Chapter 19: The Mother of the Red Lotus

Ayan, this chapter is dedicated to kamc23 na first comment last chapter. Thank you sa pagtambay sa ABS4! Enjoy reading!


♥♥♥


Ang aga naming umuwi—maaga means ten o'clock ng gabi. Kadalasan kasi, inaabot kami ng ala-una ng madaling-araw sa labas. Kapag umuuwi kami sa sari-sariling bahay, ang katwiran namin, gumawa ng project kina Leo para may katulong kami sa isa't isa.

Matagal naman na kaming magkakasama, kumbaga tiwala na ang parents namin na wala kaming kabulastugang ginagawa sa likod nila—kahit pa meron naman na talaga.

Nagtataka ang buong barkada kung bakit ang agang natapos ng pa-event sa Coastal . . . maliban kay Calvin.

Si Calvin Dy ang bagong member ng barkada. Wala pa ngang dalawang linggo namin siyang binabarkada. Hindi siya dinadaldal nina Rico. Basta ang alam lang namin, tagakabilang school siya at parte siya ng sistemang nakakuha sa Lamborghini ni Patrick.

Babaero si Calvin. Klase ng babaero na hindi kaya ng schedule namin. Siguro kasi ako, mas gugustuhin ko pang ubusin ang oras ko sa pagtambay sa garden kasama si Tita Tess para makapambudol na naman ako ng kung ano-ano kaysa maghanap ng tiglilimang girlfriend kada araw.

Iniisip ko pa lang kung paano niyang napagsasabay-sabay ang limang babae, umuulan na ng question mark sa ibabaw ng ulo ko.

Ano ba 'yon? Parang brief na merong pang-Monday, merong pang-Tuesday hanggang Sunday? Naka-schedule?

O baka per hour? Parang 6 a.m. to 9 a.m. in the morning, baby time kay GF number 1, tapos 9 a.m. to 12 noon, kay GF number 2 naman.

Napa-puzzle ako sa trip niya.

Kaya nga nagdududa na agad ang tingin ko sa kanya kasi yung babaeng tinawag na Mother Shin ng mga taga-Coastal, siya ang nabanggit noong kinausap ko.

Ayokong i-drop sa buong barkada ang tungkol doon kasi hindi nila business 'yon kaya nga si Calvin agad ang kinausap ko paglabas namin kina Leo para umuwi na. Si Will ang maiiwan sa boarding house.

Dinala ko si Calvin sa dulo ng kalsada habang hinihintay namin ang service ni Patrick kasi makikisabay lang kami ni Rico.

"Nagligpit agad sila," seryosong sinabi ko kay Calvin habang inoobserbahan ang mukha niya.

Nakasimangot siyang tumanaw sa kalsadang dinaraanan ng mga UV at bus na patawid sa malaking tulay pa-Quiapo.

"Kilala mo yung Mother Shin," sabi ko, hindi patanong kundi sa paraang alam ko na agad.

"Ayoko siyang pag-usapan," naiirita agad na sagot ni Calvin saka inilipat ang tingin sa akin.

"Pero kilala mo."

"Oo."

"Hindi mo sasabihin sa barkada ang tungkol sa kanya?"

"Bakit? Para saan?" maangas niyang tanong.

Nagtaas ako ng mukha para ipakitang hindi rin ako nakikipagbiruan kung paaandaran niya ako ng angas niya.

"Alam mo kung ano'ng ginagawa ko para sa barkada, 'tol. Kapag hindi mo 'ko sinagot, hahanap ako ng sagot sa tanong ko," paalala ko agad. "Kilala mo ang Mother Shin na 'yon pero hindi mo man lang kami binigyan ng heads up. Kung hindi pa sasabihin ni Jherry, hindi ko pa malalaman."

"Bakit? Ano'ng sinabi ni Jherry?"

Biglang tumaas ang kaliwang kilay ko nang maalalang wala nga palang matinong sinabi si Jherry maliban sa warning niya.

"Kayang linisin ng Mother Shin na 'yon ang Coastal," sabi ko na lang. "At ibig sabihin din, lalo kaming mawawalan ng chance mabawi ang Lambo ni Pat. Ganoon siya nakakakot."

Sarkastikong natawa si Calvin saka napailing. Napipika tuloy ako. Ang lalim ng pagsinghot niya sa hangin mula sa ilong saka iyon ibinuga nang sobrang tagal palabas sa bibig.

"Nakakatakot? Alam mo kung anong klaseng nakakatakot si Shin?" natatawang tanong niya. "Hindi siya nakakatakot kasi ipasasara niya ang Coastal. Siya ang klase ng nakakatakot na kapag ginusto niya ang Lambo ni Pat, ipapatawag niya si Jackson papunta sa Red Lotus at mapipilitan si Jackson na ibigay ang Lambo sa kanya, sa ayaw o sa gusto ng gagong 'yon. Naiintindihan mo ba?"

Gusto ko sanang matakot pero biglang lumapad ang ngisi ko doon pa lang sa " . . . ipapatawag niya si Jackson papunta sa Red Lotus at mapipilitan si Jackson na ibigay ang Lambo sa kanya, sa ayaw o sa gusto ng gagong 'yon."

"Alam mo, tama ka, Calvin, e!" Tinapik-tapik ko pa ang balikat ni Calvin saka tumango-tango. "Nakakatakot nga siya. Sige, uwi ka na. Ingat ka, ha! Kitakits bukas!"

Mabilis kong tinakbo ang kalsada palapit kina Rico at Patrick.

"Mga dude," bungad ko.

"O?"

"Uuwi muna ako bukas kaya absent muna ako."

"Sige, okay lang," sabi nila.

♥♥♥

Linggo, walang pasok para sa summer class. Bukas pa uuwi si Mami galing Bataan. Si Dadi ang magsusundo sa kanya kasi ang tagal na nga raw niya roon. Totoo rin naman, pero baka na-miss lang siya ni Dadi kasi madalas, kung nasaan si Mami, nandoon din ang erpats ko naka-backup lalo kapag dadayo ng liblib. Naglilibre pa naman si Dadi ng medical checkup sa buong komunidad kapag kasama si Mami.

Kapag may "delikado" akong lakad, ayokong tinatangay ang barkada ko. Kasi kaya ko ang sarili ko, pero sila, hindi. Kung magkagipitan at tinutukan ako ng baril, kahit kaya kong agawin 'yon, hindi ko puwedeng gawin kapag nasa malapit sila. Kasi nga, delikado. Lumingon lang ako sa kaliwa, blind spot na ang kanan. E paano kung may magpaputok doon? Ako, ligtas. E paano ang barkada ko?

Ang sabi n'ong Mother Shin, nasa resto raw ang trabaho niya. Baka lang uniform ng waitress ang Chun-Li outfit niya kaya ganoon.

Pero wala naman sigurong waitress ang katatakutan ng buong Coastal.

Mula sa main road papasok ng Parañaque, sa unang kalsada sa kanan na konektado sa loob ng abandoned area ng mall, nilakad ko ang sidewalk habang iniisa-isa ang mga bar at club na nakahilera doon.

Nahaharangan ng matataas na building at skyway ang itaas ko kaya lilim kung lilim ang daan. Kung sumilip man ang araw, kapag natataon ang puwesto ko sa mga singit-singit na parte ng daan kung saan walang harang sa ibabaw.

Ang daming videoke bar, at ala-una pa lang ng hapon kaya sarado pa. May bukas na mga Chinese resto pero wala sila n'ong naka-Alphabet na pangalan. Puro Chinese characters ang nakasulat. E hindi naman ako marunong magbasa ng Chinese. Siguro si Patrick, oo. Si Calvin, baka.

Pero hindi rin naman ako nahirapan sa paghahanap ng resto na pakay ko. Kasi ang sabi ni Calvin, ipapatawag daw ni Mother Shin sa Red Lotus si Jackson kung kursunada n'on ang Lambo ni Patrick. Napahinto ako sa gitna ng buong kalye nang may panibagong daan sa katawid na parte ng kalsada. May street doon na ang tumbok ay isang pula at gintong resto na para bang in-align doon sa mismong puwesto na 'yon para lang sinagan ng araw sa gitna ng mga establishment na nakatago sa anino ng mga building sa palibot nito.

Nai-imagine kong may choir na kumakanta ng Hallelujah habang nakatingin doon mula sa malayo.

Tahimik sa area kasi parang sa gabi ang buhay ng mga tagarito. Mukha tuloy akong nasa Zombie Land. Tinakbo ko na ang patawid sa kabilang street habang palingon-lingon sa paligid.

Ang weird ng vibe dito sa parteng ito. Parang may lalabas na mga ninja anumang oras. Tapos yung klase pa ng summer sun, yung tipong orange ang paligid na malungkot na dry na parang Mahal na Araw kahit May na.

Dagat na dagat na talaga ako, punyeta.

Red Lotus.

Wala namang pangalan na nakasulat pero merong malaking tabla na nakapahiga at naka-engrave—yung sinunog na engrave—ang ilang Chinese characters na hindi ko naman naiintindihan. Kulay pula ang kabuuan at may gintong pintura kada kanto. Walang makikita sa loob kasi ang pinakadingding nila, parang puting papel lang na nakadikit sa red wooden wall na may intricate grids. Walang guwardiya sa labas at ang alanganing kumatok kasi papel na nga ang pinaka-cover ng pinto, magkakahiwalay na makikitid na tabla pa ang pundasyon.

Hindi ako makasilip. Sinubukan kong tusukin ang papel ng gilid ng pinto kaso—hindi man halata—pero solid pala 'yon. Pinitik-pitik ko pa nang mahina at sinalat ang materyal. Kamukha ng materyal ng dingding sa lounge ng mansiyon nina Rico, yung gawa sa fiber glass.

Napadukot agad ako ng wallet para malaman kung kailangan ko pa bang mag-withdraw. School ID lang ang dala kong ID, at ATM card. Limanlibo naman para sa cash. Pero kung high-end restaurant itong papasukin ko, umaasa na akong hindi ko kayang bumili ng pagkain dito sa halagang limanlibo. Hindi ko dinala ang phone ko kasi paniguradong mawawala 'yon kung dadalhin ko—saka may payphone naman. Limampiso lang, makakatawag na agad ako kay Tita Tess.

Pinagpag ko agad ang suot kong polo shirt saka denim jeans. Buti hindi ako nag-shorts kundi hindi ako papapasukin nito, mukha akong manlilimos.

Binuksan ko ang pinto. Restaurant kaya malamang bukas sa lahat ng gustong kumain.

Pagpasok ko, ang dami palang tao sa loob. Hindi halata kasi hindi maingay sa labas. Walang guard, pero maraming nag-iikot na waiter na may dalang malalaking round tray. Puno 'yon ng mga plato at ceramic bowl na umuusok pa ang laman.

Ang mga waitress naman na may dalang tsaa, nakasuot nga ng Mandarin neckline dress pero kulay pula ang satin, hindi navy blue. Navy blue ang suot kagabi n'ong Mother Shin.

Tiningnan ko ang mukha ng mga nasa mesa. Puro singkit halos lahat. Itong mga server ang mga mukhang Pilipino.

Hinanap ko ang cashier o kaya counter kung saan puwedeng bumili ng à la carte. Bad news, puro sila table d'hôte. Kung hindi pala ako kukuha ng table, hindi ako makaka-order.

Mula sa pintuan, doon sa dulo, bukas na bukas ang kitchen. May counter lang na balot ng red cloth kung saan iiwan ang pagkain para kunin ng mga waiter. Pahakbang pa lang ako nang may humarang agad sa akin. Sinalo ang dibdib ko saka ako binalik sa tapat ng pintuan kung saan ako nakatayo.

Paglingon ko, dahan-dahan pa akong tumingala kasi ang tangkad ng humarang sa akin—partidahan nang 5'10" ang height ko pero ang pagkakatingala ko, halos mag-150-degree obtuse angle na.

Ang seryoso ng tingin sa akin nitong lalaking balbas sarado at triple ang itim sa balat ko.

"O-order po ako ng dumpling—hwoy!"

♥♥♥

Mother Shin.

Walang nagsabi sa akin ng matinong impormasyon kung sino siya. Basta ang alam ko lang, huwag siyang kakausapin kasi nakakatakot siya.

Pero hindi naman siya mukhang nakakatakot. Ang mga mata niya, oo, nakakatakot. Kapag tinitingnan ko—yung matagal na titig—para siyang lumilikha ng dark abyss sa loob ng utak ko tapos biglang lilitaw ang mukha ni Illumi Zoldyck habang sinasabi ang famous quote ni Nietzsche na, ". . . when you gaze long into the abyss, the abyss gazes also into you."

Parang siya yung mukha sa dilim na ayaw mong makita bago ka matulog kung ayaw mong bangungutin.

Natatakot ako sa kanya habang nakatitig ako sa mga mata niya nang napakatagal.

Unang beses kong inamin sa sarili kong natatakot ako sa isang tao—hindi dahil tinatakot niya 'ko, pero dahil habang iniisip ko ang buong quote ni Nietzsche, doon ako mas kinakabahan.

Beware that, when fighting monsters, you yourself do not become a monster . . . for when you gaze long into the abyss, the abyss gazes also into you.

"Bago ka nga talaga rito," sabi niya sa boses na sobrang hinhin at liit. Hindi siya bagay tawaging mother kung mukha siyang baby.

Dinala—mali, kinaladkad—ako ng bouncer niya sa dulong parte ng restaurant. Ang layo sa kitchen, malayo rin sa serving area. Malaki naman ang kuwarto pero parang ang dilim. Dilaw ang ilaw na mamula-mula dahil nakalagay sa pulang paper lantern na may Chinese characters na naka-print.

Meron namang light bulb pero dilaw rin ang ilaw at hindi flourescent o LED light. May side table doon na puro copper na mangko. May umuusok doon kaya ang naisip ko, baka gaya ng insenso ni Tita Liz sa tapat ng Buddha na mukhang katol pero powderized. Doon yata galing ang amoy na mabango naman at nakakakalma pero hindi ako sanay sa amoy. Parang lumang library kasi ang amoy pero in smoke form.

Walang sementadong bahagi sa loob maliban sa dalawang malalaking rounded na poste sa likuran naming dalawa. Malaki 'yon, parang pinakatukuran yata nitong second floor nila. May pintura 'yong ginto saka ang daming nakasulat na Chinese characters saka design na lotus. White and red ang marble design ng sahig. Naka-grid na pulang kahoy at papel na nasa fiber glass pa rin ang dingding. At ang solid kasi kahit maingay sa kitchen kanina, dito sa loob, walang ingay na maririnig.

May pabilog na mesa sa pagitan namin ni Mother Shin. Kung susumahin siguro, isang dipa ang lapad n'on. Halos isang metro din. May mga pagkaing nakahanda roon. Nakatapat lahat sa akin at baso ng tubig at tsaa lang ang nasa harapan niya.

Naka-Mandarin collar pa rin naman siya pero light blue na at meron siyang ipit sa buhok, bandang kaliwang tainga.

"Walang nagsabi sa 'yo sa mga kasama mo tungkol sa 'kin?" mahinhing tanong na naman niya.

Gusto ko sanang sumagot kaso hindi talaga ako komportable sa lugar na 'to. Matipid lang akong ngumiti saka umiling para sabihing wala.

"Eat," utos niya.

Masarap sana ang mga nakahain sa harapan ko pero ayokong galawin. Una, hindi ako komportable. Pangalawa, kung ikaw ang kinaladkad ng bouncer papunta rito, nakakapangduda na bigla kang dadalhan ng pagkain.

"Nag-lunch ako sa McDo," sabi ko na lang.

"If I told you to eat, you should eat," utos na naman niya.

Natakot naman na akong minsan kay Tita Tess sa mga ganitong pautos niya, pero bata pa kasi ako noon. E ngayon, kaya ko naman nang lumaban, pero unang beses ko yatang matakot sa mahinhing boses.

"Busog pa 'ko," sabi ko.

"Kung busog ka pala, bakit nandito ka sa restaurant?"

"Makikibanyo lang sana ako," biro ko, pero hindi ko talaga kinayang sabihin 'yon sa usual na tono ko kapag bumabanat ng punchline. Nagtunog sincere pa nga ako sa sobrang seryoso ng boses ko.

Matipid siyang ngumiti pero hindi talaga lumalapat ang ngiti sa mga mata niya.

"Kilala mo ba 'ko?" tanong niya nang bahagyang ipilig ang mukha sa kanan.

"Mother Shin."

"Mother Shin . . . hmm . . ." Tumikom ang bibig niya at marahang tumango.

Sinusundan ko ang paggala ng mga mata niya, parang kinakabisado ang itsura ko mula ulo hanggang sa kung anong nakikita niya sa likod ng mesang nasa harapan namin.

"Nauuhaw ka?" biglang tanong niya.

"Sakto lang."

"Uminom ka."

"Okay lang, hindi pa naman ako dehydrated."

"Kapag sinabi kong uminom ka, iinom ka," warning niya, pero ang hinhin pa rin.

Pilit naman akong ngumiti sa utos niya. "Thank you sa offer—"

"Inom."

Ang tibay.

Tumayo na lang ako at lumapit sa kanya. Seryoso lang ang mukha ko nang damputin ang baso ng tubig niya saka kinalahati ang laman n'on bago inilapag ulit sa harapan niya.

Bahagya siyang nakapaling patingala sa akin at mula sa dulo ng mata, sinusundan niya ang kilos ko.

"Salamat," sabi ko. Pagtalikod ko, may mahinang tulak ang bumangga sa likod ng tuhod ko at muntik na akong mapaluhod habang nangingilo. Pabagsak na 'ko nang makakapit ako sa mesa. Paglingon ko kay Mother Shin, nanlaki agad ang mga mata ko nang buhat na niya ang kahoy na upuan at nakaamba nang ihampas sa 'kin.

"Shit!" Napagapang tuloy ako palayo at nadaplisan pa ang slip-ons ko ng sandalan ng upuan kaya nahubad 'yon at naiwan sa kaninang puwesto ko. Pinandilatan ko agad ang nagkahiwa-hiwalay na parte ng kahoy na upuan at gumapang pa lalo paatras.

Nakangiwi lang ako nang mag-angat ng tingin kay Mother Shin kasi wala man lang siyang kaemo-emosyon e halos makapatay na siya ng tao sa ginawa niya!

"Imposibleng wala silang sinabi tungkol sa 'kin," sabi niya habang naglalakad palapit sa pinaggapangan ko. "Kasi kung wala, hindi ka dapat nandito."

Tumayo agad ako at iikot sana sa malapit na poste para magtago pero nanlaki pang lalo ang mata ko nang hatakin niya ang likurang kuwelyo ko at halos sakalin ako ng kuwelyo sa harap habang kinakaladkad niya pabalik sa mesa.

"Saglit! Putang ina, hindi ako makikipag-a—aray, 'tang ina!" Sa nipis niyang 'yon, nagawa pa niya akong maibato sa mesa at muntik pa akong matapunan ng pancit sa mukha kasi nahigaan ng ulo ko ang kanto ng plato. "Saglit nga kasi!"

Pabangon pa lang ako nang manlaki na naman ang mga mata ko kasi dinakma niya agad ako sa leeg at may hawak pa siyang kutsara na nakatutok sa kanang mata ko.

"Hoy, gago, huwag kang mantrip, papatulan talaga kita!" Sinalo ko ang braso niyang pagkanipis-nipis pero nanginginig ang kamay kong pigilan.

"Dapat nakinig ka na lang sa mga kasama mo," sabi niya, at talagang walang kabuhay-buhay ang mga mata niya habang inaambang kutsarahin ang mata ko.

"'Tang ina, ayokong patulan ka, ha!"

Wala siyang sinabi, nakikipagbuno lang talaga sa 'kin kahit na ang lapit na ng kanto ng kutsara sa mata ko.

"Makikipagkilala lang ako!" sigaw ko sa kanya, at wala na akong nagawa kundi sakalin din siya at dumampot ng kung anong nasa tabi ng ulo ko.

Kinuha ko ang pancit na natapon doon saka ko isinaboy sa mukha niya.

"Argh!" Ang lakas ng nairitang sigaw niya saka ako tinantanan. Tumayo agad ako at patakbo pa lang sana paalis nang hatakin na naman niya ang damit at ibinato na naman ako pahiga sa mesa.

Bumagsak ulit ako roon at pinandilatan na naman siya.

"Puta, ano bang problema mo, ha!" Pumaling agad ako pakaliwa nang maabutan siyang may nakaabang nang tinidor sa hangin. Ang bilis ng ilag ko nang bumagsak sa bandang likod ng ulo ko ang tusok ng tinidor at mabilis akong pumaling sa mga pagkaing nagkatapon-tapon na para lang makaalis.

Nagpunas agad ako ng nagmamantika nang mukha at papunta na sana sa pintuan nang may humatak na naman sa damit ko at ibinato ako sa sahig.

Putang inang polo 'to, pahamak amputa!

Pagbagsak ko, naitukod ko agad ang magkabila kong siko sa sahig saka gumapang paatras nang sunod-sunod akong habulin ng palo ni Mother Shin—'yon pang mahabang parte ng upuan na may mga nakausling pako pa. Pasipa-sipa na ako sa hangin kasi halos madaplisan niya ang mga paa ko kada hampas niya sa sahig.

"Saglit lang nga kasi! Magpapaliwanag ako!" sigaw ko na saka mabilisang tumayo at humabol pa ako ng pagbato ng ceramic na plato sa kanya para hindi niya ako mahabol.

Mabilis kong hinubad ang polo kong kanina pa ako pinapahamak at dumeretso na sa pintuan. Ang kaso . . .

"Putang ina!" Marahas ko 'yong pinalo-palo kasi ayaw bumukas at walang hawakan para hatakin! Flat surface lang talaga siya!

Paglingon ko kay Mother Shin, nanlaki na naman ang mga mata ko at napailag nang batuhin niya ako ng basag na parte ng plato.

"Wait nga kasi! Makinig ka nga!" Mabilis na naman akong tumakbo palayo sa kanya habang nalilito kung saan na ako pupunta.

Walang bintana maliban sa exhaust fans!

Shet!

Humarap na ako sa kanya at mahinang nagpaliwanag. Nakataas na ang magkabilang kong mga kamay at nakatutok sa kanya bilang panangga.

"Let me explain, okay?" sabi ko pa habang paatras nang paatras. "Wala silang sinabi tungkol sa 'yo. Basta ang alam ko lang, kaya mong ipasara ang Coastal at ikaw si Mother Shin."

"At sa tingin mo, maniniwala ako?" Dumampot na naman siya ng basag na parte ng plato at mabilis na nilakad ang papalapit sa akin.

"'Yon lang talaga, pramis! Putang ina naman kasi, hindi naman ako nandito para makipag-away! Mami!" Mabilis akong tumakbo palayo nang makalapit na siya. Paikot-ikot kami sa loob ng kuwarto habang nagbabatuhan kami ng kung ano-ano.

"Wala nga akong pakay na masama! Para namang tanga 'to—hwoy! Putang ina!"

Halos bumalentong ako nang madulas ako sa mamantikang pancit na nakakalat sa sahig. Pagbagsak ako, nakaabang na agad sa itaas ko ang mahabang kahoy na puro pako sa gilid.

"Mami!"

Wala na akong ibang nagawa. Hinatak ko na lang ang puno ng paa niya para matumba rin siya gaya ko.

"Ah—!" Ang tinis ng tili niya saka ko naramdaman ang marahan niyang pagbagsak sa sahig.

Mabilis akong gumapang paatras. At kinuha agad ang magkabila niyang kamay saka itinaas. Pinaghiwalay ko pa ang magkabila niyang mga binti bago ko siya hinigaan.

"Taympers lang . . . hinihingal ako, putang ina."

Nandidilim na ang paningin ko at saka ko lang naramdaman ang lagkit ng pawis saka mantika ng pancit.

Ang bigat ng ulo ko, para akong vine-vertigo. Hindi ko na alam kung puso ko pa ba ang tumitibok o ulo ko o buong katawan ko.

Ang lalim ng paghinga ko at ramdam ko rin ang hingal niya habang nasa gilid lang ng ulo ko ang ulo niya. Ang init na nga ng pakiramdam ko, ang init pa niya. Wrong move na pumatong ako sa kanya, lalo pa akong nabigatan sa sarili ko.

"Ang tindi mo . . ." bulong ko habang naghahabol ng hangin. "Kaya pala natatakot sila sa 'yo . . ."

Pilit niyang inaalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya pero mas diniinan ko pa 'yon sa sahig. Naglalagutukan na ang buto niya dahil sa ginagawa namin.

"Mapagod ka naman!" singhal ko habang paubo-ubo na.

Nag-angat ako ng mukha, ang kaso, hindi ako makaangat nang maayos dahil sa alanganing puwesto naming dalawa. Hindi ko rin naman siya puwedeng bitiwan. Ang kinaya lang ng pag-urong ko ay sapat na para magtama ang tungki ng ilong naming dalawa. Palipat-lipat ang tingin ko sa magkabila niyang mga mata habang naghahabol ako ng hangin.

"Fine . . . I'll be honest . . . wait . . . hinga muna 'ko . . ." Pumikit pa ako at ipinatong ang noo ko sa noo niya. Doon na ako nag-inhale-exhale, walang pakialam kung magkapalitan man kami ng hininga. "Ang bigat ng ulo ko, shet. Okay . . . game . . ." Pagdilat ko, saglit ulit akong lumayo at sinalubong na ang nanliliit niyang mga mata. "Natalo kasi sa pustahan ang barkada ko . . . kailangan ko ng tulong para mabawi 'yon bago matapos ang summer . . . bale next, next week . . . matutulungan mo ba 'ko?"

"At bakit kita tutulungan?" tanong niya at hindi man lang naghiwalay ang mga ngipin niya nang sabihin 'yon.

Shet.

"Actually . . ." Napalunok ako at nakagat ang labi sabay ngiwi. "Iniisip ko pa lang. Bumisita lang talaga ako sa 'yo para makipagkilala. Next week pa sana ako manghihingi ng pabor . . ." Pilit akong ngumiti sa kanya. "Hi, I'm Clark Mendoza. Nice to meet you, Mother Shin."




♥♥♥


A/N:

Dapat pala ang title nito, ang mga babae sa buhay ni Clark Mendoza hahaha

Anyway, Mother Shin here. Ang iskeri ng looks niya rito. Tho dapat talagang maging iskeri siya haha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top