Chapter 1: From the Top

Serving the teen OG Alabang Boys
Kapag pogi, kailangan talagang nakapaling ang ulo sa kaliwa hahahaha



❤️❤️❤️

Ang first ever best friend ko, si Leopold Scott. Nag-aral kami sa iisang learning school sa Makati. Three years old, magkakilala na kaming dalawa. Nursery school, katabi ko siya sa mahabang monobloc table na color blue at kapalitan ko ng monobloc chair na may iba't ibang animal design. Kapag naagaw ang favorite chair niyang lion, makikipag-trade agad kami sa ibang classmate namin kapalit ng elephant o kaya giraffe.

Naging mag-best friend kami kasi nagpapagandahan kami ng laman ng notebook. Saka ka-share ko kasi siya ng Eggnog saka Bread-stix tuwing recess.

Writing practice, magsusulat ng alphabet. Pagandahan ng sulat, palinisan ng alignment. Kung ang ibang classmate namin, mula top paliko pababa ang linya ng lettering, kami ni Leo ang madalas makakuha ng excellent stars kasi organized kaming magsulat.

Talented—iyon ang tawag sa aming dalawa. Pagkatapos ng dalawang grading period, kaparehong taon, ina-accelerate kami sa kinder one kasi beyond na raw ang skills and knowledge namin para sa nursery.

Four years old, kinder one, ang batas ng panghapong klase, Ronerico Dardenne. Ang mortal naming kaaway ni Leo.

Ang saya ng buhay namin noong nursery pa lang kami pero gina-gangster kasi kami nito ni Rico. Siya yung batang lalaki na laging nakalabas ang kompletong Crayola kahit wala namang kokoloran sa notebook. Laging naka-expose ang pencil case niyang may car design at may second floor. Yung batang kung makaupo, akala mo, boss. Naka-de-kuwatro, nakakrus ang mga braso, at kung tingnan kaming lahat, parang mga hindi kami naliligo.

Pero inaasar siya ng iba naming classmate kasi may mata raw siya ng butiki. Kulay green kasi tapos kapag naiilawan, nagiging dark yellow. Kaya inaasar din naming siyang butiki.

Pero hindi roon natatapos ang rivalry namin. Mas matanda siya nang ilang buwan sa amin ni Leo kaya nga dapat daw siyang galangin ng mga taga-nursery kasi mas nauna siyang mag-kinder one. Ang kaso, wala kaming pake.

Writing practice, gaya ng nakasanayan, magsusulat, pero hindi na ng basic alphabet na ABCD. Words na.

Apple.

Bee.

Cat.

Dog.

Egg.

"Teacher, papa-check na po kami!"

Gaya ng nakasanayan, sabay kami ni Leo na nagpapa-check ng notebook. Pagandahan ng sulat, palinisan ng alignment, paramihan ng excellent stars.

Pagbalik sa upuan namin, binagsakan agad kami ng palad ni Rico sa table, kagat ang labi habang nakasimangot.

"Bakit finish na kayo agad?" reklamo niya sa amin ni Leo.

"Baket?" sagot din namin ni Leo.

"Hindi pa ako tapos, tapos na kayo?" reklamo na naman niya at kagat na naman ang labi habang namamaywang.

"Baket?" sagot ulit namin ni Leo.

"E sa tapos na kami, baket ka nagagalet?" sabi ko.

"I am four years old! Dapat ako first!"

Tumayo na rin ako saka ginaya ang pamamaywang niya. "E nauna nga kame! Baket ka nagagalet e napakabagal mo magsulat?"

Kagat niya ang labi nang batuhin niya ako ng notebook sa mukha. "Teacher, inaaway nila 'ko!"

Doon nagsimula ang civil war naming tatlo. Mortal enemy namin si Rico, at pinalaki yata siya ng mga magulang niya para mandurog ng mga kalaban, malay ko.

December, malapit na ang Christmas party, naghahanda na ng magagandang bagay sa learning center. Lumapit si Rico sa amin, binigyan kami ng chocolates, tig-isang bar ni Leo saka ilang lollipop. Akala namin makikipagbati. Naupo siya sa kabilang side ng mesa, nag-de-kuwatro na naman saka nagkrus ng mga braso.

"Baket mo kame binibigyan ng chocolate?" tanong ko.

"Ang gusto ko, ako lagi first," katwiran niya sa walang kamatayang away namin sa kung sino ang mauunang matapos sa activities. "You will have my chocolates basta ako lagi first bago kayo."

"Ayoko nga!" kontra ni Leo pero inawat ko agad siya.

"Wala tayong chocolate," bulong ko sa kanya.

"Dapat tayo una lagi," sagot ni Leo.

"Hayaan mo na siya ma-first lagi. May chocolate naman tayo."

"E di hindi na tayo una?"

"Mas maganda naman sulat natin sa kanya. Okay na 'yon basta may chocolate tayo. Excellent pa rin naman tayo kay teacher kasi maganda sulat natin."

Sumimangot lang si Leo pero nagkasundo rin kami. Ginaya namin ang pagkrus ng braso ni Rico saka kami nakipag-deal.

"Sige, amin na chocolate mo ta's ikaw na mauuna magpasa lagi," sabi ko.

"Okay!" Inalok niya ang kamay niya sa amin ni Leo. "I'll make that a deal."

Nakatingin lang muna kami sa kamay niya pero nakipagkamay na rin kami pagkatapos.

Simula noon, lagi na kaming magkakasama tuwing recess. Siya kasi ang supplier namin ng mga chocolate saka matatamis na pagkain—o kahit anong pagkain maliban sa Eggnog, Zest-O, saka Bread-stix.

Lagi siyang maraming baon pero wala naman siyang ka-share maliban sa amin ni Leo.

Pagdating ng January, nag-shifting na naman ng schedule.

Na-accelerate na naman kaming tatlo, pero naiwan si Leo sa panghapon sa kinder one. Ang nakasama ko lang sa preparatory school sa pang-umaga, si Rico na. Seven to ten in the morning kami. One to four in the afternoon si Leo. Ang layo ng pagitan ng oras.

At dahil prep school na, hindi lang ABCD, hindi lang Apple, Bee, Cat, Dog ang sinusulat. Nagse-sentence na kami, yung basic.

Anna is pretty.

The boy is small.

A cat is an animal.

The dog is big.

Five years old na n'on si Rico, four years old ako. Sa buong kinder two, ako lang ang four years old. From nursery to prep school real quick. Competing kaming dalawa sa pagiging valedictorian. At kung sino ang valedictorian, siya ang magbibigay ng speech sa graduation.

Doon ko unang nakilala si Tessa El-Sokkary Dardenne. Siya yung laging kausap ng teacher, tinatanong kung ilang stars ang meron si Rico araw-araw. Tinatanong din kung ilang stars ang nakuha ng ibang kasabayan sa honor roll.

Siya yung nanay na maganda na laging nakasuot ng white saka maraming alahas. Siya rin yung nagpa-Jollibee noong birthday ni Rico last September. Basta alam naming nasa center siya kapag may mabangong-mabango sa classroom. Lagi siyang nakangiti saka may dalang pamaypay. May mga kasama rin siyang ibang lalaki na magkakamukha ng damit.

"Mum, this is Clark," pakilala ni Rico sa akin isang uwian. "Pareho kami laging maraming stars."

"Oh . . . so you're the Mendoza kid."

"Hello po," magalang na bati ko habang nakatingin sa mga mata niya. Hindi naman siya mukhang nakakatakot pero para siyang nananakot.

"Ilang stars ang meron ka?" tanong niya sa 'kin.

"Seven po."

"And you?" tanong niya kay Rico.

"Same kami, Mum, seven!"

Mula sa straight na pagtayo, nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Rico habang mata lang ang iginagalaw.

"How old are you?" tanong niya sa 'kin.

"Four po."

"Too young. Sabi ni Angelou, ikaw raw ang valedictorian."

"Ano po 'yon?"

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Never mind." Kinuha na niya ang kamay ni Rico saka nagladlad ng pamaypay. "Come here, darling. Susunduin pa natin ang daddy mo."

Tapos yung mga lalaking iisa lang ang suot na damit ang kumuha ng de-gulong na bag ni Rico saka lunch bag niya.

"Mum, can we go to the mall?"

"We'll go to the mall kapag natalo mo 'yong batang 'yon."

"Pero friends kami, Mum!"

"You can be friends with him, but you need to get your valedictory address by March. Kapag kulang ang stars mo, hindi ka namin dadalhin ni Daddy sa mall."

"Mum! Gusto ko mag-mall!"

"Sige na, sumakay ka na sa kotse."

Siguro nga, may mga bagay na hindi madaling maintindihan noon na magme-make sense habang nagkakaedad.

Pinalaki ako nina Mami na walang ibang mahalaga sa kanila kundi ang mag-enjoy ako sa ginagawa ko. Never akong na-pressure. Never nilang sinabing gawin ko 'to, gawin ko 'yan. Kung may opportunity para sa akin, grab lang basta kaya. Bago ako ma-accelerate, tinatanong ako kung kaya ko ba. Bago dalhin sa next schedule, binibigyan ako ng exam. Sasagutan kung kaya ba o kung hindi. Gaya nga ng sabi ni Dadi, kung kaya, okay. Kung hindi, ang mahalaga, nag-try. Walang mawawala kung susubok, at kung kinaya, wala rin namang problema.

At doon ko rin unang na-realize na hindi ko magulang ang magulang ni Rico.

Wala akong ibang naririnig sa mama niya kundi dapat matalo ako kundi may mawawala kay Rico.

Ang inisip ko na lang, pareho kaming mawawalan ng chocolate kapag hindi ako nagpaubaya.

Hindi niya naman sinabing mawawalan siya ng chocolate kapag kulang siya ng star, pero inisip ko na lang na posible 'yong mangyari.

Kaya nga pagdating ng March, alam na ng lahat kung sino ang valedictorian sa aming dalawa.

At tinanggap ko nang hindi ako 'yon.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top