Chapter 55: First Time
Super haba nitong original chapter pero hindi ito ang full chap nito. See the whole chaps for more info.
Anyway, this chapter is dedicated to Sasithemoon na isa sa tambay sa comment section last chapter. Special mention din po si Ko-Fi user NaRz na nag-iiwan doon ng comment. Salamat po sa pagbabasa kay Clark, enjoy reading!
♥♥♥
Alam ng buong barkada kung gaano ako ka-busy dahil nga sa lending company, pero hindi silang lahat, alam na hindi lang lending company ang hawak ko.
Sinabi naman ni Calvin na tatawagan niya si Rico kaya nga alas-nuwebe pa lang, may chat na itong isa kasi kapag tumawag si Leo, hindi ko nga raw masasagot.
Early Bird
Calvin called. May work ka raw until midnight na urgent?
Dr. Quack Quack
Yeah. Unexpected nga, nagulat ako.
Early Bird
I see. If Leo's gonna panic again,
what should I do then?
Dr. Quack Quack
Mananakit lang talaga tyan
saka balakang nyan ni Ky.
Same pa rin ng gagawin,
di naman natin maaalis pain ng buntis nya.
Early Bird
I'll call Will na lang din ba?
Dr. Quack Quack
Oo. Baka may suggestion din si Will, try mo na rin.
Early Bird
Alright. I'll do that.
Good luck sa work.
Anyway, just wanna share this with you.
Might wanna see it.
Early Bird sent a video.
Akala ko kung ano na namang kalokohan kasi may babaeng naka-two piece. Pag-play ko, para bang huminto ang mundo para lang panoorin siya sa screen.
"Hi, Kuya! I miss you! I'll see you soon sa Manila!"
Pinindot ko ang pause button at nasakto ang paghinto sa mukha ni Sabrina na nakangiti sa camera.
Pinindot ko ulit ang play button at inulit ang video.
"Hi, Kuya! I miss you! I'll see you soon sa Manila!"
Para akong tanga na nakatitig lang sa screen at paulit-ulit na pinipindot ang pause and play button.
"Hi, Kuya! I miss you! I'll see you soon sa Manila!"
"Hi, Sab . . ." mahinang pagkausap ko sa screen habang nakatitig sa magandang mukha niya. "I miss you."
Hindi ko alam kung malulungkot ako o matutuwa.
Babalik na ba siya sa Pilipinas?
Kailan kaya?
♥♥♥
Last year pa ako huling nagkaroon ng booking sa Red Lotus kaya naninibago ako na babalik ulit ako sa ganitong gawain ngayong graduate na 'ko at maraming ginagawa.
Although, tinanggap ko na rin this time, kasi . . . 21 na 'ko. Ang busy ko, wala akong pahinga. Wala rin akong time para man-chicks. Sinamantala ko na lang 'to na ngayong gabi, at least sure na makakatulog ako sa kama at hindi sa back seat ng kotse habang naiipit sa traffic sa EDSA. May pahinga na ako, paid pa ang pahinga ko.
Kaso naalala ko, one-night stand nga pala. Duda ako sa pahinga.
Pumunta ako sa isa sa mga 3-star hotel malapit sa Harrison Plaza. Gusto ko sanang alukin sa Heritage kahit ako na ang magbabayad pero pagdating ko roon sa meeting place, parang alam ko na kung bakit doon.
Ang dilim, 'tang ina. Yung huling lamp post na nadaanan ko, dalawang street ang layo. Buti wala akong dalang driver kasi parang any time, mabibiktima ako ng basag-kotse kapag nagtagal ako sa gilid ng kalsada.
Pumasok ako sa underground parking ng hotel at may lobby rin doon sa loob. Matapang ako, siyempre, pumunta ako roon na naka-semi-formal ako. May necktie pa. Kagagaling ko lang sa BGC para kumuha ng segment overview para kay Uncle Bobby, hindi ako mukhang poor kid ngayon na babayaran para lang sa sex.
"Good evening, sir," nakangiting bati sa akin ng babaeng naka-uniform sa front desk. Yung pagkakangiti niya, kita lahat ng ngipin, parang mangangagat na ewan. "How may I help you?"
"Hi, good evening. Dumating na ba yung client sa room 2006?" tanong ko sa tono pang gamit ko sa formal talk.
"Wait po, sir. Check ko po."
Napasilip agad ako sa relo ko. Alas-nuwebe pasado na. Makakauwi pala ako nito, alas-dose na. Kung makakauwi ako.
May tinawagan na ang attendant kaya malamang dino-double check na kung ako ba talaga ang hinihintay.
"Sir, ano raw pong name n'yo?"
"CJ," sagot ko.
"Ma'am, CJ raw po." Binalikan ako ng attendant. "Sir, nandoon na po si ma'am. Kumatok na lang daw po kayo, siya na ang magbubukas."
"Sige, thank you."
Hindi na ako nag-elevator kasi second floor lang naman. May malapit na hagdan at doon na lang ako umakyat. Unang pintuan pagtapak ko sa second floor, Room 2001 agad, e di bilang na lang ako ng limang tumbling.
Ang hallway nila rito, simple lang na may checkered flooring na black and white. Ang boring ng interior, siguro kasi walang kahit anong display.
Kumatok ako sa wooden door na agad namang napagbuksan. Executive room 'yon—na ang presyo base sa front desk kanina, 2,800 per three hours. Sobrang mura na nga para sa executive room—o baka sa perspective ko lang.
Paisa-isang hatak pa sa pinto ang nasa loob at sinisilip ako mula sa likod ng pinto. Mata lang ang una kong nakita pero nang masilip ako, saka lang siya nagbukas nang maayos.
"Hi, good evening," bati ko at alanganin pang pumasok. "Puwede nang pumasok?"
"Yes, come in."
"Thank you."
Pumasok naman ako at nakasunod ako sa kanya papasok sa loob.
Hindi ko makita nang maayos ang mukha niya kasi nakatalikod sa akin, pero nakasuot siya ng sando na strap lang ang pangkapit sa katawan—camisole yata ito gaya ng sinusuot ni Mami pang-ilalim sa white blouse, at skirt—yung skirt na pang-opisina.
Don't tell me, pareho kaming galing office?
"Cherry, right?" tanong ko.
"Yes, Cherry."
"I'm CJ. Nice to meet you."
"Hindi ko ine-expect ang itsura mo sa personal," sabi niya pagpasok namin sa pinaka-bedroom ng unit na kasama na rin ang dinette sa gilid.
"Ano ba'ng ine-expect mo? Hindi ba 'ko pasado sa taste mo?" tanong ko habang sinusundan siya ng tingin.
"Not really. Mukha ka kasing macho dancer sa portfolio ng website."
"Ay, grabe naman. Sorry, iba ang bayad kapag pinasayaw mo 'ko. Hindi ako gigiling nang libre."
"Hahaha! You're a funny guy."
Dumeretso siya sa bag niyang nasa side table at kinuha ang phone doon. At mukhang galing nga siyang office. May suit na nakasampay sa dining chair na hinatak niya palapit sa malaking kama.
"Galing kang office?" usisa ko at naghubad na ng necktie.
"Ang casual mong magsalita."
Ang ganda ng sagot. Magkakaintindihan kami nito.
"Unexpected ba 'ko masyado?" tanong ko na lang at inilapag ang necktie ko sa mesa sa ilalim ng TV. May maliit na bulsa ang necktie ko sa likod at doon ko itinago ang susi ng kotse ko, just in case magkaproblema at magkawalaan ng gamit.
"Bestseller ka ng site. Typical mo bang makipag-date nang naka-corporate attire?" tanong niya at saka lang humarap sa akin.
Ngumiti na lang ako sa tanong niya kasi mukhang sarcasm yata—o pinipilit niyang mag-joke. "Actually, galing talaga akong office. Kakatapos ko lang mag-present ng project proposal."
"Wow. You're working sa corporate?"
Tumango naman ako. "May professional license lang ako. Palipat-lipat kasi ako ng company kaya hindi ako makapirma ng contract as a regular employee."
"Oh . . . I see."
Inobserbahan ko siya. Mukha naman siyang karespe-respeto. Naka-makeup pero simple lang. Medyo wavy ang buhok na may kulay, brown o copper, hindi ko masabi sa tama ng liwanag. Hindi naman siya matangkad, pero umabot naman sa balikat ko. Pagsilip ko sa ibaba, nakapaa pala siya. Maputi rin, pero yung puti na medyo pink.
"May work ka na pala pero nasa catalog ka pa rin ng RL," sabi niya at naupo na sa kama. Itinukod niya ang mga kamay niya sa magkabilang gilid habang nakatitig sa akin.
"Interview ba 'to about sa work ko?" tanong ko agad. "Para makapag-ready ako ng isasagot. Yung panel kanina sa office, hindi makapagtanong, ako na ang nagtanong sa kanila e."
"Hahaha! Ang confident mo, I can feel that."
Mahinhin ang boses niya pero may sense of authority sa bawat stress ng tono sa bawat sentence.
Kapag trap 'tong one-night stand, susugurin ko talaga ulit si Mother Shin kahit busy ako bukas.
"Umaandar ang metro, boss, plano natin?" tanong ko at naghatak ng isa pang dining chair para ipaharap sa kanyang nakaupo sa kama. Nagkrus ako ng braso at nakipagsukatan ng tingin.
"I was expecting for a guy na naka-hoodie, tattered jeans, at tsinelas, to be honest," sabi niya at nakikipaghamunan ng tingin sa akin. "Not that you look poor, but you hustle a lot based on the reviews."
"Lugi ka ba?"
"I don't think so. Wala pa naman tayong ginagawa, so it's early to tell."
"Sa bagay." Napatango naman ako roon.
"You look smart," sabi niya sabay ngiti.
"I should be. Mahirap magbenta ng product sa matatalino kung mukha akong bobo."
"Hahaha! You sound like someone I know."
"Wow, comparison. Guwapo ba 'yan?"
"Yeah."
"Boyfriend mo?"
Umiling naman siya habang nakatitig pa rin sa akin. "Nope."
"Balak maging boyfriend?"
"Not my type. Pero nanliligaw."
"Oooh . . . guwapo pero hindi mo type. Kapag ba talaga maganda ang babae, laging prefer ang medyo-medyo lang?"
"Hahaha! You're interesting."
Ako naman ang ngumisi sa kanya. "Kanina sabi mo, I'm a funny guy. Tapos I'm confident. Then I look smart. Ngayon, I'm interesting. May character evaluation ba tayo ngayon? Tatawagin na ba kitang doc?"
"Hahaha! Really, hindi ikaw ang ine-expect kong makita ngayon."
"Walang ibang CJ sa catalog. Sinong CJ ang binook mo kung hindi pala ako?"
Tawa lang siya nang tawa habang nagtataka naman ako kung saan ang nakakatawa sa mga sinabi ko.
Lasing ba 'to? Hindi naman amoy alak dito, hmm.
"Sabi mo sa special note mo sa payment, virgin ka pa."
Confident naman akong tumango. "Ang hirap magpigil, honestly."
"Hindi naman embarrassing for you kapag nabi-bring up 'yan?"
"I respect boundaries pagdating sa ibang tao. Hindi ko naman dapat ikahiya ang mga life choice ko."
Nagusot ang magkabilang dulo ng labi niya saka tumango-tango. "First time mo tonight. Okay lang ba 'yon na ako ang partner mo?"
"Nandito ako, so yeah. Okay lang."
"Alam mo ang gagawin?"
"May idea ako."
"May idea . . ." Tumango-tango na naman siya na parang hindi nabentahan ng sagot ko. "Well, then."
"Tumatanggap ako ng refund," sabi ko na lang kasi mukhang dismayado talaga siyang makita ako. Ayaw lang yata ipahalata. "Gusto mo ba ng maraming experience? May kakilala ako."
Tumawa naman siya nang mahina saka umiling habang nakapikit. "Ikaw ang kinuha ko kasi sure na wala akong makukuhang STD sa 'yo."
"Wow," sarcastic kong sagot at saglit na nanlaki ang mga mata.
Napaka-reasonable naman para piliin ako. Akala ko pa naman, kasi ang guwapo ko sa catalog.
Sumilip ako sa relo ko. "Quarter to ten na. Okay lang bang magpalipas ka ng oras? Three hours lang tayo."
"Kaya mo ba yung three hours?" hamon niya sa 'kin at pinagtaasan pa ako ng kilay sabay ngisi.
"Hindi ko alam," tapat kong sagot. "Virgin pa 'ko, paano ko malalaman? Maganda ka na sana e."
"Hahaha!" Eto na naman siya sa tawa niya. Inaantok na nga ako. Kapag ako na-bore dito, buong three hours, itutulog ko talaga. "All right. Maliligo lang ako. Gusto mong sumabay?"
Nagmuwestra lang ako ng kamay para palayasin siya. "Kaya mo na 'yan, malaki ka na."
Tinawanan na naman niya ako habang papunta siya sa bathroom.
"Ah! At last, kama!" Mabilis akong naghubad ng sapatos at medya saka nag-dive sa kama habang yakap ang unan doon. "Aaaah, puta, sa wakas, nakahiga rin after eight days."
I-book ko nga sarili ko minsan sa Red Lotus para makapag-three hours na tulog din ako nang walang ginagawa.
Kakapikit ko lang pero nagulat ako nang may kumalabit sa balikat ko.
"Don't tell me, tutulugan mo 'ko."
"Oh, shit. Sorry. Tapos ka na?" Pagbangon ko, naka-towel na lang siya habang medyo basa pa ang buhok. "Kanina ka pa ba tapos? Patuyo na 'yang buhok mo."
"Nag-blower lang ako ng buhok."
Sinilip ko ang relo ko at nakitang eksaktong alas-diyes na ng gabi. Grabe, one hour na 'yon?
"Wait lang, ha."
May naka-ready nang rubber slippers sa tapat ng banyo at iyon na ang ginamit ko pagpasok. Inamoy-amoy ko pa ang hininga ko kung mabaho, pero mabango pa rin naman. Ang tagal mawala ng amoy ng mouthwash, buti na lang. Nagmumog na lang din ako kasi baka napanisan ako ng laway saka doon na sa bathroom naghubad ng office clothes ko. Saglit pa akong nagpainit kasi baka isipin niya, ten second lang, nakaraos na 'ko.
Mas gusto ko pa ring matulog. Siya na lang kaya ang bayaran ko ng 25k, patulugin lang niya 'ko?
Paglabas ko, nakasampay na sa kanang braso ko ang mga damit kong suot at kuyom ko sa palad ang isang box ng condom. Ang naiwan ko lang na suot, boxer shorts ko lang.
Naabutan ko siya sa kama na naghihintay sa 'kin.
"Sorry, nakatulog ako," sabi ko agad kasi isang oras na ang nasayang sa binayaran niya. "Ang dami ko kasing work."
"Mukha nga. Kailangan mo talaga ng pera?"
"Ang dami kong utang e."
"Kaya pala nasa site ka. Easy money lang doon."
"Hindi rin." Isinampay ko ang mga damit ko sa inupuan kong dining chair. "Kapag nagkasakit ka, babawiin din yung pera mo ng katawan mo."
Ibinato ko ang box ng condom sa ibaba ng unan at sinundan niya 'yon ng tingin.
"Segurista ka, ha."
"Yung barkada ko, walang condom no'ng nakipag-sex, wala nang maayos na tulog 'yon mula nang makabuntis."
"Wala ka pa namang nabubuntis pero parang ikaw ang walang maayos na tulog."
"Part-time nurse ako ng nabuntis niya tuwing gabi. Kaya kapag nag-ring ang phone ko maya-maya, kahit umuungol ka, sasagot ako ng call."
Natawa naman siya nang malakas sa sinabi ko. "Ang dami mong ginagawa, in fairness sa 'yo."
Tumayo ako sa harapan niya saka ako namaywang. Pinagtaasan lang niya ako ng kilay, hinahamon yata ako sa gagawin ko.
"Alam mo ba ang gagawin?" tanong ulit niya habang nang-aasar.
"To be honest, hindi. Pero game na, sayang 25k mo sa 'kin kung tititigan lang kita hanggang alas-dose."
♥♥♥
IMPORTANT NOTE: May complete version nito na magiging available sa Ko-Fi pero hindi public post. Meaning, if you really want to read that, for private reading siya at may one-time payment 'yon.
♥♥♥
"That was good . . ." pabulong nang sabi niya.
Natawa ako nang mahina habang nakatutok sa phone ko. Pagsulyap ko sa kanya, papikit na siya at mukhang inaantok na rin.
"Nakapag-cardio ako kahit alas-diyes na ng gabi. Thank you, ha," sarcastic kong sinabi.
"Hindi halatang wala kang experience."
"Dito ka ba matutulog?" tanong ko na lang kasi malapit nang mag-alas-onse. "Ang dilim sa labas, may kotse ka ba?"
"Didn't bring any. Nag-taxi lang ako."
"Bukas ka na umuwi, hatid na kita. Ako na magbabayad ng stay natin hanggang bukas ng umaga."
Narinig ko pa siyang tumawa nang mahina. Pagtingin ko ulit sa kanya, nakapikit na siya at ine-enjoy ang pagkakadapa niya sa unan.
Inayos ko na lang ang kumot na nakabalot sa kanya kasi ang gulo-gulo bago ko binalikan ang phone ko.
Ang daming message sa group chat namin. Puno ng pictures na sinend ni Leo. Mga bote ng kung ano-anong lotion at body wash 'yon. Tinatanong kung ano ang bawal sa buntis kasi hindi niya matandaan kung ano yung mga sinabi ng doktor.
Pag-scroll ko sa ibaba, kaya pala nagrereklamo kasi may rashes daw si Ky sa bandang hita at likod. Allergy raw, hindi naman niya alam kung saan nakuha.
Nakailang mention siya sa 'kin para itanong kung anong oras ako magiging active kasi mga wala raw dulot sina Rico sa buhay niya.
Superman
Oy ano meron?
Leo the Lion
AAAHH
PUTANGINA CLARK
SA WAKAS TANGINA
MGA WALA KAYONG SILBI TALAGA
KAPAG KUMALAT TONG RASHES NI KY KAYO IPAPAHABOL KO SA BUBUYOG
William Da Poe
Oa pre
Superman
Ano nangyari Leopold?
Leo the Lion
Leo the Lion sent a photo.
Leo the Lion sent a photo.
Leo the Lion sent a photo.
Leo the Lion sent a photo.
Leo the Lion sent a photo.
Leo the Lion sent a photo.
Leo the Lion sent a photo.
Leo the Lion sent a photo.
Leo the Lion sent a photo.
Leo the Lion sent a photo.
'Tang inang 'to, nagpa-panic na naman.
Puro lang pictures ni Kyline, iba't iba ng anggulo ng likod saka hita. Rashes nga pero shot kada oras. Tigdadalawa pa.
Superman
@Mr. D alam mo kinain ni Ky kanina?
Mr. D
Ky didn't eat anything na bawal.
Wait 11 pa lang, tapos na work mo?
Superman
Yosi break
Calvin Klein
HAHAHAHAHAHA tanginang yosi break yan. lakas!
Superman
Hoy Calvin Dy tanginamo tumahimik ka dyan ha
Ano nga? Ano nangyari kay Kyline?
Kung wala sa pagkain baka sa higaan.
Check mo yung kama kasi Leopold.
Pinapalitan nyo ba bedsheets nyan?
Leo the Lion
Pinapalitan naman to ni manang!
Tiningnan ko pa ang itsura ng rashes ni Kyline. Nakailang zoom in pa 'ko. Hindi kasi namin puwedeng bigyan si Kyline ng antihistamine nang walang reseta.
Superman
Nangangati raw ba o kaya masakit?
Leo the Lion
Wala nga raw syang nararamdaman
maliban sa masakit ang tyan
Di rin nya alam na may rashes sya
kasi nga nasa likod di nya nakikita.
Superman
Pacheckup na lang kayo bukas
Wag mong lagyan ng kung
ano anong pamahid yan baka lalong lumala
Leo the Lion
E ano nga gagawin ko rito ang daming pula?
Superman
Nirereklamo ba ni ky?
Leo the Lion
Hindi
Mr. D.
*insert frustated sigh*
Calvin Klein
HAHAHAHAHAHA EARLY BIRD POTAAAAA
Leo the Lion
E pero lam nyo naman to si Ky
Tahimik lang to lagi kahit may masakit na sa kanya
Superman
Pacheckup na lang kayo bukas agad
Pag nakatulog si Ky, baka magkamot.
Tabi ba kayo matulog?
Leo the Lion
Sasamahan ko muna sya ngayon
kasi nga masakit pa rin ang tyan
Mr. D.
Leo's exempted from this case,
but please, use condoms, guys.
This is frustrating on so many levels, I can't even.
Ayokong magsabay-sabay kayong magkababy please.
Calvin Klein
HAHAHAHAHAHA
Superman
Tawa pa Calvin Dy
Si Will?
@William Da Poe
Tulog na ba to?
Williaaaaam
Rico ikaw na nga lang sumama dito kay Leo bukas sa clinic
May gagawin ka ba?
Mr. D.
May date dapat ako bukas,
but I'll check my morning schedule.
Calvin Klein
Sana lahat may date
Mr. D.
Really, Calvin? Ikaw mawalan ng date?
Superman
Bukas pa ko makakauwi
Di ako makakasama kay Leo
Kung sino lang libre, samahan nyo muna
Si Will baka libre, pasamahin nyo
Nauna nang matulog yun
sana lahat nakakatulog nang maayos lol
Leo the Lion
Text nyo na lang ako kung sino sasama
May pasok ako ng hapon bukas
Mr. D.
I'll pick you up by tomorrow, Leo.
Ako na mag-uwi kay Kyline para deretso ka na sa school.
Leo the Lion
Sige, sige
Superman
Ok na ha
Wala munang tatawag sakin hanggang bukas fleeez
Chat o kaya text nyo na lang muna ko
Pagkatapos ng convo namin, binitiwan ko na rin ang phone ko. Pagtingin ko sa katabi kong babae, tulog na nga. Wala pang alas-dose, mukhang masusulit ko ang pahinga ko ngayong gabi.
♥♥♥
Hindi ko masabing memorable ang first time ko. Siguro kasi, iba ang nasa utak ko habang ginagawa namin 'yon. Para akong nag-sit-ups nang ilang laps din. Ang tagal ko na palang walang matinong exercise, mukhang mapapa-gym ako ngayong araw.
Akala ko, tataasan pa kami ng araw bago siya magising, pero alas-kuwatro pa lang, may maingay nang phone sa kung saan at nag-a-alarm.
Siyempre, nagising kaming pareho kasi ang sakit sa ulo ng ingay.
"Sorry," sabi agad niya nang damputin ang phone sa sidetable na nasa gilid ko.
Sinusundan ko siya ng tingin nang tawirin pa niya ang katawan ko para lang makuha ang gamit niyang gumising sa aming dalawa. Halatang komportable siya, walang pakialam kung nagtatama ang dibdib naming dalawa.
"Mukhang hindi 4 a.m. ang wake time mo," biro niya nang sulyapan ako.
"Don't worry, madalas akong tumira sa mansiyon na may ganyang wake time."
Tinawanan na naman niya ako nang mahina saka niya hinawi ang buhok niya papaling sa kabilang gilid. Nakuha pa niyang tumunghay sa 'kin habang ginagawang patungan ng katawan ang dibdib ko. "Good morning."
Nang-aasar naman ang ngiti ko nang pagtaasan siya ng isang kilay. "Sarap ng tulog mo?"
"Yeah."
"Sana lahat masarap ang tulog." Tinapik ko siya sa balikat paalis sa 'kin. "Maligo ka na, baka may pasok ka pa. Ihahatid na kita sa inyo."
"Maliligo ako, hindi ka sasabay?"
Natawa naman ako nang mahina saka siya hinawakan sa balikat para alisin sa pagkakapatong sa dibdib ko.
"Tapos na three hours natin, boss. Baka pagalitan ako ng amo ko, overtime na 'ko sa agreement."
"Makikita pa ba kita next time?"
Bumangon na rin ako at naghatak na ng damit. "Nasa sa 'yo 'yan. Alam mo naman kung saan ako hahanapin, may number naman ako sa 'yo."
"All right. I will."
Kulang-kulang five hours lang ang tulog ko, pero puwede na rin.
Puwede na kaysa walang tulog at all.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top