Chapter 53: Other Perspective


Panibagong problema. Hindi muna kami makakaalis sa camp site kasi baka bumalik si Mother Shin matapos tumakas.

Akala ko, overacting lang si Calvin noong sinundan niya si Mother papuntang restroom sa gas station. Ngayong tumakas nga, stressed na kaming lahat kung paano namin siya hahanapin samantalang wala siyang dalang phone.

Nakaupo na kaming lahat sa kanya-kanyang upuan at nagsisiksikan sa lilim ng trapal na inayos nina Will patali sa mga puno para silungan namin ngayong tanghali.

"Alam ni Shin kung saan siya pupunta," nakailang paalala na sa amin ni Melanie kasi hindi pa rin ako mapakali na nandito kami nakaupo tapos si Mother, nasa malayo at mag-isang lumakad.

"Sure ba na safe 'yon?" tanong ni Will na tinawanan nang mahina ni Melanie.

"Si Shin, safe na safe 'yon. Ang hindi safe, ang mga nasa paligid niya," sabi ni Mel at inubos nang isang kagatan lang ang barbecue na hawak niya. "Eto, ha, liwanagin ko lang."

Nakatutok naman kami sa kanya habang pinanonood siyang ngumuya.

Nakakabuwisit 'to si Melanie. Magbibigay ng disclaimer kung kailan puno ang bibig. Pabitin tuloy. Parang gusto ko nang dukutin ang nginunguya niyang barbecue sa bibig para lang matapos niya ang sinasabi niya.

"O, eto na nga."

"Sa wakas, pota."

Ang sama tuloy ng tingin niya sa 'kin. "Alam mo, ikaw—" Akma niya 'kong babatuhin ng tsinelas na suot.

"Ano nga yung liliwanagin mo? 'Tang ina naman, mamaya ka na mamato ng tsinelas!" sigaw ko sa kanya.

"Ewan ko sa 'yo!" Humarap na siya kina Will para magpatuloy. "Eto na nga. Bale, hindi talaga bank ang issue ngayon, tama ba?"

"Bank ang isa sa issues," sagot ni Calvin. "Doon sa pinagtataguan ng mga pera. 'Yon."

"Tapos dinala mo si Shin?"

"Kasi ganito, Mel," paliwanag ni Calvin. "Nakatanggap si Clark ng documents sa brown envelope. Delivered sa office nila sa West. Ang contents: bank statement niya, mga sworn statement noong nakasuhan kami ng kidnapping, saka mga old records sa Coastal. Ang sender ng envelope, si Mickey Mouse. Clubhouse ang returning address. May note na naka-postscript, nagsisimula pa lang daw sila. Nakatanggap ng same file sequence sina Leo, Pat, saka Rico. Wala kami ni Will."

Napatingin sa gilid si Melanie, nanliliit ang mga mata at nakangusong napapaisip. "Hmm . . . Mickey Mouse. May idea kayo sa kanya?"

"Ako si Mickey Mouse," pag-amin ko.

"Oh!" Namilog agad ang bibig ni Mel, gulat na gulat. "Seryoso ba?"

Napangiwi naman ako. "Hindi mo alam?"

"Shet, hindi ako aware! Hahaha!" tuwang-tuwa na sagot ni Mel. "No, I mean na ano, ha. Hindi ko ine-expect! As in! Promise!"

Paanong hindi niya ine-expect, e ronda siya nang ronda sa Coastal noon?

"Na-shookt ako, gurl!" dagdag niya. "Ikaw si Mickey Mouse? Shocks!"

"Why? Hindi ka familiar kay Clark?" sabad ni Rico.

"Familiar ako kay Clark kasi barkada ni Calvin!" sabi ni Mel. "Pero iba kasi ang pagkakakilala ko kay Mickey Mouse. Informant kasi siya sa Coastal, and I heard na direct ang report niya kay Shin sa resto. So, ang pagkakaintindi ko, baka isa sa mga tao ni Shin sa resto or isa sa mga helper doon na tao ni Syaho."

"Informant ako ng grupo," paliwanag ko sa ginagawa ko noon. "Nagda-direct ako sa resto kasi friends nga kami ni Mother."

"Bakit Mother?" biglang tanong ni Will.

"Yeah, yeah, I wanted to ask the same thing," segunda ni Patrick.

"Medyo complicated, guys, pero Mother ang tawag sa kanya sa work. Siya ang owner ng Coastal," kuwento ko.

"REALLY?" sabay-sabay nilang tanong.

"Wow!"

"She's young! Like, so young!"

"That was unexpected."

"Weird."

Nagsabay-sabay sila ng salita, hindi na namin alam kung sino ang nagsasabi ng ano.

"Kung ikaw pala si Mickey Mouse, sino ang sender ng envelope?" biglang tanong ni Mel na ikinatahimik ng lahat.

"'Yan din ang gusto naming malaman, Mel," sabi ni Leo. "Wala kaming idea."

"Kaya nga gusto kong makausap si Mother," sabi ko. "Para malaman ko kung may kilala ba siyang posibleng suspect ng pagpapadala sa amin ng envelopes at makahingi ng tulong doon sa pag-clear ng Red Lotus accounts sa bank statements namin."

"Hmm . . ." Napaisip na naman si Mel at napatanaw sa overlooking sa gilid namin. "Sa suspect, I don't think may alam si Shin."

"Paano mo nasabi?" tanong ni Calvin.

"Nakulong siya sa bahay ng mama niya, hello?" sarcastic na sagot ni Mel. "And besides, inactive na ang Red Lotus. May rebranding sila ngayon."

"Rebranding?" sabay pa naming tanong ni Calvin.

"Bakit hindi ko alam?" dagdag na tanong nitong katabi ko.

"Because external news 'yan, dzuh!" mataray na sabi ni Mel sabay irap. "Hindi 'yan pag-uusapan doon kina Shin kasi malalaman ng babaeng 'yon. Halos lahat ng kasosyo nila sa negosyo, si Shin ang hinahanap kapag binabanggit ang Red Lotus. More like parang naging face of the business si Shin kaya kailangang burahin. Rebranding."

"So, talagang aalisin lahat-lahat ng karapatan sa kanya?" tanong ko pa.

"Plano nila, pero mukhang nahihirapan sila. Especially, ngayon na married na kami ni Patrick, si Papa, daddy nito"—pagturo niya kay Pat na nakikinig lang habang namamapak ng barbecue—"parang kino-convince niya ang mga original investor sa Red Lotus to not vote for the renewal ng agreements kung hindi si Shin ang hahawak ng management. So, parang may deliberation to use Shin as front lang while Madame Ai handle everything behind it. Pero naririnig-rinig ko lang 'yan kina Daddy kapag nag-uusap sila ni Papa. Kasi knows n'yo naman, ang daddy ko ay sided sa mga Yu, pero hindi puwedeng i-bypass ang authority ng mga Lauchengco. Torn between two lovers siya ngayon."

Ang daldal ni Mel. Pero eto ang klase ng kadaldalan niya na hindi ko ikapipikon.

"Pero hindi pa rin answered ang mystery behind the Mickey Mouse sender," sabi ni Will. "Wala bang clue?"

"Gaano ka-destructive ang mga document?"

"The document itself, hindi sila destructive. Parang mga hidden record na kami lang dapat ang nakakaalam pero alam nila. Parents din namin ang naka-receive ng ibang envelopes," sabi ko.

"Ngek? Ano kayo, Grade 5?" gulat na sabi ni Mel. "If demolition job 'to, dapat ibigay nila 'yon sa mga talagang kaaway n'yo or sa mga pulis, di ba?"

"E, sila nga ang kaaway namin pero hindi namin kilala," katwiran ko.

"E di, hindi 'to demolition job. Baka may kailangan sila sa inyo or baka pam-provoke lang ang mga document para mag-panic kayo."

"Ang hinala ni Tita Tess, may hinahanap daw sila sa 'kin, kung sino man sila," pag-amin ko. "Iniisip ko naman kung sino ang nakaaway ko sa Coastal para hanapin ako."

Napangiwi naman si Melanie sa akin. "Yung Mickey Mouse sender may kailangan kay original Mickey Mouse ng Coastal. Baka kasi may alam ka sa internal affairs kaya ka hinahabol," biro niya, na hindi ko alam kung biro nga ba. "Alam 'to ni Calvin, alam ko, alam ni Shin, alam ng lahat ng mga handler sa Coastal, na kapag pusta, pusta lang. Logbook-logbook lang sila. Wala silang ibang hahawakang documents maliban sa listahan ng pera. Ipapasa 'yon ng mga handler sa resto, ipa-process ni Syaho. Kasi kahit sina Ahia Jian, tamad magbasa ng papel 'yan, e. Kaya nga ang dami nilang sekretarya. Kung may magpadala man sa 'yo ng documents, baka si Syaho na 'yon. Siya lang naman ang may hawak ng lahat ng records ng mga kinukunan niya ng records. Pero imposibleng si Syaho 'yon kasi nga wala na siya."

Natahimik ako.

Parang buong maghapon sa camp site, doon lang umikot ang utak ko. Na kahit kinakausap ako ni Will, hindi ako nakakasagot agad kasi nga, lutang ang utak ko sa ibang bagay.

Napaisip din ako roon. Oo nga, may point si Mel. Wala namang may hawak ng records namin sa Coastal kasi kumakarera lang kami. Si Kuya Wing, oo.

Pero . . . hindi kasi puwedeng si Kuya Wing.

Kung siya man? Bakit pa siya magpapadala ng records namin? Aanhin namin 'yon?

"Sigurado bang hindi sina Jian?" tanong ko na naman kasi sila talaga ang naiisip ko.

Umikot lang ang mata ni Mel dahil doon. "Hello? Kung sina Jian 'yan, bakit ka pa padadalhan ng documents? E di sana, kinidnap ka na lang straight kung may kailangan pala sa 'yo, di ba? Wala ka namang bodyguard para mahirapan silang kunin ka!"

"Binabantayan ako ng Afitek," pag-amin ko.

"Gurl, kung binabantayan ka ng Afitek, e di sana sila ang unang nakakuha ng documents mo, hindi ikaw. Di ba, may radius-radius sila pagdating sa security? Dapat malayo pa lang, natunugan na 'yan. O, sige, drop ka pa ng defense mo. Go!"

Oo nga, 'no?

Matalino 'to si Mel, nakakabuwisit lang.

Busy ang lahat sa kanya-kanyang laptop at hawak na ledger para i-encode nang magsabi si Calvin.

"Tumawag si Shin. Pupuntahan ko muna," sabi niya at mabilis na tumayo, iniwan pa ang laptop niyang nakabukas.

"Saan daw?" habol na tanong ko.

Pero kumaripas lang ng takbo, hindi na ako nasagot.

"See?" sabi pa ni Mel sa aming lahat. "Hindi problema ang phone kay Shin kapag gusto niyang tawagan si Calvin. Kanya ang phone ng lahat ng tao basta natabihan niya."

Napasilip ako sa relo. Alas-tres pasado pa lang. Ganoon pa lang kaaga.

"Posibleng wala ang Mickey Mouse na 'yon sa Coastal, pero kailangan pa rin si Mother para ayusin ang mga kailangang i-address from Red Lotus," sabi ko sa buong barkada. "Tapusin na lang ang kung anong kayang tapusin ngayon, balik tayo sa bahay bukas."


♥♥♥


Parang may naiwang malaking question mark sa ulo ko habang bukas ang light bulb doon.

Malaki ang point ni Mel noong sinabi niyang imposible na tao sa Coastal ang suspect ng pagpapadala sa akin ng records namin lalo kung walang definite agenda. Kahit doon sa sinabi niyang imposibleng sina Jian kasi mga tamad magbasa ng records ang mga 'yon.

Kung sina Jian nga naman daw kasi, bakit pa ako padadalhan ng documents kung puwede naman akong kidnap-in na lang.

May point si Mel, sobra. At 'yon din ang question mark kina Will ngayon kasi hindi nila ine-expect na ang daming alam ni Melanie na kahit sila, hindi nila alam.

"So, friend mo ang owner ng Coastal?" tanong ni Will sa akin. "Tapos hindi namin alam?"

At ayun na nga't nagkakabukingan na ng friends outside friendship.

"Bawal kasi siyang i-friend," malungkot na sabi ko. "Kahit si Tita Tess, sabi niya, huwag kong i-friend si Mother Shin kasi delikado siyang tao."

"Seryosong tanong, mga pogi," biglang paningit ni Melanie na kanina pa kain nang kain. "Sumali ba kayo sa Coastal para lang sumikat?"

"Ha?" sabay-sabay pa naming tanong.

Wait, hindi ako nakasunod doon.

"Sumikat for what?" tanong agad ni Rico.

"Kasi . . . The Gods kayo, di ba? Sobrang famous n'yo nga during college days. So . . ." Ipinaikot-ikot ni Mel ang kamay sa tapat ng mukha para ipaintindi sa amin ang sinasabi niya. "'Yon?"

"You mean we joined para maging cool kids?" tanong ni Patrick sa asawa niya.

"Yeah! Kasi super famous n'yo kaya sa cyberspace," sagot ni Mel.

"No."

"Nope."

"Nah."

"Psh!"

Sabay-sabay kaming tumanggi sa sinasabi ni Melanie. Buti, wala si Calvin dito, puwede naming pagtulungan 'to—basta ba hindi mananakit.

"It started kasi noong natalo sa pustahan si Pat," pag-amin ni Rico. "Guys, it's high time to be honest with everyone."

"Sige na, sige na."

"So, natalo si Pat, then?" tanong ni Mel.

"Natalo si Patrick kay Jackson na ang deal, makaka-date ka."

"AKO?!" gulat pang tanong ni Mel, sapo ang dibdib at napaurong paatras. "'Ganda ko naman!"

"Sinabi mo pa," sarcastic na dugtong ko sa sinabi niya.

"Kumarera si Patrick na ang pusta, ano? Makaka-date ako over?" tanong ni Mel na hindi pa totally nakaka-move on.

"Over the Lamborghini," sagot ni Rico.

"Makaka-date ako over a Lamborghini! Wow, the hair!" Kunwaring sinuklay-suklay ni Melanie ang imaginary hair niya hanggang lupa. "Tapos natalo ka?" tanong niya agad sa asawa niya.

"Yeah."

"Ay, ba't ka nagpatalong bata ka, ha? Mura kotse mo?"

Napakamot tuloy ng ulo si Patrick. Naumay na kami sa issue ng Lamborghini kaya natatawa na lang kami ngayon kapag naaalala namin.

"O, natalo, tapos?" usisa na naman ni Mel.

"We needed to take that car back kasi grounded talaga si Pat once malaman ni Uncle Bobby na natalo sa pusta ang kotse niya," paliwanag ni Rico.

"Take note, mare, naka-installment ang Lambo, brand new, kabibili lang a few days ago, ha," gatong ko kay Mel, tinapik pa ang braso niya para makipagtsismisan.

"Ay, legit ba?" di-makapaniwalang sabi niya at binalingan si Patrick. "Sa 'yo ba yung lambo sa talyer ni Jackson?"

"Yeah."

"Yung plain yellow?"

"Yeah. Yung Apollo."

"Nge?! Sana sinabi mo agad para hiningi ko na lang! Ang dali-dali lang kunin n'on, e! E di sana, tinangay na natin palabas ng talyer. Sayang pusta."

Pare-pareho kaming napatingin kay Patrick na may bored na tingin.

Eto talaga pahirap sa buhay namin porke mayaman, e.

"Grabe, Pat-Pat, na-divide ba sa four ang IQ mo during that time? 'Nyare?" pang-asar pa ni Melanie.

"A few seconds lang ang difference ko kay Jackson. I overestimated him, okay? First time ko kaya sa drag racing."

"O, natalo nga, tapos ano'ng resolution?"

"Nagpa-investigate ako kung paano makakapasok sa illegal racing sa Coastal, and the person I paid told me na kausapin si Calvin to help us," sagot ni Rico.

"Si Calvin . . ." Napahimas ng baba si Melanie habang nangangasim ang mukha. "Naguguluhan ako, sorry. During that time kasi, nawalan ng grupo si Calvin sa Coastal. So, kayo pala ang ipinalit niya?"

Pare-pareho kaming naguluhan sa sinabi ni Mel.

"What do you mean by ipinalit?" tanong ni Rico, na gusto ko ring itanong.

"Complicated kasi ang naging situation. Wala ang Coastal until Shin founded that. Lahat ng handlers and racers doon, kalat sila sa buong South. Binuksan ni Shin ang Coastal para hindi sila magkalat around SLEX, Cavitex, Parañaque, and Las Piñas. Everywhere. Let's say, inampon sila ni Shin."

"Hence, the Mother Shin name," sabi ko.

"Yeah. Something like that. Tapos eto na nga, si Bing," pagpapatuloy ni Mel. "Alam n'yo naman na, e. Ikuwento ko na rin. Kami dapat ang ikakasal ni Calvin."

Napatingin kami kay Patrick na napapanguso na lang sa sulok.

"The thing is, medyo funny ang naging situation, because during that time na aware na kaming ikakasal kaming dalawa, kasama ko si Patrick sa school. Same section kami. Parang ina-under-under 'ko n'on si Patrick kasi laging masarap ang baon niya."

"Hindi ba masarap ang baon mo?" biglang tanong ni Will.

"Puro kasi gulay ang binibigay nila kasi nga . . . kids, go, glow, and grow. Veggies equals healthy bullshits. Ayoko ng baon ko."

"Tapos kinukuha mo baon ni Patrick?" sabi ko agad. "'Sama talaga ng ugali mo ever."

"Okay! Back sa topic! Back sa topic! Eto na nga si Calvin!"

Ibang klase. Makatakas lang talaga, e 'no?

"Something happened sa kapatid ni Calvin, parang suspect kami ni Shin sa nangyari. Accident 'yon, hindi naman namin pinatay or something. Nalunod ang kapatid niya tapos two years na na-comatose tapos namatay after."

"Oooh."

"Na-call off ang engagement namin ni Calvin, then parang gusto niyang gumanti kay Shin. Ang kaso . . . ewan ko, ha. Ako, nakikiramdam lang naman ako. Parang na-develop si Calvin kay Shin, so ayern!"

"Aaacckk! O, tapos, tapos, ano nangyari?" kinikilig na tanong ko, invested na invested sa kuwento ni Melanie.

"Nagkaroon ng parang MU something between them noong 13, 14 pa lang kami. But! Engaged na kasi si Shin sa ibang guy, si Ricky. 'Yon ang first husband niya."

"Ay, ikinasal na yung Shin?" gulat na tanong ni Will.

"Yeah. Pero divorced na sila ng first husband niya. So, ayun na nga. Engaged na si Shin, pero makapal kasi ang mukha ni Bing, so kahit nandoon si Ricky sa bahay nina Shin, dinadalaw pa rin niya."

"Aaahhh!" Hinawakan ko si Melanie sa balikat saka 'yon marahas na niyugyog sa sobrang kilig. "Homayghad! Wait, I can't breathe! O, continue."

"Ako, at that time, siyempre, ibang guy na bet ko kaya wala na akong pake kay Bing. But something happened again kasi parang conflicting nga na nililigawan daw ni Bing si Shin while engaged itong babaeng 'to. Pinaghiwalay sila. Tapos nagalit si Bing kina Tito Roy kaya naglayas siya sa kanila. That's the reason why may kuwarto siya sa bahay namin sa Laguna. Doon kasi siya tumira after niyang magtampo sa family niya for not letting him to have Shin. Alam n'yo naman si Calvin, spoiled brat."

"Oooh . . ."

"After nilang mag-breakup kuno, nagbago na si Shin. Nagulat din ako na meron na siyang . . . what do you call this . . . empire? Kanya ang Coastal. Tapos parang naging boss na siya ng maraming grupo. Ang dami na niyang connections. At ayaw n'on ni Calvin kasi ang dangerous nga raw na puro mga durugista ang under ni Shin. Doon na sila nagkaroon ng malaking away na dalawa. Kasi hindi bibitiwan ni Shin ang lahat ng under niya dahil lang sinabi ni Calvin. Authority 'yon, e. Influence. Pinaghirapan kung pinaghirapan talaga."

"Kaya pala sila magkaaway lagi dati," tsismis ko.

"Yuh! Saka during that time kasi, untouchable si Shin. Bawal siyang pag-usapan, bawal siyang kaibiganin, bawal siyang makilala ng kahit na sinong hindi siya dapat makilala. Kaya kung hindi n'yo siya kilala, good for you," sabi niya kina Rico.

"Ayaw ni Calvin na hawak n'ong Shin ang Coastal," sabad ni Leo na kanina pa hindi umiimik at nakikinig lang. Nainip yata sa usapan kaya sumabad na.

"Ayaw ni Calvin na nagtatrabaho si Shin, that's all," sabi ni Mel na ikinangiwi ko.

Ha-ha! Talagang magpapatayan sila ni Mother sa ganyang mindset.

"So, para pala siyang si Patrick," biro ni Will.

"Sinasamahan ko kaya sa work niya si Mel ngayon," katwiran pa nitong isa.

"Tapos gumawa ng grupo si Calvin?" probe ni Leo, ayaw talagang patakasin ang topic.

"Ang OG group ni Calvin, mga weakass 'yon. Okay naman sila as racers and runners, pero na-sacrifice sila ng status ni Calvin," esplika ni Mel. "Sabi ko nga kay Calvin, kayang-kaya niyang pabagsakin si Shin any time. One call sa office, mare-raid agad ang Coastal, mabibigyan agad ng notice at memo ang opisina ni Shin para ipatigil ang kahit na anong illegal racing sa property na siya ang owner. Sobrang dali lang kay Calvin na ipasara ang buong Coastal, if you were to ask me. Kaya kung siya ang taong itinuro sa inyo to help you at that time, tamang tao ang itinuro sa inyo."

"Pero yung kami ang ipinalit na grupo . . . ?" tanong ni Will.

"Alam ni Calvin na malulungkot si Shin kapag pina-raid niya ang Coastal kaya sinubukan niyang i-familiarize ang sarili niya roon sa . . . parang mundo ni Shin, just to understand her siguro, I dunno."

"Aww . . ." nakangusong sabi ko, naaawa pa ang tingin habang nagkukuwento si Melanie.

"Doon na 'ko tinangay-tangay ni Calvin kasi ayaw ni Bing nang wala siyang kasamang makikipag-usap sa iba. Really, sobrang introvert ni Calvin. Or not really introvert. Maarte kasi siya sa friends. Ayaw niya ng dugyutin. Alam n'yo 'yon?"

"Hahaha! Yeaaaah!"

"Mas mabilis akong na-familiarize sa field, at grabe, sobrang enjoying niya, as in! Nagpapahiram ako ng kotse sa mga racer doon!" proud pang sinabi ni Melanie. "If familiar kayo kay TP12, that's me."

"Shet!" gulat na sabi ko at tiningnan silang lahat na nagtataka sa reaksiyon ko. "So, yung kotseng ginamit ni Patrick pam-practice before yung main race nila ni Jackson, sa 'yo?"

"Akala ko ba, kotse ni Calvin 'yon?" tanong ni Leo.

"Dude, di ba, inamin naman ni Calvin na wala nga siyang kotseng pangarera after the race?"

Saglit na natigilan si Leo at saka napatango. "Ay, oo nga pala. Kaya nga pala tayo bumili ng decals noong buntis na si Ky!"

"O, di ba?"

"Si Calvin lang ang nag-arrange n'on sa inyo. Pero akin talaga 'yon. Doon sa talyer 'yon pina-park. Saka talagang binili 'yon para parentahan sa mga racer na walang kotse."

"So, parang sponsor ka," sabi ni Rico.

"Yeah. Yes. Saka ang laki kaya ng income doon. Supported 'yon ng family namin. Ang taas kaya revenue ng talyer ni Jackson dahil diyan."

"Kaya pala ang yaman mo," sabi ko habang hinahagod ng tingin si Mel mula ulo hanggang paa. "Tapos ang gangster mo makipag-usap, 'no?"

"Hahaha! Mga kasama ko naman kasi, mga hindi naman mayayaman 'yon kaya walang class makipag-usap! Siyempre, masasanay ka na mga batang kalsada mga kausap mo. Kayo nga lang ang mayaman sa Coastal, sa true lang, ha?"

"So, pinili kami ni Calvin bilang grupo kasi . . . ?" tanong ni Leo na hindi talaga mabitiwan ang tanong.

"Hindi ako sure," sagot ni Mel. "Pero malaki ang hinala ko na dahil kasama n'yo sa grupo si Mr. Dardenne saka si Patrick. As I see it, ha? Hindi na niya kailangang ibaba pa nang bongga ang level niya to reach the people sa Coastal if he has you all. Kasi sobrang ibinaba talaga niya ang self niya sa OG group niya kasi mga batang kanal 'yon. So, you know? Mas pipiliin niyang barkadahin si Patrick kasi pareho sila ng bath soap, something like that."

"'Tang ina, grabe sa standard!" natatawang sabi ko. "Dapat pala kapareho niya ng sabon."

"But, guys, kidding aside . . ." seryosong sabi ni Melanie kaya nawala ang ngiti ko. "If ang issue n'yo ay about sa records with Red Lotus? Lapit kayo sa daddy ni Pat."

Pare-pareho kaming umiwas ng tingin kay Mel sa suggestion niya.

Kung natatakot na kami kay Tita Tess, mas natatakot kami kay Uncle Bobby.

"'My, we can't do that," sabi ni Patrick, at hindi na natawag sa pangalan ang asawa niya.

"At bakit?"

"Si Papa 'yon, e. Pagagalitan kaming lahat n'on."

"Aba, dapat lang."

"'Ta mo 'yan? Gusto lang talagang pagalitan tayo, e," reklamo ko habang nakapaling paiwas kay Mel.

"Pagagalitan kayo pero tutulungan kayo n'on. 'Hirap kasi sa inyo, takot na takot masyado, e."

"Kasi nakakatakot naman talaga," depensa ko. "Si Bobby Lauchengco pa rin 'yon, uy!"

"Nagsa-suggest na nga ng madaling resolution, ayaw n'yo pa. Bahala kayo, ma-stress na lang kayong lahat diyan, deserve!"


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top