Chapter 8: Decision

This chapter is dedicated to hswoopy na first comment last chapter. Salamat po sa pagdaan kay Clark!
Enjoy reading po sa lahat!

♥♥♥

Hindi pa alam ng lahat ang tungkol sa plano ni Tita Tess na pagpapakasal namin ni Sabrina, kaya nang mapag-usapan namin pagkatapos ng so-called dinner, hindi na ako nagtaka sa mga reaksiyon nila.

Nasa gilid kami ng pool, sa picnic mat, nakaupo kami roon at magkakatabi habang nakapabilog.

Magkatabi si buntis saka si Pat. Sa tabi ni Pat, nakalingkis naman si Sab sa braso ni Rico sa tabi tapos sa kabila si Jaesie na namamapak ng peanuts. Nagsama-sama kaming mga single dito sa isang side kaharap nila tapos sa dulo sina Ky at Leo na katabi ko naman.

"All right, everyone's here." Pumalakpak na si Rico nang makaayos na kami.

Padilim na at nagbukasan na ang mga ilaw sa mga posteng malalapit.

"I have a news," sabi ni Rico sa lahat, at napapainom na lang ako ng beer habang naghihintay ng balita niya.

"Bad news ba?" tanong ni Patrick.

"Well . . . Mum wanted Clark to marry Sabrina," sabi ni Rico sabay tikom ng bibig.

"HA?" Sabay-sabay pa sila.

"Bakit si Clark?" kunot-noong tanong ni Mel.

Same question, actually.

"Hey, why not Clark?" kontra ni Kyline. "But why Clark first pala?"

Nakatingin ako kay Rico. Kung frustrated na 'ko, parang mas visible ang sa kanya. Kung makabuntonghininga siya at tulala sa harap, parang napaka-hopeless ng balita niya ngayon.

"Alam n'yo, hindi 'yan ang issue ko ngayon," dismayadong sabad ko kaya nalipat sa akin ang tingin nilang lahat. "Three weeks na 'kong pinababantayan ni Tita Tess."

Sabay-sabay na kumunot ang mga noo nila, nagtatanong na agad ang tingin kung ano'ng sinasabi ko.

"Whoa. Why? What happened?" tanong ni Kyline, na ayaw ko ring sabihing pati siya, binabantayan din yata.

"Akala ko, jino-joke time lang ako ni Tita Tess last month noong mag-announce siya ng wedding namin ni Sab," paliwanag ko. "Then, may nahuli akong umaaligid sa work saka sa bahay ko. Noong na-confront ko, confirmed, tao ni Tita Tess."

Napatingin ako kay Rico, at nagpalipat-lipat sa aming dalawa ang tingin nilang lahat kasi mama ni Rico ang topic.

"Nag-apologize na ako kay Clark about that. And Mum admitted it, so guilty siya in every angle," sagot ni Rico kahit wala namang nagtatanong maliban sa mga tingin nila.

"Bakit?" tanong na naman ni Ky. "I mean . . . Clark and Sab are gonna get married so . . ."

"Ayoko," sabi ko agad.

"That won't happen," sabad ni Sab na hindi namin inaasahan.

Nalipat tuloy sa amin ni Sab ang mga tingin nila.

Ayokong pakasalan si Sabrina sa napakaraming dahilan at hindi ko alam kung maiintindihan nila 'yon.

"Basically, ayaw n'yo ng wedding," sabad ni Melanie. "Well, same. Tara, abroad!"

"Hey!" Umawat agad si Patrick, eto na naman ang asawa niyang pangarap maging single mom. Hinawakan niya sa pisngi si Melanie at pinaharap sa kanya. "Take that back."

"Arte mo!" Nakatikim tuloy si Pat ng sampal sa buntis niya bago siya sinandalan. "Pero bakit nga kasi si Clark?" tanong ulit ni Mel. "Matagal nang evil mom 'yang mama mo Rico. Lahat na lang talaga, dinadamay niya sa stress."

Ang bigat na naman ng buntonghininga ni Rico. Partida, kararating pa lang nila ni Jaesie, hindi pa sila nakakapagbihis. Mukhang kanina pa siya stressed kahit wala pa sila rito.

"To be honest, I get where my mom is coming from," paliwanag ni Rico sa amin, at ramdam kong mabigat din ito sa kanya.

"Kuya?" nalilitong tanong ni Sab.

"Sorry, but I will agree with Rico," gatong pa ni Jaesie. Malamang kasi sa buong barkada, silang dalawa lang ang unang nakaalam nito at si Leo. Si Leo, nainis pa kaya pinalayas ako sa kanila.

"Explain ko lang kung bakit si Clark," mahinahong paliwanag ni Rico sa kanilang lahat. "Matagal ko nang best friend si Clark, all right? And when I say matagal, like kinder pa lang kami, best of friends na kami. We're friends for almost three decades, and imagine the years kung gaano na katagal."

"Oh . . ."

"He's been Sab's closest guardian. Bulol pa si Sabrina, binabantayan na namin siya ni Clark."

Napangiwi agad ako sa sinabi niya. "Dude, huwag kang sinungaling. Binabantayan ko si Sab sa 'yo kasi ang sama ng ugali mo—o!" Sumalag agad ako nang mag-angat siya ng palad sa hangin. "O! Mamamalo pa!" Nag-angat din ako ng barbecue stick para umatake kapag umatake rin siya.

"I'm explaining! Nakakasira ka talaga ng momentum! Bad trip ka!"

Natawa tuloy ako. "Hahaha! Sige na, sige na! Magkuwento ka na!"

Nagtago ako sa likod ni Leo habang nakangisi. Ang sama ng tingin sa akin ni Rico, natatawa tuloy ako. Itsura nito ni Rico kapag nabubuwisit.

"Ehem." Naglinis siya ng lalamunan habang nagwa-warning ng tingin sa akin. "Sab and Ivo broke up last month. And Mum took that opportunity to ask for Clark to marry Sabrina. Because it's the least she can do for the both of them."

"Dude, pinakikialaman ni Tita Tess ang buhay ni Clark," mabilis na kontra ni Leo na ginawa kong bakod kay Rico. "Paanong 'at least she can do' 'yon, e nanghihimasok na siya sa buhay ng may buhay."

"Well . . . uhm . . . it's a bit complicated and personal . . ." Hindi talaga inalis ni Rico ang tingin sa akin, pero hindi na sintalim gaya kanina.

Tumagal ang titig niya sa 'kin, at pagtikom ng bibig niya at simpleng pagtango, parang naintindihan ko na kung ano ang tinutukoy niya.

"It's more than what you think, guys," sabi ni Rico sa kanilang lahat at naghawi pa ng kamay sa harapan niya. "Hindi pa buo 'tong grupo, existing na ang reason na 'yon."

"Please, not that reason," nakangiwi kong sinabi sa kanya.

"Unfortunately," malungkot na sinabi ni Rico sa akin.

"Ugh. Not again." Naitukod ko ang noo ko sa bandang likurang balikat ni Leo saka ako nagbuntonghininga.

Ayokong isipin ang dahilang 'yon kasi . . . kinalimutan ko na 'yon . . . sobrang tagal na.

Ang daming nagbago dahil doon. Ang daming nawala sa aming lahat—sa akin, kay Rico, kay Sab, kina Tita Tess, sa parents ko. Ayokong mag-stay sa memory na 'yon kasi . . .

"Ano 'yon, Kuya?" usisa ni Sab. "Share!"

Sumulyap ako sa kanilang magkapatid. Yakap na ni Rico ang kapatid niya at tinatapik niya sa ulo kahit pa takang-taka si Sabrina sa ginagawa niya.

Binago ng nangyaring 'yon ang buhay naming lahat. At ayokong 'yon ang dahilan kaya nangyayari sa 'kin 'to ngayon.

"Honestly, Clark is Mum's favorite child," dugtong ni Rico sa ikinukuwento niya.

"We know," sabay-sabay na sabi ng buong barkada. Hindi naman kasi 'yon sekreto sa amin. Mas madalas ko pa ngang kasama si Tita Tess kaysa sa kahit sino sa mga anak niya.

"And she's bargaining everything right now," dagdag ni Rico. "She's trying to hit a flock of birds with just a single stone. At hindi ako makahindi sa plan ni Mum because she's right in so many sense."

So, kinausap nga talaga siya kanina ni Tita Tess bago sila pumunta rito.

"She trusted Clark more than she trusted me lalo sa pag-aalaga kay Sabrina. During our junior year sa high school, something bad happened and that resulted sa malaking damage kay Clark—"

"Nah, it's okay, dude. Puwede ka nang huminto diyan," awat ko sa kanya kasi talagang doon niya ibabalik 'yon. "As far as I'm concerned, closed case na 'yan."

Mula nang mabuo ang barkada, hindi ko na kahit kailan sinabi 'yon. Gusto ko nang kalimutan 'yon kasi kapag inaalala ko, para 'yong bangungot sa 'kin.

Ayokong gamitin 'yon para maging way sa gustong mangyari ni Tita Tess. Kasi para na rin niyang sinasabing pambayad-utang lang niya si Sabrina sa atraso niya sa 'kin—o hindi ko na nga itinurong na atraso sa 'kin 'yon ng mga Dardenne kasi pinili kong iligtas si Sab, hindi para sa ganitong rason. Iniligtas ko si Sab dahil ganoon ang gagawin ng kahit sinong rational na tao na makakakita ng ganoong sitwasyon.

"Gusto ko lang ding mag-explain kung bakit ayokong magpakasal kay Sabrina," paliwanag ko sa kanilang lahat bago pa mapunta sa kung saan ang usapan. "Si Sab, kung hindi n'yo naitatanong, matagal ko nang inaalagaan 'yan. Kung ang reason ni Tita Tessa kaya niya ako gusto bilang manugang niya ay dahil sure siyang aalagaan ko si Sab forever, puwede kong alagaan si Sabrina kahit kailan niya gustuhin pero hindi ako magpapakasal."

"Aww . . ." nata-touch na himig ni Kyline, sapo pa ang dibdib. "That's so sweet."

"Ky, please, huwag mong malisyahan, please lang," pigil ko na sa kanya.

"So you're gonna back out with the wedding with Sab, for real?" seryosong tanong ni Jaesie sa 'kin.

"Jae, sobrang sudden ng lahat, hindi rin maganda ang timing," sagot ko. "Sobrang off talaga sa 'kin. Iniipon ni Tita lahat ng resibong puwede niyang ilaban para makasal kami ni Sabrina? Alam ba niya kung ilang taon pa lang kami ni Sab doon? Tapos ngayon, gagawin niya sa 'kin itong ginagawa niyang pagsunod-sunod. For what? Para pakasalan ko si Sabrina? Para siguruhing walang ibang babae maliban sa bunso niya? 'Tol, hindi naman ako perfect na tao, pero hindi ko deserve 'tong ginagawa niya sa 'kin."

Napailing na lang si Rico. "Dude, believe me, hindi ka titigilan ni Mum."

"Tsk."

Ang sama tuloy ng tingin ko sa kung saan.

Ayokong magalit kay Tita Tess pero buwisit na buwisit na talaga ako.

"We need to compromise," sabi agad ni Rico sa akin. "What's your plan, Clark?"

Ang lalim ng buntonghininga ko at tiningnan silang lahat—hanggang huminto ang tingin ko kay Sabrina na nakatago sa balikat ng kuya niya pero nakasilip naman sa 'kin.

Binulungan ko na lang si Leo na katabi ko. "Paiwan mo sina Ky rito para may kasama si Sab. Doon tayo sa kabila ng pool."

Nauna na 'kong tumayo at naglakad doon sa malayo sa picnic mat.

Ayokong magplano kasi kapag nagplano ako, ibig sabihin, dapat mangyari 'yon. At ayokong magplano kung tungkol lang naman kay Tita Tess ang pagpaplanuhan, pero wala akong choice.

Laking Tita Tess pa rin naman kami ni Rico at nakuha na lang namin ang ugali niyang sobrang unpredictable, pero si Tita kasi, unpredictable siya pero nape-predict niya pa rin kami.

Hindi ko alam kung may sense pa bang magplano kung ten steps ahead siya sa amin—sa akin.

Nagkumpulan kami paupo roon sa ibaba ng langka, sa may barbecue-han saka nag-usap-usap.

"Nag-usap ba kayo kanina ni Tita Tess bago kayo dumeretso rito?" tanong ko agad kay Rico.

"I told her about Leo's issue kasi gusto ko ring malaman kung may kinalaman ba siya roon," sagot niya sa 'kin.

"Meron ba?" tanong ni Leo sa tabi ko.

"Mum didn't like what she saw," seryosong sabi ni Rico, tinutukoy yata yung video. "Pinatawag pa niya si Kuya Tony to ask about it."

Nagkapalitan kami ng tingin ni Leo.

So, hindi si Tita Tess. Kung hindi si Tita, sino?

"Ano'ng sabi ni Kuya Tony?" tanong ko.

"He'll investigate pa raw muna. But sounds like bad news to me."

Sinusundan ako ng mga taga-Afitek. May umaaligid din kina Leo—kay Kyline. Napapaisip tuloy ako kung ano'ng dahilan.

"Connected ba sa 'kin yung kay Kyline?" tanong ko na naman kay Rico.

"Nope. Nagulat si Mum sa video. Like . . ." Inikot-ikot ni Rico ang kamay niya sa tapat ng mukha. "She was confused about it. And you know naman si Mum, if she knows about this, she would just smile and let us guess."

"So, magkaiba kami ng kaso ni Ky," paninigurado ko.

"Probably."

"Yung tungkol sa 'min ni Sab?" tanong ko na naman sa hindi matapos-tapos na kasong 'to.

Napabuntonghininga na naman si Rico at napakamot ng ulo. "It was weird, dude."

"Ang alin?"

"Mum told us na pamamanahan ka raw niya nang malaki."

"Whoa," sabay-sabay pang sabi nina Will na nakikinig na lang sa amin ni Rico.

"Ano'ng meron sa mana? Suhol para pakasalan ko anak niya?" tanong ko pa. "Di ba dapat, siya ang magbabayad para layuan ko ang anak niya? Naka-dowry ba kayo? Catholic kayo, di ba?"

"That was the weird part," sabi agad ni Rico, nakataas ang magkabilang kilay, patango-tango pa. "Kung gusto mo raw i-cash agad, hingin ko raw ang bank account information mo, she'll transfer everything right away, then you're good."

Biglang nanliit ang mga mata ko. "Hihingin mo ang bank account information ko? Para sa mana?"

"Something like that."

"Sabog na ba si Tita Tess? Aanhin niya ang bank account information ko? Puwede niya namang gawing tseke o kaya certificate! Bakit siya kukuha ng info sa 'kin—"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko, nagduda agad ang tingin ko kay Rico.

"Ano'ng pinaplano ng mama mo, ha?" puno ng hinalang tanong ko.

"As if I had an idea," careless niyang sagot.

Napatingin ako sa ibaba.

Pinababantayan ako ni Tita Tess sa mga taga-Afitek. May babaeng naghahanap sa 'kin. Hinihingi niya ang bank information ko. Tapos gusto niyang pakasalan ko si Sabrina.

Hindi ko makuha ang koneksiyon.

Alam ni Tita Tess ang bank accounts ko kasi madalas naman kaming mag-wire transfer. Kung may hindi lang siguro siya alam, yung mga nakatagong account ko na 'yon na kahit parents ko, hindi 'yon alam. Ginagamit ko kasi 'yon sa Red Lotus noong active pa ako. Lahat ng kita ko sa online booking, doon naka-register. Lahat ng sahod ko sa part-time investigations ko, doon naka-deposit. Lahat ng pera kong walang resibo, doon ko inilalagay.

Kung alam ni Tita ang mga bank account ko, bakit siya manghihingi ng panibagong bank account?

At ano'ng connect ng bank account kay Sabrina at sa mana?

Wala akong makitang sense sa mga ginagawa niya. Para saan ba 'to? Duda akng para pa rin 'to kay Sabrina. Si Jaesie, hindi niya naman ginanito.

"Pero hindi mo talaga balak pakasalan si Sab," sabi ni Leo, na hindi na patanong. Parang gusto niyang aminin kong 'yon na ang sagot ko.

"'Tol, wala naman talaga akong kabalak-balak diyan," sagot ko sa kanya. "Nag-warning na si Tita Tess sa 'kin diyan, di ba? Kaya nga ikaw ang pinapunta ko dati sa ospital para dumalaw. Paano mo babalakin 'yon, e halos kalahati ng buhay ko, lagi kong iniisip na nandoon lang ako sa mansiyon kasi hindi ako kumagat sa trap ni Tita Tess dahil kay Sab." Dinuro-duro ko pa ang hangin. "Hindi lang isang beses niyang sinabi na kung pinag-interesan kong lapitan ang bunso niya, never na 'kong makakatapak sa kanila."

"Pero bata pa kasi no'n si Sabrina, Clark," katwiran niya. "Natural na talagang magwa-warning si Tita na huwag kang lalapit sa anak niya kasi ilang taon pa lang si Sabrina no'n. Wala pa ngang Grade 6 'yon, nagke-caregiving ka na."

"So, yung takot ko kay Tita Tess, hindi valid?" hamon ko sa kanya. "Yung separation anxiety ko dahil kay Sab, hindi valid? Yung guilt ko mula pa sixteen ako, hindi valid?"

"Clark, hindi nga kasi gano'n 'yon."

"Then, paano ba dapat?!" singhal ko sa kanya. "Kasi hindi na bata si Sab? So, lahat ng trauma ko dahil sa kanya, ise-set aside ko na lang kasi hindi na siya bata? Kaya ko bang gawin 'yon overnight? Kaya ko bang isipin agad-agad na aasawahin ko na siya kasi hindi na siya bata? Kaya ko bang i-reset na lang yung utak ko at i-condition na 'O, hindi na bata si Sab, kalimutan mo nang muntik na siyang mamatay dahil sa 'yo kaya puwede na kayong magpakasal'? Si Patrick nga, hindi naka-move on kay Melanie. Ikaw nga, ayaw mo pa ring bitiwan si Ky kahit pinalayas ka na niya sa kanila. Kung madali lang siyang gawin, e di sana nagawa ko na, di ba? Kung kayo, hindi n'yo magawa, bakit pinipilit n'yo sa 'kin?!"

"Dude." Inawat na ako ni Will at tinapik-tapik ang dibdib ko para pakalmahin ako. "Don't force the wedding, okay? Huwag muna nating pag-usapan ang tungkol diyan. Hindi sila puwedeng puwersahin ni Tita Tess na magpakasal kung ayaw nila ni Sabrina. Baka rin hindi mag-work. Wala pang wedding ni Patrick. Let's take our time."

Gusto kong i-consider lahat. Pero ang hirap kasing tumalon doon sa stage na nabuhay ako nang sobrang tagal na may harang doon sa tao. Na-condition ako na mag-stay lang doon sa kabila at hindi tumawid kasi may consequence 'yon na pagsisisihan ko talaga nang malala. Tapos aalisin nila yung harang na 'yon at iisipin nilang basta na lang akong kikilos kasi wala na yung harang—na parang walang nag-warning, na parang tumakot sa akin, na parang hindi ako binigyan ng consequence na kapag humakbang ako, may mangyayaring hindi ko magugustuhan.

Ganoon ba ka-oportunista ang tingin nila sa 'king lahat para hindi isipin na kaya ako humihindi, kasi sila rin naman ang dahilan kaya hirap akong umoo?

♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top