Chapter 2
February 14, 2017, Manila
Valentine's Day. The day that I've been waiting for so long. Yay!
Nah.
Who was I kidding? This is the day that I've been dreading the most. Bukod sa mataas ang chance na ngayon ko malalaman kung na-approve ba ako sa visa application ko, ngayon ko rin malalaman kung magkakatotoo ba yung sinabi ni Jenny na yayayain ako ni Sir Mark for a date.
Well, you see, Sir Mark isn't bad. He's actually too good for a no-boyfriend-since-birth girl like me. At 28 years old, he's already the assistant head of their department. He finished taking up his masters and he graduated with honors when he was in college. He's tall, maybe 6 footer pa tapos he looks good as well. He's good with people and he has a great sense of humor.
In short, he's too good for someone like me.
I mean, I don't get it. Nung nagpasabog ang Diyos ng magagandang traits, he basically went ahead and collected loads of it. Sobra-sobra na nga yung nakuha niya, e. So why did he have to go and like someone like me?
Sabi nila, love is blind. Jusko. Masyado naman yata siyang nabulag para magkagusto sa akin. Maybe he should have his eyes checked or something?
Bago pa ako makapag-isip ng kung anong kalokohan, naglakad na ako papasok ng office building namin. Everywhere I look, puro may dalang bulaklak or chocolates ang mga tao, mapababae man o lalaki. A lot where smiling like crazy fools habang yung iba naman ay parang mangingisay na sa sobrang kilig. Napailing ako dahil doon.
"Ano na namang iniiling iling mo diyan? Ang aga-aga, nakabusangot 'yang mukha mo," pagpuna ni Jenny. Ni hindi ko man lang namalayan na nakatayo na pala siya sa tabi ko. Masyado ba akong matagal na nag-space out dito sa lobby?
"I just don't get it. Bakit ba kailangang ganito kalala ang emotions ng mga tao kapag Valentine's Day? Ano? Inipon nila lahat ng feelings nila for a year tapos ngayon nila ibubuhos ang lahat para one time big time?" I asked honestly and I saw Jenny shaking her head because of what I just said. Langya. Honest question lang naman yung sinabi ko, ah?
"Ugh. You're hopeless! Kaya hindi ka talaga nagkaka-boyfriend, e. Wala man lang bahid ng romance 'yang katawan mo. Masyado kang seryoso. You over-analyze things."
"Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako? Then why?!" I started to recite the lines from the movie that Jenny watched with me before. Napailing na naman siya dahil sa kalokohang lumalabas sa bibig ko. After that, sinita na niya ako ulit.
"Ayan. Diyan ka magaling. Sa kalokohan. Ewan ko na talaga sa 'yo, Thea. Tara na nga sa taas!" yaya niya sa akin and off to our department we go.
Pagdating namin sa department, tahimik lahat ng tao. It was eerily quiet at para bang may kung anong mali sa amin ni Jenny. Lahat sila ay nakatingin sa amin na para bang may ginawa kaming mali.
"Girl, bakit sila nakatingin sa atin?" tanong ko kay Jenny habang dahan-dahan kaming naglalakad papunta sa cubicle naming dalawa.
"Shunga. Hindi sila sa nakatingin sa atin. Sa 'yo sila nakatingin," Jenny answered then nagsimula na akong mag-panic. Shet naman! Hindi ba ako nakapagtanggal ng muta kanina? May tulo laway ba ako? Alam ko nakatulog ako sa van kanina pero usually, hindi naman tumtulo yung laway ko. Oh shocks. Wait. Mukha ba akong raccoon sa eyeliner ko?
Sandamukal na kalokohan pa ang tumakbo sa utak ko. Itatanong ko na sana ang mga 'yon kay Jenny nung bigla siyang tumigil sa paglalakad. Ang ending tuloy, bumunggo ako sa kanya.
"Aray ko naman! Bakit ka ba tumigil bigla sa paglalakad?" tanong ko sa kanya.
"Oh my god! May love life ka na Thea!" sigaw ni Jenny which got me confused. Anong love life ba ang pinagsasasabi nitong babaeng 'to? Tiningnan ko kung saan siya nakatingin. To my surprise, a bouquet of flowers, a box of chocolates, and a small teddy bear were placed on my desk. Jusmiyo. Kanino nanggaling ang mga 'to?
"Ito naman. Assumera ka maysado. Malay mo naman, namali lang ng lagay. Baka para sa 'yo talaga 'yan. Padala ni Norman, ganern," sagot ko sa kanya, although I'm half-hoping na para sa akin nga talaga 'tong mga 'to. First time ko rin kasing makakatanggap ng ganito for Valentine's if ever.
"Norman knows that I hate chocolates and teddy bears so I'm sure na hindi sa kanya galing 'yan. Check mo na yung card dali!" Jenny told me excitedly. I walked slowly towards my desk, my heart pounding inside my chest. Jusmiyo. Hindi ko naman alam na nakakakaba pala yung ganito.
Kinuha ko sa bouquet yung card na nakasingit doon. I took the card out of the envelope and slowly opened it. Ilang segundo ko ring tinitigan yung card to make sure na pangalan ko nga talaga ang nakasulat doon. Nung hindi pa rin ako nagre-react, kinuha na ni Jenny yung card mula sa akin. Her eyes bulged upon reading whatever's written on the card. I'm betting my whole life that she will start screaming in
three...
two...
one...
"Aaaaaahhhh!!!" she started to scream like crazy. Everyone in our department were eyeing us suspiciously. I muttered them my apologies while trying to cover Jenny's mouth to stop her from doing any further damage. Jusmiyo. Nakakahiya na talaga 'tong babaeng 'to kahit na kailan.
"I told you so! May gusto talaga siya sa 'yo! Oh my god. Magkaka-love life ka na talaga!" tuwang-tuwang sabi ni Jenny, her eyes sparkling with hope. Asang-asa talaga siya na si Sir Mark na yung magiging first boyfriend ko.
Yes. The gifts came from him. Wala namang ibang nakalagay sa card maliban sa pangalan naming dalawa at Happy Valentine's Day pero grabe na kung makapag-react 'tong si Jenny. Akala mo naman, tinanong na ako ni Sir Mark kung pwede niya akong maging girlfriend.
Wait. Saan nanggaling 'yon?
I shook my head to free my thoughts from such useless things. I placed the gifts on one side of my desk and tried to focus on my work kahit na ang totoo, gulong-gulo na yung utak ko. Ano ba talaga ang gustong mangyari ni Sir Mark? Oh my god. I even promised myself na makikipag-date ako sa kanya thrice kapag na-approve yung visa ko. So, magkakatotoo ba talaga 'yon?
Oh, shit. Yung visa ko!
Upon remembering that my visa would be probably released today, I immediately fished out my phone from my bag. Pagtingin ko, may message from an unknown number. My heart started beating fast and my brain stopped functioning.
"Oh my god. Oh my god. Oh my god!" paulit-ulit kong sabi. Tiningnan ako nang masama ni Jenny then a smirk formed on her lips. For sure, akala niya si Sir Mark na yung nag-text sa akin.
Sorry, Jenny but I have to burst your bubble for now.
"Shit. Pwede ko na raw kuning yung passport ko. Oh my god. What should I do?" Nagpa-panic na ako nung nagtanong ako kay Jenny. I didn't know what to do. Gusto kong sumigaw dahil sa pinaghalong kaba at excitement. Gusto ko ring tumalon to release whatever I was feeling kaso the heck. Hindi ko alam kung saan ba magsisimula. Instead, I grabbed Jenny's arm and wagged it like there's no tomorrow.
"Teka lang, masakit!" sigaw ni Jenny which caused me to let go of her arm. Ang sama ng tingin niya sa akin and I immediately shut up because of that.
This is what's great with my friendship with Jenny. Isang tingin lang namin sa isa't isa, alam na namin kung ano ang gustong iparating ng bawat isa. It's as if my telekinesis kami or something.
"Akala ko pa naman, nag-text na si Sir Mark sa 'yo to ask you out on a date. Kainis. Sige na. Puntahan mo na yung agency. I'll cover for you kapag hinanap ka bigla ni boss," Jenny said with a smile. Alam ko, mas magiging malaki yung ngiti niya kung si Sir Mark nga talaga yung nag-text sa akin but whatever. This would be good for now.
***
Hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko. It was as if time stopped still or biglang may nag-curse sa akin para maging estatwa. No, hindi ito dahil sa nagkasalubong kami ng tingin ng the one. Walang halong sparks ang sitwasyon ko ngayon.
I just got my visa approved.
Okay. Let that sink in.
I JUST GOT MY VISA APPROVED!!!i
Oh my god! Oh my god! Oh my god! Ito na ba talaga ang sign? Mahahanap ko na rin ba talaga yung magiging first boyfriend ko? Shocks. Maayos ba yung itsura ko ngayon? Kailangan ko bang mag-ayos? Shit. Bakit ba hindi ako nag-retouch bago ako umalis ng office?
Kung ano-ano na ang tumatakbo sa utak ko at that time. Panic, excitement, joy, you name, I felt it. It was a literally a roller coaster ride for me. Para akong pinasakay nang paulit ulit sa roller coaster para mailabas ko lahat ng naipong emotions sa katawan ko. Sisigaw na sana ako sa loob ng mall kaso dyahe. So I just placed my ngiting tagumpay face and walked back towards our office.
Pagbalik ko sa department namin, nakatingin na naman yung mga tao sa akin. Was it because of my OA smile? Kung 'yon man ang dahilan, hindi ko na lang pinansin. Nagdere-deretso pa rin ako sa lamesa ko only to find out na wala pala si Jenny roon. Instead, I found Sir Mark waiting for me.
Shet na malagkit naman, o. Bakit hindi man lang ako sinabihan nitong kaibigan ko?
Pilit akong ngumiti at naglakad papalapit kay Sir Mark. The atmosphere was very awkward and I felt everyone looking at us. Halatang gustong sumagap ng chismis nitong mga ka-department ko.
Leche.
Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng walang love life?
"Uhh, hi, Sir. May kailangan po ba kayo?" I awkwardly asked him. May idea naman na ako kung tungkol saan 'to pero I just felt like I had to act professional here. Nasa office pa rin naman kasi kami ngayon.
"Ikaw." Mahina lang naman ang pagkakasabi niya niyon pero bakit ang lakas pa rin ng epekto? Ayaw ko mang magpakita ng kahit na anong reaksyon pero nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga ko pagkarinig na pagkarinig ko sa sagot niya. What the? Was he really this straightforward?
"Haha. Sir, hindi niyo naman sinabi na joker pala kayo," sagot ko sa kanya tapos tumawa ako nang pilit.
Tiningnan ko si Sir Mark to check any signs of joke from him pero seryoso pa rin yung mukha niya. Nung nagtama yung mga mata naming dalawa, na-awkward-an ako bigla. Agad akong umiwas ng tingin and I started to blabber complete non-sense.
"Sure po ba kayo na nasa tamang department kayo? Baka naligaw lang po kayo. Usually naman po wala kayong pinapagawa sa marketing, 'di ba? Wait. Tawagan ko lang po si Jenny tungkol sa visa ko." Tumalikod ako kay Sir Mark at akmang maglalakad na sana ako palayo para makatakas sa kung ano mang posibleng mangyari sa aming dalawa nung bigla niyang hawakan yung braso ko.
"Thea, wait lang."
"Y-yes, Sir?" Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. His facial expression softened and he looked at me the whole damn time. Feeling ko tuloy matutunaw na ako on the spot. Jusmiyo. What have I done to deserve this kind of punishment?
"I really don't want to put you in this kind of situation. I know it's getting awkward for you so I'm going straight to the point. Thea, could you give these to Althea? I know she lives near your house. Ayaw niya kasing sagutin yung mga tawag ko since the other day, e. Please?" Pakiusap niya sa akin sabay turo sa flowers, chocolates, at teddy bear na nakalagay sa lamesa ko.
Is this the part where I need to go to a corner and cry? Because if it is, I could really use a cry right now.
Mamatay na sana yung naka-imbento ng Valentine's Day.
Leche!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top