Chapter 1: First Meet


Haaayyy... Ang hirap maging maganda pero walang love life. Although ayoko ng may ka relasyon kasi mas gusto kong unahin ang pag-aaral. Mas gusto ko kasing inuuna yung mga kino-consider ko as top priority. Simple lang naman buhay ko eh... Bukod sa pagiging maganda ay wala na akong iba pang ginagawa kundi mag-aral at mag-basa ng libro which I don't mind naman kasi I enjoy it. Oonga pala! Hindi kopa napapakilala ang sarili ko sa inyo.

Ako si Athena Renee Armane Diaz 15 years na sa mundong ibabaw.

Nag-aaral ako sa St. Anthony Academy. Isang prestigous school para sa mayayaman. My father, Gabriel Kingsley Diaz is a well known business man. Sobra niyang strict pero mapag-mahal, specially to his kids. Actually sa sobra niya akong love, feeling ko spoiled na ako but anyways I love my dad. My mom, Vanessa Armane Diaz is a housewife. She is a good cook and she is a very sweet mother. I also have a little sister named Kaytlyn Jade Armane Diaz. She is very clever and a very talkative kid. She also loves to tell us how beautiful she is. Although let's be honest, mas maganda ako sa kanya. Okay tapos na ang commercial este pagpapakilala.

Athena's POV

As usual, gigising ako ng maaga para pumasok. Bumangon ako at inayos ang kama ko. Pagkatapos ay agad akong pumasok sa banyo ko para maligo, pagkatapos ay nagbihis na din ako ng uniform at bumababa na patungo sa kusina. Agad-agad kong niyakap ang mommy ko at hinalikan sa pisngi.

"Hi mommy, goodmorning" malambing na sabi ko.

"Goodmorning sweetheart. Here, have your breakfast dear" sabi ni mommy sabay abot sakin ng plato na may fried rice with bacon and eggs.

Agad ko naman itong kinain. Pagkatapos kong kumain ay tumaas ulit ako sa kwarto upang mag-toothbrush. Pagkatapos kong mag-toothbrush ay bumaba na ako papuntang living room at umupo ako sa couch namin para intayin si Kaytlyn na matapos mag breakfast. Bagal kasi nun laging kumilos kaya eto ako nagtatagal sa kakaintay sa kanya.

Nakita kong bumaba si Daddy sa hagdan kaya't agad akong tumakbo papunta sa kanya at hinalikan ito sa pisngi

"Goodmorning dad" sabi ko sa kanya.

"Goodmorning sweetheart" sagot niya sakin sabay naglakad papuntang kusina.

Nang matapos si Kaytlyn kumain at mag-toothbrush ay agad naming kinuha at inayos ang gamit namin at nagpaalam sa aming mga magulang. Lumabas na kami ng bahay at nakita si Manong Jerry na kanina pa sa labas ng bahay nagiintay sa aming dalawa.

Sumakay na kami sa aming van papuntang school.

"Ate alam mo ba nanaginip ako kagabi" sabi ni sakin ni Kaytlyn habang nasa biyahe kami

"Ano nanaman yang napanaginapan mo ha?" pagtugon ko sa kanya na parang hindi interesado.

"Ate pinag-aagawan daw ako ng mga lalaking sobrang gwapo, gusto daw kasi nila akong maka-date" kwento niya sa akin

"Hay! Ang hirap talagang maging maganda" pagdag-dag pa nito sabay buntong hininga at sumandal sa car seat.

"Naku sis, kawawa ka naman. Sa panaginip molang na e-experience ang mga ganyang bahay" pag sagot ko sa kanya na parang nang-aasar.

Hindi niya siya umimik kasi napikon na siya. Kawawa naman tong kapatid kong toh, walang gawa sakin. Ang bilis mapikon HAHA.

Nakarating na kami sa school at agad kaming bumaba at nag paalam kay Manong Jerry. Naglakad ako papuntang locker room para ilagay ang gamit ko at ilagay ang aking phone. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa class room upang umupo at mag-basa. Ito kasi lagi kong ginagawa tuwing pupunta ako ng school. Una puntang locker room, sunod pupunta sa room at uupo para mag-basa at mag-intay sa mga iba pang estudyante na dadating. Bakit ba kasi napaka sipag ko at ang aga-aga ko lagi pumasok. Hindi ko din minsan alam tumatakbo sa isip ko eh hehe... Nang makalipas ang 1 oras kong pagbabasa ay nagsidatingan na din ang aking mga classmates.

"Bessy, ang aga mo nanaman" sabi sa akin ng isang babae na niyakap ako sa leeg.

"O Ysabelle, andiyan kana pala" pagsagot ko.

Siya si Ysabelle Monteza, ang aking kaibigan. Well isa sa mga kaibigan. Absent kasi sila. Biglang pumasok na ang aming teacher sa calculus na si ma'am Fernando at nagsimula na ang klase.

--------------------------------------------------------

"Okay, class dismiss" sabi samin ni ma'am Fernando. Sabay-sabay kami ni Ysabelle na nagpunta sa canteen at pumila para mag-order.

"Athena, anong order mo?" Tanong sa akin ni Ysabelle

"spaghetti lang atsaka lemon juice" sabi ko sa kanya.

Pagkatapos naming kumuha ng order ay naglakad kami patungo sa isa sa mga vaccant tables dun sa may dulo. Ayaw kasi namin na agaw pansin kami. We like to keep it low profile, alam niyo na kasi masyado kaming maganda HAHA! Kumain na kami ng mabilis at agad na nagpunta sa aming classroom para mag-kwentuhan. Nag-usap kami tungkol sa mga nangyare samin nung mga panahong walang pasok, chumika din kami ng mga girly stuff pero don't misunderstand ha? Di kami pabebe. Maganda lang hehe... Dumating na ang aming next teacher na si Sir Delgado. Ang aming history teacher. Ako lang ba? Pero sobrang nakaka-antok itong subject na toh. Idag-dag mo pa yung boses ni Sir Delgado na daig pa ang sleeping pills kasi makakatulog ka at mas effective boses niya ha!

"Huy! Athena gumising ka girl!" Pag gising sakin ni Ysabelle

"huh? A-anong nangyare na?" Pag-sagot ko sa kanya na medyo tulog pa.

"Bes! Muntikan kana mahuli ni Sir Delgado na natutulog sa klase niya. Umayos kanga!" Pag-saway niya sa akin.

"Anong magagawa ko Ysabelle? Eh napaka soothing ng boses ni Sir Delgado eh. Diko mapigilan antok ko..." Sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi eh! Matalino ako at nag-aaral pero minsan talaga hindi ako masyadong nagfo-focus lalo na sa history kasi sobra talagang boring at nakaka-antok.

Natapos ang klase ni Sir Delgado at sa awa ng Diyos at hindi naman ako napagalitan. Ninja kasi talaga ako pag-dating sa mga ganyanan eh HAHA.

---------------------------------------------------------

Pagkatapos ng lahat ng klase namin ay inintay ko si Kaytlyn sa may bench seat malapit sa parking lot. Nag-lagay ako ng earphones at nagpatugtog para hindi ako ma bored pero nakatulog na pala ako... Bigla akong nakarinig ng boses

"Ate! Andito na ako" minulat ko ang aking mga mata at doon ay nakita ko si Kaytlyn na nakatayo at nakatingin sa akin.

"Tara na, nandyan na si Manong Jerry" sabi niya sakin sabay alis papuntang kotse. Kinuha ko ang mga gamit ko at sinundan si Kaytlyn sa kotse.

Dumating na kami sa bahay at umakyat agad ako sa taas papunta sa kwarto ko para mag-bihis at mag pahinga. Bumaba din ako matapos ang ilang oras kong pagpa-pahinga. Dumiretso ako sa kusina kung saan nandun silang lahat. Hinalikan ko si mame sa pisngi at niyakap, ganun din ang ginawa ko kay daddy sabay umupo na ako sa aking upuan para kumain. Konti lang ang kinain ko kasi wala akong ganang kumain, mas gusto ko pang matulog kesa kumain.

"I've finished my food, aakyat napo ako sa taas" sabi ko sa kanila

"Athena dear, may pupuntahan tayo bukas" sabi ni daddy. Saan kaya kami pupunta? Anong okasyon?

"Dad saan po tayo pupunta?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Kakain tayo sa labas " sabi sakin ni daddy

"Ano pong okasyon? Bakit po tayo kakain sa labas?" Pagtatanong ko kay daddy.

"We are going to celebrate your sisters achievement. Naka high score siya sa test nila" sagot sakin ni daddy

"saan po ba tayong restaurant kakain?" Tanong ko ulit kay daddy

"Kakain tayo sa bagong tayo na diner sa loob ng BCG mall" sabi ni daddy.

(Disclaimer: ang mall na ito ay etchos lang HAHA)

Kinabukasan....

Gumising ako ng maaga para maghanap ng isusuot ko kasi kahit na maganda ako at alam kong kahit anong isuot ko ay babagay sakin, mas maganda na paghandaan natin diba?

Naligo na ako at isinuot ang napili kong damit na short at oversized na t-shirt ng H&M. Nagsapatos na ako at inayos ang aking buhok, kinuha kona din ang aking bag atsaka bumama na papuntang living room. Pagka-baba ko ay nandun na sila at inintay nalang ako.

"Ate ang tagal mo! Ikaw nalang inintay" sabi ni Kaytlyn na inip-inip na. Naka highscore kalang ganyan kana sa maganda mong ate ha!

Nakarating na kami sa mall at nakapagpa reserve na si daddy sa restaurant pero mamaya pa ang diner namin kaya naghiwa-hiwalay kami nina daddy. Kasama ko ngayon si Kaytlyn kasi nag babonding muna kaming dalawa.

"Ate, eto oh bagay toh sayo diba?" Pagsabi niya sakin sabay bigay sakin ng isang maliit na earring.

"Yun naman! Kilalang kilala nako ng kapatid ko ah!" Pagsasabi ko sa kanya na parang nanga-asar

"syempre naman, ikaw lang kaya walang fashion sense sa ating dalawa" pagsagot niya sa akin. Aba! Ako? Walang fashion sense? Iba din sa kapal tong kapatid na toh ah! Buti nalang mahal ko toh!

"Meron akong fashion sense! I like it because I like little details" pagma-mataray ko sa kanya.

Umalis na kami ng jewelry store at nagpatuloy sa paglalakad.

Nagpunta kami ni Kaytlyn sa Penshoppe kasi gusto kong bumili ng damit. Nakapili na ako ng damit at papunta na sana sa counter ng bigla akong mabunggo at tuluyang natumba.

"Ano ba naman! Hindi ka ba tumitingin sa daan? Papending pending kapa diyan sa may counter!" Inis na sabi ko sa naka bunggo sakin na lalaki

"sorry miss, okay ka lang ba?" Sabi sakin nung lalaki.

"Muka ba akong okay?!" Pag sagot ko sa kanya ng pabalang

"kayanga nagso-sorry na miss eh. Sayang maganda ka pa naman, mataray nga lang" Pag nung lalaki. Excuse me? Kala mo naman kagwapuhan, muka naman siyang tuhod!

"Excuse me? May sinasabi ka?" Pagtatanong ko sa kanya na parang nagbabanta

"hindi, wala wala" sabi sakin nung lalaking mayabang na mukhang tuhod

"mukhang tuhod" pabulong na sabi ko para di niya marinig.

Para hindi ko na saktan tong lalaking tuhod na'to ay nilampasan kona siya at pumunta na ako ng counter para magbayad. Habang naglalakad ako ay napalingon ako sa likod ko at nakita ko yung lalaking tuhod na gulat na gulat dahil dinaanan ko siya at sinagi ang balikat niya. Pagkatapos kong magbayad ay tinawag kona si Kaytlyn dahil ayoko na dito at madaming pangit.

"Kaytlyn tara na, ayoko nang makakita ng mga mukhang tuhod dito!" Sabi ko sa kapatid ko sabay na pinaringgan yung lalaking tuhod. Napatawa ang mga kasama niya na mukha ding tuhod kaya parang nainis siya at biglang tumingin sakin. Naglakad siya papalapit at...

"Miss, If we ever meet again, pagsisisihan mong tinawag mo'kong ganun" sabi niya sa akin sabay ngisi niya sa'kin. As if naman magkikita pa tayo!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top