Prologue


You don't play with the queen.

Mina-mantra ko 'yon sa sarili ko—na huwag na huwag kong babanggain si Tessa Dardenne dahil hindi siya madaling kalaban.

Ang dami kong nakilala sa Coastal na kapag nababanggit ang apelyidong Dardenne, umiiwas sila. Ultimo mga tao sa Red Lotus, ayaw na umiikot ang pangalang 'yon sa area. Pero hindi 'yon dahil kay Enrico Dardenne . . . dahil 'yon sa asawa niya.

But Tita Tess is my another mother living in another house. Baka nga mas kilala pa ako ni Tita Tess kaysa kay Mami. And that was the point.

Yung sa sobrang kilala ka na niya, pinipitik na lang niya sa hangin ang impormasyon tungkol sa 'yo.

Sa sobrang pampered ng buong barkada ko, hindi ko rin alam kung bakit exposed ako sa magulong mundo.

Madilim na eskinita, mahabang daan, highway sa dulo kung saan malapit doon sa parking lot katabi ng gasolinahan.

Dalawang malaking building sa magkabilang tabi; lumang general merchandise sa kanan, matandang apartment sa kaliwa, at may aninong nakasunod sa akin sa likuran.

Kung sanay ka sa dilim ng kalye at sa gulo ng mundo, hindi ka papasok sa madilim na eskinita na naka-Gucci at Rolex kung ayaw mong lumabas nang nakahiga na.

Simpleng white T-shirt, cargo shorts, Islander na tsinelas, G-Shock watch na mali pa ang spelling sa logo, at wallet na may ilang ID. Mga must-have just in case mapasubo sa gulo.

Malapit na 'ko sa dulo, tanaw ko na ang gas station, nakasunod pa rin ang anino. Pero gaya nga ng sabi ko, sa madilim na eskinita, dapat sanay ka sa gulo.

Lumiko ako sa kanan paglagpas sa dulo, saka hinintay sa liwanag ang anino. Kinuha ko ang pocket knife sa bulsa ng cargo shorts at eksaktong paglingon sa akin ng lalaki, sinalubong ng kaliwang braso ko ang leeg niya saka siya ibinalibag pabalik sa nilikuan naming madilim na kanto.

"Kanina ka pa, ha. Sino'ng nagpadala sa 'yo?" mahinang tanong ko habang tutok sa leeg niya ang kutsilyo.

Iwas na iwas ang tingin niya sa 'kin. Pinakikiramdaman ko kung may dadaan bang tao sa sidewalk bago pa kami maabutan.

"Napadaan lang ako," sabi niya.

"Huwag mo 'kong ginagago, hindi ako ipinanganak kahapon."

Ang bigat ng buga niya ng hangin habang ilag ang tingin sa 'kin.

"Sasagot ka o hindi?" Idiniin ko ang talim sa leeg niya at halos tumingala na siya roon.

"Wala akong masamang pakay."

"Hindi 'yan ang sagot sa tanong ko." Inilipat ko sa kaliwang kamay ang kutsilyo at dinukot sa back pocket niya ang wallet doon. Ipinaling na naman niya ang mukha sa kaliwang gilid habang tinututok sa lalamunan niya ang hawak ko.

Iniladlad ko sa bahagyang liwanag ang laman ng wallet niya at nakita ko roon ang pamilyar na ID ng isang private investigation company.

Natawa na lang ako nang mahina at lumayo na sa kanya.

"Ipinadala ka ni Tita Tess?" di-makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Pasensiya na ho, ser. Napag-utusan lang."

Tessa El Sokkary-Dardenne—chief operating officer ng Afitek Security Company. Kayang-kaya niyang kalkalin ang buong buhay ng isang tao sa isang pitik lang ng daliri niya.

Pero kung hindi siya kilala ng kakausap sa kanya, ang iisipin lang tungkol sa kanya . . . isang mayamang nanay ng dalawang mayabang na magkapatid, yung nanay na laging nagmamalaki tungkol sa achievements ng mga anak niya habang minamaliit ang anak ng iba.

Sinasabi ng halos lahat ng kilala siya kung gaano siya nakakatakot . . . habang sinasabi ng halos lahat ng kilala niya kung gaano siya kabait.

At para sa isang taong nakita na ang parehong side na 'yon ni Tita Tess, naniniwala ako kung gaano siya nakakatakot at kung gaano pa siya kabait sa lagay na 'yon.

Pero 'yon na ang problema ko ngayon. I was standing on that thin line between her demon mode and her angel mode.

Sa mansiyon ng mga Dardenne, safe haven na rito kung tutuusin. Hindi magulo, hindi nakakatakot, hindi ka kakabahang baka may manakit sa 'yo.

Pero dito rin sa mansiyong ito nakatira ang kinatatakutan nilang tao. 

"Tita, bakit naman ako sinusundan ng mga tauhan mo?" reklamo ko pagdaan sa mansiyon isang gabi.

"You tell me why," istriktang sagot niya sa tanong ko at sumandal sa swivel chair niya nang magkakrus ang mga braso.

Napakamot ako ng noo. Wala nga kasi akong idea.

"Tita, tungkol ba 'to kay Sab?" hula ko. "Naghahanap ka ba ng babae ko?"

"Ang gusto kong mahanap, 'yong mga taong hinahanap ka."

Lalong nangunot ang noo ko. "Sino'ng maghahanap sa 'kin hindi naman ako nawawala? Alam naman nilang lahat ang office namin ni Leo."

Bored na bored lang ang tingin ni Tita Tess sa 'kin nang pagtaasan ako ng kilay.

"You're playing a dangerous game, Clark," biglang sabi niya na hindi ko alam kung saan ba niya hinuhugot. "Hindi ka dapat nakikipaglaro sa mga taong hindi laro ang gusto sa 'yo." 

Hindi ko naman pinaglalaruan si Sabrina. Bakit niya ako kailangang pasundan sa mga tauhan niya?

"Tita, hindi ko na talaga naiintindihan 'to," katwiran ko.

"You should understand everything dahil ikaw ang naghanap ng gulo!" singhal niya na hindi ko inaasahan. "I already warned you a decade ago, pero hindi ka talaga nakinig. Tapos ngayon, sasabihin mong hindi mo naiintindihan?"

"Tungkol ba 'to kay Sab?"

"Sab is involved here. And I must protect my daughter."

Sabi na, e. Tungkol talaga 'to kay Sabrina.

"Tita, hindi naman 'to emergency situation para pasunurin mo ang mga tauhan mo sa 'kin."

"Sigurado ka?" biglang hamon niya na ikinatahimik ko. "Observe your surroundings, kid. Tanungin mo lahat ng nasa paligid mo kung ano ba ang nangyayari. Alamin mo kung ano'ng meron at saka mo sabihin sa 'king wala ka sa emergency situation."

Akala ko talaga, power-tripping lang si Tita Tess kasi overprotective sa bunso niya.

Habang inaalala ko ang sermon niyang 'yon, iniisip ko . . . alam na ba ni Tita Tess ang lahat bago ko pa malaman ang nangyayari?

Gusto ko siyang tanungin . . . Tita, galit ka ba sa 'kin kasi hindi ako nakinig sa 'yo this time?

Tumutugtog sa speaker ng kotse ko ang chorus ng Living On a Jet Plane ni Chantal Kreviazuk.

Kanina pa parang may kung anong makati sa batok ko mula nang umalis ako sa hotel. Para akong tinatrangkaso, pero baka dahil lang sa kaba 'to.

"You're risking everything, Clark."

Walang traffic sa lane pa-southbound. Ang smooth ng biyahe.

Bumibigat nang kaunti ang paghinga ko at nakailang pikit na ako ng kanang mata dahil lumalabo ang paningin ko roon.

"I already risked everything."

Nagsunod-sunod ang ubo ko at sobrang sakit ng lalamunan ko, halos hindi ako makahinga. Sinubukan ko pang ihinto ang kotse para magpahinga sandali pero nakailang tapak na ako sa break, hindi naman gumana. Mas lalo pang bumilis ang takbo ng sasakyang minamaneho ko.

"Shit!"

Nagmamadali kong dinampot ang phone ko sa ibaba ng gear shift pero pagbalik ko ng tingin sa kalsada, sumalubong na lang ako sa matigas na bagay at biglang dumilim ang lahat.

"I'll see you again someday, Sab."

♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top