Chapter 22: Falling

This chapter is dedicated to caramelattaeee na grabe, sobrang solid reader ng Alabang Boys Series at isa sa mga dahilan kaya super sipag kong mag-update kasi inaabangan ko ang comments hahahaha Enjoy reading!

♥♥♥


"Ngiting-ngiti amputa."

"Ka-text na naman niyan si Kyline. Lahat na lang, puro kalandian!"

Ang sama agad ng tingin ko kay Leo nang mabanggit na naman niya si Ky. "Pakialam mo naman kung ka-text ko Kyline, ha? Inggit ka na naman!"

"'Tang ina mo, napakalandi, basted ka naman lagi diyan! Hindi ka gusto n'on, gago!" Binato niya ako ng throw pillow na sinalo ko agad.

"Ako naman ang binabasted, hindi naman ikaw! Palibhasa hindi mo maligawan e, yaaak! Torpe, eww! Leopold torpe, kadiriii!"

Pinagdadampot niya lahat ng throw pillow na nasa folding mattress at pinagbabato sa 'kin.

"Lumapit ka lang dito, black eye ka sa 'king animal ka."

"Eto piso, bili ka kausap mo, torpe."

Kanina pa kasi ako scroll nang scroll, naghahanap ako ng magandang iregalo para kay Mother Shin. Kaso itong Calvin, pati pagngiti ko, pinansin pa. Tapos itong Leopold Scott na 'tong makita lang akong nakangiti, Kyline na naman ang bukambibig. 'Inanto, seloso amputa.

Nakaka-text ko si Kyline pero hindi na masyado ngayon. Summer naman kasi, saka baka nasa China 'yon ngayon kasama ang daddy niya. Last March pa lang, nagsabi na siyang out of town sila buong summer, inaya ko pa namang mag-beach kasama ng barkada. Sayang talaga.

Wala akong pasok ngayon sa summer class kasi PE sana namin, kaso tapos na ako roon at nauna na sa dagat ang prof ko kaya tambay all the way ako hanggang next week para sa final test ko sa Linear Algebra. Alas-diyes pa lang ng umaga, si Will ang hinihintay naming makauwi galing school kasi hanggang Friday pa ang pasok niya at exam na rin next week.

Lumabas na lang ako ng boarding house ni Leo at naupo sa sementong tapakan sa harap ng pinto habang tumitingin ng puwedeng iregalo. Nag-angat lang ako ng mukha nang makita ko si Rico na may bitbit na plastic bag. Tamad mode kaming lahat ngayon kaya siya ang runner namin ng pagkain. Wala na siya pagdating ko rito, inutusan yata ni Leo bumili ng laman-tiyan namin ngayon. May nguya-nguya pa siyang sour belts kaya malayo pa lang, nakaabang na ang kamay ko para makidukot.

"Saan kayo kagabi?" tanong ko paglapit niya.

Saka lang siya sumagot nang makalapit sa akin. "Casino."

"Itinuloy n'yo talaga?" tanong ko pa habang dumudukot sa clear pack na puno ng sour belts.

"I'll ask you sana kung puwede kang mag-assist. Di ba, marunong kang mag-tong-its?"

Gusot na gusot ang mukha ko habang ngumunguya at nakasabit pa sa labas ng bibig ang halos kalahati ng sour belt.

"We'll try our luck sa casino. Parang mas madaling manalo roon compared sa Coastal. I want to exhaust all of our resources if possible."

"Nakakaadik 'yan, dude," paalala ko agad. "Ayokong mag-predict pero may studies tungkol diyan."

"Hindi tayo tatambay. All we need is to double our loots."

"Risky 'to, Rico, pramis."

"And I want to take that risk because it's achievable and we can do this. That's more legal than placing our money sa illegal racing, di ba?"

Kung may isang bagay man akong hindi gusto kay Rico, 'yon na malamang ang tapang niya sa mga high-risk deal na gaya nito. Hindi ko alam kung correlated ba 'to sa genes nila ni Tita Tess o dahil sa ganoong paraan siya pinalaki ni Tita, pero ang takot na dapat nararamdaman niya, parang napupunta sa akin kahit nakikinig lang ako.

Ayokong mag-agree sa plano niya, pero ayoko rin kasing iwan sila sa ere. Kapag nag-no ako rito, tatangayin niya sina Leo sa trip niya. After all, mas malaki ang tiwala sa kanya ng buong barkada kaysa sa 'kin pagdating sa ganitong decision-making moments. Wala lang siguro akong sapat na tapang na meron siya para tumaya nang malaki—kahit pa ibig sabihin n'on, malaki rin ang mawawala sa kanya.

Pero Dardenne kasi si Rico, at anak siya ni Tita Tess. Kapag ginusto niya, makukuha niya. At kapag hindi niya nakuha, dodoblehin niya ang ilalapag niyang kapalit, makuha lang 'yon. Lumaki kaming dalawa na nakatatak na 'yon sa utak ko.

Noong sinabi niyang nakatira sa ibang dimensiyon si Patrick at hindi namin maiintindihan 'yon—ako, naintindihan ko ang punto niya. Kasi sa aming magbabarkada, higit kaninuman, siya ang mas nakakaintindi sa dahilan ni Patrick kung bakit parang kendi lang kung ipusta nitong isa ang Lamborghini niya.

Anak ng car dealer. Anak ng bilyonaryo. Dating F1 racer. Chairman ng car company ang tatay. Kumbaga, yung Lambo mismo, common sight na para kay Patrick. Hindi 'yon ginto sa paningin niya gaya ng kung paano namin tingnan ang kotseng kahit yata magtreynta anyos ako, hindi ko mabibili nang installment.

At alam kong nauna na 'yong maintindihan ni Rico bago kaming lahat. Sa buong barkada, siya lang ang kayang umunawa kay Patrick kasi halos magkapantay sila ng estado ng buhay. Magkapitbahay nga lang sila sa subdivision na ultimo mga maid, may kapasidad makapag-Australia.

Sa isip-isip ko, kahit si Rico, kayang ipusta ang Lamborghini kung siya ang nasa katayuan ni Patrick noong mga panahong 'yon ng unang karera nitong isa. Pero kung meron man si Rico na wala si Patrick, malamang na 'yon ang negotiating skills niya. Kayang ipusta ni Rico ang Lambo, kung tutuusin. Pero siya rin ang tipo ng tao na kapag ipinusta niya ang ganoong kotse, gusto niyang susunod ka sa sampung kondisyong ilalatag niya, at may sanction kada paglabag sa bawat kondisyon, hanggang sa makita mo na lang ang sarili mong wala na ngang Lamborghini, para ka pang nadukutan.

Parehas lang kaming magaling mambudol—ikaw ba naman ang lumaki sa poder ni Tessa El-Sokkary kung hindi ka ba naman tubuan ng sanga-sangang sungay. Ang kaibahan ko lang siguro kay Rico, wala akong budget para makipag-deal kaya hindi ako matapang. Siya, mayaman na mayabang pa. Ako, pogi lang ako. Mukha ko lang puhunan ko.

May sarili akong plano pero sinuportahan ko na lang din ang trip nito nina Rico.

Casino raw sila. Poker. Si Patrick, isang balasa pa lang, kabisado na agad ang cards.

Kung tutuusin, madali lang naman e. Game of strategy kasi saka suwertihan. Pero sa kaso ni Patrick, kung kaya niyang makabisado ang isang deck nang isang balasa lang, hindi ko masasabing suwerte ang calculated strategy.

Gaya nga ng sabi ko sa barkada, kung probability lang ang paglalabanan, mas okay sila sa casino. Mas may edge si Patrick pagdating sa calculation.

"Dalawang card lang ang hahawakan n'yo," paalala ko kina Rico at Leo. "Maglalapag nang maglalapag ang dealer hanggang makaabot ng five cards sa table. Dalawa ang maiiwan sa inyo. Ang goal ay makakuha ng highest hand."

Inisa-isa namin ni Patrick ang combination kina Rico at Leo from lowest to highest. Mabilis naman ang pickup nilang dalawa kaya kumpiyansa akong madali nilang mama-master ang laro.

"'Yon na 'yon?" tanong pa ni Leo.

"'Yabang mo, talaga, hayup ka." Binato ko agad siya ng throw pillow sa mukha, at bago pa niya ako magantihan, sinapok ko ulit siya ng panibagong unan sa mukha.

"Kanina ka pa, ha!"

"Hahaha! KJ mo, gago." Nagtago agad ako sa likod ni Patrick at hinintay silang lahat na mag-react. Naka-focus pa rin kasi si Rico sa mga card, parang kinakabisado pa ulit ang katuturo lang namin.

"All right," biglang sabi niya. "I want to do it properly." Dumampot siya ng scratch paper sa sahig at sign pen katabi ng notebooks ni Leo na pinagsulatan namin. "I want to win this game, but I don't want to win consecutively. That's shady as hell."

"Same tactic pa rin?" tanong ni Leo. "Win-lose-win-lose?"

"Should be," sagot ni Rico. "But we need to make it more natural." Pumaling agad siya sa 'kin. "You can check for the other player's cards, right?"

"Dude, that's cheating," mabilis na kontra ni Patrick.

Dumepensa agad si Rico. "Dude, we have to cheat. If we don't do this, I won't risk our money sa casino. That's obviously a bankrupt. We'll lose everything."

Pumalakpak ako nang isa at itinuro si Rico. "Mismo."

"But that's illegal," kontra na naman ni Pat.

"And risking your Lamborghini is not? Yeah, right, Patrick. Tell me more about how illegal cheating is, and I'm gonna listen to you for the next few hours."

Nagiging sarcastic na si Rico kaya natawa na lang ako nang mahina.

Nauubusan na kami ng oras. Naiintindihan ko ang pagiging bossy niya ngayon. Wala pang dalawang milyon ang pera namin. Anim na milyon ang iniipon, at pitong milyon ang kailangan namin para sana makabili ng bagong Lambo kung kinakailangan.

Pinu-push na kami sa dead end. Wala na kaming magandang choice.

"Magpa-practice muna kami ni Leo today. Pat's gonna guide us," sabi ni Rico sa plano ng barkada pagkatapos ng lunch. "Calvin."

"Yep?"

"Update us sa status sa Coastal. Hindi muna kami tataya para sa karera, but we have to know kung possible bang ilabas ni Jackson ang Lambo this week or by next week."

"Syor. Ako bahala."

"Will?"

"Nasa school pa," sagot ko.

"Oh, sorry. Akala ko, nandito na. Anyway, bantayan muna niya ang cash natin. None of us can carry that amount right now. Si Will lang ang puwede nating paghawakin ng budget until we got the car in any possible schedule of bidding."

Tumango naman kaming lahat kay Rico.

"Clark."

"Yep?"

"Leo and I will study the game play first saka ang environment ng casino."

"Gusto mo bang pumunta muna 'ko?"

"Nope. Baka makilala ka ng mga guard. We need a scheme, alam kong magaling ka rito. Make a routine for us, ipapa-layout ko kay Leo ang buong casino. Tomorrow night, we'll start to play."

"No problemo, señor."


♥♥♥


Wala kaming gig ngayong gabi . . . kasi nga, instruction ni Rico. Sa akin, ayos lang. At least, hindi sila magsusugal—ngayon. Bukas, matic na ang pakay namin.

Wala akong maisip na ipasalubong kay Mother Shin kundi isang heart-shaped Ferrero Rocher saka binilhan ko rin siya ng cute na teddy bear keychain. Nakita ko lang na binebenta sa bangketa, sampung piso lang kasi kaya binili ko na rin. Ang mahal ng Ferrero, nagsakripisyo ako ng pocket money pam-beach sana para lang makabili nito kaya susulitin ko na.

Wala akong fresh flowers ngayon at nagtitipid ako kaya ginawan ko na lang siya ng red tulips origami gamit ang colored papers na inarbor ko kay Leopold kasi hindi naman na raw niya gagamitin. Bumili kasi ng isang set ng kulay, black lang pala ang gagamitin. Lotus sana ang gagawin ko kaso hindi ko alam kung paano mag-fold ng gan'on.

Bumalik ako sa Red Lotus at sinalubong ulit ako ng bouncer na nagsundo rin sa akin kahapon. Pero hindi ako dinala sa torture chamber o doon sa kuwarto kung saan kami nanood kahapon. Kumaliwa kami sa hallway na wooden ang flooring tapos pumasok kami sa medyo madilim na part ng hall na pinagigitnaan ang tatlong pinto. Lumusot kami palabas at kumanan naman. Sa veranda na 'yon, tanaw ang malawak na Manila Bay at puro tubig na ang makikita. Sa ikaapat na pinto, doon ako pinapasok ng bouncer.

Pagkakitang-pagkakita ko pa lang kay Mother Shin, ang lapad na agad ng ngiti ko.

Hindi na niya ako minamata ngayon, medyo naka-smile na ang mga mata niya, pero hindi pa rin masasabing smile na smile talaga.

"Na-miss mo 'ko?" bungad ko. Wala siyang isinagot, nag-isang kurap lang.

Inilibot ko ang tingin sa bagong kuwarto kung nasaan kami. Puro light blue saka puti lang ang karamihan ng kulay sa loob. Medyo malawak din saka may parang puting kulambo na cover sa canopy bed. May family portrait sa kanang dulo. Naroon si Mother Shin, naka-red dress na Mandarin collar pa rin. Katabi niya ang lalaking kamukha niya pero mas singkit at mas matanda nang kaunti. Tapos parang parents niya yata ang nasa likuran.

Ang dami ring mga gamit, karamihan puro vases na bulaklakin, mga gintong barya, may Buddha, insenso, mga ceramic bowl. May mini library din sa dingding katabi ng pintuan, at mukhang ito na ang kuwarto niya. Pero kumpara sa dilim ng mga naunang kuwarto kung saan ako dinala, di-hamak na mas maaliwalas dito—literal na maliwanag pa kasi halos tumapat sa pababa nang araw ang bukas na pinto ng balcony.

"Ang ganda naman dito," sabi ko, at ngumiti ulit sa kanya.

Ayoko naman talagang ngumiti, kasi baka isipin niya, hindi ako matinong kausap ngayon. Hindi ko lang talaga maiwasan. Kapag nakikita ko kasi siya, napapangiti ako.

"May pasalubong pala ako sa 'yo." Inilabas ko agad sa backpack ko ang chocolate, keychain, at paper flowers para sa kanya.

Nakaupo na naman siya sa tabi ng mesang mas mukhang patungan lang ng tsaa kaysa hapag-kainan. Ang liit lang kasi.

"Hindi ko alam kung anong magandang ipasalubong sa 'yo. May restaurant kasi kayo kaya parang hindi sulit kung pagkain sa labas ang bibilhin ko."

Naupo ako sa gilid ng kama paharap sa kanya. Sa lahat ng inilapag ko, yung bulaklak lang ang dinampot niya at hinawakan sa tangkay.

"Wala akong pa-rose ngayon kasi ang mahal ng chocolates. Pero ako gumawa niyan," pagturo ko sa hawak niya.

Tiningnan niya 'yon bago ibinalik ang tingin sa 'kin.

"Akala ko, naniwala ka nang multo ako."

Lalo pang lumapad ang ngiti ko at sumilip sa suot kong relo. "Oo nga, e. Alas-tres y medya na. Nag-meeting kasi kami kanina ng barkada ko kaya baka bukas, hindi ako makapunta rito."

"Pupunta ka ba dapat?" nagdududang tanong niya.

"Sana," sagot ko. "Kaso pupunta kasi kaming casino. Bale, backup nila kaming dalawa ng barkada kong isa. Kailangan kasi namin ng six million para sa Lambo ni Patrick hanggang next."

"Hindi kayo makakaipon ng six million sa casino. At higit na sa susunod na linggo."

"Alam ko naman, pero susubukan din namin," depensa ko. "Sinusubukan na namin lahat ng paraan ngayon. Though, alam ko namang meron pang ibang paraan, pero ayokong makaabala."

"Gusto mong kunin ko kay Jackson ang kotse ng kabarkada mo?"

Nagbuka ako ng bibig.

May sasabihin dapat ako pero . . . biglang nawala.

Nakatitig lang ako sa seryosong mukha ni Mother Shin, inaalam kung tama ba ang narinig ko.

"Kaya mong kunin kay Jackson ang kotse?" tanong ko pa . . . na gaya nga ng nasabi na ni Calvin.

Tumango naman siya nang sobrang casual—'yong para bang makikipitas lang siya ng malunggay sa kapitbahay.

Nagtatalo ang id at superego ko kung papatusin ko ba ang suggestion niya—pero kahit yata id ko, hindi kayang makipagsabayan ngayon ng sama ng ugali.

Mabilis akong umiling habang napapangiti nang kusa. "Okay na 'ko sa pakay ko, Mother Shin. Isang laban lang kay Jackson, 'yon lang."

"Ngayon ko lang ibibigay ang alok ko, Clark Mendoza."

Wow, buong-buo.

"Hindi ko uulitin ang minsang inalok ko na," dugtong niya.

Tumipid ang ngiti ko at napahugot ako ng hininga. "Gusto kong mag-thank you sa offer, legit." Sinapo ko ang dibdib ko at marahang tumango. "Magiging honest ako sa 'yo, Mother Shin. Nandito ako kasi sinabi ni Calvin na kaya mong bawiin kay Jackson ang kotse ni Patrick. Pinanghawakan ko ang hope na 'yon kasi 'yon lang talaga ang habol naming magbabarkada."

Inabangan kong maiinis siya sa pag-amin ko, pero parang inaasahan pa nga niya. Wala man lang siyang reaksiyon sa sinabi ko.

"Gusto kong mabawi ang kotse ni Patrick as soon as possible, pero ayokong humiling sa 'yo ng higit pa. Kasi hindi ko alam kung kaya kong lunukin ang ganoon kalaking pabor mula sa 'yo o sa kahit kaninong tao."

"Pagkakataon ang ibinibigay ko," panatag niyang sagot sa sinabi ko. "At hindi ako basta-basta nagbibigay ng ganitong pagkakataon sa lahat."

Ang lalim ng paghinga ko, at naghahanap ako ng bahagi sa akin na magsasabing i-grab ko na ang chance . . . pero wala. Buong sistema ko na ang tumatanggi.

"Gusto kong magpasalamat sa pagkakataon . . . seryoso," sagot ko, deretso ang tingin sa mga mata niya. "Gusto ko ang offer mo, pramis. Gustong-gusto ko . . ." At dahan-dahan naman akong umiling. "Pero hindi ko kasi kayang tumanggap ng ganoon kalaking pabor. Huminto na ang tuwa ko sa hope na makausap ka para matulungan kami. Nandito ako kasi gusto kitang makausap. Nandito ako ngayon kasi nabigyan mo 'ko ng chance . . . at okay na 'ko sa chance na 'yon."

Siguro nga . . . ito ang kaibahan namin ni Rico. Hahamakin niya ang lahat, masunod lang siya. Kasi ako? Hindi ko kaya 'yon. Hindi ko kayang kunin lahat ng chance na ino-offer sa 'kin kahit gaano ka-tempting kasi . . . feeling ko . . . hindi ko deserve.

"Sorry, Mother Shin, pero tatanggihan kita sa pagkakataong 'to," sinserong sabi ko. "Kung may ibibigay ka man, gusto kong paghirapan 'yon. Hindi ako nandito para abusuhin ka."

Kung nandito lang ang barkada ko, malamang na pinalayas na ako ni Rico sa harap ni Mother Shin at siya na ang nakipag-negotiate sa offer. Kahit anong pilit ko sa sarili ko, hindi ko kayang tumanggap ng gan'on kalaking bagay.

Tumanggi ako, at sigurado nang hindi na ulit ako aalukin nang ganoon ni Mother Shin lalo pa't sa susunod na linggo na ang deadline naming barkada.

Pero hindi ako nagsisisi. Wala ni katiting sa sistema ko ang nagsabing, "Sana kinuha mo na lang para tapos na lahat!" Kasi madaling sabihin. Pero yung utang na loob? Yung bigat na meron ang favor na 'yon na dadalhin ko nang matagal na panahon?

Hindi talaga ako puwede sa sugalan. Umpisa pa lang, talo na agad ako.

Walang TV sa kuwarto ni Mother Shin. Ang dami ko pa namang dinalang CD. Nasa sahig lang tuloy kami at naglalaro ng sungka.

"Next week, tapos na ang summer class ko," kuwento ko sa kanya. "Ikaw, nag-aaral ka pa?"

"Graduate na 'ko."

Napasinghap agad ako at di-makapaniwalang tiningnan siya. "Wow . . . anong degree?"

"Diplomacy and International Relations."

"Wow . . ." Ano 'yon? "Diplomat, gan'on?"

Matipid siyang tumango.

"Angas." Natitigan ko lang siya habang dina-digest ang katotohanang my bachelor's degree na siya kahit magka-age lang kami. "Sa bagay. Kung hindi ako nag-caregiving saka nag-nursing, graduate na sana ako ngayong summer. Two years sa caregiving, one year sa nursing, one year sa comsci. Four years din. Pero no regrets."

"Mahirap ang medicine?"

"Madali ang medicine kasi magaling na teacher ang daddy ko. Kumbaga, elementary pa lang, exposed na ako sa field, so parang refresher na lang lahat sa college. Ang mahirap, itong course ko ngayon kasi nakakaputang-ina ang programming. Hindi kasi talaga ako mahilig sa computer, pero kung susundan naman ang codes saka familiar ka sa mga language, madali na lang siya. Nag-advanced reading ako ng subjects hanggang third year, pero looking forward pa rin ako sa application."

Hindi naman nakaka-boring ang sungka. Ang sarap pakinggan ng tunog ng shells na ibinabagsak namin sa bawat gap.

"Alam mo, dito ako sa Manila until mag-ten years old ako. Then galing akong probinsiya from first year high school hanggang third year," kuwento ko. "Ganito ang nilalaro namin minsan ni Matthias sa kanila. Ang dami nilang sigay sa bahay na magaganda."

Sinulyapan ko siya. Nakikinig naman pero hindi talaga siya palasalita.

"Buti mabait ka na sa 'kin, 'no?" biro ko. Sumulyap siya sa 'kin pero ibinalik din ang tingin sa nilalaro naming dalawa. "Muntik mo na 'kong mapatay last Sunday. Pero okay lang, no hard feelings."

"Sanay ka sigurong sinasaktan sa inyo."

"Ay, grabe naman!" Natawa ako nang mahina sa sinabi niya. "Hindi a. Ang bait ng Mami ko. Never akong pinalo n'on. Never din akong sinigawan. Si Dadi, tinatawanan lang ako. Sabi kasi ni Mami, hindi naman kailangan laging daanin ang lahat sa galit at dahas."

"Pero nakatagal ka."

"Sa 'yo?" natatawang tanong ko saka ibinalik ang atensiyon sa sungka. "Aaminin ko, galing akong giyera. Pero hindi ako sundalo. Isinama lang ako sa kampo. Doon, tinuruan ako na kapag may kalaban sa paligid, dapat alam ko kung paano dedepensa at aatake. Kasi hindi oras-oras, may titingin sa akin para bantayan ako. Medic doon si Dadi, pero kahit siya, sharpshooter din." Saglit ko siyang nginitian at naabutan kong nakatitig na pala siya sa 'kin. "Bakit?"

"Kung sakaling makuha mo na ang laban n'yo kay Jackson, ano pa'ng pakay mo rito sa 'kin?"

Natitigan ko pa siya nang mas matagal para magtanong. "Pakay ko rito?"

"'Yon lang ang pakay mo, di ba?"

"Oo nga."

"Bukas, hindi ka makakapunta."

"Oo, kasi busy kami."

"Ano pa'ng magiging dahilan mo kung wala ka nang pakay rito?"

Napapikit-pikit ako at para akong isinalang sa hot seat nang wala sa oras.

Pakay ko? Dito sa kanya?

"Bakit?" tanong ko na lang.

"Ako ang nagtatanong, huwag mong ibalik ng isa pang tanong."

"Hindi . . . ano, wait." Nakagat ko ang labi at napatigil ako sa paglalagay ng sigay sa sungka. "Pakay ko rito? Ikaw?" di-siguradong tanong ko.

"Ako," sagot niya, hindi patanong. "Bakit ako?"

"Kasi gusto kitang makita?"

"At bakit?"

Kusa nang lumapad ang ngisi ko, at hindi ko alam kung paano sasabihin 'yon.

Gusto ko siyang makita. Tapos . . . 'yon lang. Wala lang, gusto ko lang siyang makasama. Mali ba 'yon?

"Dadalawin lang sana kita," mahinang sabi ko, naiilang pang nakatingin sa kanya. "Hindi na ba puwede?"

"Bakit nga?"

"Gusto kasi kitang makita."

"Dahil?"

Nakagat ko ang labi at hirap na hirap na nag-isip ng isasagot.

"Dahil . . ." Ang bigat ng paglunok ko bago nagsalita. ". . . gusto kitang makita?" At napabuga na lang ako ng hininga. "Hindi ko alam ang reason. Siguro nami-miss lang kita, gan'on? Saka friendly ka naman . . . ngayon."

"Tungkol ba 'to sa nangyari kagabi?"

Biglang nanlaki ang mga mata ko nang i-bring up niya ang halikan namin kagabi. Para akong binugahan ng mainit na usok sa mukha habang pinandidilatan siya. "Huy, hindi! Grabe, hindi naman." Napatakip tuloy ako ng noo para itago ang mukha ko sa kanya. "Maglalaro na lang ako rito."

Nagmamadali tuloy akong ihulog ang sigay isa-isa sa gaps ng wooden board.

No'ng hinalikan ko siya . . . gusto ko lang talagang magpaka-cool n'on. Wala, feeling ko, maangas lang para kunwari macho. Kaso taragis kasi, kapag inaalala ko, habang tumatagal, naging kahihiyan na siya.

Pero gusto ko talagang makita si Mother Shin. Huwag na lang niyang i-bring up 'yong halikan namin kasi nakakahiya talaga ang ginawa ko samantalang tatatlong beses pa nga lang kaming nagkikita mula noong Sabado at hindi pa kasama ngayon.

"First kiss mo ba 'yon?"

Nag-angat agad ako ng mukha saka mabilis na umiling. "Uy, hindi a!"

"O, bakit ganyan ang reaksiyon mo?"

"E kasi bagong kilala pa lang tayo tapos nanghalik na agad ako, e siyempre . . . ayun." Hindi ko na alam ang sasabihin ko.

Dismayado ang mukha ko nang yumuko na naman. Pagsulyap ko sa kanya, unang beses ko pang makitang nakangiti siya—at hindi yung ngiting sincere kundi nang-iinis pa nga.

"Huwag mo 'kong pagtawanan," sabi ko pa. "May isa pa 'kong crush pero hindi ko naman kasi siya hinahalikan o kaya hinahawakan na sobrang sensual."

"Wala naman akong interes sa crush mo," nang-iinis sagot niya.

"Sinasabi ko lang. Baka kasi isipin mo, crush kita."

"Pero hindi mo 'ko crush . . . at hinalikan mo 'ko."

"Oo nga, pero hindi naman kasi ano . . ."

Bakit ba niya tinatanong 'to? Nagsusungka lang naman kami!

"Alam mo, Mother Shin, kung na-offend ka kasi hinalikan kita, sorry na agad. Hindi talaga 'yon ang pakay ko, pramis. Ano lang . . . nadala lang ako ng emosyon. Ang ganda mo kasi talaga."

"And you're being defensive."

"Gusto ko lang i-defend ang sarili ko kasi baka mali ang ginawa ko—o baka nga mali talaga ang ginawa ko kasi hindi naman ako nagpaalam na hahalikan kita. Dapat nanghingi na lang muna ako ng permiso kaysa hinintay kitang sampalin ulit ako."

Imbes na sumagot, mahina lang siyang tumawa. Unang beses ko na nga lang makikita ang smile at tawa niya, sa ganitong dahilan pa. Nakakapika naman 'tong babaeng 'to.

"You survived my attempt to kill you, and now you're defending yourself for kissing me without permission," nang-iinis na sabi niya. "You know . . . nakalatag na sa 'yo ang lahat ng chance, and you're open to grab them, pero hindi mo kinukuha."

"Pinaghihirapan kasi dapat 'yon."

"And I almost killed you, but here you are. This is the queen's nest. Hindi lahat, welcome dito. You think you don't deserve things na kayang i-offer ng Red Lotus para sa 'yo?"

At nakipagtagisan na naman ako ng titig sa kanya. Iba na ang tingin niya ngayon, naghahamon na. Mas matapang, mas may emosyon.

"Kung may isang bagay man akong deserve na ibigay ng lugar na 'to para sa 'kin, malamang na yung chance 'yon na makabalik ulit dito," sagot ko. "Ayokong humiling ng higit pa. Siguro pagkain, basta libre, okay lang. Pero busog pa 'ko ngayon."

"Ilang tao ang nagkakainteres sa 'yo ngayon?"

"Tao? Nagkakainteres?"

Tinutukoy ba niya kung ilan ang may crush sa 'kin? Wala namang umaamin.

"Parang wala," sabi ko. "Wala namang nagsasabi."

"Duda ako."

"Wala nga," kontra ko agad. "Kahit mga classmate ko, walang sinasabi."

"Yung hindi mo kaklase."

"Yung mga taga-Coastal?" tanong ko pa. "Walang may crush sa 'kin doon."

"Ilan ang gustong makuha ka?"

"Makuha ako?" tanong ko na naman. "Wala ngang may crush sa 'kin, may kukuha pa? Mother Shin, pramis, wala talaga."

"Kailan ka titigil tawagin akong Mother Shin?"

"E?" Napasimangot agad ako. "Pero ikaw si Mother Shin. Ano itatawag ko sa 'yo?"

"Tawagin mo 'ko sa pangalan ko."

"Na Shin lang?" Napaatras ako habang napapangiwi. "Ayoko, hindi ako sanay. Parang wala akong respeto n'on."

"Kung tatawagin mo 'kong Shin, mawawala na ang respeto mo sa 'kin?"

"Hindi naman," sagot ko agad. "Ano lang, gusto ko lang i-keep ang respect ko sa 'yo kasi gusto pa rin kitang makita doon sa estado kung saan kita unang nakita. Saka ayokong tawagin kang Shin lang. Parang walang special sa name. Siyempre, gusto ko, special ka pa rin." At saka ako ngumiti para depensahan ang sagot ko.

Naghihintay ako ng panibagong pang-aasar mula sa kanya, pero imbes na magsalita, inurong lang niya ang sungka palayo sa amin. Aatras sana ako pero nakasandal nga pala ako sa gilid ng kama kaya hindi na ako nakakilos nang gumapang siya palapit sa akin.

Lalo lang nanlaki ang mga mata ko nang ipuwesto niya ang sarili sa kandungan ko at saka ako hinamon ng tingin.

"Pupunta kayo sa casino bukas," sabi niya, at lalo pa akong nanigas nang ipasada niya ang kanang hinlalaki niya sa labi ko. "Marami kang kasama?"

"O-Oo, anim kami . . ."

Nakababa lang ang tingin niya sa mga labi ko at hindi ko na alam kung saan pa titingin maliban sa mga mata niyang nakatuon lang sa iisang lugar.

"Saan yung casino?"

"Sa . . . sa seaside? Yung sa tabi ng abandoned mart daw."

"Seaside, hmm . . ." Napalunok ako nang lawayan niya ang ibabang labi niya na parang may masarap na pagkain siyang nakikita ngayon.

Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko, para akong aatakihin sa puso.

"Ano'ng oras kayo pupunta?"

Napatingin ako sa kanang gilid kasi hindi ko pa napaplano. "Hindi ko alam," sagot ko, na sobrang hina pa kasi ang lapit niya para magsalita pa ako nang sobrang lakas.

"Gabi kayo pupunta?"

Marahan akong tumango.

Inilapit niya ang mukha niya sa 'kin kaya bahagya akong lumayo. Nagtatama na ang dulo ng mga ilong namin nang salubungin niya ang tingin kong nagtatanong kung ano'ng gagawin niya—kahit pa obvious naman kung ano.

Pero imbes na pigilan, hinayaan ko na lang siyang ituloy ang gusto niya.

Bahagya akong pumikit at kusa nang humawak ang mga kamay ko sa makitid niyang baywang.

Magaan lang ang lapat ng labi niya, hindi kasingpusok gaya kagabi.

"Sasabihin ko sa mga guard ng casino na huwag kayong masyadong bantayan," bulong niya sa tapat ng labi ko na ikinaurong ko na naman palayo.

"Inyo ba 'yon?" tanong ko agad, hinahanap ang sagot sa mga mata niya.

"Hindi matatakot ang mga tao rito sa pamilya ko dahil lang kaya kong magbasag ng upuan." Itinuloy niya ang mararahang paghalik sa akin habang pinoproseso pa ng utak ko ang sinabi niya.

So . . . pati yung casino . . . sa kanila?

Shet. Tapos mandadaya kami?

Putang ina, baka hindi na 'ko mabalik dito sa kanya kung sakali.

Sinalubong ko ang halik niya saka ako bumulong. "Puwede ba kaming magnakaw sa casino n'yo?"

Dinig ko ang mahina niyang tawa habang patuloy sa palapat ng labi niya sa 'kin. "Kaya ba ayaw mong kunin ko yung kotse ng barkada mo?"

"Ibang usapan kasi 'yon."

Hindi siya sumagot, tinawanan lang ulit ako nang mahina.

"Hindi naman kayo malulugi kung kukuha kami ng six million sa casino n'yo, 'no?" biro ko, at ako na ang humabol ng sunod-sunod na halik sa kanya.

"Maglalaro naman kayo, di ba?"

"Oo nga."

"Hindi n'yo kaya ang six, maba-ban lang kayo."

"Tingin ko rin."

Saglit siyang lumayo sa akin. Magaan lang ang pagkakalagay ng mga palad niya sa balikat ko habang nakatitig siya sa 'kin nang sobrang kalmado at sobrang gaan.

"Ilagay mo na lang sa last option ang pagkuha ko sa kotse ng kabarkada mo. Just in case mag-fail lahat ng plano n'yo."

Ang ganda niya sa ilalim ng buwan kagabi pero iba ang ganda niya sa sinag ng araw. Parang napupuno ang puso ko ngayon ng kung anong bagay na hindi ko kayang i-handle.

Kahit gusto kong tanggapin ang offer niya tungkol sa kotse ni Patrick, hindi ko talaga maisingit sa utak ko ngayon. Gusto ko lang siyang titigan nang matagal.

"Busy ako bukas," pabulong na paalala ko habang nililibot ang tingin sa buong mukha niya.

"Sabi mo nga," mahinang sagot niya.

"Pero sasaglit ako rito, siguro before lunch . . . okay lang? Bisitahin lang kita saglit?"

Dahan-dahan siyang ngumiti . . . "Why not?"

At napangiti na lang din ako.

Parang ayoko na tuloy umuwi.






♥♥♥


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top