Nag organize muna ako ng aking mga gamit para hindi kona sila hahanapin mamaya.
Dumating na ang aking mga kaibigan kasabay ng iba pang mga studyante. "Bakit ang aga mo lagi Athena?" Tanong sa'kin ni Cora "Kasi I'm a very good student" sabi ko sa kanya.
Nagsimula na ang klase pagka pasok ng aming Adviser na si Ma'am Nora.
"Goodmorning everyone" pagbati sa amin ni ma'am "Godmorning Ma'am" bati namin kay ma'am. "Be seated please" sabi ni ma'am at nagsi-upuan na ulit kaming lahat. "Let's check the attendance first" sabi ni ma'am "Abert John Rupert" pagta-tawag ni ma'am "Here ma'am" sabi ng kaklase namin na si John. "Acero Tyron" "Here ma'am". Nang matapos si ma'am magtawag sa attendance ng boys ay nagtawag naman siya ng attendance ng girls.
Hay naku... Kailan kaya dadating yung transferee? Gusto kona matapos yung pa tour ko sa kanya. Ako pa kaso inutusan ni Sir Perez eh... Sa layo ng iniisip ko ay hindi kona namalayan na ako na pala ang tinatawag ni ma'am. "Diaz, Athena Renee" pagtatawag ni ma'am "Diaz?" Pagtatawag ulit ni ma'am "ATHENA RENEE DIAZ!" Pasigaw na tawag ni ma'am. Napukaw ako at bigoang tumayo. "Here ma'am" pag tugon ko sa tawag ni ma'am. "Miss Diaz, nasaan ka?" Tanong sa'kin ni ma'am Nora "Nasa classroom po ma'am" pag-sagot ko sa tanong niya. "Well it seems as though you are not here Athena. Kung saan-saan kasi naglalakbay yang isipan mo" sabi ni ma'am sabay tawanan ng buong klase. Napakamot ako ng ulo at umupo nalang sa aking upuan.
Natapos ang klase namin kay ma'am Nora at nag ring na ang bell. Nagsilabasan kami ng classroom kasi recess na. "Athena anong kakainin mo?" Tanong sa'kin ni Ysabelle "uhmm... Gusto ko ng spaghetti w/ chicken atsaka isang Choc-O :9" sabi ko kay Ysabelle "Choc-O? Bata kapa ba Athena?" Pang-aasar sa'kin ni Cora "bakit ba? E sa masarap ang Choc-O eh!" Sabi ko sa kanila na parang bata. "Ikaw Ruby, anong kakainin mo?" Tanong ko kay Ruby na parang hindi naman ako narinig kasi sobra niyang busy sa pagche-check ng cellphone niya =-=
"Hello? Earth to Ruby?!" Pagsigaw ko malapit sa mukha niya na ikinagulat niya. "Huh? Bakit?" Nalilitong tanong niya "yan ikaw kasi! Sino ba kasing iniintay mo diyan sa cellphone mo ha?" Pagtatanong ko sa kanya "ahh baka yung boyfriend niya yan Athena" sabi sa'kin ni Cora. Ay oonga pala may boyfriend nga pala siya. Si Kevin Tolentino. "Kasi mga bes parang ang tagal na niyang hindi nagcha chat sa'kin eh" malungkot na sabi sa amin ni Ruby "baka naman busy lang Ruby, let's not worry too much okay?" sagot ni Ysabelle para hindi lalong mag-worry si Ruby. "Naku baka may iba nayan Ruby" sabi ko sa kanya. Bakit totoo naman diba? May mga ganyang lalaki na kapag sawa na, iiwan kana. At ang mas masakit pa ay ang bilis kang ipag-palit. "Huy! Wag ka ngang ganyan Athena" pagsasaway sa'kin ni Ysabelle "asus sinaway pa ako eh malay niyo totoo na may iba na" pagdidiin ko sa kanilang tatlo "wag kang makikinig kay Athena, Ruby. Wala pa yang jowa kaya yan bitter" pagcocomfort ni Cora kay Ruby na may halong panga-asar sa'kin. "Excuse me? Wala lang talaga akong balak mag jowa" sabi ko sa kanila.
Pagkatapos ng recess ay balik klase na ulit kami. Next subject namin ay Calculus at sa mga oras na toh dahil bagong kain kami, halos lahat kaming magkaka-klase ay inaantok. Dumating na si ma'am Santos, ang aming calculus teacher. Agad-agad kaming bumati at umupo. Nagsimula na ang klase. Medyo natagal tagalan din ang aming klase sa calculus dahil napa sarap si ma'am sa pagle-lesson niya. As if naman lahat kami nakikinig HAHA
Next subject ay Filipino na tinuturo sa'min ng aming adviser na si ma'am Nora. Pumasok siya sa room pero bago siya pumasok ay lumingon muna siya sa kanyang likuran at ngumiti ng saglit. Nagtaka kaming lahat at bigla siya ngumiti ay wala namang tao sa likod niya. Haluh! Nakakakita ng multo si ma'am! Sabi na nga ba, haunted ang school na ito! Binati namin si ma'am at pinaupo niya kami. "Class I have a very good news" sabi sa amin ni ma'am Nora. Ano kaya yung good news na yun? Ikakasal na kaya si ma'am? "We have a new student here with us today" pagbabalita sa amin ni ma'am. Emeged, siya na yung transferee na ibe-baby sit ko. Ano kayang itsura niya? "Please come in" magalang na pananalita ni ma'am. At sa pinto ng aming room ay may pumasok na isang lalaki. Wait! Parang familiar siya sa'kin. "Please introduce yourself" sabi ni ma'am sa transferee "Hi everyone, my name is Nathan Jace Ferrer" pagpapakilala nung transferee. "Hello Mr. Ferrer, please take a sit next to miss Athena" nakangiting sabi ni ma'am. Napatingin ako sa tabi ko at wala ngang nakaupo. Pakshet naman oh! Naglakad yung transferee papalapit sa akin at huminto sabay tingin sa akin. "So, Athena pala ang pangalan mo" sabi nung transferee. Tumingin ako sa kanya at nagulat sa aking nakita "I told you we'd meet again miss sungit" nakagrin niyang sabi. "Ikaw?!" Pasigaw kong sabi.
To be continued....
A/N: sorry at ngayon lang ako nakapag update. Sobrang busy kasi dahil ang dami naming school work. Lagi akong pagod kaya minsan lang ako makapagsulat ng Chapter 2. Babawi naman ako sa inyo sa summer vacation, konting tiis nalang at summee vacation na. Pipilitin ko na makapag-update ng mabilis. Sana nagustuhan niyo itong chapter na ito. Paki vote at like para masipagan akong magupdate at magcomment nadin kayo hehe❤️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top