Chapter 16

"Ang cute-cute mo talaga!" he blurted out of the blue pagkatapos niyang bitawan ang pisngi ko. Ramdam ko naman agad ang pag-init ng mga 'yon. Leche talaga! Madyado na akong nadadala sa mga paganito niya!

"Pinagsasasabi mo?" tanong ko sa kanya sabay iwas ng tingin. I was feeling kind of awkward dahil sa sitwasyon namin. In a short period of time, papasa na talaga kaming mag-jowa kahit na kakikilala lang naman talaga namin. 

If I were the past me, I would have totally flipped out right now. I have never been this close and carefree with a guy before. Kahit si Sir Mark nga na umaming may gusto sa akin hindi ko nakasama at nakasalamuha nang ganito. I don't know if it's something else o dahil ba makulit lang talaga 'tong si Jeremy kaya nagiging ganito ang nangyayari sa amin. Whatever the case is, I really can't say that I hate what's happening right now. Kasi sa totoo lang, I am enjoying these moments with him.

"Wala... Kumain ka na, then start preparing. Marami tayong kalaban sa pila," he said tapos inayos na rin niya yung pagkain niya. We ate in silence after that. Binibilisan ko na rin kasi para makapag-ayos na ako.

Once done eating, agad kong hinablot yung mga hinanda kong isusuot for today. Buti na lang talaga naisipan kong ayusin na yung mga 'to bago ako matulog kagabi! If not, baka abutin ako ng siyam-siyam kakaisip kung ano ang isusuot ko.

"Wait lang! Give me fifteen minutes! Ay, hindi. Kahit ten na lang! Mabilis lang akong maligo, promise!" dere-deretso kong sabi kay Jeremy while sprinting towards the bathroom. Nagkakalaglagan pa nga yung iba kong bitbit kakamadali ko.

"Relax lang. Willing to wait naman ako," nangingiting aniya na siyang ikinailing ko. Feeling ko kasi may double meaning pa yung sinasabi niya.

"Ay nako, 'di pwede!" sagot ko kaya lalo siyang natawa.

"Okay lang talaga, Thea. Take your time. Okay lang kung ayusin ko yung iba mong gamit? Para mabawasan ka ng iisipin 'pag kailangan mo nang mag-impake," tanong niya kaya napatingin naman ako sa mga plastic bag ng pinamili ko kahapon. Nakalapag lang ang lahat ng 'yon sa sahig, malapit sa maleta ko. 'Di ko pa kasi alam kung paano ko aayusin ang mga 'yon sa maleta ko at pagod na rin ako kagabi kaya pinabayaan ko na lang sa lapag. Diyahe. Nakakahiya. Baka sabihin nito ang kalat ko.

"H-ha? 'Di na. I can manage," nauutal at nahihiya kong sagot.

"And I insist. Go, prepare already," nakangiti niyang sabi then he pushed me towards the bathroom.

Nang makapasok na sa loob at masigurong naka-lock na ang pinto, gusto ko na lang maglupasay. Jeremy has done so much for me already at hiyang-hiya na ako ro'n. Feeling ko wala pa akong nagagawang matino para sa kanya. He kept on insisting na okay na raw na magkasama kaming dalawa (Ang cheesy, kainis!), but is that really enough?

Napailing ako sa mga naisip ko. Now's not the time para magmuni-muni. Kailangan ko nang magmadali sa pag-aayos. I then proceeded to take a bath at sinuot ko na rin yung ilang layers ko ng damit. Based on my research kasi, mas malamig pa sa Disneyland at Disney Sea if compared dito mismo sa Tokyo. I needed to prepare myself. As someone na hindi sanay sa malamig na lugar, baka mabigla ako sa hangin nito. E mahangin pa man din yung kasama ko...

Paglabas ko ng banyo, nagulat ako nang makitang sobrang ayos na nga ng kwarto ko. Maayos nang magkakasama yung mga pinamili ko, maayos na yung kama ko, pati pinagkainan namin, malinis na rin. Agad akong napalingon kay Jeremy nang marinig ko ang tawa niya.

"Bakit parang gulat na gulat ka?" tanong niya sa akin. He was walking towards me at akmang kukunin pa yung mga dala kong damit pero pinigilan ko na siya.

"Neat freak ka ba?" 'di ko napigilang itanong sa kanya. Tumawa naman ulit siya ro'n at sinubukan na naman niyang kunin ang hawak ko. Siningit ko ang mga 'yon sa isang braso ko at saka ko pinalo yung kamay niya.

"Aw! Para sa'n 'yon?!" tanong niya.

"Ang kulit mo! Huwag mo ngang kunin 'tong dala ko!" sita ko sa kanya. Magtatanong pa sana siya kung bakit pero inunahan ko na.

"Pati pa naman maruming damit ko, aayusin mo? Aba, gusto mo lang yatang tiklupin yung underwear ko, e!" panloloko ko sa kanya at agad namang namula yung mukha niya. 'Di ko na napigilan ang sarili ko at ako naman ang tumawa nang malakas.

"I-I..."

"Stop. I'm just kidding. Ayusin ko lang 'tong buhok ko then let me put on some makeup tapos alis na tayo," sabi ko sa kanya. Akmang kukunin ko na yung blower sa drawer nang kunin niya 'yon at pinaupo niya ako sa kama. He then proceeded to blow drying my hair which made my heart skip a beat.

Huh? Teka. Bakit ganito? Why are we even acting like a married couple right now? Kahit sa jowa ng kapatid ko, 'di ko nakitang ginawa niya 'to! Jeremy, what are you doing to me?!

Nang mahimasmasan ako sa nararamdaman ko, binalak kong agawin kay Jeremy yung blower. But as usual, hindi na naman ako nanalo. And so I let my curiosity take over.

"Jeremy..." I called him out.

"Hmm?"

"Do you this often?" tanong ko. Pinatay niya saglit yung blower at kinuha naman yung suklay ko na nasa ibabaw rin ng table.

"Ang alin?" tanong niya pabalik habang sinusuklay yung buhok ko.

"Mag-blower at magsuklay ng buhok ng babae. Umamin ka nga. Pangarap mo talagang maging parlorista, ano?" panloloko ko sa kanya. Narinig ko naman siya natawa dahil do'n.

"I used to do this for my younger sister. Pero nung tumanda na kasi siya, ayaw na raw niya. Okay na raw siya sa Dyson niya," natatawang sagot niya sa akin at saka ipinagpatuloy ang pagbo-blower sa buhok ko. I was about to get my makeup kit na para masabayan ko na siya sa ginagawa niya pero bigla niya akong pinahinto sa pagkilos.

"Huwag ka ngang makulit! 'Pag nagbuhol 'tong buhok mo, 'wag ako ang sisihin mo," seryosong aniya. Napasimangot naman ako dahil do'n. I wanted to finish my preparations na kasi para makaalis na agad kami. Kaso siya naman 'tong napaka-strict sa akin.

"Matagal pa ba 'yan? Magme-makeup na sana kasi ako while you're still drying my hair," sabi ko sa kanya but I heard him hiss.

"'Wag ka nang mag-makeup. Maganda ka naman na kahit wala," bulong niya which made me stop moving. The heck. Gasgas naman na 'tong linya niya, pero bakit parang affected pa rin ako?

"Ay sus. 'Di kita ililibre kahit mambola ka pa diyan," sagot ko in an attempt to divert my thoughts and feelings. Mukhang hindi pa kasi gising ang diwa ko kaya nagiging affected ako agad sa sinasabi niya. Right. 'Yon lang 'yon and nothing more.

"Done!" natatawang sabi niya tapos pinatay na niya yung blower. After a while, sinuklay niya ulit yung buhok ko tapos iniharap niya ako sa kanya. Sobrang seryoso ng tingin niya sa akin and I can't help but feel awkward about it.

"You're blushing," sabi niya which made me look at him in the eye.

"'Wag ka nga! Mainit lang yung blower kaya naging rosy yung cheeks ko!" pagdedepensa ko pero umiling lang siya.

"Sa buhok mo nakatapat yung blower, hindi sa mukha mo," sagot niya kaya napasimangot naman ako. Akmang kukurutin niya na naman ako pero pinalo ko na agad yung kamay niya.

"Tigil-tigilan mo nga ang kakakurot sa akin," sabi ko sa kanya. He then raised his hands in surrender. Nang hindi na siya nagsalita ulit, dinampot ko na talaga yung makeup kit ko at nagsimula na akong mag-ayos. 

The whole time I was applying whatever makeup na meron ako, nakatingin lang siya sa akin. Sobrang awkward pero wala naman akong choice. Kapag sinasamaan ko kasi siya ng tingin, he would just laugh at me tapos tititigan na naman ako.

"Sinasabi ko talaga sa 'yo 'pag hindi nagpantay yung makeup ko, gagawin kitang payaso!" pagbabanta ko sa kaniya and that's the only time he stopped staring at me. Binilisan ko na lang ang pagme-makeup ko at nang matapos, nag-spray na ako ng pabango at kinuha ko na yung bag ko.

"Let's go?" yaya ko sa kaniya. He then looked at me and smiled sabay tayo mula sa kinuupuan niya. Nauuna akong maglakad sa kaniya pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang sinabi niya...

"Kainis. Ang ganda talaga."

Juskolord. Baka hindi na kayanin ng puso ko 'to!

***

Matagal ang biyahe papuntang Disneyland. I know I have researched about it naman na before pero hindi ko lang ine-expect na magiging ganito katagal. Kung tutuusin, mabilis naman ang takbo ng train. Ang problema, dahil magkatabi kami ni Jeremy, pakiramdam ko ang tagal-tagal ng biyahe.

Hindi naman ganito ang pakiramdam ko nung magkasama kami kahapon. So, what changed now? 

Tahimik na tahimik tuloy ako sa sulok habang sinusubukang tingnan kung saan ba kami dumadaan. Kung mag-isa kaya akong nagpunta talaga rito, ganito rin ba ang sitwasyon ko? I doubt kung pareho nga. I would probably get up late tapos magsisisi ako kasi ang dami nang tao pagdating ko. Well, at least wala akong sisisihin kung gano'n nga ang nangyari.

"Okay ka lang ba?" biglang tanong ni Jeremy. Napalingon naman ako sa kaniya na puno ng pagtataka.

"Ha? Why wouldn't I be okay?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Ang tahimik mo kasi bigla," aniya. Ngumiti na lang ako kahit na 'di ko rin sigurado kung paano ie-explain yung pagiging tahimik ko. And diyahe naman kasing sabihin na iniisip ko yung sitwasyon naming dalawa kaya ako ganito, 'di ba?

"Tinitipid ko lang muna yung energy ko. 'Wag ka ngang praning," natatawa kong sabi sa kanya. He then breathed out a sigh of relief pagkatapos ay hinawakan niya yung kamay ko. Napataas naman ang kilay ko dahil doon.

"What?" tanong niya sa akin, akala mo inosente. Imbis na sagutin siya, tiningnan ko yung kamay naming dalawa. Dahan-dahan naman siyang tumingin din doon. Imbis na bitawan yung kamay ko, mas hinigpitan niya pa ang hawak doon saka siya ngumiti sa akin.

Makikipagtalo pa sana ako sa kanya kaso anong use? Masasayang lang lalo ang energy ko sa isang 'to. Sure naman akong 'di rin niya bibitawan yung kamay ko. And so I let him hold my hand all throughout our train ride... Kahit na napapraning ako kung considered bang PDA 'to. Kahit na napapraning ako kung nagpapawis ba yung kamay ko. Kahit na napapraning ako kung nararamdaman ba niyang bumibilis ang tibok ng puso ko.

Tumahimik na lang ako and I tried to savor the moment. Pagkatapos ng araw na 'to, hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa aming dalawa ni Jeremy. Hindi ako sigurado kung babalik pa nga ba talaga siya rito. Hindi ako sigurado kung magkikita pa nga ba talaga kami. Hindi rin ako sigurado kung ano na ba ang mangyayari sa amin after nito. As much as I want to hope that what we have isn't just a two-day thing, mahirap naman kasing umasa sa walang kasiguraduhan... and I don't want that for myself.

"Are you ready?" tanong ni Jeremy. I then looked at our surroundings and noticed na malapit na kaming bumaba. But when I looked at him, iba't ibang bagay ang tumatakbo sa isipan ko. Handa na nga talaga ako para tuluyan siyang papasukin sa buhay ko? Ewan ko. Siguro, oo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top