Chapter 48: Aftershock

Aksheli, bukas pa dapat ng tanghali itong update kasi malalaman ng boss ko na pa-Wattpad-Wattpad lang ako kapag nakita niya sa notif na may ud ako ngayon hahahaha pero wala kasi ako bukas ng tanghali since may inventory ako ng stocks kaya ngayon ko na ipo-post. Kapag nagtanong siya kung nasaan na ang files na ipinagagawa niya, sabihin ko na lang na kasalanan n'yo kasi pinipilit n'yo 'kong mag-update. Charot hahahaha

Eeeeniwey, this chapter is dedicated to angelpeach27 na isa sa tambay sa comment section at sa iba ko pang story mula pa noong unang panahon ko sa Wattpad hahahaha. Enjoy reading po!







♥♥♥


Gusto kong maawa kay Leo, pero malamang na awa ang huling-huli niyang hihingin sa aming barkada tungkol sa nangyari.

Masama ang loob ko. Malamang na buong barkada ang masama ang loob, pero tahimik lang kaming lahat nang bumalik kami sa apartment ni Leo sa Pembo.

Inasikaso ko si Patrick na dumudugo ang ilong, malamang na dahil sa usok ng shabu, marijuana, at yosi sa club.

Ang daming umiikot sa utak ko, pero kailangan kong asikasuhin ang barkada kasi hindi naman lahat, kayang karguhin lang ni Rico mag-isa.

Buong gabing tahimik ang apartment. Nasa sala lang kaming barkada maliban kay Leo na nasa kuwarto niya. Naglatag doon si Will at maagang pinatulog si Pat. Inaayos ni Rico ang kusina at mga ginamit doon bago kami magpahinga.

Nakatingin lang ako kay Kyline na kinumutan ni Calvin habang natutulog sa sofa.

Masama ang loob ko. Gusto kong kuwestiyunin ang sarili ko.

Saan ako nagkulang ng paalala?

Ano pa ang hindi ko nagawa na hindi niya naintindihan?

Saan sa salitang 'hindi ligtas' ang hirap na hirap unawain ni Kyline?

Kasi . . . common sense na lang!

Night club! May mga durugista sa loob! May mga dancer na posibleng magpositibo sa drug test! Napakadilim ng paligid, dulong-dulo, wala na nga halos napapadaan doon—sa labas pa lang, sasapakin ka na ng katotohanang walang ligtas doon sa lugar!

Bakit ka pupunta roon para mag-bunny girl?

Kasi wala kang pera?

'Tang ina, anak ka ni Adrian Chua, kung pera lang pala ang kailangan mo, isang tawag mo lang sa bangko, makakapag-withdraw ka kahit isang milyon pa!

Kaya bakit?!

Bakit kailangang mapunta roon ni Kyline?

Sa anong dahilan?

Hindi ko kasi ma-gets! Putang ina, kahit anong isip ko, hindi ko talaga ma-gets.

Mas madali pang unawain ang calculus kaysa sa ginawa niya.

Buong gabi, ang bigat ng loob ko. Lahat ng bagay na nangyari mula sa pagpunta namin sa gym ng Purok Siyete hanggang pag-uwi, kinukuwestiyon ko.

Gusto kong matulog pero hindi ako makatulog. Kada pikit ko, ang dami kong what if.

Iniisip ko na paano kung lumaban ako? Paano kung sinubukan ko kahit paano? Paano kung kaya naman pala naming pumalag? Ang daming regret na paulit-ulit na nagpa-flashback sa utak ko na siguro, siguro, siguro, ang daming siguro . . . na baka puwedeng hindi na umabot sa ganito ang lahat.

Hindi ko matanggap. Hindi ko rin alam kung kakayanin kong tanggapin ang nangyari—na palalampasin na lang namin kasi tapos na.

Ayokong hanggang dito lang ang lahat.

Hindi ako matatahimik hangga't hindi naaayos 'to—kahit pa malinaw nang walang maaayos dito.

Pumatak ang umaga, wala akong matinong tulog. Si Rico, mas lalong walang matinong tulog dahil buong gabi siyang gising. Pagkatapos maglinis ng kusina, nakuha pa niyang maghanda ng ipang-aalmusal naming lahat.

Walang nagsasalita hanggang umaga, at tingin ko, hindi rin gugustuhing manumbat ng barkada dahil nandoon kaming lahat. May kaya naman kaming gawin pero hindi namin ginawa—at iyon siguro ang dahilan kaya walang nagrereklamo sa amin tungkol sa nangyari.

Napatingin agad ako sa hagdanan nang marinig ang yabag ng paa ni Leopold.

Napaayos ako ng upo nang makitang may dala-dala siyang baseball bat.

Hindi fan ng kahit anong sports si Leo kaya nagtataka ako kung saan niya nakuha ang bat.

"Dude . . ." Kahit si Will, napansin din 'yon.

Nagmamadali ang lakad niya palabas ng bahay, at bago pa ako makaimik para alamin kung ano ba ang nangyayari, sumigaw na agad si Rico mula sa kusina.

"Leopold!"

Saka lang kami nag-panic nang halos liparin na ni Rico ang daanan, mahabol lang si Leo na palabas ng apartment.

"Leo!"

Paglabas namin ng pintuan, nagsisigawan na sina Rico at Leo sa may gate.

"Calm the hell down!" Itinulak ni Rico palayo sa gate.

"Alis!" Nakipagtulakan din si Leo, at aawat sana ako sa dalawa pero narinig kong umiiyak na naman si Kyline. Litong-lito na tuloy ako kung sino ang uunahing lapitan sa kanilang tatlo. "Babalikan ko ang putang inang 'yon!"

"Tingin mo, maaayos mo 'to nang ganito, ha?!" Marahas na binawi ni Rico ang baseball bat at ibinato sa dulong parte ng bakod ng apartment.

"Huwag mo 'kong pipigilan!" Pagkatulak ni Leo kay Rico, humabol agad siya ng sapak.

"Hoy, Leo!"

"Tama na, please!" Si Kyline na ang tumakbo kay Rico para umawat.

"'Tol, tama na!" Si Calvin ang sumalo kay Leo at kahit kitang-kita ang agwat ng taas nilang dalawa, nakuha pang dampa-dampahin ni Calvin ang likod nitong isa para pakalmahin.

Halos maglabasan na ang ugat sa leeg at sentido ni Leo habang masama ang tingin kay Rico. Kuyom na kuyom ang kamao niya at alam kong kating-kati rin siyang makaganti.

Lumayo na si Calvin at pilit pinatitingin si Leo sa kanya. "Aayusin natin 'to, naririnig mo?" Makailang beses niyang sinampal-sampal si Leo para lang magising sa galit.

"Papatayin ko ang Elton na 'yon," galit na galit na sinabi ni Leo kay Calvin. "Babalikan ko ang gagong 'yon at paluluhurin ko siya sa harapan ko."

"'Tol, hindi ka babalik doon nang mag-isa. Huwag kang gagawa ng ikapapahamak mo. Tara sa loob." Dinakma ni Calvin sa ulo si Leo at parang napakabigat ng kamay niya para ganoon lang kung payukuin niya si Leo habang inaakay papasok ulit sa apartment. "Clark, p're."

"O?" sagot ko nang magtagpo ang tingin naming dalawa ni Calvin.

"Alam mo na."

Tumango na lang ako para sabihing naintindihan ko ang gagawin. "Sige."



♥♥♥



Alas-otso ng umaga, wala pa akong matinong tulog, wala pa akong kain mula pa kahapon, ang tumatakbo lang sa utak ko ay maayos ang problema ngayon ng barkada.

Ayoko ng wala ako sa tamang huwisyo kasi hindi ko pipigilan ang galit ko kapag ganito ang estado ko.

Pumunta ako ng Red Lotus na ang gusto ko lang, magkasundo kami ngayon ng may-ari ng lugar na 'to.

"I heard something last night, Clark Mendoza."

Wala akong ibang pagbati kundi pagtayo lang sa harapan ng office table niya.

"Pinagtripan ang buong barkada ko kagabi ng mga tao mo," mahinahong balita ko sa kanya.

"Sabi nga ni Temari."

Marahan kong inilapag ang magkabilang palad ko sa kanto ng mesa at saka yumuko palapit sa kanya. Sinalubong ng tingin ko ang walang buhay niyang mga mata saka ako nagsalita.

"Tinanggap ko nang wala kang magagawa sa kaso ng barkada ko sa pagbenta niya ng laban, pero nagampanan ng barkada ko ang responsabilidad nila kay Elton. Kaya hindi ko makuha kung bakit kailangang gaguhin kami ng mga putang inang 'yon."

"Clark—"

"Magkasundo tayo ngayon, Chill Shin Yu," mariing babala ko sa kanya. "Ngayon lang ako makikiusap sa 'yo para sa buong barkada ko . . . at ang gusto ko . . . magdesisyon ka ngayon pa lang."

Mula sa walang buhay niyang mga mata, nagtaas na siya ng mukha at mas tumalim na ang mga tingin.

"Gagawan mo ng paraan si Elton at buong barkada niya o ako ang mangongompromiso sa inyo."

"Alam mong—"

"Wala akong pakialam sa kung ano lang ang puwede mong gawin tungkol sa kasunduan n'yo," putol ko agad sa kanya. "Mamimili ka lang ngayon: gagawan mo 'to ng paraan o tatapusin ko na 'to ngayon pa lang. Dahil kapag tumanggi kang tulungan ako, hindi lang si Elton ang magmamakaawa sa harapan ko."

"Huwag mo 'kong tatakutin, Clark Mendoza," babala rin niya.

"Hindi kita tinatakot, nirerespeto pa kita bilang amo niya," kontra ko. "Ilang tao lang 'to kapalit ng buong negosyo mo. Kung ayaw mong ako ang kumilos, mag-isip ka na ng paraan ngayon pa lang. Madali akong kausap."

Tinalikuran ko na siya nang walang hinihintay na sagot. Dahil ang sagot na kailangan ko, yung makikita ko, hindi yung lalabas lalabas lang sa bibig niya pero wala pala.

Napadaan ako sa karinderya na tambayan ng mga jeepney driver na pumapasada sa Baclaran nang mapahinto pagkakita ko sa balita para mamayang gabi.

Hindi malakas ang sound ng TV pero nagsalubong agad ang kilay ko nang makita kami ng barkada ko sa screen. Pagtingin ko sa headline, "Exclusive: Kidnapping sa Parañaque".

Putang ina.

Bungad na bungad ng umaga mo, pang-alas-diyes na ng gabi agad ang pagod.

Pagbalik na pagbalik ko sa Coastal, pumunta agad ako sa malapit na tindahan na may payphone at tinawagan ang office ni Dadi sa commission.

"Hello, Diana from the office of the commissioner, how may I help you?"

"This is Clark Mendoza, may I talk to my father if he's not busy right now?"

"Okay, sir, one moment."

Saglit na na-hold ang tawag at tumanaw ako sa kalsadang dinaraanan ng mga bus at mga jeep na umiikot sa Baclaran.

Ilang saglit pa, nag-beep na ang telepono.

"Clark?"

"Hi, Dadi," bati ko, at kahit ayokong maging seryoso, hindi ko na naitaas pa ang tuwa ko para batiin siya.

"What happened? May emergency ba, anak?"

Hirap na hirap akong lumunok kasi alam agad ni Dadi na hindi ako tatawag kapag may trabaho siya maliban na lang kung emergency situation na.

"'Di . . ."

"Hmm?"

"Nasa news kami nina Leo."

"Nasa news? Bakit?"

"Nangidnap daw kami."

"Nangidnap?!"

"Mahabang istorya, Dadi, pero hindi kasi 'yon ang nangyari. Iniligtas namin yung anak ni Adrian Chua doon sa club na maraming drug addict. Nakuha kami sa CCTV, kami ang nasa news ngayon bilang suspect."

"Diyos ko kang bata ka."

"If you really think na kaya naming mangidnap, Dadi, ipapaubaya ko na sa 'yo ang desisyon. Nasa Pembo kami, sa apartment ni Leo na pahiram ni Uncle Bobby. Nandoon kaming buong barkada. I'm telling you this kasi hindi ako okay ngayon at hindi ako makapag-decide rationally. Sobrang clouded ng utak ko para mag-isip ng magandang resolution sa problema namin. Please, 'Di, do me a favor. Busy si Mami ngayon, but if you think na mali kami ng barkada ko, do what you think is right for us."

Bumalik ako sa bahay na kumakalam ang tiyan pero walang ganang kumain. Ang laman ng bulsa ko, puro na barya kaka-jeep at tricycle. Ni hindi na kinaya pan-taxi man lang.

Walang katao-tao sa bahay. Parehong nasa trabaho ang parents ko. Sumaglit ako ng ligo kasi amoy na amoy ko pa rin ang night club sa damit at balat ko. Mabilis akong nagbihis ng berdeng hoodie at nagsuot ng itim na cotton mask. Kumuha rin ako ng shades kasi malamang na delikado nang lumabas para sa amin ng barkada.

Unang-una kong tinawagan si Will habang nasa bahay pa 'ko at may magagamit na telepono.

"Dude, nanood ka ng news?" tanong ko.

"Patay ang TV nina Abuela. Bakit?"

"Nakita tayo sa CCTV ng night club kami. Kinidnap daw natin si Ky."

"Kini—" Bigla siyang natigilan at nakarinig ako ng malalakas na kaluskos saka siya bumalik sa phone pero pabulong nang nagsalita. "Kinidnap natin? Pa'no? Sa news mo nakita?"

"Oo. Balik ka sa apartment. Mahirap kung diyan ka hahanapin kapag may naghanap sa 'yo. Baka atakihin si Lola Sally."

"Sige, sige. Papaalam lang ako."

"Mag-cover ka, ha. Baka harangin ka ng pulis kapag nakilala ka."

"Sige, kitakits."

Hindi ko alam ang ibang number ni Calvin kaya nag-chat na lang ako kasi alam kong nakabukas sa lahat ng phone niya ang FB niya.

"Kidnapper daw tayo sabi sa news. Balik sa apartment."

Si Rico, nagdalawang-isip pa akong tawagan kasi paniguradong maid ang sasagot ng tawag at dadaan ang balita kay Tita Tess.

Malalaman at malalaman 'to ni Tita, pero ayokong padaliin ang balita sa kanya.

Sa bandang huli, idinaan ko na lang din sa chat nang makitang active siya sa FB.

Clark
Early Bird?

Rico
Mum's looking for my freaking phone.

Clark
Nakita mo yung news?

Rico
Saw it earlier. Pinanonood nina Yaya Beth.
Good thing na malabo ang footage
and Mum's busy with her company reprograms.

Clark
Balik sa apartment. Isabay mo na si Pat

Rico
I'll pray for something good starting from this very moment.

Habang nasa biyahe pabalik sa Pembo, iniisa-isa ko na ang lahat ng posibilidad na puwedeng mangyari at gawin namin ng barkada kapag nahuli kami.

Kasi alam kong mahuhuli kami.

Oras na malaman ni Mami ang tungkol sa news, kahit anak niya 'ko, hindi siya magdadalawang-isip ipahuli ako sa mga pulis. At kilalang-kilala ko si Dadi, hindi siya magsisinungaling kay Mami para lang i-tolerate ako kung mali talaga ako.

Hindi judgmental ang mga magulang ko, pero hindi rin sila biased. At hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko bang ganoon sila.

Kung naniniwala ang mga magulang kong inosente ako at buong barkada ko, gagawa sila ng paraan para patunayang inosente nga kami. Ang problema ko ngayon, wala akong phone, hindi ako mababalitaan nina Dadi sa plano nila kung meron man.

Pagbalik ko sa apartment ni Leo, nagbukas agad ako ng TV para abangan ang balita. Dumeretso rin ako sa kusina at uminom ng tubig para magkalaman ang tiyan ko kahit paano dahil alas-singko na ng hapon, wala pa rin akong matinong kain mula pa kahapon. Kaninang umaga, wala pang dalawang kutsarang kanin at ulam ang nakain ko, hindi pa sapat para sa maghapong lakas na kailangan ko.

Natotorete ako. Pagbukas ng pinto, napadampot ako ng kutsilyong nakalatag sa mesa habang nakatingin sa sala. Hindi ko lang naitaas nang makitang si Will at si Pat pala 'yon.

Bakit nauna na si Pat? Akala ko ba, kasabay 'to ni Rico?

Si Ky ang sumalubong sa kanila. Ang nagsabay, sina Rico at Calvin e magkaiba ng daan 'tong dalawa.

"Dude."

Pare-pareho kaming balot na balot, halatang may ginawang masama.

"Nakita ko," sabi agad ni Rico pagtingin sa nakabukas na TV. "I'll try to think about how to settle these first. Alam n'yo namang mas magaling sa ganito si Leo."

Pagtingin namin kay Leo, nasa tapat lang siya ng bintana, nakatanaw roon sa labas at tahimik lang.

Mas madaling makaisip ng paraan si Leo sa mga ganito kasi para sa barkada, siya ang may pinaka-sound at rational na utak kapag usapang media na.

Malamang kasi madalas sa media si Coach Wally. Featuring lagi sa TV si Auntie Filly at maraming kilala sa iba't ibang network. Hindi kami mangangapa sa tamang tao na tatawagan kapag media na.

Tambay ulit kami sa sala. Wala akong ibang maisip na gagawin ngayon kundi maghintay. Si Patrick, pinatungan ng unan ang mga hita ko at doon na natulog. Malamang kasi pagod 'to.

Si Rico, laman na naman ng kusina. Malas niya, wala siyang prutas na mangangata ngayon. Kahit stressed siya, wala siyang magagawa. Magtubig na lang muna siya.

Sumusulyap ako kay Kyline, pero isa siguro 'to sa hindi ko kahit kailan maiintindihan sa kanya. Hindi ko alam kung sabog ba siya kagabi o baka ganoon lang talaga siya mula pa noon, pero hindi siya mukhang apektado.

Siguro hinahanap ko ang klase ng tingin ni Mother Shin sa mga mata niya—yung patay na mata.

Hindi ko gustong ma-depress siya sa nangyari, pero ako ang naiilang na parang . . . parang hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang nangyayari? Na parang walang nangyari kagabi?

Hindi ko maintindihan. Ano ba 'to si Kyline? Manhid ba 'to?

Tumutok na lang ako sa TV dahil baka dumaan na ang balita tungkol sa amin.

"Lipat ko lang ng channel, ha," sabi ni Will, at siya na ang naglipat kasi puro drama pa rin sa channel kung saan ko napanood ang balita.

"Ayun! Will, balik mo sa kanina!" utos ko nang makita ang balita tungkol sa amin sa kabilang channel.

Bumangon agad si Patrick mula sa kandungan ko. Lumapit agad si Rico sa amin.

". . . sampung pakete ng hinihinalang shabu at marijuana ang nasabat sa isang night club sa Parañaque. Timbog ang limang magbabarkadang nahuli sa aktong gumagamit pa nang pasukin sila ng mga awtoridad sa nasabing night club."

Nakaposas na sina Jon kasama si Elton nang hatakin ng mga pulis pasakay sa mobil.

Nahuli pala sila kagabi, hindi ko nakita kanina sa balita.

"Alam mo, tama lang sa kanya 'yan e, tang ina niya!" mura ko agad habang tinuturo ang TV. Ilang saglit pa, nakita ko agad na nakasunod kina Elton ang kabarkada ni Ky na walker sa FE—yung madalas tumangay sa kanya kapag may raket sila.

"Debby!" sigaw ni Kyline.

"Hindi naman po ako gumagamit, sir. Inosente po ako," paliwanag nitong Debby sa TV.

"Bakit nasa loob ka?" tanong ng reporter.

"Nagtatrabaho lang po ako, sir. Hindi ko naman po alam na may ganoon doon."

Ulol. Trabaho mo mukha mo.

Kaya pala nasa club si Kyline. Mukhang nademonyo na naman ng isang 'to.

Ganoon ba talaga kahirap makahanap ng matinong kaibigan? Ang daming puwedeng kaibiganin sa mundo, tapos pipili ka na lang, doon pa sa mga taong gulo lang ang ibibigay sa 'yo.

Mahirap bang intindihin na hindi valid na tawaging kaibigan ang kaibigang ipapahamak ka lang.

Baka nga hindi ko talaga maiintindihan si Kyline kasi may mga kaibigan akong okay naman kahit masakit sa ulo. Hindi ko alam kung gaano kahalaga sa kanya ang mga kaibigan para ipagsiksikan niya ang sarili niya roon sa masama ang impluwensiya sa kanya.

Gusto kong magtanong kung bakit, kasi ayokong manghusga. Ayokong i-degrade si Kyline dahil lang sa ginawa at nangyari sa kanya. Gusto kong intindihin pa rin kahit nakakabobo na.

"Pinaghahanap pa rin ngayon ang anim na kalalakihang kasabwat ng mga suspect at hinihinalang dumukot sa apo ng negosyanteng si Bien Chua at anak ng dating PNP senior inspector na si Belinda Brias."

"Paano nila nalamang si Kyline 'yon?" reklamo agad ni Will at itinuro ang TV. "Gago, ang labo ng footage!"

"May record nga raw sa log book ng lobby ng club," paliwanag ni Rico.

"Ky, full name talaga inilagay mo?" usisa ni Calvin, halatang hindi makapaniwala.

"Sobrang important ng records, for us," katwiran ni Ky sa aming lahat. "Standard operating procedure na 'yon ng kahit anong establishments. That's one of our jobs. It was easy for the management to trace the clients if something bad happens."

"And something bad happened," sagot agad ni Rico. "Hindi normal na club 'yon, Ky. That's why they had a hard time finding us because we gave them the wrong information, but you did."

"I had to give my complete information because I know what that place is, and it was easy for my parents to trace my whereabouts if I'd gone missing."

May biglang nag-snap sa utak ko at nasagot ang lahat ng tanong na kagabi pa bumabagabag sa akin.

Alam niya.

Alam niya ang pinapasok niya.

Napatango-tango na lang ako, sobrang dismayado.

"Now, you've gone missing . . . to them," pagdiriin ni Rico sa lagay namin ngayon.

"I was just there for thirty minutes lang dapat. If you didn't ask for my help, nakauwi na sana ako."

Yung pagkadismaya ko, biglang napigtal sa gitna.

"I was doing a favor for Debby . . . for just half an hour."

Shet.

Sa loob ng utak ko, biglang nag-flashback nang sobrang bilis ang lahat ng nangyari kagabi.

Walang waitress na nagtagal sa loob. Ang mga dancer lang ang naiiwan. Kahit yung mga kasabay ni Kyline na bunny girls, pagkatapos ng service, labas agad. Twice nagpalit ng batch ang mga bunny girl, ganoon lang kabilis. At naiwan si Kyline sa amin.

Putang ina, shet.

"You need to go home right now, Ky," pagsuko ni Rico, na malamang, na-realize din ang mali namin ng buong barkada kaya nadamay si Kyline dito sa gulo. "Maybe I'll start admitting to my parents na isa ako sa mga nasa news. I could work on it, siguro after ko na lang ang adjustments para hindi sila magulat."

Sumuko na si Rico. Malamang, alam na niyang may mali talaga kami.

"I can't go home right now. Hindi puwede," katwiran ni Kyline.

"Ky, hindi ka namin dinukot pero 'yon ang nasa news," kontra agad ni Calvin. "Wala pa kaming pangalan, pero possible na ma-trace kami. Kahit sa anong anggulo, guilty kami, kasi unang-una, alam namin kung ano'ng nangyayari sa club na 'yon, kilala namin ang mga handler na nandoon. Nakikipagpustahan kami sa mga tagaroon at may pera kami sa kanila. Mutually, may reason pa rin para hulihin kami aside pa sa sinasabi nilang pag-kidnap sa 'yo."

"Guys, I can't go home right now," pagpilit ni Kyline na hindi niya pag-uwi. "Mom will ask about my bruises. And since nalaman na may record ako sa club na 'yon, probably they will ask everyone inside that place about what happened. Knowing Mom, ipapa-medical agad ako n'on, and possible na mag-positive ako sa mga dapat negative. I had all the signs right now na nanlaban ako and I was forced to do sexual activity without my consent. And Elton wasn't guilty for doing it but Leo was."

"Pero tinutukan nga kasi kayo ng baril—" Magtataas pa lang ako ng boses pero tinakpan agad ni Patrick ang mukha ko ng throw pillow na hinigaan niya.

'Tang ina naman nito ni Pat, nagpapaliwanag pa 'ko e!

"Ky, I get where you're coming from. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin mo sa parents mo, but this is out of our control. Wala kaming ginagawang masama sa 'yo," paliwanag ni Rico.

"I can call them. Tatawagan ko si Mommy, mag-e-explain ako. Pero hindi ako uuwi hangga't visible pa lahat ng physical trauma sa katawan ko because Mom would definitely hunt all of you."

"Shit."

"Kasalanan talaga 'to ni Elton e." Sa sobrang inis, pinagsisipa ko ang sofa na gilid ko para maglabas ng sama ng loob. "Ang tagal-tagal na kasing sinisingil, ayaw magbayad! Kulang pang makulong 'yon e!"

"I'm trying to be rational right now," depensa ni Kyline. "We are trained to be calm sa mga ganitong situation. Hindi pa ako okay, but please don't bombard me with all the request and all kasi hindi ko pa kayang i-digest lahat nang sabay-sabay."

Hindi lang naman siya ang stressed na rito sa nangyayari. Kidnapper na kami sa balita, pero sa ganitong sitwasyon, mukhang kailangan ko na namang sumugal.

Kapag nahuli na kami—na sigurado na akong mangyayari nga dahil nabanggit na ni Kyline ang mama niya—wala na akong magagawa kundi maging honest sa mga isasagot ko.

Kapag hindi 'to pinalampas ni Belinda Brias, hindi ako papayag na hindi madadamay ang anak niya.

Ayoko sanang gamitin si Kyline para isalba ang barkada ko, pero sigurado akong hindi papayag ang mga Brias na sirain ng isa sa kanila ang pangalan nila.

Ilalapag ko na ang lahat ng baraha ko ngayon.

Iaahon nila kami ng barkada ko sa isyung 'to o isasama ko silang lahat sa paglubog namin.

Dapat ngayon pa lang, makaisip na ako ng paraan kung paano sila makikipag-cooperate nang hindi ko pinipilit.

Kailangan ko si Tita Tess. Sana ma-trace kami ni Tita Tess.

♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top