Chapter 17
Overwhelmed. To say that I am overwhelmed would be an understatement. Sobrang nagulat ako sa dami ng tao sa binabaan naming station. Papunta sa iba't ibang direksyon, halos lahat puro naka-headband o naka-costume. Well, costume nga bang masasabi if pare-pareho lang naman sila ng damit? Siguro?
I kept on looking at the busy people walking around the area. All of them look so happy or excited to be here. Ako lang yata 'tong parang matatae na sa kaba dahil sa kasama ko. Well, yes, ako lang talaga. Masyadong masaya ang itsura ni Jeremy ngyaon. If that's because we're on the happiest place on earth o dahil hawak niya pa rin ang kamay ko hanggang ngayon, 'yon ang hindi ako sure.
"So, saan mo gustong mauna? Disneyland or Disney Sea?" tanong niya sa akin as we walked slowly away from the train station. Paunti-unti kong nararamdaman yung malamig na simoy ng hangin as we continued walking. Gustuhin ko mang yakapin ang sarili ko para mabawasan yung lamig, hindi ko naman magawa dahil ayaw nga akong bitawan ng mokong na 'to.
"What do you suggest?" tanong ko pabalik sa kanya. He then acted as if he was thinking tapos humarap siya nang maayos sa akin, finally letting go of my hand.
Shet. Bakit parang nalungkot naman ako nung binitawan niya yung kamay ko? Kainis! Ang labo-labo!
"Nakapag-Disneyland ka na ba dati?"
"Sa Hong Kong. Bakit?" taka kong tanong sa kanya.
"Then Disney Sea it is," nakangiti niyang sagot sabay hawak ulit sa kamay ko, leading the way to Disney Sea. Akala ko malapit lang sa train station yung entrance pero nagtataka ako nang huminto kami sa isa pang train station. Lumingon ako sa kanya but I just saw him counting loose coins para pambayad sa train tickets.
"Need pa ulit mag-train?" tanong ko. Wala naman talaga kasi sa plano ko ang mag-Disney Sea. Ang ni-research ko lang, Disneyland. E sabi sa nakita ko, lalakarin lang naman yung papuntang Disneyland. So bakit need pa ng train?
"Yup. Sa other end pa kasi yung Disney Sea. Saglit lang naman 'tong train, 'di katulad nung kanina," sagot ni Jeremy at napatango naman ako. He then proceeded to buying train passes for the both of us. Hindi na ako nakabwelo ng paglalabas ng pera dahil naging distracted ako sa nangyayari sa paligid ko.
After the short train ride, bumaba na rin kami ni Jeremy. He was holding my hand the entire time while he was leading the way. Kung papunta sa Disney Sea o papunta sa heart niya, hindi rin ako sure.
He then stopped after a while at halos malaglag ang panga ko sa haba ng pila. Shemay naman! Makakapasok pa ba kami nito?
"Ganito ba talaga dito?" tanong ko sa kanya nang maka-recover ako sa shock.
"Yup. Pero saglit lang naman 'yan. Usually, nag-uunahan kasi sila para sa slots sa kilalang rides kaya ganyan. After a while, mauubos din 'yan," he assured me kahit na hindi pa rin ako sure kung tama ba 'tong desisyon namin. Last minute din kasi ang pagbili namin ng tickets for Disney Sea kasi nga Disneyland talaga ang meron ako.
"O-okay..." alanganin kong sagot sa kanya. Habang nakapila kami, we were talking about random stuff. Mostly, siya ang nagtatanong tungkol sa akin. Pinakuwento na rin niya yung buong pangyayari sa amin ni Sir Mark and I felt so awkward talking about it kasi hello? Potential na karibal niya kaya 'yon! Chos.
"E bakit hindi mo muna nga kasi pinag-explain yung isa? Dinadaan dapat ang lahat sa mabuting usapan. Paano kunwari biglang hindi agad ako makabalik dito para sa 'yo? Iba-block mo rin ba ako without hearing my explanation?" tanong niya sa akin.
"Iba naman 'yon!" mabilis kong sagot sa kanya.
"Thea, I'm not saying na balikan mo siya agad at siya ang piliin mo kasi let's be honest. I'm really hoping that you would give me a chance to prove myself to you as well. Ang akin lang, maging fair ka pa rin. Kung sa tingin mo, hindi mo naman talaga kayang i-reciprocate yung feelings ni Mark, let him know. Hindi yung bigla na lang kayong nakabitin pareho sa sitwasyon niyo," mahabang litanya ni Jeremy. Napayuko naman ako at napaisip sa sinabi niya. Gano'n nga ba talaga ang ginawa ko? Was I really unfair with Sir Mark? Pero kasi...
Hay, ewan! Bahala na nga pagbalik ko sa Manila. I would enjoy my remaining days here na lang muna sa Japan.
***
Pila. Puro pila ang ginawa namin ni Jeremy mula entrance hanggang sa rides. Just like what I have expected, malamig nga ang simoy ng hangin dito. Sumusuot hanggang buto yung lamig and my clothes couldn't fight. Napatunayan kong hindi ako si Elsa cause the cold was bothering me so much. I would often hug myself o kaya magyayaya ako sa may indoor na rides para mabawasan yung panginginig ko.
While we were deciding kung saan kami susunod na sasakay na ride, Jeremy excused himself. Naiwan muna tuloy akong mag-isa sa shop habang nagtitingin-tingin ako ng mga pwedeng bilhin. After a while, nang makapagbayad na ako, I noticed na wala pa rin pala siya. Lumabas ako ng shop to check where he was pero hindi ko pa rin siya makita.
I then decided to sit on a bench muna para makapagpahinga. My feet were killing me na rin kasi. Nangangalay na ako kakatayo at kakalakad. Kahit maginaw, tinitiis ko basta makapagpahinga ako. I was busy looking at the people around nang may marinig ako bigla na sumisigaw.
"Thea! Thea!" Lumingon-lingon ako pero hindi ko makita yung pinanggagalingan ng boses. Nang marinig ko ulit yung sigaw, tumayo na ako at hinanap ko na talaga 'yon. When I saw Jeremy, kumaway na ako sa kanya sabay sigaw rin ng pangalan niya. Relief flashed on his face when he saw me. Dali-dali ang lakad niya and before I could even mutter a word, bigla na lang niya akong niyakap nang mahigpit.
"I thought I lost you," bulong niya habang nakayakap pa rin sa akin.
"Naupo lang ako, baliw," sagot ko sa kanya sabay tawa nang pilit. Napaka-OA naman kasi nito. Akala mo nasa teleserye pa kaming dalawa kung makagawa siya ng eksena. Feeling ko tuloy pinagtitinginan na kami ng mga tao rito. Nakakahiya!
"'Wag ka nga kasi kung saan-saan nagsususuot!" sermon niya sa akin as he pulled away from the hug. Ayan na naman tuloy. Naramdaman ko na naman yung ginaw.
Sasagot pa lang sana ako sa kanya nang bigla naman niyang iabot sa akin ang isang baso. I looked at him pero inginuso lang niya yung hawak niya.
"I bought you coffee. Para mabawasan naman yung ginaw mo," paliwanag niya kaya tinanggap ko na yung baso. True enough, the coffee was hot. Kahit hawak ko pa lang yung baso at 'di ko pa naiinom yung laman, medyo nababawasan na yung ginaw na nararamdaman ko.
"Thank you," sabi ko then I went back to the bench where I left my things. Buti na lang at nasa Japan ako, walang nagtangkang gumalaw nung gamit kahit na naiwan kong nakapatong sa upuan.
We drank our coffees in silence after that. Nang mahimasmasan na, niyaya na ulit ako ni Jeremy na mag-ikot. As usual, he was carrying my plastic bags. Minsan, tumitigil kami para kumain ng popcorn. But to sum it all up, we were going to the rides na wala talaga halos pila to maximize our visit. May time pa nga na sumakay kami sa parang mga jellyfish na tumataas-baba lang. Sobrang walang thrill but we were laughing the whole time kasi para kaming mga ewan. Ang lalaki na namin pero doon pa talaga kami sumakay. We even watched some shows tapos sumakay rin kami sa parang gondola. Akala mo nasa Venice kami kung maka-awra.
At around 3 pm, nagyaya na si Jeremy na lumipat sa Disneyland. Hindi rin kasi kami makakuha na ng slots para sa ibang rides sa Disney Sea. While eating another bucket of pop corn (I lost count kung ilang flavors na ba ang natikman namin!), nag-decide na kaming maglakad pabalik sa train station.
Kaunti lang ang tao sa train by that time. Sa Disneyland naman kami huminto. Katulad kanina, we walked for a few minutes lang mula sa station papunta sa entrance. Nagulat pa nga ako kasi wala nang pila.
"Nung nag-research ka, ano yung ride na gusto mo sanang sakyan?" tanong ni Jeremy while we were walking inside the park.
"It's a Small World," deretso kong sagot sa kanya. Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumigil sa paglalakad at grabe pa kung makatingin sa akin.
"Seryoso ka ba diyan?" tanong niya, parang hindi makapaniwala sa narinig niya.
"What? Don't tell me you're judging me na agad dahil sa gusto kong sumakay do'n. I just want to compare this with the one sa Hong Kong. Saka okay kaya yung ride na 'yon! It's one of my favorites," buong pagmamalaki kong sagot sa kanya. Napailing naman siya roon, but after a while, he led the way to It's a Small World na.
We waited for a few minutes bago kami nakapasok sa loob. The whole time that we were inside, I was humming along the song It's a Small World. Literal na tinitingnan ko ang lahat ng dinadaanan namin, even spouting nonsense things kapag may nakikita akong mga cute na display. For a little while, hindi ko na muna pinansin si Jeremy. I focused on the ride and made sure to enjoy every minute of it.
Nang malapit nang matapos yung ride, I turned to look at Jeremy. Nagulat ako nang makita ko siyang titig na titig sa akin habang nakangiti.
"Bakit?" nagtataka kong tanong. Umiling naman muna siya bago sumagot.
"Wala. Tingnan mo na lang muna ulit yung mga display," nangingiti niyang sagot.
"Weh? Maniwala?" pangungulit ko sa kanya.
"Wala nga..."
"'Di ako naniniwala," sagot ko sa kanya. Natawa siya saglit saka siya tumikhim bago nagsalita ulit.
"Fine. I'm just finding you really adorable right now. Kung hindi ka lang nagrereklamo na kurot ako nang kurot sa 'yo, baka nakurot na naman kita ngayon," he answered truthfully and I felt my cheeks heat up because of that.
Buti na lang talaga hindi masyadong maliwanag sa ride na 'to!
"E-ewan ko sa 'yo!" sagot ko sa kanya sabay iwas na ulit ng tingin. I still heard him chuckle pero hindi ko na siya pinansin ulit. I just looked ahead, minsan sa gilid pa, para lang masiguro na hindi niya makikitang nagba-blush na naman ako dahil sa sinasabi niya.
Juskolord! Hindi ko na alam kung kakayanin ko pang makasama niya buong araw! So help me, God!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top