Chapter 69: Won
Puwede naman na raw akong umuwi any time. Magpa-follow up na lang daw ng lab result after kong sumalang sa MRI.
Hapon na pero sumaglit kami ng tambay sa garden ng ospital habang hinihintay namin ang driver nina Patrick na naipit sa traffic. Nakaupo ang iba sa cemented bench, nakatayo naman kami nina Jaesie roon sa harap.
"Since bumalik na si Clark, meron kaming announcement ni Jaesie," sabi ni Rico.
Ang akala ko pa, kasal na naman!
"I'm pregnant," nakangiting sabi ni Jae.
"HUWAAAT?" tili ko sa kanya. "Buntis? Ikaw? Bakit?!"
Sinapok ako ni Jaesie nang mahina sa sentido. "Gago."
"Nakipag-sex ka kay Early Bird? Eww!"
"Hahahaha!"
Nakailang hampas na sa akin si Jaesie habang nandidiri ang tingin ko sa kanya. "My God, Jaena Sienne! Nabubuntis pala ang mga alien?"
"Dude, kapag 'yan, binato ka ng mesa!"
Tiningnan ko naman si Calvin nang nandidiri. "Kapag itlog ang lumabas dito, alam n'yo na. Simula na ng alien invasion."
"Alam mo, gusto kitang sabunutan!" sigaw ni Jaesie, simangot na simangot sa akin.
"Alam mo, gusto kitang sikmuraan. Buntis ka na sa lagay na 'yan?" Tiningnan ko pa ang pants niyang wala man lang kabukol-bukol. "Kapag si Rico ang lumaki ang tiyan, susunugin ka talaga namin gamit ang sulo."
"Hahahaha! Grabe ka, Clark!"
"Ano kaya itsura ng anak n'yo ni Early Bird? Kulay green na may tuka?"
"Pakilayo nga 'to sa'kin. Baka makunan ako nang wala sa oras," nanghihina na niyang utos kaya lalo akong natawa.
"Eto, hindi mabiro. Pero half-meant hahaha!"
Biglang talim na naman ng tingin niya sa akin kaya pumuwesto ako sa likod niya saka siya niyakap, nakalagay ang mga kamay ko sa bandang tiyan niya. Inugoy-ugoy ko pa siya nang marahan.
"Grabe, magkaka-baby ka na, Jae. Ako magpangalan, ha?"
"Ayan na naman siya," parinig ni Leo.
"Hoy, Leopold. Napakaganda ng pangalan ni Luan. Ikaw nga, hindi ka makaisip ng pangalan ng anak mo!"
"Kinuha mo lang naman sa Star Wars pangalan ng anak ko!"
"Two powerful Jedis of the galaxy 'yon, Leopold Scott! Wala kang respeto!"
"Ulol. Respetuhin mo mukha mo."
Palibhasa hindi marunong magpangalan sa baby niya. Aanak-anak, hindi marunong mamili ng pangalan ng anak.
Binalikan ko ulit si Jaesie, haplos-haplos nang marahan ang tiyan niya.
"Ilang weeks na 'to?" tanong ko pa.
"16 na."
"Huy, gago!" sigaw ko kay Rico. "Seryoso yung 16?
"Yeah." Tumango naman si Rico. "First week of April na-confirm."
"Shet . . . e di, masaya ngayon si Tita niyan."
"Actually, sa 'yo ko unang sinabi ang news," pag-amin ni Jaesie habang nakalingon sa akin.
"Talaga? Tapos ano'ng ginawa ko? Tulog ba 'ko nito?"
"Gising ka ho. Sabi mo pa, 'Wow, malaki na nga talaga si Ron, magkakaanak na siya.' Like sobrang calm niya, guys!" sabi niya kina Patrick. "Kaya nga sabi ko, hindi siya si Clark!"
"Hindi talaga ako 'yon, gaga! Wow-Wow ka diyan. Mukha bang sasabihin ko 'yan sa 'yo?"
"Hahaha! Pero, seryoso, sobrang weird ni Clark kapag kalmado siya, 'no? Para siyang ano . . . si Eugene."
"Hahahaha! Sabi nga rin namin!" natatawa pang gatong ni Will.
"Mabait kasi talaga 'ko! Mga mukha n'yo. Palibhasa, mga spawn of Satan kayong mga talipandas kayo." Inakbayan ko na lang si Jaesie pagkatapos pero hindi ko pa rin inaalis ang kamay ko sa tiyan niya.
"Feel na feel mo tiyan ni Jae, a." Ito na naman 'tong Calvin na 'to. Inggit na naman 'to palibhasa kapag hinawakan niya ang tiyan ni Mother, sunod niyang hahawakan ang pisngi niyang may sariling umbok na.
"Inaanak ko 'to," sabi ko pa.
"Inangkin na agad! Wala pa ngang lumalabas!"
"Palibhasa nagninong lang kayo kasi may pa-cupcake si Melanie sa reception! Mga useless creature on Earth kayo."
"Huy, pero hahaha! Kuwento mo pa last week, gumawa kayo ng baby ni Sabrina. Alam n'yo, nagtatanong siya sa 'min ni Shin kung paano ba tamang gumawa ng baby."
"Hoy, Calvin Dy! Pinagsasasabi mong tanga ka?"
"HAHAHAHA! Tapos sabi mo pa, mali ka ng pagpasok sa butas."
Napasinghap naman ako. "Napakababoy mo, Calvin Dy! Hindi ako pinalaki nang ganiyan ng mga magulang ko!"
"Hahahahaha! Kahit tanungin mo pa si Shin!"
"Kadiri ka, Calvin! Ganiyan talaga lumalabas sa bibig mo, napakasura! Nakakarimarim ka, eww!"
"So, may nangyari sa inyo ni Sab?" malisyosang tanong ni Will.
Sumeryoso agad ang tingin ko. "Alam mo, William, may mga dahilan kung bakit natin itinitikom ang bibig natin. Gusto mong gawan kita ng listahan?"
"Hahaha!" Nagulat na lang ako nang bigla akong sampalin ni Jaesie kaya tiningnan ko agad siya nang masama.
"Makasampal ka, inaano kita, ha? Inaano kita?" Dinakma ko agad ang mukha niya saka ko pinisil ang magkabila niyang pisngi. "Inaano kita?"
"Claaaark!"
"Iyo na nga 'tong asawa mo! Sampal nang sampal. Sipain ko 'yan, e." Ibinalik ko na rin si Jae kay Rico. "Asan na ba aasawahin ko? Nandito lang 'yon sa gilid, a." Paghanap ko kay Sabrina, ayun at tinitirintasan si Patrick sa upuan. "Tara dito, 'Ne! Mag-usap tayo."
Sinimangutan lang ako ni Sabrina bago ako inirapan.
"Lalapit ka o sasabunutan ko si Patrick?"
"Hey!"
"Hahahaha!"
Nakasimangot lang na lumapit sa akin si Sabrina.
"Makasimangot ka naman!" sabi ko pa sa kanya. "Magpapakasal ka, naka-party dress ka? Dinogshow n'yo talaga kasal ko, 'no?"
"Hindi ko naman gusto 'to!" sigaw sa 'kin ni Sab.
"O, bakit sa 'kin ka nagagalit? May kinalaman ba 'ko rito?"
"Gusto mo nga kasing ikasal na tayo!"
"Gusto kong ikasal tayo, pero kita mo 'tong mukhang 'to?" Itinuro ko pa ang buhok kong hindi mawari ang gupit. "Mukha bang gusto kong magpakasal na mukha akong bagong pisang pugo?"
Tawa lang sila nang tawa sa gilid. Mga sira-ulo na 'to. Sila dapat ang pinaoospital, e.
"Kakausapin ko muna si Tita Tess. Ayokong ikasal sa garden! Bibili ako ng isla! Doon tayo magpapakasal!"
"Yaman ampota."
"'De, joke lang. Baka magdildil ako ng asin kapag ginawa ko nga."
Si Sabrina naman ang sumunod na sumapok sa akin. "Claaark!"
♥♥♥
Meron talaga akong plan for the wedding. Ayoko lang i-spoil kina Mami kasi hindi sure kung matutuloy ang kasal.
Ang problema, noong nagka-amnesia raw ako, ang daldal ko sa kasal. Kaya lahat ng wedding plan ko, alam na nilang lahat.
"Mami, parang hindi naman ako ganoon kadaldal n'ong 14 ako, grabe naman," naiiritang sabi ko sa kanya.
Tinatawanan tuloy ako ni Mami, katabi niya si Tita Tess kasi nga, nagpaplano na kami ng wedding sa July. June ang plano ni Tita Tess, pero dahil sa adjustments gawa ng health ko—at itsura ko—kailangan pang maghintay until maging mukha ulit akong tao na hindi nabiktima ng lumilipad na gunting.
"Pero pina-trace na namin sa daddy mo ang church. Open pa rin sila as a venue sa wedding pero limited lang ang magiging bisita natin. Wala pang 100."
"No problem, Mami! Balak ko rin i-rent ang island doon sa ibaba ng cliff kaya mas kaunting bisita, mas okay."
"Sige, anak. Kakausapin namin si Mat tungkol sa preparation, ha? Tatanungin din namin ang mga Vizcarra kung team ang ipadadala nila para sa cake."
Kinakausap nila ako nang hiwalay bago si Sabrina. Ang paliwanag ni Mami, may mga naipangako ako noong una—noong iba ang alaala ko—na baka hindi na matuloy ngayon at ayaw nilang ma-disappoint si Sab kung sakali mang iba pala ang gusto kong mangyari.
But, so far, nag-meet naman halos lahat ng naipangako ko kay Sabrina sa plano ko talaga.
Pagkatapos mag-usap nina Mami at Tita Tess, ipinaiwan ako ni Tita sa opisina niya para sa mas masinsinang usapan.
At aaminin kong na-miss kong maupo sa gaming chair na bumalik na rin sa wakas after so many years.
"Tapos na ang botohan. Si Bobby na ang bagong head ngayon ng kabilang community, pero hindi mo pa rin nasasagot ang mga tanong naming lahat."
Dineretso na agad ako ni Tita Tess, ayaw talaga akong patakasin.
"Sinabi mo na may sabwatan ang mga Chua at mga Yu. Pero iba ang sinasabi ng mga Chua rito."
"Si Nin Chua lang ang tinutukoy ko, Tita." Itinuro ko ang balcony sa likuran niya. "Noong pinasusundan mo 'ko, may sumusunod din kay Kyline. Tinanong ko ang guard ng subdivision namin kung dumadaan ba sa bahay ko si Nin Chua, pero sinabi ng guard na nakikita niya ang taong 'yon na umiikot sa bahay nina Leo last year."
"Pero pinipilit ni Shin na si Nin Chua ang naglagay ng chemical sa sasakyan mo kaya ka naaksidente."
"Si Mother?" nagtatakang tanong ko.
"Patay na si Nin Chua. Dalawang tama ng baril sa ulo. Alam mong Most Wanted siya sa buong South Luzon, di ba?"
Shet. Patay na rin siya? Ang malas niya naman.
Bigla kong naalala ang documents na bigay ni Tito Addie kay Tita nang mabanggit ang mga Chua.
"Hawak n'yo ang agreement na dini-disown na si Kyline ng mga Chua, di ba, Tita?"
Biglang nanlaki ang mga mata ni Tita Tess sa akin, halatang nagulat sa sinabi ko.
"Bago ako maaksidente, meron akong kinausap sa planta na nagma-manage din sa internal affairs ng distillery ng mga Chua. Alam nilang tatakbo bilang bagong head si Uncle Bobby, pati si Tito Addie. Noong nalaman ng mga Chua na tatakbo rin si Madame Ai Ling, pinilit nilang pababain si Tito Addie kaya sila may pinapirmahan sa kanya. Matagal nang magkaaway si Kuya Wing saka yung Nin Chua na 'yon dahil sa distribution ng alak. Kung magkampihan man sila nina Jian, hindi na ako magugulat. Pinagtulungan nga ng mga Yu si Kuya Wing, di ba?"
"Ganiyan na ba karami ang nalalaman mo noon pa man, Clark?"
"Tao ako ng Coastal, Tita. At sigurado akong alam mo 'yan. Ni hindi nga kayo nagulat ni Uncle Bobby na laman kami ng casino ng mga Yu. Matic na response n'yo, hanapin ang mga handler at patahimikin kung sino ang dapat patahimikin. I-freeze ang bank accounts namin para hindi ma-audit. Damage control agad kahit hindi pa alam ang cause ng damage. Kasi, malamang na alam n'yo nang posibleng mangyari 'to. Hindi n'yo lang in-expect na ang pinakaproblema talaga ay 'yong pera na kailangan ng mga Yu para sa botohan na ako lang ang puwedeng maka-access."
Nginisihan ko na lang si Tita Tess, nakatingin lang ako sa seryoso niyang mga mata na kanina pa ako sinusukat kahit hindi niya ipahalata.
"Naunahan kitang i-solve ang problema namin, Tita. Mas magaling pa rin ako kaysa sa buong Afitek."
"Tuso ka talagang bata ka."
"Hingan kita ng ambag para sa rent sa isla, Tita, ha? Payag ka na! Ako nga, payag, e!"
"Pumunta ka na nga doon kay Sabrina!"
"Hahaha! Thank you, Tita! Kulitin ulit kita bukas, ha! Labyuuu!"
♥ The End ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top