Chapter 6
March 5, 2017, Manila
Ramdam ko yung tingin sa akin ni Sir Mark the whole time na nasa meeting kami. Feeling ko nga kung may laser lang yung mga mata niya, kanina pa ako natunaw at naglaho. It's not like I owe him any explanation pero bakit nagi-guilty ako bigla na sa ganoong way niya pa nalaman na aalis ako? I mean, matagal ko naman nang plano 'to, 'di ba? So why was I feeling this way?
Since I couldn't take it any longer, nagmadali na akong mag-ayos ng gamit ko the moment Sir Dexter adjourned our meeting. Nagpanggap akong may kausap sa cellphone ko at dumire-deretso na ako ng lakad pabalik sa cubicle ko. I swear I heard Sir Mark calling me pero hindi ko na lang 'yon pinansin. I didn't want any confrontations. I mean, sinabi niya lang naman na he likes me. That doesn't mean na kami na, right?
"Thea!" malakas na sigaw ni Jenny pagdating niya sa department namin. Everyone was looking at her and I had to stop myself from rolling my eyes dahil alam na alam ko naman na kung para saan ang pagsigaw niya. I know her too well. She wouldn't act like this if it isn't related to Sir Mark.
Ever since na mahuli ni Jenny na patingin-tingin sa direksyon namin si Sir Mark a few weeks back, parang naging life-long mission na niya na magkatuluyan kaming dalawa. Lahat ng bagay, binibigyan niya ng meaning. Kulang na nga lang, siya na ang gumawa ng move para magkatuluyan kaming dalawa, e.
"Hoy, Thea. Alam ko naman na nag-apply ka ng visa for Japan. Pero langya. Hindi mo man lang sinabi na aalis ka na agad! My god. Paano na lang yung love story niyo ni--"
"Jenny," I told her coldly and she immediately shut up. I didn't want people to gossip around us. Saka, hindi nga ako sure sa feelings ko. We're just getting to know each other more, so anong love story ang pinagsasasabi nito?
"Sorry. Na-excite lang talaga ako for you. Akala ko kasi, finally, magkakatotoo na yung pangarap ko for you na maging kayo ni Sir Mark."
"Jenny, like I said, one week lang naman yung leave ko. Nagawa niya ngang maghintay ng ilang weeks bago siya umamin, e. One week shouldn't be a big deal," kalmado kong sagot sa kanya though hindi naman talaga ako sure sa sinabi ko. Sure, I needed the break to think about what I really feel. Pero paano kung sa one week na 'yon, ma-realize niya bigla na hindi niya naman pala talaga ako gusto? That maybe he was just infatuated or he's feeling right now was just a fleeting moment?
Ay shit. Erase. Erase. I couldn't think like this. Masyado akong nagpapadala sa excitement ni Jenny. I should be rational when it comes to things like this.
Calm down, Thea. Think things through.
"Kailan ba yung alis mo?" Jenny asked, this time though, kalmado na rin siya. Wala nang bakas ng pagiging cupid ang boses niya.
"Next week," matipid kong sagot niya.
"What? Next week na agad? Shit ka talaga!" sigaw ni Jenny with matching hampas pa. I had to stop myself from shouting or worse, cursing. Lalo lang kaming pagtitinginan kapag pinatulan ko pa 'tong lokaret na 'to.
"Keep it down, will you? Ang eskandalosa mo," pagsuway ko sa kanya. Inirapan niya naman ako na sinundan niya ng pag-iling. It was as if disappointed siya sa life choices ko. Bakit dati naman suportado niya yung pag-alis ko? What changed now?
Ah. Umamin na nga pala kasi si Sir Mark ngayon.
"I'm so disappointed in you. Kapag nagkagusto bigla si Sir Mark sa iba, huwag mo akong sisisihin," pananakot niya sa akin. As if naman magiging affected ako. Hindi nga ba?
"Then what? Do you really expect me to cancel all of my bookings dahil lang sa isang bagay na hindi naman ako sure? Jenny, I've been wanting to visit Japan simula nung natuto akong mag-travel. I wanted to do this for myself. Hindi dahil sa gusto kong mag-soul searching. I needed this to prove to everyone na kaya kong mag-travel mag-isa."
"And what will you get from that, huh?"
"I don't know. Courage? Freedom? One item ticked off from my bucket list?" sagot ko sa kanya. When she heard my answer, her facial expressions softened. Did those things finally made her understand why I had to go? Sana.
"Okay, fine. Basta kailangan uwian mo ako ng pasalubong, ha?" Jenny finally said with a smile. Jusko. Kung pasalubong lang pala ang solusyon sa lahat ng problema, gawin ko na rin kaya pati sa kanya?
Wait nga! Bakit ba kasi ako namomoblema nang dahil sa kanya? Ano ba kami ha? Napailing na lang ako dahil sa mga kung ano-anong naiisip ko. Tiningnan ako nang masama ni Jenny, as if judging me dahil sa biglaang pag-iling ko. Hindi ko na lang siya pinansin at sinubukan ko na lang mag-focus sa report na ginagawa ko. Bahala na nga. Kung susuko si Sir Mark, e di wala. Hanap na lang ng iba. Ganoon lang naman ka-simple 'yon, 'di ba? Saka it would just prove na hindi naman pala talaga siya seryoso sa sinasabi niyang pagkagusto sa akin.
The rest of the day was going smoothly hanggang sa may tumapik bigla sa balikat ko. When I looked up to see kung sino ba 'yon, it was the grim reaper himself. Langya. Hindi yata talaga ako patatahimikin ng lalaking 'to.
"Yes, Sir?" I innocently asked him. With the way he's looking at me, may idea naman na ako kung tungkol saan 'to pero ewan ko ba. Kinakabahan pa rin ako.
"Can we talk?" tanong niya sa akin. Tiningnan ko ulit yung report na ginagawa ko at saka ako lumingon sa kanya. He must have sensed that I was torn between doing my report and talking to him so he continued, "This won't take long."
Kapag tiningnan ka ng isang cute na guy na parang nagmamakaawa na sa 'yo, ang kapal na ba ng mukha mong tanggihan ito? I swear I could have pinched him on his cheeks right now kung close lang kaming dalawa. Mukha siyang aso na inagawan ng buto na ewan. Buti na lang talaga at malakas ang self control ko. Tumango na lang ako sa kanya saka ako naglakad kasunod niya.
"Bakit hindi mo man lang sinabi?" he started off. Shit. Ganito ba talaga dapat ka-tense 'to? Takte. Hindi ko naihanda yung sarili ko para dito.
"I didn't think it was necessary," deretso kong sagot sa kanya. I wanted to tell him na matagal naman na 'tong naplano and all that pero ewan ko ba. It was as if everything would just seem to be a lame excuse kung mag-e-explain pa ako sa kanya so I decided to keep my mouth shut na.
"Do you really have to go?" tanong niya at para bang may pumitik na kung ano sa kalooban ko. I didn't like how he was asking this kind of stuff to me na akala mo may karapatan na siyang umasta nang ganito.
"Look, Sir," I started off, giving an emphasis on the sir. Nasa office pa rin naman kami so kahit na kaming dalawa lang ang magkausap ngayon, I wanted to respect his position in the office pa rin.
"I know it's been almost a month since umamin ka regarding your feelings but I'm sure I told you rin na hindi ako sure sa feelings ko. I didn't want to rush into a relationship and get everything tangled up just because gusto ko lang magka-boyfriend. You said you will wait and we would get to know each other first. So why are you suddenly acting like this?" Natameme si Sir Mark dahil sa sinabi ko. Ang dami ko pang gustong sabihin pero hindi ko na lang ginawa. If I continued doing this, sa malamang, wala na talaga siya pagbalik ko.
This was also one of the reasons kung bakit hindi rin talaga ako nakakahanap ng boyfriend. Sa sobrang taklesa at kawalan ng preno ng bibig ko, naitutulak ko silang lahat palayo. Hindi ko naman sinasadya na magkaganito pero kung hindi nila ako matatanggap dahil sa talas ng dila ko, e di huwag. Their loss, not mine.
Nung hindi na nagsalita pa si Sir Mark, naglakad na ako pabalik sa puwesto ko. Ibinuhos ko lahat ng atensyon ko sa report na ginagawa ko. Pati yung mga report ko sa susunod na mga araw, sinimulan ko na. By the time office hours ended, halos wala na akong gagawin for the next few days. Sheez. Bakit ba daig ko pa ang nakipag-break kung maka-divert ako ng attention ko?
Sir Mark:
I'm sorry for earlier. Can we talk?
I'll wait for you at the G/F lobby.
Ang tagal ko ring tinitigan yung cellphone ko dahil sa message na 'yon. Hindi ko alam kung para saan pa yung pag-uusap naming dalawa. I mean, wala naman nang use, 'di ba? My decision wouldn't change naman kahit na ilang beses kaming mag-usap.
I was distracted from my thoughts nung biglang hinablot ni Jenny yung cellphone ko. Aagawin ko pa lang sana ulit sa kanya pero nabasa na niya yung texts ni Sir Mark. Jusko. Anong sermon na naman ba ang matatanggap ko nito?
"Hindi ko itatanong kung anong nangyari. Malaki na kayo pareho. You're both capable of making decisions for yourself," sabi ni Jenny sabay balik ng phone ko. I was kind of relieved na hindi siya nag-reply para sa akin, pero bakit ganoon? Parang nadismaya ako sa sinabi niya? Akala ko kasi ipu-push pa rin niya yung sa amin ni Sir Mark. I guess, I was wrong though. Susuko at susuko pa rin pala ang ibang tao sa 'yo.
"What will you do now?" tanong niya sa akin.
"Ewan ko. I just want to get this over with."
"Kahit katiting ba, nagkaroon ka ng feelings para sa kanya?" tanong ni Jenny which made me think. Binalikan ko rin lahat ng pagkakataon na nagkasama kaming dalawa nitong mga nakaraang linggo. He was great company, pero nando'n pa rin talaga palagi yung takot na ma-issue kami kasi we're working in the same office. Hay, ewan! Ang labo talaga ng utak ko sa ganito.
"Oo. Siguro. Ewan. I mean, may mga ginagawa siya na super na-appreciate ko. It's the little things, you know. Sobrang patient niya rin with me. I mean, yes, he's a great catch pero ewan ko ba. Feeling ko, may mali sa akin. Hindi ko pa magawang ma-fall nang todo for him kahit na effort na effort na siya para sa akin."
"Girl, answerable by yes or no lang yung tanong ko. Hindi ko sinabing mag-essay ka," naiiling na sabi ni Jenny.
"Jenny naman e..." reklamo ko sa kanya na siyang tinawanan niya.
"But seriously. Go follow what your heart tells you to do."
"What if sinabi niya na magtago muna ako?" hindi ko napigilang itanong sa kanya.
"Then go... kung may mahahanap ka mang ibang way pauwi. Good luck!" Jenny said tapos iniwan na niya ako mag-isa. Oh god. Paano ba ako makakatakas sa pinasok kong 'to?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top