Chapter 72: Compromised
Ten days lang ako sa Denmark. Five days na mula nang makarating kami. Ang business meeting na kasama ako ay magra-run nang tatlong araw. Second day at hindi alam ni Tito Ric ang gagawin kasi first day, presentation ko sa beta program, sa upgraded website, at sa mobile app. Second day, presentation na nina Tito Ric at ng buong team niya, tapos third day, parang preparation sa annual review this year na sa February ang report at upcoming projects and launches para naman sa January next year.
Ang kaso nga kasi, nag-present ako ng wala sa presentation ko at wala rin sa presentation ng team ni Tito Ric. Ang problema namin, ang presentation ko, na-consider ng board for next year's plan. Originally, food and beverages lang sila. Hindi sila pumapasok sa supplements and vitamins—at 'yon ang nabanggit ko. Hinahanapan tuloy kami ngayon ng written reports and researches para doon.
"I'm not mad," depensa agad ni Tito Ric habang pare-pareho kaming nakatutok sa mga laptop namin. "I—" Kanina pa nawawalan ng salita si Tito Ric. Meeting na mamayang 7 p.m. hanggang 10 p.m. at wala pa silang naiisip na sasabihin sa board kasi nga nasabi ko na lahat kahapon at sumobra pa.
"But it was a good idea, and they are looking forward into it," sabi ni Tita Tess na kanina pa chill.
"The problem, Tessa, is—"
"The problem is your team's incompetence, Enrico," walang kaabog-abog na putol ni Tita Tess sa asawa niya. Napapasulyap tuloy ako nina Mami na nasa gilid namin at nakikisali rin kasi baka raw may maitulong sila legally and medically.
"My team prepared the reports," dismayadong sagot ni Tito Ric. "Come on, Tessa. Nabasa mo naman ang reports."
"Yes, nabasa ko, nakailang revision pa nga. But the Board was looking forward for innovations and all you could say was you are working into it."
"Because I am," sagot agad ni Tito Ric. "We are, right? We are working into it. We're under developments. It's just that naka-focus tayo sa upgrading ng sales at sa sustainability ng mga product—which Clark explained well. Hindi kasama sa report ang supplements."
"Pero nagustuhan nga ng board."
"And we're already in that dilemma at this moment, Tessa, my love. Huwag na tayong magpaulit-ulit pa. Basically, wala tayong written report about supplements and vitamins because that is not in our final plan before we headed here."
Ang cringe ko, hindi na nawala-wala.
Kasalanan ko, obviously. Pabibo kasi amputa. Naglatag ng wala sa plano; ngayon, wala talaga kaming plano.
"Anak, saan mo nakuha ang presentation mo?" mahinahong tanong ni Dadi, hindi naman ako pinagagalitan.
Napalipat agad ang tingin ko kina Tito Ric at Tita Tess na nagtatanong na rin ang tingin.
"Yung sa supplement saka vitamins po kasi, wala po talaga siya sa plano para dito sa presentation," paliwanag ko.
"Yes, that's it," segunda ni Tito Ric at itinuro pa ako ng nakalahad na palad. "You see?"
"Nakuha ko lang po ang idea kasi last year, nag-canvassing kami nina Ron at Will sa mga pharmacy kung puwede silang maging partner supplier ng supplements and vitamins sa itatayo sana naming gym para kay Will. Mangongontrata po sana kami sa kanila para kung sakaling may magtatanong na client na ano ang magandang vitamins o kaya supplements, may maire-recommend kaming brand. Pero ang naisip po kasi ni Ron, since manufacturer naman ang company nina Tita Tess, sila na lang ang gagawa ng supplements. Para hindi kami bibili ng vitamins kay Company A tapos food supplements kay Company B. E, hindi naman po lahat ng vitamins at supplements, compatible."
"Oh," 'yon lang ang narinig kong sagot kay Dadi, parang nagulat nang kaunti sa paliwanag ko.
"Nag-conduct talaga kami ng research doon," paliwanag ko pa. "Nagtanong kami sa mga pharmacist kung ano ang magandang combination ng mga puwedeng i-take ng mga client na nagpapapayat o kaya nagpapataba o nagme-maintain ng katawan."
"Ferdz is a doctor!" biglang sabi ni Tita Tess sabay turo kay Dadi. "Maybe he can help us."
Mabilis akong umiling. "Tita, pharmacist talaga need natin kasi surgeon si Dadi, hindi siya into drug interactions."
Naituro lang ako ni Dadi at matipid siyang ngumiti para sabihing tama ang sinabi ko.
"Saka po nutritionist din," dagdag ko. "Kaya nga po plano talaga 'yon ni Ronie kasi ang balak niya, kung ang research and development team ng D&D, nakakapag-conduct ng tamang formula na ilalagay sa nutritional facts sa likod ng nabibiling products sa inyo, then kaya rin nilang mag-develop ng food supplements and vitamins separately. Ang kaso nga lang kasi, wala siya sa forecasted plan ng company next year. Saka yung idea ni Rico, medyo selfish nang slight kasi para lang talaga sa gym ni Will 'yon. Ipupuslit lang niya sa D&D ang plano tapos ipapa-reproduce namin sa ibang manufacturer." Nagtaas na agad ako ng kamay para awatin agad sina Tito Ric na wala pang sinasabi. "Tito Ric, huwag mong sabihin sa anak mong sinabi ko 'yan! Secret lang dapat 'yan!"
Natahimik silang lahat sa mesa. Para talaga akong may nagawang mali tapos pinagpapasensiyahan na lang kasi nagawa na, e. Tapos na.
"May point," sabi lang ni Dadi. "Hindi sa kinakampihan ko ang anak ko, pero may punto rin naman ang paliwanag niya."
"I know, Fernando," sagot ni Tita Tess. "Hindi naman magugustuhan ng Board ang sagot ng anak mo kung hindi ideal." Hinarap naman ni Tita Tess ang asawa niyang kanina pa titig sa laptop. "Gusto mo na bang papuntahin dito ang anak mo? Tingin ko, kayang buhatin nina Clark at Ronerico ang mga inutil mong manager."
"Tessa."
"Huwag mo 'kong ma-Tessa-Tessa diyan. Ilang beses na tayong nag-usap tungkol diyan sa presentation na 'yan."
"Tito Ric, tatawagan ko lang po si Ron, saglit lang po."
Umalis agad ako roon sa mesa at tinawagan agad si Rico online.
Hindi ko na masabi kung makakaya pa bang makapag-present nina Tito Ric ngayon ng iba pang laman ng report na inubos ko nga report kahapon.
Okay lang sana kung one-day meeting lang kaso three days. Isang buong session, para talaga sa team ni Tito Ric. Ngayon, kahit team niya, walang idea sa ire-report mamayang gabi.
"Rico."
Pagbukas na pagbukas ng video call, bumungad agad si Rico sa 'kin na nakahiga pa rin sa kama, nakabaon ang kalahati ng mukha sa unan. Masama pa rin yata ang loob nito dahil kay Cheska, sinusulit ang mahabang vacation leave niya.
"Clark?"
"Dude, may soft copy ka pa ng thesis mo last March?"
"Thesis? What for?"
"Di ba, kompleto ka ng research doon? Yung nilakad n'yo ni Will sa pharma."
"Uhm, yeah?"
"After ng proofreading ko, may idinagdag ka pa ba?"
Umiling naman siya at inurong ang mukha niya paalis sa unan. "Nothing. Why?"
"Yung presentation kasi ng daddy mo ngayon, nagkaproblema."
Bigla siyang napabangon at kunot na kunot ang noo sa 'kin. "What?"
"Napasubo kasi kami sa Board, hinahanapan ng innovations sina Tito Ric, wala silang ma-provide. Nabanggit ko na lang yung plano mong food supplements saka vitamins para sa company n'yo kasi wala talagang nakasagot sa kanila."
"Dude, what the heck . . ." Napakamot agad siya ng ulo sabay yuko. "That's a thesis, dude. Although, yeah, it was approved and passed, but still, the plan is not industrial. It's only for a targeted individuals."
"Exactly the point, dude! Kailangan kasi namin ng written reports para sa research and development team, at wala kaming written reports. Yung thesis mo, may content na magagamit namin sa presentation mamaya. Hindi kasi kami puwedeng mag-rush ng research, ilang oras na lang para mag-review."
"Clark, you're messing with our plan. That's for William, not for Dad. He's gonna commercialized that, and what? We're gonna buy pa rin sa company for sales nila? Come on . . ."
"Oo nga. Pero wala pang assurance 'to, ang kailangan lang namin, report. Sige na, dude, stressed na kaming lahat dito, e. Balak ka na ngang papuntahin dito ngayon na."
"You know that's impossible." Ang lalim ng buntonghininga ni Rico at napakamot ng ulo. "Fine, I'll send the soft copy sa email na. I'll call Mum after a few minutes, then I'll get back to you for some disclaimers."
"Ayun! Tengkyu!"
Kasama ako sa nag-conduct ng research para sa thesis ni Rico. Wala pa akong practicum, nilalakad na namin 'yon. Noong nag-thesis ako, kahit isang araw isang linggo, nasasamahan ko sila ni Will sa mga pharmacy para magtanong kung ano ang pinakamabentang supplements sa kanila at kung gaano ba ka-effective.
Meron kasing ibang multivitamins na hindi mo basta-basta puwedeng sabayan ng food supplements nang walang doctor's prescription. In-explain din sa amin ng pharmacist 'yon na kapag bibili ka ng ganitong brand ng food supplements, huwag ka nang bumili ng ganitong multivitamins kasi overdosage na minsan. Meron ding mga food supplement at multivitamins na bawal sa buntis, bawal sa may allergies sa gamot, et cetera na kailangang ikonsulta pa rin sa mga doktor para makasigurado.
Alam kong hindi ko na sakop 'to kasi computer science naman ang tinapos ko at nandito nga ako para mag-present ng application and website, pero wala na kasi kaming choice.
Kailangan naming mag-improvise at mag-compromise.
3:30 p.m. Meryenda time according sa schedule sa mansiyon kaya automatic na kahit wala pa kaming inuutos na pagkain, meron na agad dumarating.
Nire-review nina Tito Ric at Tita Tess ang thesis ng anak nila—na ngayon pa lang nila gagawin.
Ang thesis ko, nabasa naman ni Mami, pero hindi niya tinapos. Hindi raw kasi niya naiintindihan ang mga code at programming language. Pero, at least, binigyan ni Mami ng chance basahin bago ko i-defense sa mga panel na imbes na gisahin ako, hiningan pa ako ng libreng consultation kapalit ng uno.
Napabuntonghininga si Tita Tess, kinabahan na naman ako for the nth time. Parang nakaka-twenty plus na yata siyang buntonghininga, gusto ko nang kuwestiyunin kasi ako ang proofreader ni Rico, putang ina. Kung magreklamo si Tita diyan, ibig sabihin, kinalatan ko lang ang thesis ng anak nila.
Laging sinasabi ni Rico na wala akong utak o kaya slow mag-function ang nervous system ko—kapag marami kaming kaharap, kahit ang barkada. Parang inside joke slash warning signs na naming dalawa na kung bobo ako, good boy naman siya. Because, basically, opposite talaga kami ng dalawang adjective na 'yan. Na kapag sinabi niyang bobo ako, ibig sabihin, nasobrahan na ako sa paggamit ng utak, kailangan kong maghinay-hinay. At kapag sinabi kong good boy siya, ibig sabihin, pinaiiral na naman niya ang pagiging spoiled brat maldito mode niya kaya mag-tone down na siya.
Hindi aware doon ang barkada kaya ang alam nila, kapag bobo ako, literal na bobo talaga ako. At kapag sinabing good boy si Rico, malamang kasi good boy talaga siya kahit hindi naman ha-ha.
Ngayon tuloy masusukat kung gaano siya ka-good boy sa pamumuslit ng libreng R&D team sa company nila at sa pagiging bobo ko para buhatin ang buong team ni Tito Ric.
"Ronerico did this thesis?" tanong ni Tita Tess, nakataas ang kilay, eksakto pa naman na kaharap ko siya sa mesa.
"Yes po, Tita," sagot ko.
"Nakita mo 'tong report ng anak mo, Enrico?" masungit na tanong ni Tita, tinuturo ang sariling laptop niya.
"My dear . . ." nahihiyang pagtawag ni Tito Ric.
"Mas maganda pang gumawa ng report ang anak mo kaysa mga manager mo. Tapos hinahayaan mo lang 'to sa factory? Ano'ng mapapala niya sa factory?"
Napangiwi na naman ako at nanliit sa puwesto kasi nasa factory talaga si Rico para manguha ng mga kakainin naming barkada sa araw-araw noong college pa kami.
"Tessa, siya ang may gusto sa factory. Binigyan ko siya ng clerical work, hindi niya tinanggap," depensa ni Tito Ric.
"Sana pinilit mo!" malakas na sagot ni Tita. "Ah! Paaalisin ko na 'yan sa NGO niya. Nakapag-take naman na 'yan ng licensure exam, paglabas ng result next week, papasukin mo na agad sa company."
"Tessa . . ."
"Ang taas-taas ng pasahod mo sa mga manager mong hindi man lang yata alam kung paano gagamit ng PowerPoint. Mag-invest ka sa anak mo, wala nang pinagkakaabalahan 'yon ngayon, ikakasal na sa iba yung nililigawan niya."
Grabe si Tita Tess, walang puso. Kung si Tita Tess siguro ang mama ko mula pagkabata, baka lumaki akong Draco Malfoy 2.0.
Ni-review ni Tita Tess ang content ng thesis ni Rico. Pinag-iisipan pa niya kung isasama ako sa presentation, sabi ko, ayoko na talaga. Hindi na ako uulit.
"Magbibigay ako ng signal kung kailan ka magsasalita, okay?" reminder niya habang paakyat kami sa isinusumpa ko nang stage.
"Opo, Tita."
"Very good."
Second day, apat na araw na lang ang natitira para sa akin dito sa Denmark, at sinulit talaga ng lakwatsa ang stress ko sa buhay.
Ayoko sanang kabahan kaso biglang bumanat si Tita Tess ng ibang language, nanlamig ako sa puwesto ko kahit tagalipat lang ako ng slide sa table.
Tatlong beses siyang nagpalit ng language. Doon sa maliit na screen sa itaas ng presentation nakikita ang mukha niya habang palakad-lakad tapos nasa ibaba ng mismong wide screenview ng presentation makikita ang translation ng sinasabi niya na automatic binabasa ng system at nakalagay sa ibabaw ang (In Arabic) para sa language reader.
Tatlong beses siyang nagpalit ng language maliban sa English; Arabic, Hindi, saka Portuguese.
Habang nakatingin ako kay Tita Tess na bumabanat ng pangmalakasang report sa iba't ibang language, sabi ko agad sa sarili ko, "language class!" Putang ina, kailangan ko ng language class.
Nagsalitan kami ng report ni Tita Tess pero alam ko sa sarili kong sa 100% na presentation, 5% lang doon ang ambag ko, kasama na ang paglipat ng slides sa table kasi nga lakad siya nang lakad, parang nangungumbinsi sa board.
At ewan ko ba kung masama lang sa akin ang loob ng board dahil bagong mukha ako kasi wala akong narinig na tanong para kay Tita Tess. Sa katunayan, siya pa ang nagtawag sa Board.
Sabi ko, anak ka ng kamote, kung makapagtawag si Tita sa board members na gumisa sa asawa niya kahapon, parang umakyat lang talaga siya rito sa stage para rumesbak sa kanilang lahat. Isa-isa niyang tinawag, tinanong pa niya at hinamon na sila, ano raw ang ambag nila sa innovation kasi pinipilit nga sa PH branch. Para naman daw nakakapagpalitan ng ideas ang iba't ibang branch.
Ang kaso, walang nakasagot sa kanya. Bigla niyang binanatan ng "Of course, we have the best team in our branch. This is not shocking. We produce, we deliver. We won't be placed on top for nothing," pero in Arabic language.
Parang na-inspire din tuloy akong manlibak ng ibang tao using four languages kapag nabubuwisit ako.
Natapos ang presentation namin na ang naintindihan ko lang, yung thesis ni Rico. The rest, hindi ko na alam kasi hindi ako marunong mag-Arabic, mag-Hindi, at mag-Portuguese. Sorang minimal ng English niya kasi may translator sa wide screen, e.
Wala naman siyang sinabing mali. Sa totoo nga, para siyang professor na naglatag talaga ng detalyadong lesson plan sa lahat at walang utak na lang ang hindi makakaintindi. Partidahan nang tatlong oras lang niyang ni-review ang thesis ng anak niya, nagbubunganga pa siya n'on kay Tito Ric.
Parang batang nahihiya si Tito Ric nang ngitian ang asawa niyang bumuhat sa buong company niya ngayon, at kasama rin ako sa binuhat kasi pabibo ako kahapon.
Paglabas namin ng theatre, hindi alam kung paano lalapitan ni Tito Ric si Tita Tess kasi nakakrus ang mga braso, halatang ayaw magpahawak.
"I am so proud of you, my dear," malambing na sabi ni Tito Ric sabay ngiti nang sobrang pilit.
"You should!" sagot agad ni Tita in full conviction.
"But the Board smelled your revenge," biglang sabi ni Tito na kanina ko pa nga nararamdaman.
"Magpasalamat ka at si Clark ang kasama ko. Kung anak mo ang katabi ko kanina, baka hatinggabi na, nakikipagtalo pa rin siya sa Board."
Parang gusto kong mag-agree.
Si Rico pa naman, hindi 'yon titigil sa argument hangga't wala sa kanya ang huling halakhak.
Naubos ang ten days ko na kalahati roon, stress lang ang inabot ko. Sa kahuli-hulihang pagkakataon, pinakiusapan na naman ako ni Tita Tess.
"Clark, everything is doing fine sa Manila. You can stay here until January," mahinang paliwanag ni Tita Tess pero humindi na agad ako.
"Thank you sa offer, Tita. Marami rin akong natutuhan dito at sa presentation. Babalikan ko na yung baby ko kay Kyline, baka hindi na 'ko kilala n'on. Next time po, pramis."
Kitang-kita ko ang pagkadismaya ni Tita Tess kasi kahit paalis na ako papuntang airport, talagang pinilit niya.
"Mag-ingat ka sa biyahe, anak," paalam ni Mami sa akin, niyakap ako nang mahigpit. Hindi sila makakasabay sa akin kasi ang ticket nila, sa January pa naka-book pauwi. Puwede naman sana nilang i-rebook para masamahan ako pauwi pero nakapangako na rin kasi sila kina Tita Tess noon pang August.
Magpapasko akong hindi sila kasama ngayon kasi ako mismo ang nakiusap na hindi ko sila masasamahang mag-Pasko kasi walang kasama si Leo. Kung mag-celebrate man ako, doon kina Mommy Linds—at hindi sila masyadong welcome doon para makieksena out of the blue.
Alam naman nila 'tong mga ganitong desisyon ko at nirerespeto naman nila 'yon kasi alam nilang doon ako mas panatag. Doon mas tahimik ang utak ko. Doon hindi naririnig ni Mami ang mga reklamo ko tungkol sa mga bagay na gusto ko sanang gawin pero pinipigilan kasi—gaya ng ginagawa ni Tita Tess sa pag-uwi ko.
Nakauwi ako sa Pilipinas isang araw bago ang birthday ni Kyline. Binilhan ko siya ng wool scarf sa Denmark bilang regalo. Binilhan ko rin ang buong barkada ng souvenir para hindi ako makantiyawang walang inuwi maski snow—kahit pa puwede naman silang mag-Denmark bukas kung gugustuhin lang nila.
Si Leo lang naman ang hindi namin maisama sa abroad kasi nga, may trauma sa immigration. Pagsagot pa nga lang ng mother's name, natutulala na siya, e.
"Eugeeeene!" salubong ko agad sa baby na karga ni Manang pagdating ko kina Kyline. "Na-miss mo si Ninong Pogi?" Ako na agad ang kumuha kay Baby Eugene para kargahin. "Sina Leo, Manang?"
"Si Leo, naliligo. Si Belle, tulog, sa awa ng Diyos."
"Buti naman." Hinawakan ko ang maliit na kamay ni Eugene saka siya isinayaw-sayaw. "Ang cute-cute . . . ng baby . . . ang cute-cute . . . ng baby . . ."
Wala ang pickup truck ni Gina kaya sigurado akong nasa gun shop sina Mommy Linds.
Tinawagan ko agad si Rico kaso nakapatay ang phone. Si Calvin tuloy ang sinunod ko para magtanong kung ano'ng balita rito sa Pilipinas mula nang umalis ako.
"Sorry, the number you have dialed—"
"Wow naman, mga p're. Nag-Denmark lang ako, busy na agad kayong lahat?"
Si Patrick na ang tinawagan ko kahit pa alam kong nasa trabaho 'to ngayon.
"Hi, this is Patrick of Bentley Manila, how may I help you?"
"Angas, tunog masaya, ha. Babae ba 'yan?"
"Whoah!" Saglit na humina ang line. "Clark? Dude! Sino sumunod sa 'yo sa airport?"
"Gago, wala. Sundo-sundo pa, e di, hinanapan n'yo agad ako ng pasalubong."
"Why?"
Ay, shet. Rich kid nga pala 'to. Hindi uso ang pasalubong dito.
"Hindi, wala. Si Early Bird?"
"He's brokenhearted, dude."
"Pero nasaan nga?"
"Denmark."
"Denmark?!" kunot-noong tanong ko agad kasi galing lang ako roon kagabi! "Sino'ng kasama niyang pumunta roon?
"Sister niya. Sayang, he thought he'd celebrate the Christmas with you with his fam. But it's okay lang daw since Leo needed you most right now."
Ay, putang ina.
"Kailan umalis?!" pagalit na tanong ko.
"Last night. He said hihintayin raw muna niya ang sister niya umuwi sa Manila before heading sa Denmark. Kagabi lang dumating."
"E, bakit hinintay pa niya, puwede namang mag-Denmark na deretso yung kapatid niya?"
"Dude, isinabay lang daw sa tita nila si Sab na uuwi rito sa Manila for Christmas reunion. Apparently, her sister is traveling alone kaya kailangang may kasabay, so Early Bird needs to accompany her first dito sa Manila papuntang Denmark."
"Shet."
"I really thought you knew about that kasi pinipilit ka ni Tita Tess mag-stay sa Denmark to celebrate Christmas with them. But really, we appreciate your effort to stay with Leo. You're really a good friend, dude."
Why?
Whyyyyy?
Parang gusto ko tuloy maiyak.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top