This chapter is dedicated to chocolateandpastries na tambay talaga mula rito sa Wattpad hanggang sa FB group hahaha Enjoy reading!
♥♥♥
Ang tahimik dito sa loob ng compound ng Red Lotus, parang sa koi garden nina Patrick. Buti horror ang pinanonood namin, yung klase na hindi maingay at tahimik lang.
"Anak siya ng security guard," spoiler ko sa batang sumuot doon sa bahay ng mag-asawa. "No'ng bata ako, ganyan din ako, gala-gala sa kapitbahay. Madalas kasing wala buong araw ang Mami saka Dadi ko."
Nakaupo siya sa edge ng kama sa harapan ng TV. Gusto ko sana ng may sandalan kasi walang upuang may sandalan dito sa kuwarto. Puwede lang sumandal sa headboard ng kama kaso sobrang kapal ko na n'on kung magfi-feeling may-ari ako rito.
Wala akong choice, tabi lang kami sa dulo ng kama. Hindi ako makakuba ng upo kasi baka ma-damage ang spine ko kaya idinaan ko na lang sa pagtukod ng magkabilang palad sa higaan para gawing pangalso sa katawan kong naghahanap ng sandalan.
"Totoo bang may ganyan?" tanong ko sa kanya habang nakikita namin ang patay na babaeng nasa bath tub. Binababaran na 'yon ng mga halamang-gamot ng asawa niya. "Medically, imposible niyang mabuhay ang asawa niya. More of pine-preserve lang niya gamit ang herbal medicines. Parang mummification pero hindi mo siya ilalagay sa storage. Familiar ka sa The Calling na novel?"
Tahimik lang siyang umiling, tutok pa rin sa TV.
Nahiya na tuloy akong magsalita. Baka naiistorbo ko siya sa panonood niya.
Habang nanonood kami, doon ko nasabing hindi pala niya kamukha yung patay na asawang pine-preserve. Naalala ko lang siguro dahil sa haba ng buhok ni Mother Shin.
Pagtingin ko sa buhok niya, nate-tempt tuloy akong hawakan.
"May suklay ka?" tanong ko.
Tutok pa rin siya sa TV pero itinuro niya ang side table malapit sa bukas na pinto ng kuwarto, yung tanaw ang dagat na parte ng Manila Bay.
Kinuha ko roon ang suklay niyang gawa pa yata sa salamin—o acrylic. Mukhang resin na nilagyan ng mga gold dust saka maliliit na bulaklak para maging design.
Bumalik ako sa kama at sumampa sa bandang likuran niya.
"Puwede kitang suklayan?"
Saglit niya 'kong nilingon mula sa likuran, pero tiningnan lang ako sa dulo ng mata. Ibinalik niya ang tingin sa TV at marahang tumango.
Ayaw niyang magsalita. Baka galit pa rin kasi in-indian ko kahapon.
Sinuklayan ko na ang buhok niyang nakakalat ang dulo sa kama.
"Ang haba ng buhok mo," napapabilib na sabi ko. Pinadaan ko roon ang suklay at halos dumulas na lang ang paibaba kasi parang wala naman akong sinusuklay. Ganoon kalambot ang buhok niya?
Sumilip ako sa TV at naabutan ko pang sinusuklayan din ng lalaki ang buhok ng asawa niyang patay na.
"Alam mo, nami-miss ko nang magsuklay ng mahabang buhok," kuwento ko. "May baby ako dati. Siya yung sinusuklayan ko palagi kasi hindi 'yon marunong magsuklay nang sarili niya."
"May anak ka na?" biglang tanong niya, sa wakas nagsalita rin.
"Wala. Kapatid siya ng kabarkada ko. Bale parang ako ang nag-alaga mula noong kinder siya. Pero nasa Amerika na siya ngayon." Ipinagpatuloy ko lang ang pagsusuklay. "Ang lambot talaga ng buhok mo."
Sa sobrang lambot ng buhok niya, ang sarap niyang sabunutan.
Kinuha ko na lang ang dulo saka ko ginawang brush sa pisngi. "Ang bango ng buhok mo, 'no? Amoy matamis na niyog. May coconut oil ba 'to?"
Wala pa rin siyang sinabi. Pagsilip ko sa TV, doon na sa part na hinahanap na ng tatay na security guard ang anak niyang napadpad sa bahay ng mag-asawa.
"Hindi siya nakatatakot, 'no?" sabi ko. "Pero, alam mo, nakakalungkot yung ganyan. Yung gusto mo siyang ibalik pero hindi na kasi puwede."
"Nagka-girlfriend ka na ba?"
Saglit kong sinilip ang mukha niya saka ko ibinalik ang tingin sa TV. "Wala pa. Ayoko rin muna. Natatakot kasi ako na baka kapag nagka-girlfriend ako, biglang mapunta sa iba. E ayoko pa naman ng competition, baka ibigay ko lang din siya roon sa may gusto sa kanya."
Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Siguro hindi siya interesadong malaman ang mga insecurity ko bilang lalaki. Sinuklayan ko na lang ang buhok niya habang nanonood kami.
"Malapit na pala ang ending," sabi ko.
Dumating na ang mga pulis. Nalipat na sa security guard ang point of view ng eksena.
"Kung tutuusin, wala naman siyang ginagawang masama," sabi ko tungkol sa lalaking nag-aalaga sa asawa niyang patay. "I mean, nasa bahay lang siya, tapos trabaho minsan. Inaalagaan lang niya ang asawa niya, hindi naman siya nananakit."
"Pero tama ba ang ginawa niya?" tanong ni Mother Shin, na hindi ko rin naman ine-expect.
"Well, mentally, hindi healthy ang ginawa niya. Hindi niya na-handle nang maayos ang grieving stage. Parang na-stay siya sa denial period, tapos hindi na siya nakaalis doon. Pero hindi rin naman kasi madaling makarating sa acceptance stage. Madalas kasi, nakakabaliw talaga magmahal. 'Ta mo yung barkada ko, ipinusta ang Lamborghini niya para lang sa isang date. Di ba? Gawain ba ng may matinong utak 'yon?"
"Nandito ka lang naman para sa kotse ng barkada mo, di ba?" sabi niya, saka ako nilingon. Nakipagtitigan pa ako sa mata niyang hinahamon yata ako kung hanggang saan lang ang aabutin ng pakay ko rito sa kanya.
"Hmm . . . oo, sabihin na nating gan'on nga."
"Gusto mong bawiin ko ang kotse niya."
Naituro ng nguso ko ang kanang gilid habang marahang tumatango. "Sa totoo lang, manghihingi lang ako ng pabor na makapag-book kami ng laban versus Jackson." Ibinalik ko ang tingin ko sa TV. "Kasi alam mo, ayokong i-spoonfeed si Patrick, siya yung may-ari ng Lambo. Mahal ko 'yon kasi kabarkada ko 'yon. Pero hindi porke barkada mo siya, dapat lagi siyang spoiled."
Ibinalik ko ang tingin ko kay Mother Shin at hindi pa rin nagbabago ang tingin niyang walang buhay.
"Naipatalo niya ang kotse kasi naging overconfident siya," dugtong ko. "At hindi mo siya puwedeng pagbigyan nang pagbigyan dahil lang naaawa ka. Dapat magkaroon na siya ng sense of responsibility na hindi dahil lumaki siyang sinusubo lang lahat sa kanya, dapat ganoon din ang gawin namin sa kanya. Natalo siya sa pustahan. If gusto niyang mabawi ang kotse, bawiin niya 'yon sa paraan kung paano niya 'yon naipatalo. If he's meant to lose again, then wala na kaming magagawa. Kailangan niyang harapin ang consequence ng actions niya. Kasi hindi siya matututo kung hindi siya tuturuan ng leksiyon."
"At nandito ka ngayon para humingi ng pabor sa 'kin."
Mabilis akong ngumisi sa kanya. "Nandito ako kasi nag-promise akong manonood tayo ng movie. Labas ang barkada ko rito. Sa 'yo ako nangako, hindi sa kanya."
Hindi ko na siya dinaldal kasi malapit na ang pinaka-ending. Tumatakbo na ang asawa n'ong patay na babae para tumakas sa mga pulis. Ilang saglit pa, mula sa dulo ng hallway palabas ng lumang apartment building, sumalubong ang malaking truck doon sa lalaki at nasagasaan 'yon.
"Alam mo, para siyang Romeo and Juliet," mahinang sabi ko habang inaabangan ang plot twist ng movie. "Kung ikaw ang nasa side ng viewer, ng guard, saka n'ong bata, maiisip mong nababaliw na 'yong lalaki."
Na-recover na ng mga medical personnel ang bangkay ng babaeng asawa at dinala na sa morge. Nire-recall na lang ng camera shots ang lahat ng gamit sa loob ng bahay ng mag-asawa na hindi na ulit magagamit pa.
"Ayan," turo ko sa nina-narrate ng mga taga-morgue, "sinabi n'ong lalaki na buhay pa ang asawa niya, na baka nilamon lang siya delusion, pero hindi tumigil sa pagtubo ang buhok ng asawa niya. Even ang fingernails, tuloy-tuloy na tumubo kahit mukhang wala nang sign of life yung babae."
At nang mag-zoom in sa kamay n'ong patay . . . bigla na lang gumalaw ang hintuturo n'on.
"The end," sabi ko, at bumalik na sa home page ang CD para mamili ng iba pang movie na meron doon. "Ang boring ba? Hindi siya nakakatakot, di ba?"
Hinihintay ko siyang mag-react pero tahimik pa rin siya. Pinatay ko na ang CD kasi parang wala naman siyang interes manood. Ni hindi nga siya umimik sa pinanood niya.
"Gusto mo ba ng mga romance o kaya comedy movie?" tanong ko habang nagliligpit ng mga CD na dala ko. nag-indian sit ako sa sahig saka siya tiningnan. Hawak pa rin niya mula sa ribbon ng plastic wrap ang flowers na dala ko. "Mahilig ka sa flowers?"
Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa 'kin.
Ang hirap pala nitong kausap.
"Kilala mo si Calvin, magkaibigan kayo?" tanong ko na lang, yung alam kong alam din niya.
"Hindi."
"A . . . kaya pala," sagot ko, patango-tango pa. "Sabi nila, iwasan daw kita. Pero yung nangyari last Sunday, pramis, wala na 'yon." Ngumiti pa ako nang malapad saka inayos ang laman ng backpack ko.
Wala na yata akong gagawin dito. Pero ayoko pa munang umuwi. Kung ako kasi ang nasa posisyon niya at paganito-ganito lang ang gagawin ko na nag-aaksaya lang ako ng oras sa wala, baka hindi ko na rin pabalikin pa rito ang sarili ko.
"May cellphone ka?" tanong ko na lang.
Umiling naman siya na ikinakunot ng noo ko.
"Wala?"
Ngek?
"Walang tumatawag sa 'yo?"
Umiling na naman siya.
"Ang lungkot mo naman," bulong ko sa gilid. Wala ring computer dito. Ano na'ng gagawin namin? Jak en poy?
"Puwede akong um-order ng pagkain sa inyo? Nagugutom na kasi ako."
Wala siyang sinabi, tumayo lang siya. Sinundan ko siya ng tingin papunta sa gilid ng kama—doon sa may telepono. May isang buton lang siyang pinindot doon tapos pumunta na siya sa gilid ng kama.
Ang weird ni Mother Shin.
Tumayo na ako at pumunta roon sa maliit na mesa kung saan siya nakaupo kanina. Kinuha ko roon ang Turkish delight na pasalubong ko sa kanya.
"Alam mo, favorite ko 'to," kuwento ko. "Noong bata ako, binibili namin 'to sa tindahan malapit sa school. Buksan ko, ha?" Kinagat ko ang isang kanto ng balot para lang magka-cut doon kahit maliit. "Kumakain ka ba nito? Puwede ba kayo ng ganito? Para lang siyang matigas na gelatin." Dumukot ako ng isa saka ko isinubo. "Pasalubong ko 'to sa 'yo pero kakain muna ako ng isa para sure na walang lason."
Kahit na gusto ko lang talagang manghingi nang hindi siya aalma kasi binuburaot ko ang pasalubong ko para sa kanya. Ginugutom na kasi ako.
Dumukot ulit ako ng isa saka ko itinapat sa bibig niya. "Ah."
Minata lang niya ang hawak ko.
"Safe 'yan, pramis."
Nagpalipat-lipat pa ang tingin niya sa hawak ko sunod sa mukha ko. Ilang saglit pa, kinagat na rin niya 'yon mula sa daliri ko saka niya marahang nginuya.
"Yiiee! Masarap?"
Nagkibit-balikat siya, at hindi ko alam ang ibig sabihin n'on maliban sa "malay ko?"
"Gusto ko pa sanang manood tayo kaso baka nabo-bore ka sa mga dala ko." Dumukot ulit ako ng isa sa hawak ko saka ko isinubo. "Dapat pala nagdala na lang ako ng limang magkakaibang movie para may options ka."
Inalok ko pa ulit siya ng Turkish delight kasi baka kadadampot ko nito, ako na ang makaubos.
Minata na naman niya ang hawak ko saka ang mukha ko.
"Sige na, para sa 'yo talaga 'yan," sabi ko pa, at ako na ang kumuha ng isang piraso para sa kanya. "Ah."
Minata na naman niya 'ko pero kinagat din naman niya ang candy sa daliri ko.
Akala ko, okay na kami sa paghahati ng Turkish delight pero bumukas na ulit ang pinto ng kuwarto kaya mabilis akong tumayo at pumunta sa kanto ng canopy bed.
Puro mga lalaking server ang pumasok. Naka-T-shirt lang silang itim at itim ring pants na may patong na pulang apron sa baywang. May tulak-tulak silang trolley na may takip. May dala namang wooden folding table ang isa at inilatag iyon sa tabi ng kama. Pagkatapos, isa-isa nilang nilapagan ng pagkain ang mesa na gaya ng pahanda kina Pat.
Hindi naman marami 'yon pero parang nakakahiyang kumain kasi baka pagbayarin ako ng accomodation. Wala naman 'to sa budget ko.
Lumabas na ulit ang mga lalaking server at isinara ang pinto.
Nagpalipat-lipat ang mata ko mula sa pinto at sa mesang nakahanda na.
"Mother Shin, wala akong pera," paalala ko agad paglapit sa kanya. "Meron akong pera pero isanlibo lang 'to. Pogi lang ako pero hindi ako mayaman." Itinuro ko agad ang mga pagkain. "Hindi ko 'to kayang bayaran."
"That's free."
"O! Tara, kain!" Nagtaas agad ako ng mga manggas ng T-shirt saka iniisa-isa ng tingin ang mga nakahanda. "Alam mo, Mother Shin, wala akong allergy sa seafood saka sa nuts. Hindi rin ako lactose intolerant. Pahingi nitong lobster, ha?"
Dumampot agad ako ng nahiwa nang mini lobster at pinaliguan iyon ng sauce.
"Alam mo, minsan, ito ang dinner namin," kuwento ko sa kanya nang tusukin ko ng tinidor ang laman ng lobster. "Nakikikain lang kasi ako sa barkada ko. Wala kasi akong kasama sa bahay pero may pera naman ako pambiling dinner. Bigay ng Mami ko."
Pinaghiwalay ko ang lobster sa dalawang hiwa saka ko itinutok ang isang cut sa bibig niya. "Ah."
Minata na naman niya ang isinusubo ko sa kanya at ang mukha ko.
"Ikaw muna'ng papakainin ko bago ako."
"Wala 'yang lason," sabi niya, derekta ang tingin sa mga mata ko.
"Alam ko naman," kahit hindi ko alam. "Pero libre mo kasi 'to. Ayoko namang mauna. Hindi naman ako patay-gutom."
"Eat it," mahigpit na utos niya.
"Ikaw muna."
"Eat it or I'll throw it?"
"Subuan mo na lang ako tapos susubuan kita para fair."
Just in case lang na malason ako, sabay kaming mamamatay.
Dumampot ako ng tinidor saka tinusok ang isang laman ng lobster. Pinahawak ko sa kanya 'yon saka ko itinuro ang bibig ko.
"Sabay tayo," sabi ko pa.
Nagbuntonghininga agad siya sabay paikot ng mata.
Nakaangat lang ang tinidor na hawak niya sa ere at pinasubo ko sa kanya ang lobster sa hawak ko. Kinain naman niya 'yon tapos kinain ko rin ang laman ng hawak niyang tinidor.
Nginunguya ko ang lobster pero nakikiramdam na agad ako kung iinit ba ang pakiramdam ko at bigla akong mangingisay rito o kung ano man.
Lunok kung lunok pa ako na parang sinlaki ng avocado ang nilulon ko nang buo.
Bigla kong sinakal ang sarili ko at nangisay ako sa kama.
Pero bigla rin akong bumangon saka ngumisi sa kanya. "Joke lang! Ang sarap ng lobster n'yo rito."
Pangiti-ngiti pa ako habang pasulyap-sulyap sa kanya. Ang sama ng tingin niya sa 'kin—kapareho ng tingin ni Tita Tess kapag pinagtitripan ko.
"Joke nga lang, grabe ka naman. Subuan na lang kita."
Maliban sa seafood platter, meron din sila ng mantou na kamukha ng hinahanda kina Patrick. Meron ding dumpling soup saka oily noodles na ipinaligo ko ang mantika noong huling punta ko rito. May omelet din at almond jelly para sa dessert. Tsaa lang at tubig ang nakikita kong panulak, hindi man lang ginawang sago't gulaman.
Akala ko, ako lang talaga ang mag-isang pakakainin niya ng mga nakahanda. Kapag oo, magdududa na ako. Baka hindi na ako makauwi sa amin.
Sumandok na siya ng ilang nakahanda roon at naglagay sa plato niya.
Nguya lang ako nang nguya habang pinanonood siyang kumilos.
Mahinhin din naman siya, pero parang any time, bigla siyang mambibira ng leeg gamit ang gilid ng palad.
Pagbagsak ng mga buhok niya sa gilid ng mukha, sinalo ko agad iyon ng daliri saka inipit sa likod ng tainga niya.
Natigilan siya sa pagsubo at napalingon sa akin.
"Baka makain mo ang buhok mo. Gusto mo, itirintas ko na lang para hindi ka maabala?"
Hindi siya sumagot, pumikit-pikit lang sa 'kin. Parang dina-digest pa muna ang sinabi ko.
"Sige, itatali ko na lang pero hindi mahigpit." Binalikan ko ang bag kong nasa sahig at kumuha ng goma roon sa bulsa na ginagamit ko rin kapag nabubuwisit ako sa bangs kong bagsak nang bagsak kapag wala akong wax.
Tumusok muna ako ng isang dumpling at isinubo bago ako sumampa sa kama at pumuwesto sa likuran niya.
Gusto ko sanang ikuwento na madalas kong talian ng buhok si Sabrina kapag kumakain kasi mahaba rin ang buhok n'on pero baka magalit siya. Isipin pa niya, nasa iba ang utak ko ngayon.
"Ayan, okay na. Maluwag lang 'to para hindi magka-shape ang buhok mo kapag inalis."
Bumalik ako sa gilid ng kama at naupo sa tabi niya.
Marahan siyang ngumunguya habang nakatingin sa akin.
"Bakit?" tanong ko pa.
Wala naman siyang sinabi, nakatitig lang siya sa mukha ko.
Ano kaya'ng trip nito ni Mother Shin? O baka may something sa mukha ko.
"Madungis ba 'ko?"
Wala pa ring sinabi, wala ring emosyon ang mukha.
"Alam mo, Mother Shin, ang ganda mo," pag-amin ko, saka nagtaas-taas ng magkabilang kilay. "Pero yung ganda mo, parang ano . . ." Tumingin ako sa itaas. "Parang . . . alam mo yung mga multo na laging tambay sa ilalim ng full moon tapos inuulan ng mga glitter-glitter, gan'on? O kaya bagay sa 'yo maging chimera o kaya nine-tailed fox."
"Laban lang kay Jackson ang kailangan ng barkada mo, di ba?" biglang sabi niya, na ikinabigla ko rin kasi hindi naman 'yon ang topic, pero gusto ko ring pag-usapan.
"Yeah!" sagot ko agad.
"Kung kakausapin ko ang grupo nila ngayong gabi para sa susunod na linggong laban, ano'ng gagawin mo?"
"Gagawin ko?" tanong ko pa. "Gagawin saan at kailan? I mean, marami kasi akong ginagawa. Gagawin ko sa exact race?"
Inabangan ko ang sagot niya, pero nagtaas lang ng mukha, parang naghihintay pa ng sagot—na hindi ko alam specifically.
"Okay, uhm . . ." Napatingin ako sa pagkain namin at inisip ang isasagot. "Gagawin ko kung kakausapin mo sina Jackson para makakuha kami ng laban? Magte-thank you ako. Malamang!" Saglit ko pa siyang tinawanan saka ko ibinalik ang tingin sa mga pagkain. "Gagawin ko sa mismong laban? Wala. Aabangan ko lang sa field si Patrick, just in case kailangan niya ng medical assistance." Ang lalim ng paghinga ko habang nag-iisip pa ng kasunod doon. "Kung matalo siya, kailangan na niyang umamin kay Uncle Bobby na naipatalo niya ang Lambo. Kapag nanalo siya, e di very good!" Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. "Ayun lang."
Inaabangan ko ang sasabihin niya pero nakatitig lang talaga siya sa 'kin. Hindi ko rin inalis ang tingin ko sa kanya.
Ang lalim talaga ng mga tingin niya, parang hini-hypnotize ako.
"Tatawagan ko si Jackson mamaya para sa laban n'yo sa Coastal."
Marahan lang akong napatango sa sinabi niya. "Thank you."
Saka siya bumalik sa pagkain niya. At ako naman, biglang napaisip kung bakit parang hindi ako excited doon. O baka dahil masyado akong nadala ng tingin niyang parang creator ng black hole sa loob ng utak ko.
Hindi ko alam kung mabilis lang ba ang oras o matagal naman pero hindi ko lang napapansin. Dalawang oras para sa movie, isang oras sa pagkain. Tapos nagpalipas pa kami nang isang oras sa pagtatanong ko ng kung ano-ano na bihira lang din niyang sagutin.
Buti na lang talaga, may sariling bathroom itong kuwarto, at mukhang tuluyan nga talaga ng mga guest kasi ang daming reminders na nakasabit sa mga halaman at metal rack. Hindi nakakahiyang makisuyo sa restaurant na makikigamit ako ng banyo kung sakali.
Lumubog na ang araw, at nag-text sina Leo na wala raw sila ngayon sa Coastal. Nagtanong ako kung nasaang impyerno na naman sila naglalalagi, kasama raw nila si Patrick sa casino. At tumuloy nga ang mga tarantado sa kalokohan nila. Tinanong ko kung kasama si William, hindi raw. Buti naman. Si Calvin daw, ayaw sumama kasi mapapagastos. Buti pa 'to, may utak.
Nakasandal lang kami ni Mother Shin sa magkabilang hamba ng nakabukas na sliding door katapat ng kama. Tamang yosi lang kami habang pinanonood ang mga ilaw sa malapit na yacht club.
"May party yata r'on," sabi ko, inginuso ang parte ng Manila Bay na may harang para sa mga yate.
"Birthday ni Vic Lopez," sagot niya.
"Yung congressman?"
Matipid siyang tumango.
"Kaya pala." Humithit ako nang kaunti sa yosi saka itinaktak ang dulo sa halamang nasa gilid ng pintuan mula sa labas. Ibinalik ko ang tingin kay Mother Shin na matipid na nakabuka ang bibig saka ibinubuga sa makitid na direksiyon ang usok. "Hindi ba mabigat ang pabor ko kaya pinagbigyan mo agad?"
"Hindi," deretsahang sagot niya.
"Nakukulitan ka na ba sa 'kin?"
"Oo."
"Hahaha! Bale, dinidispatsa mo na pala 'ko."
Inirapan lang niya ako saka siya humithit sa yosi niya. Tumanaw ulit siya sa malayo habang nagpapalipas kami ng oras sa pagtayo rito sa hamba ng pintuan.
Tahimik lang siyang nakatanaw sa kung saan, pabuga-buga ng usok. Mas mukha talaga siyang multo kapag nasa dilim. E ang dim pa naman ng ilaw rito sa kuwarto. Parang wala yatang white light dito.
Malawak ang view sa harapan namin, maliwanag pa ang buwan. Lalo tuloy siyang nagmukhang multo.
Pero siya yung mukhang nakakatakot na habang tumatagal, hindi na.
"Ang ganda mo, 'no?" sabi ko habang nakatitig sa kanya.
Sumulyap siya sa 'kin na parang may sinabi akong walang kuwenta. "Hindi mo na kailangang bilugin ang ulo ko."
"Hindi kita binobola," kontra ko agad. "Mukha namang hindi benta sa 'yo kahit bolahin kita. Ina-appreciate ko lang ang looks mo kasi mukha kang scary pero ang sarap mong titigan nang matagal."
"Hindi mo kayang itikom ang bibig mo, 'no?" sarkastikong tanong niya.
"Kasi kapag na-bore ako sa kausap, fault ko 'yon," seryosong sagot ko. "Kasi hindi ako marunong magtanong."
"Kaya ang daldal mo."
"Kaysa pareho tayong mapanisan ng laway rito, di ba?"
"Bakit hindi mo itanong kung ano'ng dahilan ng nangyari last Sunday? Bakit natatakot sa 'kin ang mga taga-Coastal? Bakit nagwa-warning sila tungkol sa 'kin? O iniiwasan mo lang para hindi ako magduda sa 'yo at sa pakay mo rito?"
Napangisi agad ako sa sinabi niya saka napatango-tango. "Alam mo, curious ako diyan. Pero hindi kasi ako interesadong malaman. Gusto ko lang ng chance para mabawi ang Lambo ni Patrick."
"Kapag nabawi niya, tapos na."
"Oo naman! 'Yon lang naman ang gusto ko. Tapos babalik na ulit kami sa tahimik."
"Hindi kayo patatahimikin ni Jackson kapag nabawi n'yo ang kotse o kahit anong kanya na sana."
"Hindi naman na kami babalik sa Coastal kung sakali. Ayaw na namin ng gulo."
"Hahabulin kayo ng gulo, sa ayaw o sa gusto n'yo."
Ang lalim ng paghinga ko at naisip ang point ni Mother Shin. Base sa ugali ng mga taga-Coastal, mukhang hindi sila ang tipo na susuko na lang kapag may nakuha sa kanila—kahit pa kotse talaga 'yon ni Patrick.
"Saka na namin iisipin 'yon," sabi ko na lang. "May security agency ang ermats ng kabarkada ko. Madaling kumuha ng bodyguard. Commissioner saka former military personnel ang daddy ko. Makakakuha ako ng tulong."
Dinikdik ko sa lupa ng halamang nasa malaking vase ang upos ng yosi ko saka ko iyon itinapon sa dulong trash bin sa balcony na kaharap namin. Mas malamig ang hangin sa labas tuwing gabi, kahit pa hindi ganoon kabango ang amoy rito sa dagat.
Gusto ko ng dagat pero hindi ganitong dagat.
Bumalik ako sa nakabukas na pintuan pero huminto ako eksakto sa harapan ni Mother Shin at tiningnan siya paibaba.
Tiningala naman niya ako at nakipagtagisan na naman siya ng titig sa 'kin.
"Kung matutuloy ang laban namin kay Jackson, magpapasalamat ako nang sobra," seryoso kong sinabi sa kanya.
"Hintayin mo na lang, matutuloy 'yan," sagot niya, at hindi talaga inalis ang pagkakatitig sa akin.
Mang-aasar lang sana ako ng tingin kasi ang hilig niyang matahin ako, kaso hindi talaga siya nagpapatalo. Competitive din.
"Nanonood ka ng action movie?" mahinang tanong ko, yung sapat na para magkarinigan kaming dalawa nang hindi ko kailangang lakasan pa ang boses ko.
"Bakit?"
"Para alam ko kung ano ang dadalhin ko bukas."
"Bakit ka pa babalik bukas, akala ko ba, si Jackson lang ang pakay mo rito?"
"Bawal ka bang makita bukas?"
"Paano kung oo?"
"Sa susunod na bukas, puwede na?"
Akala ko, sasagot pa siya pero nakipagtitigan lang talaga siya sa 'kin. Parang kumikinang ang mukha niya kapag natatamaan ng liwanag ng buwan. Parang hindi siya totoo.
"Wala naman ako sa haunted place, di ba?" tanong ko pa habang nakatitig lang sa mga mata niya. "Paglabas ko rito, hindi naman 'to magiging abandoned restaurant, di ba?"
"Iniisip mo pa rin ba talagang multo ako?" sarkastikong tanong niya.
"Kapag napatunayan kong multo ka, hindi na 'ko babalik dito."
"Paano mo patutunayang multo nga ako? Sasaksakin mo 'ko ng krus?"
Imbes na sumagot, sinapo ko lang siya sa pisngi saka ako yumuko palapit sa kanya. Marahan kong idinampi ang labi ko sa kanya, at sa loob-loob ng utak ko, kung sasampalin niya ulit ako, susulitin ko na.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, at seryoso nga ang sistema ko sa takot na nararamdaman ko ngayon—pero malayo 'yon sa rason na pinag-uusapan namin.
"Buti hindi ka multo," bulong ko, walang pakialam kung doon ko 'yon sinabi mismo sa labi niya.
Lalayo pa lang sana ako para makita ang reaksiyon niya pero hinigit niya agad ako mula sa batok at mas matapang ang ibinalik niyang halik kaysa sa halik ko.
Lumipat ang kanang kamay ko sa baywang niya at naitukod ko ang kaliwa sa dingding na nasa likuran niya.
Para akong binubuhusan ng mainit mula ulo at gumapang paibaba.
Para kaming uhaw na uhaw na naghahabol ng hangin mula sa isa't isa.
Para bang tinikman lang namin ang lasa ng yosi derekta sa labi ng isa't isa.
Hinihingal ako nang bahagyang lumayo sa kanya. Namumungay na ang mga mata niya nang titigan na naman ako.
Pinasada ko ang dila sa ibabang labi ko habang nakatitig sa kanya.
"Hindi ka multo, so . . . madadalhan kita ng pasalubong pagbalik ko rito." Kagat ko ang labi nang mapangiti sa kanya.
Kagat din niya ang labi nang tumango sa akin.
Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi saka ko siya binulungan mula roon. "Kita tayo bukas, Mother Shin."
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top