Chapter 64: Alter Ego


Uuwi na raw kami ngayon, at sure na sure na 'yon. Kasi binihisan na ako ng mas magandang damit saka meron na rin akong sapatos na bago.

"Mami, malapit na raw kami ikasal ni Sab. Okay na 'ko, Mami. Puwede tayo pumuntang Cebu?"

"Pupunta ng Cebu?"

"Opo, Mami. Doon po kami magpapakasal ni Sabrina sa maliit na simbahan sa may bangin."

"Hahaha! Simbahan sa may bangin? Sige, itanong natin kay Dadi mo kasi parang siya ang may alam niyan. Hindi ko kasi kabisado 'yan, e."

"Yey! Saka, Mami, bibili ako ng maraming flowers para kay Sab. Tapos bibili ako ng gown na isusuot niya kapag ikakasal na kami. Magkano po kaya yung damit? Mahal po ba 'yon?"

"Hindi naman masyado. Pero bibili tayo ng magandang damit para kay Sabrina, anak."

Yehey! Ikakasal na kami ni Sabrina! Ano pa kaya ang dapat na bilhin?

"Mami, sabi nina Ron, meron daw po akong bahay. Doon din kayo nakatira, Mami?"

"Doon na kami sa malapit sa school nakatira ni Dadi mo, anak. Doon sa tinirhan natin malapit sa kampo."

"Ako po? Saan po?"

"Doon malapit sa museum na pinuntahan n'yo noong field trip. Natatandaan mo 'yon? 'Yong maghuhugas kayo ng kamay, then may blue light na makikita ang germs?"

Umawang ang bibig ko kasi doon kami nag-field trip dati! "Mami, excited na 'ko umuwi talaga!"

"Hahaha! Oo, uuwi na tayo."

Si Mami ang nag-drive sa amin ni Sabrina papunta raw sa bahay ko. Nasa work daw si Dadi kaya hindi siya makakasama.

"Mami, gusto ko invited si Tita Lolet sa kasal namin ni Sab."

"Sige, tawagan ko si Tita Lolet, ha?"

"Saka, Mami, puwede ko i-invite sina Jenica Mae? Malayo po ba sila? Si Matthias po, hindi pa ako dinadalaw. Puwede ko po ba siyang tawagan? Gusto ko rin po siyang i-invite."

"Sina Jenica, titingnan natin, anak, ha? Kasi matagal ko nang hindi nakakausap ang mga kaklase mo. Si Matthias . . ."

Nakatitig lang ako kay Mami kasi ang tagal niyang sumagot.

"Siguro, kapag dinalaw ka na lang niya, saka natin pag-usapan."

"Pero makikita ko po ba siya ulit?"

"Hmm . . . makikita mo pa naman siya ulit. Nagkakausap naman kayo bago ka maospital. Siguro, padalawin ko na lang siya sa 'yo, anak. Busy rin kasi siya, kasi marami rin siyang work."

Ay . . . oo nga pala. Matatanda na pala sila kaya may work na silang lahat.

"Ako po, Mami? Wala po ba akong work?"

"Of course, may work ka, anak. Pero siyempre, bawal ka munang mag-work. Papagaling ka muna kasi may sugat ka pa sa ulo."

"Pero paano po ako magkakapera pambili ng damit ni Sabrina sa wedding? Wala po akong pera."

"Walang problema sa pera, anak. Bibigyan ka namin ni Dadi."

"Pero baka wala na po kayong pera ni Dadi," nakangusong sabi ko.

"May pera kami ni Dadi, promise. Bibilhan ka namin ng lahat ng gusto mong bilhin para kay Sabrina."

Mabilis na lumapad ang ngiti ko. "Yehey! Thank you, Mami! Love na love kita!"

"I love you, too, anak. Behave ka lang diyan, ha? Malapit na tayo."

Dinala kami ni Mami sa pakahon na bahay. Kulay puti saka itim 'yon sa labas. Tapos maraming salamin na dingding.

"Wow . . ."

"Tita, hindi ako sure kung okay na ba ang kuwarto niya," sabi ni Sab. "Pero i-check ko na rin po."

"Sige, salamat, hija." Hinawakan ako ni Mami sa balikat saka ako ipinunta sa kitchen.

"Mami, sobrang ganda rito. May malaki pang library saka may duyan."

"Gusto mo ba rito, anak?"

"Opo, Mami! Dito po ba ako titira?"

"Dito ka nakatira."

"Wow . . ." Ang ganda-ganda ng bahay ko, parang pang-superhero na bahay. "Mami, sabi ni Ron, meron daw po akong computer."

"Yes, anak, marami sa itaas."

"Hala, Mami, binilhan n'yo 'ko ng maraming computer?"

Tinawanan lang ako ni Mami nang iupo niya ako sa dining chair.

"Lahat dito, ikaw ang bumili."

Hala . . . binili ko 'to lahat? Mayaman na ba kami gaya kina Ronie?

"Mami, mayaman na po ba tayo parang sina Tita Tess?"

Tumawa na naman si Mami nang kumuha siya ng inumin sa ref.

"Ikaw, anak, mayaman ka."

"Bakit ako lang po? Si Dadi yung may work, e."

"Siyempre, may work ka na rin. Mas marami ka pang work kaysa kay Dadi. And more work, more income, di ba?"

"Ano po'ng work ko?"

"Hmm, marami ka kasing ginagawa, anak. Hindi na alam ni Mami kung ano-ano pa ang work mo. Pero alam namin ni Dadi mo na tumutulong kang magtayo ng business ng ibang tao."

"Hindi po ako nag-doctor o kaya soldier?"

Tumipid ang ngiti ni Mami sa akin. Hinawakan niya nang marahan ang pisngi ko. "Hindi ka nag-doctor o kaya soldier kasi you want to help people sa ibang way. And you did naman, anak. Sobrang, sobrang importante ka ngayon para sa lahat kasi maraming nanghihingi ng help mo. They want to see you, then want to talk to you, para matulungan mo sila. Kasi walang ibang puwedeng maka-help sa kanila kundi ikaw lang."

Ako lang? Parang social worker?

Pero wala kasi akong natatandaan. Saka parang hindi naman social worker ang sinasabi nina William na kumakausap daw ako ng tao para sa impormasyon.

Pinanood ko na lang si Mami na magluto ng mga pinamili niya kanina bago kami pumunta rito.

"Mami, sabi ni Tita Tess, may papapirmahan daw po siyang papers sa 'kin para daw ikakasal na kami ni Sabrina."

"Anak . . ." Lalong naging malungkot ang mga tingin ni Mami. "Baka puwedeng . . . i-postpone muna?"

"Pero next, next month na daw 'yon, Mami."

"Baka kasi hindi ka pa ready, anak."

"Mag-aaral akong mag-work, Mami, promise. Para puwede kong alagaan si Sab nang kami lang."

"Pag-iisipan ko, anak, ha? Hindi muna ako mangangako." Hinalikan ako ni Mami sa ulo bago siya nagluto ulit.

Sabi ni Mami, dito raw ako sa bahay na 'to nakatira tapos wala sila rito. Ibig sabihin, mag-isa pa rin ako sa bahay.

Saan na kaya nakatira sina Ron? Malapit lang kaya sila rito? Puwede kaya ako sa kanila makitulog minsan?

Pagkatapos luto ni Mami, nag-dinner na kami. Kasabay namin si Sabrina kumain.

"Hindi ka ba nahihirapan kay Clark, hija?"

"Hindi naman po, Tita."

"Kung hindi madali, magpapakuha ako ng nurse."

"Okay lang po. Hindi naman po siya mahirap alagaan."

Nakangiti lang ako kay Sab habang tinatapik-tapik siya sa tuhod. Sobrang bait saka sobrang ganda ni Sabrina. Gusto ko na lang siyang alagaan para hindi na siya nahihirapan.

"Nag-uusap pa kami ni Tessa kung ano ang gagawin sa inyong dalawa."

"Okay po."

"Gusto ko sanang maging malinaw muna tayo para . . . para din hindi tayo umaasa sa naunang plano."

"Okay lang po, Tita."

Nagpalipat-lipat sa kanilang dalawa ang tingin ko habang ngumunguya ako.

"Hindi pa okay si Clark kaya ang sabi namin ni daddy niya, kapag hindi pa rin siya okay by first week of June, walang wedding na mangyayari."

Napahinto ako sa pagtapik sa tuhod ni Sab dahil sa gulat.

"Kilala mo naman kami, hija. Maluwag kung maluwag kami kay Clark kasi ayaw naming pilitin siya sa hindi niya gustong gawin."

"Pero, Mami . . ."

"Anak," putol ni Mami sa akin, "hayaan mo munang gumaling ka. Makakapaghintay ang kasal."

"Pero gusto ko pong kasama si Sabrina."

"Puwede naman, anak. Dito muna siya sa 'yo sa ngayon pero dapat uuwi pa rin siya kay Tita Tessa mo. Dadalaw si Mami dito para may pagkain kayo lagi, okay lang ba?"

"Papagaling agad ako, Mami, para puwede na si Sab dito lagi."

"Sige, anak. Kapag magaling ka na, sasabihin natin kay Tita Tessa mo na lagi ka nang sasamahan ni Sabrina."

"Malapit na po akong gumaling, Mami! Wala na po akong bukol dito." Itinuro ko ang noo ko. "Saka wala na rin po yung mga sugat ko sa braso. Kaunti na lang sa legs."

Ngumiti lang si Mami sa akin saka niya tiningnan si Sabrina.

Pagkatapos naming kumain, tinulungan ni Sab si Mami na maghugas saka magligpit. Umuwi na rin si Mami nang matapos sila.

Malulungkot sana ako kasi mag-isa ulit ako sa bahay pero kasama ko naman si Sabrina kaya hindi na ulit ako malungkot.

Libot lang kami nang libot ni Sabrina sa loob ng bahay. Sobrang laki pala n'on sa loob tapos may billiard pa saka gym.

"Gusto ko talaga ng ganito noon."

Inisa-isa ko ang lahat ng display, pati ang mga collector's edition na libro sa library, meron din.

"Matagal ko nang gustong magkaroon ng ganito sa bahay."

Sobrang ganda talaga ng bahay na 'yon. Lahat ng gusto kong bilhin dati, nakita ko roon.

Pag-akyat namin sa kuwarto ko raw, meron din doong mini observatory. Nakaharap ang malaking bintana sa langit tapos may malaki akong telescope.

Dinala ako ni Sabrina sa bathroom kasi kailangan ko na raw paliguan. Puwede naman na raw akong maligo pero light soap saka anti-bacterial ang gagamitin para sa akin.

Nag-alis ako ng damit at natira ang shorts. Nakatingin lang ako sa malaking salamin habang tinitingnan ang buong katawan ko.

"Wow . . . I have a tattoo."

"Yeah."

"At hindi ako pinagalitan ni Mami."

"Yeah." Narinig ko pa ang mahinang tawa niya.

Binasa ko ang nakasulat doon na mga linya. "Gugma . . . Langga . . ."

Wow . . .

"Akong gugma kanimo way katapusan, Langga." (My love for you is endless, my love.)

Napasulyap ako kay Sabrina. Eto kasi 'yong sinabi ng lalaki roon sa simbahan kaya siya hinalikan ng babae sa kasal nila.

Ay, hala, sinabi ko!

Hahalikan kaya ako ni Sab ngayon kasi sinabi ko 'yon? Kasi yung lalaki, hinalikan siya ng babae pagkasabi niya n'on. Tapos mag-asawa na sila.

Hala . . .

"What if . . . what if bumalik ang 32-year-old self ko sa 14-year-old self ko tapos . . . sinabi niyang ikakasal tayo sa future . . . kaya nandito ako . . . tapos . . ."

"Tama na, Clark. You didn't time travel okay?"

"What if, di ba?"

"Back to the Future is not real. May impact lang sa brain mo ang nangyari sa car accident. Tara na, maliligo ka pa."

"What if I already love you right now before it happens right now?" sabi ko habang tinutulak niya ako papasok sa shower. "Ibig kong sabihin, what if alam na ng 14-year-old self ko na makikita kita sa ganitong age mo someday, so expected ko nang ikakasal tayo someday. That's why I love you first before I realized it."

"Clark, you're overthinking."

"What if . . . !"

Biglang natawa si Sab habang nakatitig lang ako sa kanya.

"What if ano?" sabi niya.

"What if I go back in time—I mean, sa time ko, then I forget about you?"

"Kasama mo 'ko until mag-ten ako."

"Until mag-ten? What happened after that? Saan ako pumunta?"

"Hindi ikaw. Ako. Nagpunta ako sa US noong before akong mag-eleven."

"Oh . . ."

Umalis pala siya. Ibig sabihin . . . naiwan ako? Pero 32 na raw ako. Kung 10 siya, e di 16 ako. Hala, ang tagal.

"So . . . I had to wait for . . . sixteen years . . . to be with you?"

"Yeah."

"So . . . if hindi pala ako makakabalik sa past, maghihintay ulit ang 32-year-old self ko ng another sixteen years para makita kita?"

"I'll marry you someday. I waited for sixteen years and I could wait for another more."

"Kawawa pala ang future self ko na maghihintay pa ng another sixteen years."

"Clark, please, enough na sa mga what-if, ha? Maligo ka na."

Ang lungkot pala ng ganito. Kailangan niya akong hintayin kasi hindi pa ako okay.

Pinaliguan na ako ni Sabrina tapos . . .

Tapos nagandahan ako sa kanya tapos . . .

Tapos hinalikan ko siya . . .

Tapos . . . hindi ko na alam ang mga ginawa namin.

Hindi ko kasi talaga alam ang gagawin.

Sabi niya kasi, puwede ko siyang i-kiss. Tapos nag-kiss kami.

Tapos . . . masarap yung kiss. Tapos biglang naghubad na kaming dalawa.

Tapos—

Ayun.

Nagalit yata si Sabrina kasi hindi yata tama ang ginawa ko. Pero gusto ko ulit subukan. Nag-promise ako na I will do my best na this time.

Pero nagalit talaga si Sabrina kasi sabi niya, ayaw na raw niyang ulitin.

"Langga, sorry na."

"Matulog na lang tayo."

Galit talaga siya.

Hindi ko rin alam kung ano sa mga ginawa ko ang mali. Pero parang lahat yata kasi hindi ako sumunod sa instructions niya.

Pero ipinasok ko namang mabuti kahit parang hindi kasya sa papasukan. Siguro nasaktan ko lang siya kaya siya nagalit kasi masyadong malaki 'yon saka mahaba para magkasya sa maliit na butas. Kaya dapat, next time, ipapasok ko na 'yon nang maingat na maingat. Saka susunod na ako sa instructions at hindi na ako magpa-panic.

Magkatabi kami ni Sabrina sa kama nang makatulog siya. Sobrang weird ng pakiramdam ko kasi nakatitig lang ako sa ceiling pero para akong nananaginip na.

Bumangon ako, dumeretso ako sa bathroom, humarap ako sa salamin sa may sink.

"Sayang ang oras natin dito, alam mo ba 'yon?" sabi ng tao sa salamin.

Binuksan niya ang drawer, may kinuha siya roon, isang pack ng sigarilyo saka lighter.

"Aalis ako sa makalawa. Aayusin ko lang ang site bukas, then pupunta na ako kay Tita Tess."

Nagtaktak siya ng sigarilyo palabas ng maliit na kahon, pinapasada niya ang dila sa ibang labi.

Nakatitig lang ako sa salamin, nagsasalita siyang mag-isa roon habang nagsisindi ng sigarilyo.

"Nakita ko 'yong laptop. Hindi pa nagagalaw. Tsk. Sana pala dinirekta ko na kay Kuya Tony para tapos na lahat."

Itinukod niya ang kaliwang kamay sa kanto ng sink saka siya humipak nang sobrang lalim.

Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya.

Bumuga siya ng usok mula sa ilong at magkabilang gilid ng labi.

"Hindi ko na susugalan 'yong sa resto. Baka lalo lang akong hindi makabalik kapag sinubukan ko na naman."

Itinaktak niya ang upos sa sink, binuksan niya ang faucet at hindi agad isinara. Hinayaan lang na umagos ang tubig doon.

Inubos niya ang huling abo sa yosi at isinahod ang liyab sa tubig bago pinatay ang faucet. Saka niya ako tinitigan nang matalim habang marahan siyang bumubuga ng usok.

"Kailangan nang kunin ang pera na 'yon. Kapag nagtagal pa 'yon doon, lalo lang 'yong mawawala. Kailangan na yon ni Mother. Wala ibang makakakuha n'on kundi ikaw lang."

Pera . . .

Hindi ko siya naiintindihan.

Wala kasi akong pera.

Umalis na ako sa harap ng salamin, itinapon ko ang natirang filter ng sigarilyo sa basurahan saka ako lumabas ng bathroom.

Binalikan ko na si Sabrina sa kama saka ko siya hinalikan sa pisngi.

"Good night, baby. I love you."


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top