MOTHER'S DAY SPECIAL
Happy Mother's Day sa lahat ng mommy today! At dahil diyan, may Mother's Day Special po tayo. This is free to read sa Patreon. Just visit my profile: patreon.com/ElenaBuncaras
"Muuuum!"
My son was malfunctioning again, Dios mio. Hindi pa sumisikat ang araw.
"Tessa El Sokkary-Dardenne! Waaake up . . ."
Lalo pa akong napapikit nang daganan ako ni Ronerico sa kama. To think na halos doble ang laki niya sa katawan ko.
"Moh-mey! Muuum! Mamá! Are you awake na? I know you're awake. It's already five na. Nagjo-jogging na si Daddy. Bangon ka na, dali!" Ilang ulit pa niya akong hinalik-halikan sa pisngi bago ako pinalo-palo sa balikat para pabangunin.
Today is Mother's Day, and my son was planning for a surprise yet very vocal about that surprise, kaya hindi ko na rin masabi kung talaga bang surprising ang surprise niya na oras-oras niyang sinasabi mula pa kahapon.
My son's definition of being sweet was questionable kasi hindi ako sweet na nanay, but his father was a sweet man. Ronerico has his way of showing how he abhors and loves me at the same time.
You can read this in full sa Patreon FOR FREE. Visit lang po kayo sa profile ko.
♥♥♥
PATRICK'S WEDDING CLIP: LEO'S POV
Wala kaming naintindihan ni Rico sa lahat ng pinagtatawanan ng tita ni Kyline, pero nasamid siya sa kinakain nang biglang magsalita si Tita Pia.
"You think so?" tanong pa ni Tita Pia, pilit ang ngiti sa tita ni Kyline. Hindi ko rin alam kung saan galing ang tanong niya hanggang sa magsalita siya ng Chinese na dahilan ng mahinang pagtawa ni Tita Tess.
"I . . . am . . . shookt," sabi ni Rico habang natatawa ring gaya ng mama niya habang may sinasabi si Tita Pia. At base sa kunot ng noo at talim ng tingin ng tita ni Kyline, sigurado akong hindi kapata-patawad ang lumalabas ngayon sa bibig ng mama ni Clark.
"Nakapag-aral at nakapagtapos sa magandang eskuwelahan si Leopold," mariing sabi ni Tita Pia, nakikipagtagisan ng titig sa tita ni Kyline. "Kaya kung magtatanong ka ng karapatan, pakitanong din muna ang sarili mo. Because to tell you honestly, between you and Leopold, ikaw ang wala sa lugar. Let's start with you sitting at a twelve-seater table and being the thirteenth person in this circle." Dumeretso ng upo si Tita Pia at nakipaghamunan ng tingin sa tita ni Ky. "Mag-ingat ka sa sinasabi mo. Walang tanga sa mesang 'to," malutong na panapos niya.
"Ah . . . I really love Tita Pia's barbaric accent," tuwang-tuwa pang sabi ni Rico, at umakto pang hinalikan ang mga daliri para sa chef's kiss.
Mula sa magkakrus na braso, nagtaas ng mukha si Tita Pia. Si Tita Tess, yakap-yakap na siya mula sa gilid habang tumatawa. Para silang mean girls na may nakaaway sa kabilang sorority.
"You know, Bobby, kilala mo 'ko. Don't even ask for my side," natatawang sabi ni Tita Tess at parang pusang naglalambing doon sa gilid ng mama ni Clark.
"You don't look familiar," mataray na sinabi ng tita ni Ky saka tumayo na habang minamata si Tita Pia.
"She's the mother of Clark Mendoza," sabi ni Tito Bobby at nginitian pa ang tita ni Ky. "You may go," magalang niyang utos at inilahad pa ang palad sa aisle.
Kung nakakasunog lang siguro ang tingin, baka kanina pa nagliliyab si Tita Pia saka tita ni Kyline. Kahit paalis na ang tita ni Ky, ang talim pa rin ng tingin ni Tita Pia sa kanya.
Pag-alis na pag-alis n'on, hindi ko alam kung makakahinga na ba ako nang maayos lalo na nang sulyapan ako ni Tita Pia mula sa puwesto niya. Kitang-kita pa kung paano siya magbuntonghininga na talagang maririnig naming lahat sa kalapit na mesa.
"Tessa, sinasabi ko na, ayokong makita 'yang mga 'yan sa kasal ni Leopold, ha," biglang sabi ni Tita Pia na ikinalaki ng mga mata ko. Kasi ang taas ng boses niya, nagbabanta talaga.
"Nagalit ka?" nakangising tanong ni Tita Tess habang inaasar si Tita Pia, ang lapit pa ng mukha niya rito. "Mga bitchesa talaga sila, 'no? Nakakabuwisit."
"Wala siya 'ka mong hiya," gigil na sabi ni Tita Pia.
"Sophia," awat na ni Tito Ferdz sa asawa niya.
"Fernando, alam mong hindi mahaba ang pasensiya ko sa kahangalan ng ibang tao. Huwag mo 'kong masopi-Sophia diyan, ha."
Napapatakip ako ng bibig para lang hindi matawa sa pagkagigil ni Tita Pia. Habang iniisip ko kung gaano siya kabait kanina kay Clark, para siyang nagkakaroon ng split personality porke wala ang anak niya rito.
"Bobby, makikiusap ako," galit na sabi ni Tita Pia, salubong ang kilay at halos hindi mapaghiwalay ang mga ngipin sa ibaba't itaas sa sobrang inis. "Isang parinig pa sa 'yo ng kahit sino sa mga kamag-anak ni . . ." Itinuro ni Tita ang kanang gilid, ayaw banggitin ang pangalan ni Kyline. "Talagang magsasalita ako, sinasabi ko na sa 'yo."
(Available for Patrons Only)
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top