At dahil rest mode ako, tiba-tiba talaga tayo sa update ngayon. This chapter is dedicated to zwane1216 na isa sa mga tambay sa ating comment section last chapter. Salamat po sa pagbabasa, enjoy reading!
♥♥♥
Kung may isang parte ang barkada na hindi na namin dapat asahang magkaka-love life hanggang magunaw ang Earth, si Leopold na 'yon.
Sa dami ng babaeng . . . hindi lang reject e, violence! Bumabanat kami sa mga chick, 'tang ina, pangmalakasang pickup line lang, talo-talo na. Siya yung kapag bumabanat sa babae, pisikal! Babanatan talaga niya! Kung puwede lang magkapasâ yung babae, papasaan talaga niya, tantanan lang siya!
Hindi na kami umasang may papatos sa kanya at may papatusin siya kasi napakabrutal talaga. Wala siyang pinipili, ke babae, ke lalaki. Ang nirerespeto niya, mabibilang mo lang sa kamay.
Kaya nga bumaligtad ang mundo namin nang mabuntis niya si Kyline.
Dito naman ako tawang-tawa kasi . . . out of billion chances na makabuntis ka ng babae sa Earth, gaano kalaki ang chance na mabuntis mo ang babaeng secret crush mo tapos explicitly crush ka rin?
Aminin man o hindi ni Leo, attached siya kay Kyline. Ayaw lang tanggapin kasi ayaw ngang maging gaya ng erpats niya. Although, naintindihan namin ng barkada 'yon, pero hindi kasi siya puwedeng mag-rely sa feelings niyang tinatago niya lalo ngayon na may anak na nga silang paparating.
Nakausap na niya ang parents ni Kyline. Medyo okay ang setup para sa kanila sa ngayon kasi nga, inako ni Leo ang pagiging ama sa baby. Kaya nga nagdoble trabaho kami ni Calvin kasi ongoing ang kaso ni Leo. Hindi pa tapos si Elton kasi nakabinbin pa ang kaso para sa kanila nina Duke. Pilit nilang hinahatak si Leo para madamay kasi nga napawalang-sala kaming lima. Ayaw nilang pumayag na makakatakas kaming anim tapos sila lang ang makukulong.
"Ano'ng sabi ni Mother dito?" tanong ko kay Calvin nang makita naming dalawa ang updated report sa kaso nina Elton. Nakakuha kasi kami ng scanned copy ng mga statement at nai-drop na ang tungkol kina Hades, Zeus, at Apollo ng Coastal.
"Sa totoo lang, nagulat ako sa kaso nina Elton," sagot agad ni Calvin.
Lumipat ang tingin ko kay Calvin na nakaupo sa kaharap kong sofa. "Paanong nagulat?"
Nagbanta kasi ako kay Mother Shin na gawan niya ng paraan si Elton kundi magkakasukatan kaming dalawa ng tapang.
"Mula nang hawakan ni Shin ang mga tao ni Madame Min, kapag may nahuhuling tao niya, hinihingi niya agad sa opisina," dugtong ni Calvin.
"Hinihingi?" di-makapaniwalang tanong ko. "Paanong hinihingi?"
Prenteng nag-de-kuwatro si Calvin at tumanaw sa labas ng student hub na tinatambayan namin. "Dude, madali lang hingin ang mga nahuhuli galing Coastal. Itinatawag lang 'yan sa opisina. May tatawagang taga-loob, ang sasabihin, baka puwedeng ibalato na si ganito. Kinabukasan, laya na 'yan. Yung mga record, deretso shredder na. Parang walang nangyari. Ang kaso, iba ngayon." Itinuro ni Calvin ang labas ng glass wall habang nakatingin sa akin. "Handler si Elton. Paniguradong tinawagan na n'on si Shin pagkahuli sa kanila, hindi puwedeng hindi. At dapat nga, laya na sila noong February pa lang. Pero patapos na ang May, nasa custody pa rin sila ng mga pulis."
"Tingin mo, may count ba ang warning ko kay Mother Shin na gawan niya ng paraan sina Elton?"
Nagkibit-balikat agad si Calvin. "Hindi ako sigurado kung meron, pero sigurado akong unang beses na hindi siya nangialam sa kaso ng tao niya. At mas delikado ang ginawa niya ngayon."
Para akong inatake ng kaba nang sabihin 'yon ni Calvin. "Paanong delikado?"
"Kasi, dude, hindi 'to dapat palampasin ng Red Lotus na may nagtatagal na handler nila sa loob ng presinto. Kakanta at kakanta 'yon hanggang may pumunta roon para ilabas siya. Duda akong tatahimik lang si Elton ngayong iniwan siya sa ere ni Shin."
"Tingin mo, mapapahamak si Shin dahil dito?"
Gusot ang mukhang umiling si Calvin sa tanong ko. "Sabihin na nating mas mapapahamak si Elton kapag nagsalita pa siya. Knowing the Red Lotus? Kapag tinawagan na ang office ni Jian dahil sa hindi pangingialam ni Shin, paniguradong si Jian na ang lilinis ng kalat ng kapatid niya."
"Ibig sabihin . . . ?" tanong ko kahit pa may idea na ako sa mangyayari.
"Ibig sabihin, nagbibilang na lang si Elton ng araw niya sa mundo kada buka ng bibig niya. Pinili niya 'yon. Pero alam mo, kung ako ang ipinalit ni Elton kay Leo, wala pang isang araw, malinis na yung night club. Hindi na rin sana tayo mahuhuli."
Hindi ako sumagot sa kuwento ni Calvin. Tinitigan ko lang siya habang naririnig ang pagyayabang niya ngayon sa 'kin.
Matagal ko nang tinanggap na malaki ang role ni Calvin sa Red Lotus. Sinasabi ng lahat na nawalan siya ng grupo dahil mayabang siya . . . pero base kasi sa patakaran ng mga taga-Coastal, hindi ka matatanggalan ng grupo kung sumusunod ka sa patakaran doon lalo na sa usapang huwag mangingialam sa grupo ng iba.
Mabilis namang makakakuha ng info. Ako pa lang yata sa barkada ang may alam na may binangga 'to si Calvin na malakas na grupo kaya nawalan ng mga member niya.
Wala akong idea sa lakas ng impluwensiya ng grupong pinagbagsak niyang mag-isa, pero kung ganitong gaya ng grupo nina Elton ang mag-isa lang niyang hinaharap bago namin siya tanggapin, kung unang araw 'to ng pagsali niya sa grupo, talagang pagtatawanan ko siya nang malakas.
Hindi direct na under ng Red Lotus si Calvin. Kumbaga sa lahat ng taga-Coastal, may agreement siya sa Red Lotus pero hindi bilang tao nila kundi bilang separate group na mangongomisyon doon. Siya lang ang nag-iisang Dy sa Coastal, at halos kapantay ng prerogative niya ang posisyon ni Mother Shin.
Isa si Calvin sa main reason kaya maraming gustong sumali sa amin sa grupo. Kung ikaw ba naman, kaya mong pantayan si Mother Shin, pipili ka ba ng mahihinang handler lang?
Ang kaso, malas nila kasi hindi kami grupo ng manunugal lang. Magbabarkada kami, at hindi kami basta-basta nagtatangay ng tao sa grupo dahil lang trip namin.
Ito ngang si Calvin, kung hindi nito kilala si Melanie at hindi kami matutulungan dito sa Coastal, hindi namin 'to tatanggapin e. Good choice lang din na siya ang itinuro para ipasok kami sa Coastal.
First week ng June, may balita agad si Leo sa amin habang nag-aayos ako ng document para sa lending company. Nasa video call ulit kaming lahat habang kanya-kanya ng ginagawa.
"Mga p're, doon muna ako titira kina Ky baka next, next week."
"Why? What happened?" tanong agad ni Rico.
"Yung mama kasi ni Ky saka yung partner n'on, pupunta ng Switzerland. Aalis na sila mamayang gabi. Si Sir Adrian, babalik na ng Beijing, e walang maiiwan dito sa kanya maliban kay Manang. E naawa naman ako kay Manang kasi may-edad na e. Buti sana kung maliit lang 'tong bahay nina Kyline."
"Pero pinayagan kang diyan tumira?"
"Yung mama ni Ky, walang sagot. Ayaw yata. Pero si Sir Adrian, nagsasabi na sa akin na kapag naman daw nakaalis na ang mama ni Ky, wala na rin naman daw 'yong magagawa kundi pumayag. Kaya hinihintay na lang naming umalis muna bago kami magkasundo-sundo."
"Ang gulo ng setup n'yo diyan, 'tol," sabi ni Will. "May school ka pa, paano ka bibiyahe niyan?"
"Titingnan ko muna. Pero mas okay kung dito muna ako mag-stay para bantayan si Kyline kasi walang katao-tao sa bahay nila para tulungan siya. Si Manang, nakakahiya namang utusan nang utusan. Buti sana kung hindi matanda."
Nakikita namin na sincere naman talaga si Leo na alagaan si Kyline. Pero naaawa rin kasi ako dahil nga, nag-aaral pa siya. Maynila ang school, e nasa Mandaluyong sila ngayon. Ang layo e sanay si Leo na mag-boarding house para nga malapit lang sa papasukan. Wala pang kotse na gagamitin kaya commute talaga ang gagawin niya. Third year na siya pero ilan lang ang units na kinuha niya para hindi siya maraming ite-take na subject at maagang makakauwi. Hating-hati talaga ang oras niya.
Kaya nga dumeretso agad ako sa mansiyon para kausapin si Tita Tess.
"Hi, Tita kong maganda!" bati ko agad pagtuloy sa loob ng opisina niya.
"Tumawag si Tony kahapon, nakita ka raw niya sa SEC."
"Yes, Tita. Kumuha po ako ng copy ng mga requirement kasi magtataas ako ng shares para sa mga stockholder. Nakalimutan kong kumuha noong nakaraan."
Naupo ako sa favorite chair ko kaharap ng office table niya at hinatak 'yon palapit sa mesa.
Tinitigan ko ang ginagawa ni Tita Tess. Nagbabasa siya ng consolidated financial statement ng company ni Tito Ric. Naghihimay na naman yata ng gastos at kinita nila.
"Tita."
"Hmm?"
"Balak ko kasing kumuha ng lupa malapit sa Dolleton. Tumingin ako kahapon sa Alabang West."
"Then?"
"May bahay na balak bilhin doon si Leo para doon siya titira kasi nga buntis si Kyline."
"Sabi nga ni Filomena."
"Uutang po sana ako ng 14 million kasi gusto kong i-cash yung bahay. 240 square meters na ang land size niya, Tita, saka up and down at fully furnished na rin. Kapag kasi naka-installment, papatak ng 18 million ang babayaran, sayang naman yung 4 million."
Nagtaas agad ng mukha si Tita mula sa pagbabasa niya para lang makita ako.
Ngumisi agad ako sa kanya. "Di ba, sabi ko, after two years pa ako babalik sa 'yo para sa Afitek? Balak ko sana, habang wala pa yung principal address ng business namin, magpa-part-time ako sa Afitek o kaya dito sa mansiyon para maunti-unti yung 14 million. O kaya ipapa-bid ko online yung pino-program kong corporate space. Balak ko sanang i-propose 'yon muna kay Uncle Bobby since hindi pa sila fully AI-functioned company. May mga branch pa silang naka-manual report. Kapag okay kay Uncle Bobby, ilalakad ko na siya sa ibang corporations for bidding."
"Magkano mo ipapa-bid?"
"Based sa current market price, 50,000 USD. Mababa pa sa ngayon, Tita, pero kung successful ito sa company ni Uncle Bobby, maglalagya lang ako ng ilang upgrades, puwede ko nang taasan ang price niya for new bidding. Saka looking din sa developer si Uncle para gumawa ng virtual meeting space na exclusive lang sana para sa company nila. Sa ngayon kasi, naka-rely sila sa available applications na meron sa market. Iba pa rin daw ang may sariling space."
"Speaking of which, si Enrico, may binabanggit sa akin tungkol sa mobile application."
"Yes po, Tita. Gagawa ako mobile application para kay Tito Ric kasi nag-suggest siya last time kung may application bang available sa phone para mas madaling makakapag-propose ng business deals ang small and mid-size enterprises para sa mga business expo. Eto yata ang target niya this year kasi nag-ingress na ang Business Circle sa MSMEs. May financing program yatang sisimulan si Tita Ali para sa mga retailer at small shop owner. Balak ko sanang mag-freelance muna sa ngayon. Kung sino ang kayang i-cater na company na mapagkukunan ng funds, sa kanya muna ako magwo-work."
"So, basically, you're gonna do all of these para makabili ng sarili mong bahay."
Ang lapad agad ng ngisi ko saka tumango.
"Baka puwede kang humanap ng ibang location. May alam akong mabibilhan ng magandang bahay."
"Pero gusto ko sa malapit lang sana kay Leo, Tita, para kapag kailangan niya ng tulong, makakapunta ako agad."
"Wala ka bang ibang choice? Ayaw mo ba sa malapit dito sa Makati or sa Pasig?"
"Doon na lang malapit kina Leo, Tita. Maganda rin doon, pramis! 14 million lang, Tita. Babayaran ko naman e."
"Paano kung hindi mo mabayaran?"
Napaurong agad ako paatras habang pinagdududahan siya ng tingin. "Wala ka bang tiwala sa 'kin, Tita Tess? Grabe ka naman."
"That's 14 million, kid."
"Kapag nag-hack ako ng tatlong company, kaya kong mabawi yung 14 million, triple pa, Tita."
Biglang tumalim ang tingin niya sa 'kin kaya natawa naman ako. "Sige na kasi, Tita! 14 million nga lang. Ito naman, parang others. Kaysa mangholdap ako ng bangko, di ba? Mabuti sana kung magpapautang sila ng 14 million sa 'kin e wala pa nga akong payslip."
"Alam na ba 'to ng mama mo?"
"Paano ko sasabihin kay Mami, wala pa yung pera? Kapag nandiyan na, saka ko sasabihin, siyempre!"
"Ang sakit mo na sa ulong bata ka."
"Sige na kasi, Tita. 'Pag hindi ka pumayag, magdadabog ako."
Nag-amba siya ng palo kaya napaiwas ako agad.
"Tita, sige na! Minsan na nga lang manlimos sa 'yo e."
"Manlilimos ka, 14 million! Gusto mong mahampas, ha?" Umamba na naman siya ng palo sa akin kaya napaiwas ulit ako.
"Bahala ka diyan, Tita. Manlilimos na lang ako ng 14 million sa asawa mo saka kay Uncle Bobby."
"Ikaw talaga, pupunta ka lang dito sa 'kin kapag mambubuwisit ka. Tawagin mo si Tony!"
Napapalakpak agad ako habang nagse-celebrate na sa upuan. "'Yan gusto ko sa 'yo, Tita e. Mahal na mahal mo talaga 'ko. Babayaran ko agad 'to, Tita, pramis! Kapag nakuha ko ang mga pera ko, tapos agad 'yang 14 million mo sa 'kin."
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top