Ayan, patawid na tayo sa Cheska era. Ilang chapters na lang, babalik na si Sab sa Pinas kaya ayern. Nabasa na ng iba ang teaser update sa Ko-Fi kaya may gist na sila sa chapter. Hi sa mga spoiled sa mga spoiler! hahahaha anyway, this chapter is dedicated to coffeexated na super active mula rito sa Wattpad hanggang sa Twitter hanggang sa FB. Hi po! Enjoy reading!
♥♥♥
"Is this the house?"
"Yes po, Tita."
Okay ang bahay sa labas. Puti nga lang ang pintura, walang ibang kulay sa pader. Corner 'yon ng street kaya medyo mahal ang lote. Mas mura sa mga nasa pagitan na ng mga bahay-bahay. Pagpasok namin sa loob ng gate, malawak na front yard agad na puwedeng pag-parking-an. May landscaped areas na rin sa bawat alley kaya patango-tango lang si Tita habang pinapaypayan ko. Susunod-sunod lang kami ni Kuya Tony sa kanya habang minamata ang walang kamalay-malay na bahay. Mukha kaming mga alipin na masasampal kapag nagtatanga-tangahan na naman.
Wala pa naman siyang negative side comments pagpasok namin sa loob. Loft style ang living room na walang kalaman-laman. May hagdan 'yon sa gilid paakyat sa second floor na pinaka-bedroom din. Nasa right side namin katabi lang ng hagdanan ang kitchen area na sobrang lawak. Doon naunang mag-ikot si Tita Tess. Basta Dardenne, kusina lagi ang inuuna nilang tingnan sa bahay. May walk-in pantry doon sa dulong parte ng kitchen na maraming cabinet at drawers.
Paglabas namin, umikot pa kami sa kabilang area ng bahay kung saan maraming blank spaces na hindi ko alam kung ano ba ang role sa bahay na 'yon. May panibagong second floor at hagdanan na naman. Pag-akyat namin, panibagong blangkong kuwarto at pumasok kami sa napakalawak na walk-in closet ulit na puwede ngang gawing kuwarto rin kasi ang lawak ng espasyo sa gitna. Sa dulo ng closet, naroon ang toilet and bathroom na malaki para sa isang tao lang. May tub, may marble sink, may malaking shower area. Masakit lang sa mata sa loob kasi puting-puti ang interior, para kaming bumibisita kay San Pedro.
Si Kuya Tony ang kumakausap sa broker. Si Tita ang tumitingin kung gagastusan ba niya dapat ang inuutang ko. Wala akong ibang narinig kay Tita na reklamo, pero hindi kasi ako makampante. Kung pagtaasan kasi niya ng kilay ang mga hinahawakan niya, parang diskumpiyado pa siya. Para ngang hinihintay na lang niya ang pag-alis namin tapos saka siya babanat ng offensive remarks kapag wala na yung broker.
Pagkatapos namin libot sa bahay, nakabuntot pa rin ako sa kanya paglabas ng gate.
"Tita . . ."
"Si Tony na ang bahala." Humarap siya sa 'kin kaya napahinto ako sa pagpaypay sa kanya. "Wala akong 14 million, Clark. Hindi ko kayang maglabas nang ganoon kalaki para lang ipautang. Kaya naman" —inagaw niya sa akin ang pamaypay niyang hawak ko—"kukuha tayo sa merong pera."
♥♥♥
Mayaman si Tita Tess, pero kung may isang bagay man akong dapat i-consider kapag nilalagyan ko ng label ang isang tao pagdating sa social class, unang-una na dapat ang capability niya para maglabas ng malaking pera in cash.
Walang 14 million si Tita Tess na puwedeng ipautang, malinaw na malinaw. Hindi siya ganoon kayaman gaya ng inaakala ko pagdating sa pera. Ang mga asset niya, oo. Lalampas ng 14 million. Ang net worth niya, yes. Lalampas ng 14 million. Pero kung hahatakin ang lahat ng liabilities niya sa usapan, hindi ideal na ipautang sa akin ang 14 million nang walang assurance na babalik. Baka maging bad debt lang sa records niya 'yon—at hindi barya ang 14 million.
Para akong sisiw na nakasunod sa inahin nang dayuhin namin si Tito Ric na nag-iikot sa company nila.
Ang corporate company nina Tito Ric, located sa business area sa Ayala, Makati. Walang pa-grand entrance si Tita Tess bilang isa sa shareholders at board member. Si Tita pa naman, kapag pumoporma 'to, parang bagong hango sa dagat sa dami ng perlas. Bihira siyang mag-diamond. Mas gusto niya ang pearls kasi mabait daw tingnan. At least, kahit sa looks, magmukha siyang mabait. Angelic naman kasi talaga ang mukha ni Tita Tess pero no comment pagdating sa personality.
Pagpasok namin sa building, dere-deretso lang ang lakad niya. Kada empleyadong nakakasalubong namin, matapos mandilat ang mata, bumabati agad.
"Good afternoon, Madame Tessa."
"Madame, good afternoon po."
Sumakay kami sa elevator na puno. Ang ine-expect ko, pagkakita nila kay Tita, maglalabasan silang lahat na naroon kasi allergic si Tita sa germs, pero umurong lang sila paatras saka bumati.
"Good afternoon po, Madame."
"Good afternoon," bati rin ni Tita sa kanilang lahat pero sa mababang boses lang.
I therefore conclude na hindi talaga nakakatakot si Tita Tess pagdating dito sa company ni Tito Ric.
Food company ang main company ni Tito. Denmark origin, Danish brand ito kung tutuusin, at almost a hundred years na silang operating since World War 1 pa. Kung tama ang pagkakaalala ko sa content ng History sa homepage ng company website nina Tito Ric, nag-start sila as bakery. Miller ng harina ang angkan nina Tito Ric kasama ng mga kamag-anak niya. Nag-expand nang nag-expand hanggang sa naging producer at manufacturer na sila ng iba't ibang food products, at karamihan ay dairy and bread products.
Nagka-brand lang sila rito sa Pilipinas matapos pakasalan ni Tita Tess si Tito Ric. Although, hindi naman daw direct na tagapagmana si Tito ng pamilya niya para pumili siya ng Nordic princess para pakasalan, iba rin kasi ang influence ng business nila pagdating sa international market. At sa lagay na 'to, hindi pa best branch ang branch ni Tito sa Pilipinas. What more yung ibang branch na nasa ibang bansa rin.
Sa 10th floor kami bumaba. Isang buong floor 'yon na maraming desk. Nandoon nagtatrabaho ang mga clerk nila na gumagawa ng mga report.
Pagdating namin doon, may dalawang lalaking kasama si Tito Ric na may dalang mga folder. Si Tito, tamang pamulsa lang at parang kanina pa kami inaabangan sa tapat ng elevator. Matangkad si Tito Ric, pero ang nakuha lang ni Rico sa kanya, kulay ng mata sa ngiti. The rest, Tita Tess boy version talaga si Early Bird.
Going 47 pa lang si Tito Ric pero yung mukha niya, parang hindi nalalayo sa dalawang katabi niyang baka nga kaunti lang ang tanda sa akin. Ang tangkad niya. Nasa 5'10 lang ako—at hanggang leeg lang niya 'ko.
Natural na dark brown ang buhok ni Tito, light brown ang kulay ng balat. Saka marami siyang freckles sa ilalim ng mata. Hindi naman distracting pero masasabi agad na hindi siya Pilipino. Magkahalong brown at green ang kulay ng mata ni Tito Ric na nakatago sa eyeglasses at sobrang tangos ng ilong—yung klase ng tangos na ang taas ng bridge, parang sa mga kontrabida. Pero yung mukha niya overall, parang hinugot mula sa Precious Hearts Romance at inilabas mula sa cover. Guwapo kung guwapo si Tito Ric, para ngang hindi mo makikita rito sa siyudad kasi mas mukha siyang madalas sumakay sa kabayo habang rumoronda sa hacienda.
Malayo pa lang kami, nakaabang na ang mga braso niya kay Tita Tess. Si Tita, nakakrus lang ang mga braso. Sinalubong na kami ni Tito at paglapit na paglapit ni Tita, ngumiti agad siya.
"How's your day, so far, my love?" bungad ni Tito at yumuko agad para halikan sa labi si Tita Tess sunod sa magkabilang pisngi. Akala ko, aawat na pero kinuha pa niya ang kamay ni Tita Tess saka hinalikan ang likod ng palad.
Sweet din ang parents ko kaya sanay akong makita silang maglambingan, pero si Tito Ric kasi ang tipo ng lalaki na kapag nakikita niya si Tita, para siyang may ginawang masama kung makalambing. Kahit buong araw siyang nasa bahay, ganito rin siya kay Tita. Doon sila sa garden, hahalikan niya ang kamay ni Tita tapos kada tingin niya, ipapaalala niya kung gaano kaganda si Tita Tess.
Gusto ko sanang ireklamo na nakakaumay kaso naalala ko, kapag din pala kinakausap ko si Tita, lagi ko siyang tinatawag na maganda.
Birds of the same feather can make a good feather duster talaga.
Oras pa rin naman ng trabaho ni Tito Ric pero binigyan niya kami ng isang oras para i-accommodate. Pumunta kami sa lobby ng 10th floor at umupo kami sa couch doon. Si Tita, katabi ni Tito Ric. Ako, doon sa kabilang single sofa na nakaharap sa locker room na may glass wall.
"Nag-report sa office, nakita raw kayo sa entrance," sabi ni Tito Ric habang inaalis ang mga bumagsak na hibla ng buhok ni Tita sa noo at pisngi.
"Mahal mo ba 'ko, Enrico?" malambing na tanong ni Tita Tess kaya napatakip agad ako ng bibig habang pigil na pigil tumawa.
"Loving you will always be an understatement, my dear."
"I need 14 million as soon as possible."
Biglang napaatras si Tito Ric sa sinabi ni Tita Tess at nasamid ako ng laway ko kaya naubo ako sa gilid habang takip na takip ang buong mukha.
"Did I—14 million?" di-makapaniwalang tanong ni Tito Ric at nawala na ang lambing sa boses. "What for?"
"May bibilhin akong property sa Mandaluyong. Nanggaling na kami roon ni Clark kanina."
Nagulat naman ako habang nanlalaki ang mata sa kanilang dalawa. Parang gusto ko nang mag-back out bigla.
"Property, all right?" patango-tangong sagot ni Tito Ric. "Is this a commercial area?"
"Residential. Bahay na titirhan."
"Resi—" Dinig ko pa ang lalim ng paghinga ni Tito Ric. "Titira ka roon, Tessa? Ayaw mo na ba sa 'kin? I can't remember anything wrong I did. Paano ang mga anak natin?"
Hala!
"Enrico."
"Tessa, please, don't do this to me." Kinuha na niya ang kamay ni Tita at hinalikan ulit 'yon.
Puwede bang umamin na lang ako? Naaawa na ako kay Tito Ric, mukha siyang hinihiwalayan ngayon.
"Ibabalik ko rin ang pera, Enrico."
Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa o malulungkot kasi biglang nagtakip ng mukha si Tito Ric gamit ang magkabilang palad habang nakatukod ang mga siko niya sa tuhod.
Si Tita Tess naman, hinahagod lang ang likod ng asawa niya para i-comfort.
Ito si Tita Tess, wild din mga trip nito sa buhay e.
"Isipin mo na lang na para din 'to sa mga bata, Enrico."
Pag-angat ng mukha ni Tito Ric, nanunubig na talaga ang mata niya. "What did I do wrong so I can apologize?"
"It's not you, Enrico. Walang problema sa 'yo."
"Then why are you asking for a new house?"
Umentrada na ako kasi hindi ko na talaga kaya. Kung hindi ako maiiyak, hahagalpak talaga ako ng tawa sa kanilang dalawa. "Tita, grabe ka naman. Sabihin mo na lang kasi agad."
"Clark?" tawag ni Tito Ric, di-makapaniwala sa sinabi ko. "Are you two . . . ?" Palipat-lipat ang pagturo niya sa amin ni Tita Tess. Pagpaling niya kay Tita, bigla siyang nagtaas ng boses. "What is the meaning of this, Tessa?"
"Enrico, let me explain."
"Ito ba ang dahilan kaya laging nasa bahay si Clark? Sa kaibigan pa ng anak mo, Tessa?" malungkot na tanong ni Tito Ric at hindi ko na ma-explain ang facial reaction ko kasi—ano ba! Tito Ric, mangungutang lang kami!
Tumayo na si Tita at inakay niya patayo si Tito Ric. Ang lungkot talaga ng mukha ni Tito nang dalhin siya ni Tita roon sa maliit na office sa dulo na may clear glass wall.
Ang drama ni Tito Ric basta kay Tita Tess. Ano ba naman 'tong mag-asawang 'to?
Nakatalikod sa direksiyon ko si Tito Ric. Hindi ko naman makita si Tita kasi hinaharangan niya. Patango-tango lang siya at hindi ko alam kung ano na namang kalokohan ang sinasabi nito ni Tita Tess sa asawa niya.
Hindi nga naman kasi talaga barya ang 14 million, pero kailangan ko nga kasi. Kahit sana mga 10 million lang, o kaya 7 million.
'Tang ina, sana pala inutang ko na lang talaga yung pantubos sa Lambo ni Pat dati.
Ilang minuto pa, natapos na sina Tita sa pag-uusap at lumabas ng office na patango-tango lang si Tito Ric sa akin.
"All right, so it's for your house," bungad niya pagbalik sa puwesto nila kanina sa lobby.
"Yes po, Tito."
"It should be a loan, but Tessa said na baka puwedeng ipalit sa service. You will pay through working with us."
"Yes po, Tito. Pero kung magkapera din po ako aside sa pagtatrabaho sa inyo, magbabayad pa rin po ako ng cash."
"According to Tessa, the lot area is huge for a simple house. Doon ka na titira?"
"Kapag po lumipat na si Leo kasama si Kyline, yes po. Sa ngayon, ipagpapaalam ko pa kina Mami kung puwede na akong bumukod by next year. Yung bahay pong bibilhin ko, gusto ko rin po sanang gawing extension ng magiging office namin sa lending business na tinatayo namin ni Leo. Maliit lang po kasi ang nabili niyang lote at bahay kasi 2 million lang ang budget niya. E posible rin pong doon din niya patirahin ang mag-ina niya next year, mahihirapan kaming kumilos sa maliit na lugar. Kung sakali po, yung bahay kong mabibili ngayon, bubuksan ko muna sa kanila ni Kyline para may komportableng matitirhan pati yung baby, kasi ibabagsak po namin lahat ng file cabinets at documents doon sa bahay na binili niya, wala nang matutulugan doon."
"You're buying that house . . . for them," di-siguradong sinabi ni Tito.
"Uhm . . ." Napaisip tuloy ako. "Medyo po. Pero kapag nalipat na ang mga gamit galing sa bahay ni Leo papunta roon sa magiging bahay ko, akin na po ulit yung bahay. Inaalala ko lang po kasi walang inuuwian si Leopold na sariling bahay. Sa October pa ang turnover ng binibili niyang property."
"Hmm . . . I thought it was only for business, but . . ." Napanguso pakanan si Tito Ric habang pinag-iisipan ang magiging desisyon niya. "I'll check your plans first, Clark. Though, I can call the bank today para ipa-process 'yon through check or cash. But, I want to know if this will not go to waste. 14 million is not a small amount."
"Magpapasa po ako bukas ng business proposals, Tito Ric. Magpe-present po ako kung kailangan."
Tumango-tango lang si Tito sa sinabi ko. "I'll check your portfolio by tomorrow. Kapag na-approve 'yon ng mga head, idederekta na kita sa board members para sa presentation. I can't promise you the 14 million right away, but I'll give you a chance to have it as early as you needed."
"Thank you po, Tito Ric!"
Alanganin din pala. Hindi ko makukuha agad. Pero mas okay na rin 'to. Sigurado kasing kahit hindi ko makuha ang 14 million, baka mapahiram nila ako ng mas mababang halaga.
Dayuhin ko nga si Uncle Bobby, baka regaluhan ako ng 14 million pam-birthday lang.
♥♥♥
Dinner time nang makarating ako sa mansiyon ng mga Sy-Lauchengco. Saktong hapunan, naabutan ko pa silang nagdi-dinner.
"Hi, Tita Liz! You're so beautiful today." Hinalikan ko si Tita sa pisngi at saka ako umupo sa tabi ni Patrick na puwesto. Naroon na si Uncle Bobby pero ayokong mag-drop ng utang sa dinner. "Hi, Uncle! Napadaan po ako kanina sa Sapphire, patapos na yung isang branch n'yo doon, a."
"Oh! You knew that?" nagulat na tanong ni Uncle.
"Yes po. Noong nagti-thesis ako, nadadaanan ko po 'yon no'ng excavation pa lang. Ang bilis matapos!"
Matic, kapag nandito ako sa mesa nila, pinaghahandaan na agad ako ng mga maid ng sarili kong plato.
"It's already June. May work ka na, hijo?" tanong agad ni Tita Liz sa gitna ng pagkain namin.
Lumunok muna ako bago sumagot. "Wala pa po akong definite plan ngayon, Tita. Balak ko pong mag-freelance for now habang waiting sa gym ni William."
"Nabanggit nga ni Patrick," sagot ni Uncle Bobby.
"Hindi ka ba magtatrabaho kay Tessa?" tanong ni Tita Liz.
"Titingnan ko po muna ang calendar ko, Tita. Puno po kasi ang schedule ko ngayon, pero nakausap ko naman na po si Tita Tess about sa offer niya sa Afitek."
Big deal para sa mga parent ng barkada ang gagawin nila after graduation kasi talagang hindi sila makakapagpahinga. Yung summer namin, nire-reserve talaga namin para sa bakasyon, lalo ngayong wala nang school para sa summer class. Pero dahil wala na ngang school, June pa lang, may expectations na ang mga magulang nila sa kanila—sa akin, wala naman. Ang tagal ko nang hindi humihingi ng allowance kina Dadi. Nagbibigay pa rin naman sila mula pa noong first year college ako hanggang maka-graduate, pero kasi hindi ko na ginalaw 'yon mula nang kumita na ako sa Red Lotus at sa mga part-time investigation ko sa mga kabit ng mga kliyente ko.
Imagine na 10k a week ang allowance ko since first year. Ang pagkain ko pa, galing kay Early Bird lagi kasi siya ang supplier namin ng pagkain. Walang nagagalaw roon sa sampung libo. Five week kada buwan. 600 thousand kada year. Sa four years na 'yon . . . shet! 2.4 million! Oo nga, 'no? Bakit kaya hindi ako humugot doon sa allowance na bigay nina Dadi?
Pero saka na. Baka puwede pa akong makaburaot dito sa mayayamang mga tito at tita ko.
Pagkatapos kain, hinabol ko agad si Uncle Bobby na paakyat sa elevator nila sa dulo ng hall.
"Uncle."
"Alam kong may kailangan ka, ano 'yon?"
Napangisi agad ako habang sinasabayan siya sa paglakad. "Nangungutang po kasi akong pambili ng bahay sa Alabang West. 14 million po ang presyo n'on, gusto ko sanang i-cash kasi ang laki ng installment na 18 million na babayaran ko for 10 years."
"All right, then?"
"Si Tito Ric, nakausap ko po, titingnan muna niya kung kaya ipautang yung 14 million. Pero magpe-present po ako sa kanya ng business project para may sure akong pambayad. Ang naisip ko po, baka puwedeng hati na lang. Tig-7 million sa inyong dalawa para hindi ganoon kabigat."
"7 million, cash?"
"Yes, Uncle. Ang turnover po nito kapag cash, by September na po agad kapag naayos na ang deed of sale saka yung pag-transfer ng land title. Wala pa po kasing bahay si Leopold e magkakaanak na siya. Kung sakali pong kailangan niya ng bahay, may mapapatirhan ako para sa kanila ng mag-ina niya. E alam n'yo naman 'yon si Leo, mahihiya 'yong bumalik dito sa inyo kasi may pamilya na siyang sarili."
"Mmm, I see where you're coming from."
Pagsakay namin sa elevator, wala pang ilang segundo, nasa itaas na kami at lumabas din agad.
"Yung 7 million, Uncle, ang balak ko pong ipambayad, ako na ang aayos ng vitual meeting room ng company mo. Tapos aayusin ko na lang din ang database management system ninyo. Hindi pa fully recognized ang company website para sa pag-process ng pagbili ng mga unit saka part ng kotse, pero baka magawan natin ng paraan para mas maraming ma-reach ang binebenta n'yo sa market."
"Gaano mo katagal magagawa ang meeting room?"
"Sa ngayon po, Uncle, yung paggawa mismo ng software, kaya ko hanggang limang araw lang, kung software development lang ang gagawin. Pero po kasi gagawa pa ako ng feature prioritization framework bago ako mapunta sa testing. Sa testing, marami pang gagawin. Perfomance, functionality, security, unit testing, saka usability. Magre-research pa po ako nang mas maigi para sa kailangan nitong company n'yo. Pati design para sa branding, makikipag-coordinate pa ako sa marketing department ninyo para sa lahat ng ilalagay sa content. Hindi lang naman po kasi meeting room ang gagawin ko. Mas maraming helpful features para sa company operations, mas sulit ang bayad, di ba?"
Walang sinabi si Uncle Bobby, tinuro lang ako para sabihing may point ang sinabi ko. Pagpasok namin sa office niya, nakabuntot pa rin ako.
"Hindi ko po agad maibabalik nang buo ang uutangin ko, Uncle, pero sure na mababayaran kita kahit paunti-unti. At kung mapapahiram n'yo 'ko ngayon ng 14 million, bukas na bukas, sisimulan ko na agad ang research para sa software na kailangan n'yo."
Naupo si Uncle Bobby sa swivel chair niya at tumango-tango lang habang nakatingin sa ibaba.
Pilit na pilit tuloy ang ngiti ko habang pinanonood siyang maghanap sa mesa niya ng kung ano.
Wala siyang sinabi sa haba ng sinabi ko. Nakinig kaya 'to si Uncle sa mga sinabi ko.
"Pero kung hindi po kaya, Uncle Bobby, okay lang po. Alam ko namang hindi barya yung 14 million. Yung savings po na bigay nina Mami sa 'kin mula college, may 2 million naman po doon. Iaabono ko na lang po. Nag-part-time din po ako sa iba't ibang freelance job noong student ako, hindi ko nga lang alam kung magkano na ang pera ko pero baka maidagdag ko sa pambayad sa bahay."
Para talagang hindi nakakarinig si Uncle Bobby. Layas na kaya ako rito?
Dumampot lang siya ng fountain pen sa gilid at tinaktak 'yon sa ere bago buksan.
"Clark D. Mendoza, right?" tanong niya paghugot ng drawer sa ibaba ng office table.
"Yes, Uncle."
Nanlaki ang mga mata ko nang maglabas siya ng isang checkbook doon sabay buklat.
"Doon ka sa branch nila sa BGC pumunta. Mas mabilis mo 'tong mawi-withdraw doon."
Pagkapilas niya ng tseke niya, para akong natuod nang iabot niya sa akin ang maliit na papel na may nakasulat na 14 million pesos under sa pangalan ko.
"Sure 'to, Uncle?" tanong ko pa habang nanginginig ang kamay na kunin ang tseke sa kanya.
"Titingnan ko ang bahay sa weekend. You may go."
Shet.
14 million, putang inang shet.
Ang dali kausap ni Uncle Bobby. Dapat pala pinadagdagan ko na.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top