Happy New Year sa lahat! Wala akong dedication muna ngayon kasi ayaw gumana ng mention kineme. Basta kitakits pa rin sa 2023! Sa mga hindi familiar sa story ng anak ni Clark at ni Sab, daan kayo minsan sa Cheesedog Was Here, tingnan n'yo na lang dito sa Wattpad account ko hehe Enjoy reading!
♥♥♥
Ayoko na sanang ma-involved kay Cheska dahil nga kay Rico, pero dahil quits na sila ng kabarkada ko, useless na rin naman kung ano pa ang isipin ko kasi engaged na siya sa iba.
Ngayon lang ako naging interesado kay Cheska mula nang malaman ko na siya pala ang nililigawan ni Rico.
"Duke came from a prominent family, dude," mahinang kuwento ni Calvin. "Alam mo naman kung gaano kalakas ang kapit ng mga 'yan."
"Taga-Dasma rin si Cheska kaya malamang, mayaman din siya, di ba?" tanong ko agad.
"Actually, yeah. But you know, iba ang mayaman ka lang sa maimpluwensiya ka. Tingin mo, Kyot?" biglang kausap niya kay Eugene na nakatitig sa kanya.
Sa bagay, may point din naman.
Inayos ko ang pagkakaupo ni Eugene sa kandungan ko. Nasa cabana kami, nagpapahangin kasi malamig ang daan ng hangin ngayon kahit maaraw. Ang mga magulang nito, tulog sa kuwarto kaya kami muna ni Calvin ang bantay.
"Walang lumabas na kaso ng sexual harrassment roon sa tatay ni Duke, 'no?" sabi ko, base rin sa na-research ko.
"Maraming allegations pero walang nagtuloy ng kaso. Ilang beses hinarang 'yon. Binayaran naman yung iba. Pero useless na rin ngayon kahit kasuhan mo pa kasi last year pa namang patay."
"Deserved."
Sayang. Hindi rin pala mabibigyang-hustisya si Cheska kahit kasuhan pa.
"Pero sana nagsumbong si Cheska, 'no?" sabi ko. "Kaya naman yata nilang labanan sa korte 'yon."
"Dude, alam mo, medyo gets ko kung bakit hindi siya nagsumbong."
Napatingin ako kay Calvin. Kahit din ako, gets ko. Isipin mo na lang, galing ka sa prominent family, biglang may rape case ka. Lalabas sa TV, may interviews, paulit-ulit ipare-recall sa iyo ang mga nangyari kada meeting sa mga authority.
Sa dami ng mga kupal na abogadong walang konsiderasyon—na isa sa mga dahilan ng inis ni Mami bilang babaeng abogado, yung rant niya madalas na itatanong sa kliyente, ano'ng naramdaman mo noong mga oras na 'yon? Nasarapan ka ba? Naulit ba? Ilang beses ipinasok? Tapos magtatawanan ang iba.
Nai-imagine ko si Mami na kahit sobrang kalmadong tao, kapag nabubuwisit sa mga kausap niyang antipatiko at sinasaling ang pagiging babae niya, sinasampal niya ng folder sa mukha tapos pinauulanan niya ng tanong na talagang pipitik sa ugat ng pagkalalaki ng kausap niya.
Once ko lang nakita 'yon noong bata ako—rape case din, taga-tribo na ni-rape ng konsehal tapos sa kanya idinulog sa women's desk kasi bihira ang abogado sa liblib—pero hindi na niya ulit ipinakita sa akin ang ganoong ugali niya. Alam kong nauulit niya kasi nababanggit ni Dadi, pero sure akong ayaw niyang nakikita ko ang monster mode niya. Magiging mabait siya sa 'kin maliban sa mga tarantadong nakakalat sa kung saan-saang lugar.
"Yung Ynares . . ." banggit ko habang nakatanaw sa malayo.
"Politiko 'yon," sagot ni Calvin
"Sabi nga rin ni Early Bird."
"Malakas din ang kapit n'on. Maimpluwensiya."
"Pansin ko nga. Dumaan ako sa third district kahapon, nagkakabit na ng mga banderitas niya. Kalaban yung mga Gallego. Tatakbo yatang congressman—" Bigla akong napatingin kay Calvin. "Weeeeyt . . ." mahabang sabi ko habang unti-unting nada-digest ang nangyayari.
"Hahaha! Sabi na, maiisip mo rin, e." Pangisi-ngisi si Calvin, nilalaro ang kamay ni Eugene na kanina pa siya tinitingnan.
Shet.
Parang gets ko na kung bakit sa Ynares na 'yon magpapakasal si Cheska. Kakalabanin pa yata yung asawa ng nang-rape sa kanya.
Tumatakbo rin kasing congresswoman si Alicia Gallego, nanay ni Duke. Dati kasi, yung tatay ni Duke ang tumakbo kaso patay na nga.
Balak bang gumanti ni Cheska sa kanila?
Ayoko sanang suportahan pero parang ang gandang laban nito kung sakali.
Sorry kay Rico, mas na-curious ako sa nangyayari ngayon sa ex-nililigawan niya.
♥♥♥
Ngayon lang umariba ang curiosity ko kay Cheska kasi malamang ligtas na ang guilt-feeling ko kay Rico. Walang magiging sila kaya okay na ako kung mag-research man ako tungkol sa kanya. At dahil narito na rin lang naman ako sa mga Brias, sinamantala ko na ang chance.
Nasa living room kami, nililigpit nina Manang ang nursery ni Eugune kasi nagpalit ng mga gamit doon para malabhan na. Nakaupo kami ni Eugene sa single-seater, pinadedede ko siya sa feeding bottle.
"Gina."
"Yiz?"
"Kilala mo Si Arnulfo Gallego, di ba?"
Mula sa pagkakahilata sa sofa, napatingin agad si Gina sa akin. "Bakit mo natanong?"
"May kaso ba siya ng sexual harrasment o kaya rape dati?"
"Sa blotter, marami! Bakit? Para saan?"
"May kakilala kasi akong ngayon lang nag-confess, ni-rape daw niya four years ago."
"Tagal na pala, gago. Wala na 'yon. Hindi mo na mahahabol 'yon."
"'Yon nga rin naisip ko, e."
"Ano raw plano ng friend mo?"
Nagkibit-balikat ako sa tanong niya. Hindi ko rin alam. Kasi sa totoo lang, kahit kasuhan pa ni Cheska ang buong pamilya ni Duke, useless din, e. Hindi naman buong pamilya ng mga Gallego ang nang-rape sa kanya. Si Duke, nagtatago na nga sa Switzerland pagkatapos ng kaso namin noong stag party.
Pagkatapos ko kina Mommy Linds, natural na sa aking dumeretso kina Tita Tess. Naabutan ko na nga roon si Mami, hindi ko inaasahan.
"Hi, Mamiiiii!" mahabang pagtawag ko at niyakap siya mula sa likod. Ilang beses ko ring hinalikan ang pisngi niya saka inuugoy-ugoy sa kinatatayuan niya sa may garden. "Bakit nandito ka?"
"Dadalhan sana kita ng pagkain," sabi ni Mami, nakatingin sa mga mata.
"Dadalhan? Bakit?"
"Nakakahiya na kasi kina Tessa, dito ka lagi kumakain sa kanila."
"Ito si Mami, para namang others dito." Inilipat ko kay Tita Tess ang tingin. "Tita, sinisingil mo ba si Mami? Magkano, babayaran ko—" Tinakpan agad ni Mami ang bibig ko saka tinawanan nang mahina si Tita.
"Huwag mong pakinggan 'tong batang 'to, Tessa."
Si Tita naman, tiningnan lang kami ni Mami na para bang hinahayaan na lang kaming magkahiyaan ditong mag-ina kahit makapal naman ang mukha ko.
Food company ang hawak nina Tito Ric. Kung meron man silang priority sa bahay, malamang na pagkain na 'yon. Ilang taon na akong kumakain sa mga Dardenne (minsan sa mga Lauchengco) kaya ang weird na biglang nahiya si Mami at nagdala rito ng pagkain.
Aware si Mami na nakikibahay ako sa mga Dardenne kapag wala sila ni Dadi sa bahay kaya bakit sa anim na taong dito ako halos nakatira, ngayon pa si Mami nahiya sa pagkain ko rito.
Nagdala si Mami ng ulam. Ang mga Dardenne, bihirang maglatag ng ulam para sa kanin tuwing dinner. Madalas silang nakapatatas o kaya couscous kasi ang pagkain nila sa gabi, kung hindi angus beef, wagyu, o kaya salmon. Kung magkanin man sila, ang ulam dapat Filipino dish gaya ng pinakbet o kaya sinigang. Naka-menu kasi sila, nakahanda na 'yon January pa lang hanggang December. Ganoon sila ka-organize. Bagong Taon pa lang, may kakainin ka na sa December. Kung magbago man sila ng menu, kailangang organized pa rin. Kung Italian, Italian. Kung Danish, Danish. Kung French, French. Nag-take ng HRS ang mga maid sa kanila, duda akong hindi sila aware sa meal combos.
Thai ngayon sina Tita Tess kaya namumukod-tangi ang luto ni Mami na calderetang baka sa mesa.
"Nasaan si Ronie?" usisa ni Mami nang makapuwesto na kami sa mesa.
"Nasa itaas," sagot ni Tita Tess sa mababang boses.
"Kumusta naman siya? Hindi ba siya sasabay sa hapunan?" tanong ni Mami kina Tita Tess at Tito Ric.
"'Mi, dadalhan na lang siya ng pagkain sa kuwarto," bulong ko.
"Oh." Iyon lang ang nasabi ni Mami tapos hindi na siya nag-usisa pa ulit.
Nawiwirduhan talaga ako sa pagdaan dito ni Mami. Ang weird kasi nahiya raw na dito ako kumakain, e extension na nga ng bahay namin itong kina Tita Tess. 16 pa lang ako, kapag ginutom ako, deretso ako rito tapos tamang kalkal sa ref nina Tita. Ngayon pa siya nahiya?
Kaya nga alam ko nang hindi pagkain ko ang ipinunta rito.
"Next week na ang flight ninyo, Clark," paalala ni Tita Tess. "Nakapag-ready ka na ba?"
Sabi na, e.
"Sa presentation, oks na 'yon, Tita." Binalingan ko si Tito Ric. "Tito Ric, hindi ako sure sa possible questions ng international board, pero na-review mo naman na ang soft copies. Okay na po 'yon."
Matipid na ngumiti si Tito sa akin saka tumango. "You can stay with us until the end of the month, Clark," pakiusap ni Tito. "We can call Belinda to . . . you know?"
"Tito, sorry po talaga. Para po 'yon kay Leo talaga, e. Ngayon, kahit paano, nakakatulog na siya nang maayos kapag bantay ako sa baby nila ni Ky."
"Puwedeng bantayan 'yon ng nanny, Clark," paalala ni Tita. "Thirty days ka lang naman sa Denmark. Hindi ka naman doon titira. Magse-celebrate ka lang din ng Christmas with us. Para kompleto tayong pamilya kasama kayo nina Pia."
Ito si Tita, pinipilit talagang ma-stay ako sa Denmark buong December, e ayoko nga.
"Next year na lang, Tita. Kapag malaki na si Eugene, go ako!"
Ang bigat ng buntonghininga ni Mami sa tabi ko.
Gusto kong mag-spend ng holidays kasama sila sa ibang bansa, pero ang weird kasi talaga ng timing ng lahat.
Uuwi si Sabrina sa Manila tapos nasa Denmark ako. Tapos babalik siya sa US kapag uuwi na kami. So, ano 'yon? Ano'ng gusto nilang palabasin?
Pagkatapos ko dinner, nauna na ako sa kuwarto ni Rico. Naabutan ko siyang kumakain, buti naman. Pero kumpara sa dinner namin na puro dried at fried, sa kanya may soup saka gulay.
May sarili siyang mesa na para lang sa pagkain, katapat ng gilid ng kama. Naliligo pa rin naman siya everyday kaya alam kong hindi niya pinababayaan ang sarili niya kahit broken siya ngayon. Baka ayaw lang ng social interaction.
"Dude, 'musta?" Naupo ulit ako sa swivel chair habang pinanonood siyang kumaing mag-isa. "Bakit hindi ka sumabay sa ibaba?"
Umiling naman siya. Sinilip ko si Mr. D, nasa kama pa rin kaya mukhang hindi pinulis nina Tita Tess.
"Dude, alam ko, awkward ang timing ng tanong ko, pero puwede ka bang tanungin about Cheska?" sabi ko. "Kahit pagkatapos mo kain na lang."
"You can drop it right now," nanghihinang sagot niya.
"Okay. Bale ano . . ." Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita. "Freshman year pa lang, aware ka na sa nangyari sa kanya?"
Sumulyap siya sa 'kin bago ibinalik sa kinakain ang atensiyon. Marahan siyang tumango bago sumubo.
"Bakit hindi siya nagsumbong, e buhay pa n'on yung suspect?" tanong ko.
"It's too complicated. She tried, though. We tried."
We? Ibig sabihin, kasama siya?
"Bakit hindi mo binanggit sa 'min?" tanong ko na naman.
"She didn't want anyone to know about that," sagot ni Rico, at hindi na 'yon nadugtungan kahit naghahanap pa ako ng kasunod na paliwanag.
Wala bang explanation kung bakit ayaw malaman ni Cheska? Ibig kong sabihin, maliban sa nakakahiya nga, marami pa akong gustong i-consider kasi kung mayaman sina Cheska, ang daling mag-report sa police station.
"May blotter report gaya sa nangyari sa 'tin sa death threats?"
Umiling na naman si Rico at inubos na ang pagkain niya.
"She told that to her parents. I was there," mahinang sagot ni Rico at natulala na naman sa sahig. "But Tito Sam said it's a shame if lalabas 'yon in public. Hindi raw siya naniniwalang na-rape si Cheska because it was easy to fight naman daw. Baka raw ibang guy ang nakabuntis, and she was just reasoning out na na-rape siya."
"Ha?" tanong ko, at tonong nairita na hindi makapaniwala pa. "Hindi naniniwala sa anak niya?"
Wait, nag-loading ang utak ko.
Nagsumbong ang anak mo sa 'yo na na-rape siya . . . tapos hindi ka naniniwala.
Biglang kumunot ang kilay ko. Saan galing ang ganoong reasoning?
"Sa 'yo lang sinabi ni Cheska na na-rape siya?" tanong ko pa.
Umiling agad si Rico sa tanong ko. "Honestly, I was the one who saved her that time. Although, hindi ko naabutan, but Mr. Gallego said na kung gusto ko raw sumunod, libre na raw si Cheska 'cause he's done na with her."
"Huy, putang ina, wait, gago!" Ako na ang umawat kay Rico sa kuwento niya kasi sikmura ko ang bumabaligtad. "Wait, saglit, nag-iinit ulo ko, ha. 'Tol, ulit . . . nandoon ka. Bale—shet." Nakurot ko ang ilong ko habang nakatingin sa malayong gilid.
Nag-lag ang utak ko. Parang isang minuto mahigit yata akong natameme.
"Uhm, okay, ha-ha, pucha, hindi ko alam sasabihin ko," natatawang sabi ko, kasi hindi ko alam, nangingilabot ako sa naririnig ko. "That time, bakit nandoon ka sa kung saan man 'yon? Sa scene of the crime, ayan!"
"It was a campaign. Sponsored campaign."
"Tapos ang role mo?"
"Assigned ako sa health reports. May office sa maliit na health center. Doon lahat pina-process."
"At iba ang na-process that time."
"Clark," sita ni Rico sa dark joke ko.
"Sorry," sabi ko agad. "Noong nakita mo si Cheska sa office—"
"Dude, don't go into details, please," pakiusap ni Rico. "Nothing happened between us. She wasn't fully naked when I saw her, basta, she looked afraid and molested."
"Pero close kayo kahit dati pa?"
"We knew her family. But kami, personally, no. She came from a Catholic school sa San Juan. Malayo sa Makati."
Napasapo ako ng mukha. Lumutang ang utak ko, hindi ko ine-expect ang mga narinig ko. Iba kasi ang inaasahan ko, e. Parang ano . . . parang maaksiyon na may sign ng panlalaban, gano'n. O baka kasi kung ako ang nasa gano'ng sitwasyon, basag ang mukha n'on sa 'kin. Makadampot lang ako ng pigurin sa desk, ibabaon ko talaga 'yon sa mukha niya.
Or . . . wait.
Noong nag-request ba si Cheska ng hard sa 'kin, hindi ba siya nagkaroon ng bad memories? O naging unexpected fixation na lang niya out of trauma?
"Dude, alam ko, mahal mo si Cheska," sabi ko na lang, "pero alam mo, baka hindi ka niya pinili kasi . . ." Kasi baka iba ang plano niya na hindi mo magugustuhan.
"Kasi?"
Bumigat ang paghinga ko. "Kasi baka gusto niyang mapunta ka sa babaeng deserve mo," pakunsuwelo ko. "Yung hindi damaged ang past o walang bad history sa mga lalaki, gano'n. Baka mahal ka rin niya pero hindi lang niya makita ang sarili niyang enough para sa 'yo."
"Clark, she's more than enough. I accepted her as her, at alam kong alam niya 'yon."
"Oo nga, pero baka lang kasi. Alam mo 'yon? Hindi mo naman puwedeng i-push sa kanya ang paniniwala mo kung iba ang tingin niya sa sarili niya pagkatapos ng nangyari."
"I don't want to talk about it anymore," pagsuko niya sa usapan namin. Bumalik na siya sa paghiga at niyakap ulit si Mr. D. "If she's happy with someone else, then I should be happy for her. 'Yon lang naman ang gusto ko para sa kanya."
Taragis naman 'tong Rico na 'to, napakadrama. May point naman, pero ang drama pa rin.
Tsk, mukhang may dapat na naman kaming abangan ni Calvin ngayong babae. Bakit ba ang daming problema sa babae ng mga kabarkada ko? Ang sakit na nila sa apdo.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top