Chapter 62: Time Travel


Katatapos lang naming kumain ni Sabrina ng breakfast. Katatapos lang din niya akong hilamusan. Nasa bathroom siya para magbanlaw ng towel na ginamit nang may dumating ulit sa hospital room.

Napasinghap ako nang kaunti kasi mama ni Sabrina ang dumating!

Nakaputi siyang bestida tapos nakalugay ang buhok. Hindi na siya mukhang nakakatakot ngayon pero mukha siyang malungkot. Pero ganoon din kasi ang mukha ni Mami kapag tinitingnan ko siya kaya baka malungkot lang sila kasi nasa hospital ako ngayon.

"Good morning, Tita!"

"Good morning, Clark. How are you, darling?"

"Kaya ko na pong makalakad nang mag-isa. Akala ko po, busy kayo ni Tito Ric."

Saglit lang niya ako nginitian bago siya nagsalita ulit.

"Pia said . . . there's something about the trauma kaya may memory loss na nangyari."

"Sabi rin po ng mga doktor."

Habang nakatingin ako kay Tita Tess, parang may gusto akong ibigay sa kanyang regalo. Kaso wala naman akong dalang regalo para sa kanya. Pero may gusto talaga akong ibigay kahit wala akong puwedeng ibigay.

"Tita . . ."

"Yes, darling."

"Inaalagaan po ako ni Sabrina ngayon."

Ngumiti siya sa akin. Mukha na siyang masaya kaysa kanina. "The nurses said too."

"Nagulat po ako. Malaki na siya." Napangiti ako kapag naaalala ko ang itsura ngayon ni Sabrina. Ang ganda-ganda kasi niya.

"Yes . . . she's beautiful, isn't she?"

"She is, Tita."

"You're supposed to marry her three months from now, darling."

Hala . . .

Ikakasal kami ni Sabrina?

"Totoo, Tita?" masayang tanong ko.

"Yes, darling."

Ikakasal kami ni Sabrina . . .

"Tuloy po ba 'yon?"

"Yes. If you want."

Mabilis akong tumango. "Gusto ko po, Tita."

"But you have to sign some papers before the wedding."

Papers?

"Wedding papers? Nuptial agreement?"

"Yes. Smart kid."

Papers.

"I'll read those first, Tita. Can I have it so I could review it?"

Nakatitig lang ako kay Tita Tess nang ialok ko ang kamay ko para hingin ang papers na sinasabi niya.

Pero ang tagal ng kamay kong nakataas, wala siyang ibinigay.

"Darling . . ." Biglang sumeryoso si Tita kaya nagtaka ako. "All you have to do is sign."

"Mami said huwag akong pipirma sa mga papel na hindi ko binabasa."

"The papers are complicated, Clark."

"I assisted Mami in notarial papers. I can understand clauses. Hindi naman po complicated ang agreement since it was meant to be understood by the consignee, di ba po?"

Bigla siyang huminga nang malalim at nanliit pa ang mga mata niya nang tingnan ako.

Hala, mukhang pagagalitan na naman niya ako.

"I thought you had memory loss, darling."

"Memory loss po, Tita, hindi brain loss. May utak pa naman po ako," sabi ko agad. "Tita, magbabasa lang po ako, promise."

Sumimangot siya sa akin kaya baka ayaw niyang basahin ko 'yon. Pero dapat basahin 'yon kasi pipirmahan.

Ang sabi ni Mami, huwag pirma nang pirma sa mga papel nang hindi binabasa. Kasi ganoon daw nakukuha ang mga lupa sa province.

"Ano'ng pinag-usapan n'yo ni Ronerico bago ka mapunta rito sa ospital?" biglang tanong ni Tita kaya napangiti ako.

"Magkikita po kami."

"Then?"

"Bibigyan niya po ako ng limited edition gaming cards. Galing daw po 'yon sa main distributor for exclusive merchandise."

Napapikit agad si Tita Tess at napasapo ng noo.

Hidni ko alam kung mali ba ang sinabi ko pero iyon kasi talaga ang nangyari.

Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya. Maglalakad siya sa kanan tapos maglalakad pakaliwa. Paulit-ulit.

"Clark, darling, listen . . ." Huminto siya sa harapan ko at kinausap ako nang mas malapit. "My son was involved in illegal activities, and you need to cooperate with me."

Umiling tuloy ako. "Hindi po magagawa 'yan ni Ron."

"He did."

"Tita, magagalit si Dadi sa kanya."

"You don't know what my son can do, darling, trust me."

"Sorry po, Tita, pero mas kilala ko po si Ron kaysa sa inyo. Hindi naman po kayo ang lagi niyang kasama sa bahay kasi lagi kayong wala," deretsong sinabi ko sa kanya kasi 'yon ang totoo.

Lagi silang wala sa bahay ni Tito Ric. Laging si Inday Sita lang ang nandoon. Lagi siyang nasa office niya na maraming cabinets. Tapos doon lang siya lagi napupuntahan.

"Ayoko pong magsalita nang masakit, Tita. Pero kung involved po talaga si Ron sa ilegal, isuko n'yo na lang po siya sa mga pulis kasi 'yon po ang tamang gawin."

"Papayag kang makulong ang kaibigan mo?" galit nang tanong ni Tita.

"Hinuhuli na po ba siya?"

"Clark, darling, hindi ko paaabutin sa puntong makukulong ang anak ko."

"Sino pa po ang nakakaalam sa ginagawa niya?"

"Ikaw."

"Wala po akong alam. Gusto ko lang pong makuha ang gaming cards ko sa kanya kaya po kami mag-uusap dapat."

"Maybe we're still not meeting halfway, darling. I wish na sana gumaling ka na agad para matapos na lahat ng ito."

Sinundan ko siya ng tingin habang papalabas siya ng kuwarto ko.

"Pero pakakasalan ko pa rin po si Sabrina, di ba?"

Paghinto niya, nakataas na naman ang kilay niya nang tingnan ako.

"You sign those papers, you'll marry my daughter. 'Yan ang usapan natin."

"Babasahin ko muna 'yon, Tita."

"You're just fourteen . . . right?"

"Yes, Tita."

"Are you able to understand those legal papers? You're too young."

"I'm third year high school na po, Tita. Nag-a-assist po ako sa notary bilang secretary ng public lawyer. Babasahin ko po ang papers saka ko pipirmahan. If may articles na hindi okay, saka po tayo mag-usap ulit."

"You don't know what you're talking about, darling," sabi niya at binuksan na ang pinto.

"Bakit ayaw n'yo pong ipabasa? Kayo po ba ang may ginagawang ilegal?"

"Did you—" Gulat na gulat ang reaksiyon ni Tita Tess sa sinabi ko.

"Kung wala po kayong ginagawang ilegal, balik na lang po kayo rito, Tita, kapag puwede ko na pong basahin ang pipirmahan ko. Ingat po kayo pauwi!"

Lalo lang akong sinimangutan ni Tita Tess bago niya isinara ang pinto pag-alis.

Meron daw akong pipirmahang papers bago ikasal kay Sabrina.

"Langga!" tawag ko sa bathroom. "Sab, dumaan mommy mo!"

Bumangon agad ako sa kama para sana sumilip sa bathroom habang naglalaba siya pero matipid ang ngiti niya nang lumabas mula roon.

"Langga, dumaan mommy mo, sabi niya, ikakasal daw tayo." Ang lawak ng ngiti ko habang inaabangan ang reaksiyon niya.

"Uhm . . . yeah."

Kinuha ko ang kamay niya saka inugoy-ugoy. "Tapos sabi niya, may pipirmahan daw ako para matuloy ang kasal."

"Would you . . . sign those papers?" hindi niya siguradong tanong.

Ngumiti ulit ako sa kanya nang malaki. "Babasahin ko 'yon tapos si Mami ang pipirma. Kasi hindi pa 'ko puwedeng pumirma kasi bata pa 'ko. Kapag hindi ka pa 18, dapat magpapirma ka sa parents o kaya sa guardian ng authorization na papayag din sila sa pipirmahan mo dapat."

Bigla siyang ngumiti sa akin saka nakiugoy ng kamay. "Yeah. We should talk muna kay Tita Pia about this para sure. You're so smart talaga."

"Pero ikakasal na tayo, yey!"

"Excited ka sa wedding natin?"

Mabilis akong tumango.

"You want to marry me kahit bata ka pa?"

Mabilis ulit akong tumango saka ko inilagay ang kamay niya sa dibdib ko. "Sabi ng heart ko, pakakasalan kita."

Namula ang pisngi niya saka ako nginitian nang sobrang laki.

Ang ganda-ganda talaga ni Sabrina lalo kapag masaya siya.

"Kapag nagpakasal tayo, gusto ko, doon tayo sa maliit na simbahan sa may bangin," sabi ko sa kanya. "Sobrang ganda talaga doon, Langga. Tapos may lighthouse doon. Tapos may dagat. Tapos sobrang lawak ng lugar."

"Do I know that place?"

Napanguso ako nang umiling. "Doon kami pumunta dati nina Mami sa kasal! Tapos gusto ko, maraming bulaklak na pink kasi gusto mo ng pink. Tapos kakanta si Ron saka si Mat para sa kasal natin. Tapos tutugtugan kita ng piano—"

Niyakap niya ako agad kahit hindi pa ako tapos magsalita.

"Kapag okay ka na, magpapakasal tayo agad . . ."

Sinilip ko siya kasi parang umiiyak na naman siya. Hinagod-hagod ko na lang ang likod niya kasi parang malungkot na naman siya kahit ang saya-saya niya kani-kanina lang.

Sana maging okay na rin ako para hindi na laging umiiyak si Sabrina.



♥♥♥



Tinanong ulit ako ng mga doctor, ilang beses daw ba akong nagkakaroon ng mga episode na nakikita ko ang white lady pero gising ako.

Pero unang beses lang noong umaga. Hindi ko na nga halos matandaan ang tungkol doon. Sabi ko na lang sa kanila, baka may mumu sa hospital room ko gaya ng sabi ni Sabrina.

Sabi ni Dadi, oobserbahan daw ulit ako at sabihin ko kung nakita ko ulit ang white lady.

Sa hospital garden daw kami magla-lunch ni Sabrina. Kasama raw sina Ron. Hindi na ako naka-wheelchair. Kaya ko nang maglakad-lakad. Hawak-hawak ko lang ang kamay ni Sabrina habang naglalakad kami papunta sa garden kung saan kami kakain.

Maaliwalas ang paligid at mainit. Pero malamig naman kapag nasa lilim ng mga puno. Doon sa ilalim ng isang puno, nandoon sina Ron nakaupo. Kasama ulit niya ang mga kaibigan daw namin na mahihilig magmura at magsigawan.

"Kuya!" bati ni Sabrina kahit nasa malayo pa lang kami.

Paglingon nila sa amin, saka ko nakitang marami nang pagkain ang nasa mesa na natatakpan lang ng mga katawan nila.

Paglapit namin, inalok agad ako ni William ng mauupuan sa dulo ng bench.

"Dito ka, dude."

"Maraming salamat, William."

"Pfft! Pota, buong-buo. Lagyan mo na rin ng Vergara sa dulo para masaya."

"Calvin," sita ni Ron.

Sumimangot lang si Calvin kay Ron bago ako tiningnan nang nakangiti. Ngumiti na lang din ako saka saglit na tumango para bumati.

Tiningnan ko rin ang mga handa sa mesa. May mga gulay at sabaw. May ilang karne rin at parang masasarap lahat. Nasa gilid ang mga prutas at may soft drink in can pang nakahilera sa gilid.

Si Sabrina naman ang nag-aasikaso ng tubig ko sa tumbler kasi bawal pa ako ng soft drink.

"Kuya, dumaan kanina si Mum."

"Sabi nga ng nurse."

"Okay na 'to . . . K-Kuya Clark," mahinang sabi ni Sabrina.

"Salamat, Langga."

"Kuya Clark?" tanong ni Patrick. "May fever ka ba, Sab?"

"Dito ka, Langga."

Kinuha ko ang kamay niya saka siya pinakandong sa akin.

"Huy. Saglit. Hindi ka pa magaling."

"Magaan ka lang."

"Clark."

Kumunot na naman ang noo ko sa itinawag niya sa akin.

"Kuya . . . Clark," pagtatama niya.

Nalipat ang tingin ko kina Patrick at William na mahinang nagtatawanan sa mga puwesto nila.

"Mataba na 'ko. Hindi mo 'ko kaya," pamimilit ni Sabrina pero hindi ko talaga siya paaalisin.

"Hindi ka na mataba. Wala na nga yung siopao ko." Mariin ko siyang hinalikan sa pisngi saka ako bahagyang lumayo para titigan ulit ang mukha niyang maganda. "Mas cute ka dati. Kain ka."

Nakikuha na ako ng plato at sumandok para pakainin si Sabrina. Kumuha ako ng gulay saka karne kasi hindi siya kakain ng gulay kapag ito lang.

Meron silang hinandang karne na gisado at hiniwa sa maliliit kaya hindi mahirap nguyain.

"I can eat," awat ni Sabrina kasi ayaw niyang magpasubo.

"Sige na. Ako naman lagi nagpapakain sa 'yo, a?"

Pagsulyap niya sa mga kasama namin sa mesa, sumuko na rin siya at isinubo na rin ang laman ng kutsarang inaalok ko.

"Sayang, hindi ako naging nutritionist," nanghihinayang na sabi ko. "Gusto ko sanang ako magbabantay ng kinakain mo."

"Rico is," sabi ni Patrick.

Napangiti tuloy ako. "Nagulat nga ako. Ang alam ko kasi, magte-take ng management o kaya IT si Ron. Pero ayos lang."

Kumain ako tapos pinakakain ko rin si Sabrina. Ang dami nilang handa, parang may birthday.

"Bakit kaya ako nag-take ng computer science?" tanong ko sa kanila.

"You said, it was randomly pick," sabi ni Patrick.

Napailing ako. "Alam mo, buddy, hindi ako mahilig sa random pick."

Bigla siyang sumimangot. "Did you just call me buddy? You sounded like my papa."

Napalingon naman ako kay Leo nang magsalita. "Dude, sabi mo, roleta course 'yon. Kasi ayaw mo nang mag-nursing."

Nag-nursing ako? Tapos ayoko? Why?

Parang mas okay pa ang nursing kaysa computer science.

"Bud, trust me, I don't see any relev—" Napatingin ako sa hawak ni Calvin na device.

"Nag-lag ka ba?"

Meron siyang hawak na gold device na ginagamitan lang niya ng daliri para gumana. Parang may holographic display doon sa hawak niya.

"What?" tanong niya sa akin.

"What's that?" tanong ko, itinuturo ang hawak niyang device.

"Uhm . . . iPhone?"

"Phone . . . na walang pindutan?"

"Dude, this is touchscreen." Paglapag niya sa mesa ng phone, napatitig ako agad doon kasi may nagpe-play ng video ng cartoon. "Wala ba nito sa pinanggalingan mo?"

"This is technology!"

"Duh, dude, of course that's technology," sabi ni Patrick.

"Whoah . . . nag-time-travel ba 'ko?" tanong ko sa kanilang lahat.

"Dude, naaksidente ka lang," sabi ni William sa akin.

"May hoverboards na ba?"

"May tatlong hoverboards ka, actually."

"No joke? Nasa future nga ako, oh my God! Hoverboards are real!"

Marty McFly is real! Back to the Future is real!

"This is surreal! Wait. Do I have a personal computer?"

"Ang dami mong computers, dude. Computer science, please," sabi ni Leo kaya napatingin ako sa kanya.

"Wait! What if . . . nag-time travel ako . . . from the past . . . kasi may mission ako . . . to see this?" Tiningnan ko sila isa-isa. "Then I'll go back in my year after my mission."

"Dude, are you stoned?" nakasimangot na sabi ni Patrick sa akin.

"Listen, people! Listen. What if . . . nag-time travel ako kasi may mission ako . . . and since ayokong mag-computer science, you told me na nag-computer science ako . . . then pagbalik ko sa past, instead of taking ND, I'll take comsci instead. That makes sense because I won't buy the reason na nag-comsci ako just because there's science in it."

"You watch too movies, dude."

"What if, di ba? I'm in the future! Time travel!"

"Dude, I took up Applied Physics," sabi agad ni Leo. "Theory lang ang time-traveling."

"Bud, if you took applied physics, alam mo ang quantum leap! Si Dr. Beckett, nagli-leap siya through time to correct historical mistakes. In physics—"

"Dude—"

"Wala pa gani! Saglit!"

"Dude, listen!" sigaw ni Leo sa akin. "In physics, yung quantum leap, nangyayari lang kapag ang electron ng isang atom, 'tumalon' mula sa isang energy level papunta sa isa pa nang sobrang bilis—na sa sobrang bilis, parang hindi na sila naghiwalay."

"Exactly!"

"Pero naghiwalay sila at may gap doon. Mukha lang hindi naghiwalay kasi nga, mabilis na nag-shift, but that doesn't mean na hindi nag-separate. At nandito ka kasi naaksidente ka, hindi dahil sa quantum leap!"

"What if from that accident, I'm the atom transferred to another energy level kaya from past, napunta ako sa future. Naging way ang accident for me to leap to another space and time kaya ako nandito."

"Kaka-Insterstellar mo 'yan."

Ang lakas ng tawanan nila nang pagdabugan ni Leo ang plato niya.

Pero naniniwala talaga ako na nag-time-travel ako. And this is not my timeline. I have to go back to the past kasi wala akong amnesia at kailangan ko lang malaman kung paano ako babalik.

"What if may mission ako kaya ako napunta sa future?" tanong ko ulit sa kanila.

Ang sama ng tingin ni Leo sa akin nang sagutin na naman ako. "Dude, ang mission mo, huwag malaman ni Tita Tess ang tungkol sa records natin."

"Anong records?"

Umatras siya at pumalakpak nang isang beses saka ako itinuro. "Legit."

Anong records? Anong legit?

"Dude," gatong ni Patrick, "hawak mo ang mga record namin. At kailangan 'yon ni Tita Tess ASAP."

"Okay, then?"

"May natatandaan ka ba about those records?"

"Hindi nga kita kilala."

Pati si Patrick, napaurong paatras habang nagkakamot ng ulo.

"Clark, hawak mo ang database ng barkada," biglang sabi ni Ron kaya sa kanya ako napatingin. "And Mum wanted that."

"Sabi ni Tita, involved ka sa illegal transactions. Totoo ba?"

"Involved tayong anim."

"May pinatay ka ba, Ronerico?"

"Pfft!" Pagtingin ko kay Patrick na umalis sa puwesto niya, tawa lang siya nang tawa sa gilid ng puno pagkatapos ng sinabi ko.

"Clark," tawag ni Ron kaya naibalik ko ang tingin sa kanya.

"Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari, pero ramdam kong hindi okay ang pinapasok n'yo. Saan nakalagay yung records? Sa diskette? Sa CD?"

"Dude . . ." naiinis nang sabi ni Leo. "Wala nang diskette ngayon."

"Ha?! E paano 'yon, nasaan na? Sa CD?"

"Gusto rin naming malaman kung nasaan."

"Hindi mo ba sinabi kay Sab?" tanong ni William.

"Wala siyang sinasabi sa 'kin," sabad ni Sabrina. "Basta ang alam ko lang, kapag may nangyaring hindi maganda, balikan ko siya sa bahay."

"Sa bahay namin?" tanong ko. "Kay Dadi?"

"May sarili kang man cave, dude."

"Man cave like . . . sa bundok? Part na ba 'ko ng New People's Army?"

"Dude . . ." napapagod nang salita ni Leo sa akin. "Man cave means may sarili kang bachelor's pad . . . sariling bahay, okay?"

"Oh . . . really? Mayaman ba 'ko?"

"Kinda."

"I have my own computer and hoverboards?"

"Yeah."

"Playstation?"

"Yeah."

"CD player?"

"Maybe. May player ka naman sa computer."

"Billiard table?"

"You have a billiard table."

"Library?"

"You do."

"Telescope!"

"You have."

"Milyonaryo ba 'ko?"

"Yeah."

"Oh my God! I'm Bill Gates 2.0! What's my work? Nagre-repair ng computers?"

"Actually, you're . . . paano ba 'to . . ." Napapaisip si Leo ng isasagot sa akin. Himas-himas pa niya ang baba. "You have businesses pero may manager naman doon kaya owner ka pero iba ang nagwo-work."

"Okay? That's good."

"Pero hindi kasi 'yon ang focus ng work mo," dagdag ni William.

"Okay? Ano?"

"You're talking to people."

"Like what? Paanong talking to people? A therapist?"

"No! Bale ano . . ." Napatingin siya kay Ron para manghingi ng tulong. "Ano ba'ng tawag sa professional tsismoso? Meron ba n'on?"

"Si Tito Boy," sagot ni Calvin na nakatutok sa golden device niya.

"Gago!"

"Talkshow host?" hula ko.

"Hindi naman. Parang ganoon pero wala kayo sa TV."

"Radio announcer?"

"Wala sa radio!"

"Columnist?"

"Hindi!"

"Tao ba 'to?" tanong ni Calvin. "'Tang ina, bakit parang ako ang nasasapian ni Clark dito, ha?"

"Hahahaha!"

Ano'ng work ko? Hindi ko naiintindihan.

"Basta, ang work mo, kakausapin mo ang ibang tao, kukuha ka ng info sa kanila, ilalagay mo 'yon sa archive, then gagamitin mo ang info. Iipunin mo 'yon sa isang database, kapag may kailangan ng info, ipu-pull out mo sa records, ite-trade mo 'yon para sa pera o para sa iba pang info."

Ilalagay sa archive at gagamitin ang info. Ipu-pull out ang records at ite-trade sa pera o para sa iba pang info . . .

Nagtatrabaho ba ako sa intelligence agency?

"That's CI," sabi ko sa kanilang lahat.

"Ano 'yon?" tanong ni William.

"Confidential informant," sagot ko. "Si Dadi . . . marami siyang nakakausap na CI. Kung . . ."

Kung informant ako at nanghihingi sila ng confidential records sa akin, baka isa pala akong spy ng CIA.

Holy shoot!

Baka isa akong special agent from the future at inalisan ng memory para hindi ko masabi sa kanila ang confidential records na 'yon.

Baka hinahabol ako ng mga terrorist? Baka gagamitin nila ang knowledge ko to infiltrate our base? Or maybe, baka sinadya kong alisan ng memory ang sarili ko to hide that records?

Involved si Ron sa illegal at ako lang ang may alam ng mga ginagawa niya.

Baka involved siya sa mga taong may hawak ng nuclear weapon at ibebenta niya dapat 'yon sa kanila.

O baka involved siya sa mga Chinese syndicate na nagra-run ng drug cartels dito sa Philippines? And I have to save him kaya wala akong maalala na ginawa niya.

Or maybe special agent kami ni Ron. Tapos may nalaman kaming dalawa. Pero kailangan kong itago para maging safe ang records na 'yon.

Sobrang shady nito.

"Maybe we should wait until his memory comes back," sabi ni Ron kaya napatingin ako sa kanya. "There was something off sa Business Circle. The council started to deliberate about this case."

"Define this case," sabi ni Leo.

"One of the Hall of Famers na si Clark. Alam n'yo naman na. Tita Ali didn't like the news about what happened kay Clark kaya nag-subtle declare na siya na may threat sa Business Circle. Magkakaroon ng meeting ang council before the end of the month."

"Are we affected by it?" tanong ni Patrick kaya sa kanya naman ako napatingin.

"For sure. And we should be ready."

Nakatitig lang ako kay Ron. Sobrang seryoso niya at sobrang talino niya pakinggan. Para siyang professor na nagle-lesson.

Iniisip ko ang tungkol sa records na sinasabi nila kasi mukhang importante talaga 'yon. Pero kahit anong isip ko kasi, wala talaga akong maalalang kahit na ano.

Alas-singko ng hapon, umuuwi si Sabrina. Ang sabi niya, maliligo lang siya saka kukuha ng makakain naming dalawa para sa hapunan. Dito raw siya matutulog ngayon para magbantay kaya hinintay ko siya.

Pero habang wala pa siya, may dumating na matandang lalaki. Parang kasinlaki niya si Dadi tapos manipis ang mga mata niya. Kitang-kita kahit nakasalamin. Mukha siyang seryoso at sobrang puti niya. Maputi na rin ang ilang buhok niya pero marami pa ring itim at maayos 'yong nakasuklay. Nakasuot siya ng sobrang formal na damit—kulay itim lang saka puti na may necktie.

"How are you, son?"

"Okay lang po."

"You remember me?"

Umiling ako para sabihing hindi kasi hindi ko siya kilala.

"Friend ako ng daddy mo. Ako si Uncle Bobby."

Friend pala siya ni Dad. Pero parang ang tanda na niya. Pero mukha na rin kasing matanda si Dadi kaya baka nga friends sila.

"Uncle Bobby . . ." Tumango-tango na lang ako.

"Ang sabi ng doktor, puwede ka na raw ilabas soon," balita niya kaya matipid akong napangiti kasi hindi ko alam kung bakit siya ang nagsasabi nito at hindi si Mami.

"Sana po, puwede na."

"Pinag-iisipan pa namin kung ano ang gagawin paglabas mo ng ospital."

"Bakit po?"

Huminga siya nang malalim saka naglakad paikot sa hospital bed ko, parang pupunta siya sa side ng bintana sa kaliwa ko.

"You know what, Clark, hindi ako naniniwala at hindi ako kailanman maniniwala sa sinasabi nilang suicide attempt ang ginawa mo."

Suicide attempt? Ako ang may gawa? Hala, bakit?

"You're too strong for that. And I know you, son. You always have answers to everything . . . kahit sobrang absurd ng mga solution mo sa kahit anong problema."

Hindi ko naiintindihan kung ano ba ang sinasabi niya o kung tungkol saan ang sinasabi niya.

"Noong sinabi ni Wing sa akin na ilalaban niya ang karapatan ng bunso ng mga Yu hanggang sa huling hininga niya, nakita ko 'yon. Hindi niya 'yon sinukuan kahit buong angkan na ang kalaban niya."

Ano ang ikinukuwento niya? Movie ba 'yon? Bakit may kailangang labanan?

"Ipinadala niya sa 'yo ang mga natitirang gamit niya bago siya kunin ng mga Yu. At nagpapasalamat ako kay Tessa dahil binabantayan ka niyang mabuti. Hindi nila nakuha ang mga gamit niyang ibibigay dapat sa 'yo."

May ibinigay sa akin na gamit? Pero wala akong matandaan. Saka hindi ko rin siya kilala. O kahit ang mga binabanggit niyang mga tao maliban kay Tita Tess.

"Hindi ko alam kung anong klaseng pagtitiwala ba ang ibinigay sa iyo ni Wing, ngunit alam kong higit kaninuman sa angkan kung saan siya galing . . . mas ipagkakatiwala niya ang lahat ng alam niya . . . sa 'yo."

Gusto ko na siyang tanungin kung tungkol saan ba ito at bakit niya sinasabi. Parang hindi naman ito kapareho ng mga sinasabi nina Ron o kaya ni Tita Tess o kaya ni Mami sa akin.

"Sa iyo nakasalalay ang estado ng mga Yu ngayon, Clark. Hindi sila papayag na mawala ka nang hindi nila nakukuha ang kailangan nilang pera mula sa 'yo."

"Wala po akong pera," umiiling na sabi ko. "Wala rin po akong pambili ng kahit ano kasi hindi po ako humihingi ng pera kay Mami."

Natawa lang siya nang mahina at nakayukong umiling bago nag-angat ng mukha.

"Binigyan na sila ng sakit ng ulo ni Wing. Mas lalo mo lang pinasakit ang ulo ng mga Yu ngayon."

"May ginawa po ba akong masama?" Sinundan ko ulit siya ng tingin nang magpalakad-lakad ulit siya sa kuwarto.

Nakangiti siyang umiling sa akin. "You did nothing wrong, son. But you have to do something kapag bumalik na ang mga alaala mo."

"Sinasabi po ng lahat na dapat bumalik na ang alaala ko . . ." malungkot na sabi ko saka yumuko.

"You don't need to force yourself, kid."

Napalingon tuloy ako sa kanya. "Po?"

"Magpagaling kang mabuti. Kaya na namin 'to."

"Okay po."

"Pasensiya ka na kung hindi ka madalas madalaw ng parents mo."

"Okay lang po. Busy po kasi si Dadi sa work niya pati si Mami."

"Work." Tinawanan niya 'yon nang mahina, hindi ko alam kung nakakatawa ba ang pagiging doctor at lawyer ng mommy at daddy ko.

"Doctor po ang Dadi ko," sabi ko na lang.

"I know. I'm his friend, remember?"

Ay, oo nga pala. Sabi niya, friend siya ni Dadi.

"Enjoy the peace inside this place, kid. Hindi mo gugustuhing malaman kung gaano na kagulo sa labas habang hinihintay ka nilang lahat."


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top