Chapter 52: The Jester


"Grabe, ang linis naman ng lugar nila rito." Hindi ko maiwasang punahin ang pinasukan naming subdivision kasi . . . maliban sa mga puno ng mangga, avocado, papaya, maliliit na dilaw na niyog, at talahiban o kaya mababang damuhan, wala pa akong nakikitang bahay.

"Kanila ba 'tong buong subdivision?" usisa ko na naman.

"Actually, they are planning to, pero nabili kasi una ng ibang corporation, but! Si Mama kasi, ayaw niyang patayuan ng ibang bahay o kaya commercial space, so sabihin na nating may ginagawa siya to stop the possible developments here."

"Oooh." Napatango-tango ako sa sinabi ni Calvin. "Mama . . . mo? Like Dy?"

"Mama ni Shin."

"Kasal na ba kayo?"

"Hindi pa."

"E, bakit naka-Mama ka na agad?"

Saglit akong nilingon ni Calvin habang nandidiri ang tingin sa akin.

"Nagma-Mama ka na kahit di pa kayo kasal?" buyo ko pa.

"Tatawagin ko pa rin siyang mama after everything, so bakit ko pa patatagalin?"

"Wow, ang lakas talaga ng pananalig ng Calvin Dy!" sarcastic na sabi ko. "Crush mo si Mother?"

"Magtago ka na diyan, malapit na tayo sa entrance."

Akala ko, nagdadahilan lang siya, pero pagtingin ko sa windshield, tanaw ko na ang malaking gate doon.

Nasa backseat ako, pero doon ako nagsumiksik sa ibaba ng upuan at nagtaklob ng makapal na tarpaulin na may graduation greetings pa (sa pinsan yata ni Calvin kasi Dy rin ang apelyido pero hindi niya kamukha).

Habang nasa loob ng tarpaulin, kinakabahan ako na nae-excite. Gusto ko na ulit makita si Mother hihi.

Kaso putang ina, parang impiyerno ang pinasukan ko, napakainit. Sabi ko kay Calvin, buksan lahat ng AC, e.

Huminto ang sasakyan, bumaba siya nang walang paalam. Galing.

Saglit kong inangat ang kaliwang gilid ng tarpaulin at saka ako lumipat sa upuan na mismo kasi 'tang ina talaga ng init, nananadya na, e.

Nakabukas ang mga AC pag-angat ko ng gilid ng tarp, pero hindi masyadong umaabot sa katawan ko. Kung alam ko lang, e di sana, hindi na 'ko nag-long sleeves.

Gusto ko sanang silipin ang bahay nina Mother pero nakakarinig ako ng mga Chinese na dumaraan sa tabi ng kotse.

Sabi ni Calvin, marami raw tauhan dito sina Madame Ai Ling. Gusto ko nang maniwala, kasi kada lipas ng ilang minuto, walang boses ang dumaan na nagkapareho. Wala ring minuto na tumahimik, laging may nagsasalita.

Hindi ko masabi kung ano ang definition ng marami pero sigurado akong lampas sa beynte ang tao rito.

May nadampot akong maliit na box ng brake fluid sa ilalim ng back seat. Itinupi ko 'yon saka ko ginawang pamaypay habang nasa loob ako ng tarpaulin. Ginawa kong pantukod ang kamay ko para may space sa ventilation. Doon lang masyadong lumamig.

Ang sabi ni Calvin, naipaalam na raw niya. Pero taragis na, matutusta na lang ako sa kotse niya, hindi pa rin sila bumabalik dito ni Mother.

Ipit na ipit ang braso ko nang kunin ang phone sa bulsa ko. Tumatagaktak na ang pawis ko, talo ko pa ang nag-jogging mula QC hanggang Muntinlupa.

"Hi, Sabby! Busy raw si Mel kay Ramram today. Pero umorder ako ng kung anong meron sa Purple Plate ngayon na masarap. Sinabihan ko na si Jason, baka puwedeng ipa-Grab sa inyo mamayang meryenda time kasi breakfast combo pa sila ngayon. Umorder din ako vanilla diet para may drink ka. Ingat ka lagi, labyu ♥"

Hindi active si Sab. Baka busy. Pero pasado alas-otso pa lang naman. O baka nag-e-exercise, di kaya?

"Ay, sh—" Nailapat ko ang phone sa dibdib ko nang biglang gumalaw ang kotse. Bumukas din ang magkabilang pinto sa harap at padabog pang sumara itong kanan banda sa ulo ko.

Kahit gusto ko nang bumangon, hindi pa puwede kasi nandito pa rin kami sa bakod ng mga Yu.

Nandiyan na ba si Mother?

Mother Shiiin . . . na-miss mo ba 'koooo?

Kinikilig ako, shet. Makikita ko na ulit si Mother! Aaacck!

Pauga-uga lang ang kotse kada humps na nadaraanan namin. Nagulat na lang ako nang may sumigaw.

"Ano namang plano 'to, ha!" Si Mother!

Si Mother ngaaaa!

"Tanungin mo 'yang gago sa backseat."

"Backseat?"

Doon na ako nagpakita sa kanilang dalawa.

"Motheeeeer!" malakas na sigaw ko at pinandilatan lang ako ni Mother Shin. "Na-miss kita, Moth—" Natigil lang ako sa pagsigaw nang sampalin niya ang bibig ko kahit mahina lang.

Sa sobrang gulat ko, nahawakan ko pa ang bibig ko at umaktong maiiyak sa ginawa niya.

"Bukas pa yung gate, di ba?" sabi pa niya nang ituro ang likuran namin.

Paglingon ko roon, bukas pa nga pero wala naman akong nakikitang tao. Pagbaling ko sa kanya, umarte akong masama ang loob kahit pa hindi lang sampal ang kaya niyang gawin sa ginawa kong pagsigaw.

"Sinaktan mo 'ko, Mother. After so many years, sampal lang ang ibabalik mo—"

"Bakit nandito ka?" putol niya, at hindi talaga nawala ang katarayan niya, solid.

Umayos na ako ng upo at nagpaliwanag. Inakbayan ko ang inuupuan ni Calvin para makausap nang maayos si Mother sa passenger seat.

"Ganito kasi, Moooth . . . er." Bumagal ang pagsalita ko nang mas makita ko siyang maigi sa inuupuan niya. Unti-unti akong napapangiwi habang hinahagod ko ng tingin ang balikat niya pababa sa braso. Hinawakan ko pa pero mabilis niyang binawi.

Ang . . . ang payat niya. Hindi yung klase ng payat ni Mel. Yung payat na after ng skin, buto na agad.

Sinilip ko pa ang mukha niya pababa. Sa mukha, hindi madaling mapapansin kasi parang wala namang ipinagbago, pero nakikita ko sa braso pa lang.

Hindi ako makapagsalita. Parang gusto kong umiyak sa galit at tanungin si Calvin kung bakit . . . bakit ganoon ang itsura ni Mother Shin?

Napasandal ako sa backseat at kagat-kagat ang labi, nag-iisip ng puwedeng itanong na doon na sana sa pakay namin, pero umuurong talaga sa itsura ni Mother ngayon.

Ano ba? Kinulong ba siya? Pinakakain man lang ba siya isang beses isang araw kung hindi man tatlo? Malusog pa siya noong huling kita namin four years ago, e!

"Mother, nag-breakfast ka na?" tanong ko na lang. "Gusto mo kumain muna tayo?" Kinalabit ko agad si Calvin. "Vin, kain muna tayo. Naano ako, e. Ano, basta. Baka may makakainan na masarap doon sa pupuntahan natin."

Hindi ko alam kung nagiging emotional lang ba ako o ang weak ko talaga these past few days o talagang hindi ko lang matanggap ang lagay ni Mother.

Ang payat niya, e. Malnourish. Ang ikinagagalit ko, nandoon siya sa pamilya niya.

Hindi man lang ba siya inalagaan?

Kung ikinulong man siya, bakit yung preso naman sa kulungan, nakakain nang maayos? Bakit nagkaganito si Mother?

Hindi ako makaimik. Buong biyahe namin, kino-compress ko ang sama ng loob ko. Nakailang lunok ako ng gusto kong sabihin at nakailang buntonghininga rin pampagaan ng dibdib.

Two years ago, sabi ko nga kay Calvin noong binantaan ako ni Jian dahil sinabi kong babawiin ko si Shin sa kanila. Kasi ginagawa ni Kuya Wing ang lahat para maibalik kay Mother ang buong Red Lotus. Ang gusto ko lang, maibalik si Mother Shin sa maayos na environment. Kahit hindi na sa Red Lotus. Kahit doon na lang sa lugar na payapa ang isip niya at ligtas siya.

Gusto ko ring tanungin si Calvin. Mas nangangati akong tanungin si Calvin ngayon.

"Gagamit ako ng restroom," sabi ni Shin sa gitna ng biyahe. Wala tuloy nagawa si Calvin kundi sumunod.

Pagdating namin sa isang gas station, talagang sumunod si Calvin kay Shin. Napasunod tuloy ako para lang hatakin siya palayo.

"Bakit ka sasama?" tanong ko pa.

"Paano kung tumakas 'yan?" hamon niya sa tanong ko.

"Bakit siya tatakas?" tanong ko rin at nagkrus ng mga braso.

"Malay ko. Baka gusto niyang bumalik ng resto, malay ko rin."

"Hmm." Nanliit ang mga mata ko habang sinusukat ng tingin si Calvin. May point, pero susunod sa restroom?

Hindi naman engrande ang toilet sa gas station. Kahit nga sa malayo, naaamoy namin ni Calvin ang ayaw naming maamoy. Kusa na lang kaming lumayo pa sa tamang distansya na makikita pa rin namin ang paglabas ni Mother.

Genderless ang public toilet kaya parang gusto ko na lang ding samahan si Mother para tulungan siya sa dress niya kung sakaling kailangan niya ng assistance.

Professional naman ako. May National Certificate ako. Accredited akong maghubad ng kahit sinong tao na kailangan ng tulong.

Pagbukas ng pinto ng toilet, sabay pa kami ni Calvin na napalingon—yung lingon na parang nasa horror movie kami na nandilat pa pagtingin doon sa pintuan.

Nag-squeak ang pinto pagbukas ni Mother. Deretso lang ang katawan lang niya at namumutla talaga ang mukha. Kahit din ako, mamumutla sa amoy ng restroom dito, e. Parang may diabetes at kidney failure ang umiihi rito.

Lalo ko pang pinandilatan si Mother kasi hindi gumagalaw ang dibdib niya. Hindi naman sa tinitingnan ko ang dibdib niya kasi wala naman akong makikita roon, pero wala yung inhale-exhale moment niya hanggang makalapit siya sa amin. Deretso lang siyang maglakad hanggang dumaan siya sa gitna namin ni Calvin.

"Mother, na-zombify ka na ba ng toilet dito?" tanong ko nang habulin siya ng tingin. At himalang lumaban ang amoy ng mabangong katol sa amoy ng toilet! Amoy pinausukan ng sandalwood si Mother!

Iba.

O baka nagpausok siya roon sa loob? Hmm.

Bumalik si Mother Shin sa passenger seat, ibinaling ko naman ang tingin kay Calvin. Sinalo ko ng palad ang dibdib niya nang akmang babalik na rin sa kotse.

"Vin, puwede ba nating kunin si Mother sa kanila?"

Sinalubong lang ako ng tingin niyang nagtatanong. "Ha?"

Itinuro ko si Mother sa loob. "Ano'ng ginawa nila kay Mother, bakit sobrang payat na niya? Hindi ba siya pinakakain sa kanila?"

Umikot lang ang mata ni Calvin sa tanong ko. "Siya ang gumawa niyan sa sarili niya. Buong araw siyang pinakakain sa kanila, siya lang ang may ayaw."

"Baka naman kasi may lason."

"Paano siya lalasunin, e nasa iisang mesa lang naman sila kumakain? Sinasandukan siya kasabay ng iba, ayaw lang talaga niyang kainin ang pagkain doon."

"E, paano 'yan? Hindi mo ba nakikita 'yan?"

"Kumakain siya kapag nandoon ako. Pero hindi nga kasi ako puwedeng nandoon buong araw."

Tsk.

Napakamot ako ng ulo. Ayoko na sanang magdagdag ng problema, pero si Mother kasi . . .

"Kailan kasal n'yo?" usisa ko agad, kunot ang noo.

"Hindi pa ako sigurado."

"Pero sa 'yo na siya titira kapag kasal na kayo."

Napatanaw agad si Calvin sa malayo paiwas sa akin. "Wala pang napag-uusapan about diyan, but I was proposing na sa akin na lang sana."

"Proposing, so hindi talaga sa 'yo kung hindi mo ipo-propose?"

Umiling siya habang nakatingin sa kung saan.

So, hindi talaga nila balak pakawalan si Mother?

Bumalik na kami sa sasakyan at pakiramdam ko, imbes na makakuha ng tulong kay Mother tungkol sa problema namin, parang nagkaroon pa ako ng panibagong problema kasi mukhang hindi okay si Mother.

Hindi ako makaimik kasi kahit gusto ko siyang tanungin, ang insensitive lang na tatanungin ko siya sa lagay niya dahil lang sa nakikita ko tapos bigla akong manghihingi ng pabor.

Pagdating namin sa San Mateo, kumuha agad kami ng mesa sa bed and breakfast doon para lang mag-almusal.

Gusto kong kumain si Mother nang marami. Alam kong mahilig siyang kumain kasi madalas ko siyang kasamang mananghalian noon. Isang buong mesa na puro pagkain, kaya naming paghatiang dalawa. Hindi ko lang alam kung ano'ng nangyari ngayon.

Pumuwesto kami sa parte ng dining are ng lugar kung saan may overlooking view ng city at mga puno sa ibaba.

Tumataas na ang araw at mas lalo kong nakikita ang putla ni Mother Shin sa liwanag. Nakasuot siya ng baby blue dress na makapal ang tela mula Mandarin neckline hanggang balikat. Pagdating doon hanggang siko, gawa na sa lace ang manggas na medyo kita na ang balat dahil sa nipis ng materyal. Maluwang sa braso niya ang sukat kaya kahit parang fit dapat 'yon, naging maluwag sa kanya. At higit sa lahat, ang dami kong nakikitang hiwa sa braso niya—hiwa na hindi gawa ng nakipagsaksakan siya sa kanila kundi hiwa na masasabi kong kusa niyang nilalaslas 'yon.

Gusto ko siyang makita, pero hindi ko siya gustong makita sa ganitong estado. Lalo lang akong nagagalit na hindi ko siya nakita sa apat na taon na 'yon.


Pogi Onli Klab

Dada Leo
Malapit na ko. San na kayo?

Daddy Rico
OTW

Father Will
Pota naliligaw yata ako. Guys, can I have another landmark? Parang anlayo sa San Mateo nitong tracker.
Dada Leo
Try mo yung locator ng hiking club @Father Will

Father Will
Okie TY


Unang beses nilang makikita si Mother Shin mula nang mapadpad kami sa Coastal. Hindi ko alam kung aamin si Calvin sa connection nila ngayon ni Mother, pero gusto ko sanang sabihin na niya habang maaga pa lang.

Binalikan na kami ni Calvin at doon siya naupo sa hindi naman niya dapat upuan. Tigdalawang upuan ang meron sa magkabilang side ng mesa, blangko naman sa part na paharap sa loob ng dining at sa view ng overlooking. Doon pa talaga naghatak ng upuan si Calvin na patalikod sa view ng overlooking kahit hindi naman dapat umupo roon. Dala niya ang number namin, niluluto pa raw kasi at ise-serve na lang maya-maya.

"Malapit na ang wedding ni Leo, and we're running out of time," panimula ni Calvin at sinilip ang phone niya. "Nagre-reflect talaga sa FS ang mga undisclosed amount. Paano ba aayusin 'to?"

"Hindi ba kayang ayusin ni Pat 'yon?" tanong ko agad, nawawalan na ng gana sa topic kahit kauumpisa pa lang.

"Dude, tama ang ginagawa ni Pat, at dapat talagang mag-reflect ang amount na hinahanap ni Tita sa FS. Ang problema natin ay kung saan ang source ng unidentified accounts na nagre-reflect sa books."

Dinuro tuloy kami ni Mother. "May iba pa ba kayong issue aside sa pagtakas sa 'kin?"

At ayun na nga kami. Humugot muna ako ng malalim na hininga saka kinausap si Mother.

"You know Tessa Dardenne, right?" sabi ko.

"Yes. Why?"

"May nakita siyang discrepancy sa account ng anak niya, at connected ang source ng pera sa Red Lotus."

"Hinahanapan kayo ng ledgers?"

Sabay pa kami ni Calvin sa pagbuntonghininga.

Hindi lang ledgers. LAHAT.

"You just put the number on the bomb's countdown, people," sermon ni Mother Shin sa amin at nagkrus pa siya ng mga braso habang salit-salit ang tingin sa amin ni Calvin. "Nag-account si Tessa?"

"Unexpectedly," sagot ko.

"Ano'ng account names and particulars ang nakalagay sa journals?"

Ayun nga ang problema, e. Hindi kasi puwedeng mailagay ang "pusta" o kaya "illegal gambling" at pangalan ng mga handler doon sa source of fund na babasahin ng mga accountant at auditor.

"Of course, walang nakalagay," sarcastic na sabi ni Mother nang walang nakaimik sa amin ni Calvin. "Questionable talaga 'yon. Kahit sinong mag-o-audit, kukuwestiyunin 'yon."

Napasuko na 'ko. "Madaling ibigay ang Red Lotus sa account name, kaso magwawala si Tita kapag lumabas 'yon sa records ng anak niya."

"Probably," segunda ni Calvin.

"So, what now?" tanong niya sa amin. "Ano'ng uunahin n'yong problema ngayon?"

"Lahat," mabilis na sagot ko. "Hindi puwedeng paisa-isa. Hinahabol kami ng oras."

"Is this the reason why I have to marry you, dumbass?" tanong pa niya kay Calvin, na parang hindi 'yon ang dahilan kaya sila ikakasal.

"May utang ka pa sa 'king hindi mo nababayaran," may inis na sagot ni Calvin.

"A, talaga ba? Ikaw rin, di ba?"

"Ang dami n'yo namang utang sa isa't isa," putol ko sa kanilang dalawa.

Sabay-sabay kaming natigilan nang dumating na ang pagkain namin ngayong umaga.

"Kain ka nang marami, Mother." Siya agad ang una kong pinansin at hinintay na makasubo man lang. Makita ko man lang siyang makakain nang maayos, okay na ako.

Naaawa ako sa itsura ni Mother ngayon, pero malamang na ayaw rin niyang kaawaan ko siya. Ang hirap tuloy humingi ng pabor. Pakiramdam ko, ang selfish ko masyado.

Ang usapan, saglit ko lang kakausapin si Mother. Ang kaso kasi, kumalat ang issue hanggang kay Rico, at hindi na sa akin umiikot ang buong problema.

Habang maraming nakukuhang files at records si Tita Tess, mas lalong lumalabas na malaki ang role ni Rico noon sa Coastal days namin kasi nga, akala namin, joke-joke lang na tinatawag silang Gods noong college.

Kasi mga astig nga raw. E, mga bata, e. 19 years old, p're, nandoon ka pa between playing and adulting. E, si Rico ang topic, so 90% playing ang nasa utak namin noon. College, paangasan ang labanan kasi cool kids. At 'yon ang malaking case namin ngayon.

Hades (a.k.a. Rico) was a huge spender of money sa Coastal during The Gods time. 30% ng buong kita ng illegal racing since sa founding ng Coastal drag, si Hades ang bumuno. Basically, nasa history ng Coastal si Rico bilang pinakamalakas pumusta sa karera mula nang simulan ang ilegal na pustahan doon.

Siya lang ang bukod-tanging handler na kayang maglabas ng two million sa isang gabi lang para sa iisang karera.

Initially, wala akong bilang sa Coastal pagdating sa lapagan ng pusta. Never akong pumusta roon na may record sa logbook kasi nga, ayokong magka-record. Mahirap kasing maisama ka sa ebidensiya—gaya ngayon.

Kaya tama si Leo. Kung pumirma man ako sa authorization, ang makakalkal sa akin, mga detalyeng alam na rin ni Tita Tess. Na konektado ako kina Mother Shin at wala na rin namang kaso kung malaman nilang kilala ko si Kuya Wing kasi inamin ko na rin kay Tita na kaibigan ko nga si Kuya Wing.

Wala na sa akin ang issue, naroon na sa panganay niya. At kapag pinagtanong-tanong ang tungkol sa akin, malalaman na rin niya ang ginagawa ng barkada.

Kung tutuusin, madali na lang siyang makakakuha ng info sa mga casino kahit pa walang permiso ni Rico ang investigation. Pero tingin ko, hindi Red Lotus ang kakalkalin ni Tita tungkol sa anak niya. Kasi ako lang naman ang sinabing family friend ng mga Yu, hindi naman si Rico. Baka koneksiyon na lang ni Rico sa mga Yu ang kailangan ni Tita ngayon.

After all, hindi ko pa rin makuha kung bakit kami umabot sa ganitong point. Habang umaandar kami sa gitna, lalo kong hindi nakukuha kung ano ba ang ugat nitong lahat.

Balak sana namin ngayong mag-camping kasi hindi nga raw kami umaalis sa office, kaya ang naisip nina Calvin, pumunta kami sa ibang lugar at doon namin gagawin ang ginagawa namin.

Inconvenient, yes. Sobra. Pero ite-trace din kasi ng mga Yu si Mother pag-alis niya sa kanila at hindi namin siya puwedeng dalhin sa bahay ko. Gulo talaga ang mangyayari kapag nangyari 'yon.

May katabi na camp site ang bed and breakfast na pinuntahan namin. Doon sana namin balak mag-stay nang buong gabi habang tinatapos ang kaya naming tapusin para sa ngayong araw na tasks naming magbabarkada.

Pero doon pa lang sa entrance ng camp, nangunot na agad ang noo ko nang makakita ako ng ibang babae maliban kay Mother Shin.

"Bakit nandito 'yan?!" reklamo ko nang duruin si Melanie.

Sumagot si Patrick. "Gusto sumama, e."

"Putang ina."

Minata ko agad si Melanie kasi wala naman siyang gagawin dito, e! Manggugulo lang siya!

"Akala ko ba, busy ka kay Ramram kaya hindi ka makakapag-bake, ha?" pangangastigo ko sa kanya habang nakapamaywang ako.

"E, kung saan-saan napupunta asawa ko, bakit ba? Masama bang sundan?"

"Para namang may pakialam ka sa asawa mo. Ang sabihin mo, gusto mo lang talagang makitsismis dito."

Imbes na sagutin ako, bigla niyang binalingan si Mother Shin na nasa bandang likuran ko lang. "E, 'yan? Bakit kasama n'yo 'yan?"

"Calvin, duuuh!" sabi ko at nag-snap ng daliri sa hangin.

Ayokong nandito si Melanie. Kasi alam kong riot kapag magkasama silang dalawa ni Mother.

Kung kausapin man namin si Mel, gusto kong sa hiwalay na lugar, hindi rito na paniguradong magsasabong sila.

"Clark," tawag ni Mother nang kalabitin ako sa braso.

"Yes, Mother?" Sinundan ko siya sa gilid at bahagya akong yumuko para marinig siya.

"You know this is a bad idea, right? Wala kayong sinabing ganito."

Napakamot ako ng ulo. "Mother, hindi rin naman namin ine-expect ni Calvin. Barkada lang naman ang kakausapin natin."

"Natin?" Sinalubong niya ang tingin ko, nagtatanong. "Bakit?"

"Kailangan namin ng magandang resolution dahil involved ang Red Lotus sa kinakalkal ni Tita Tess ngayon."

Nagkrus agad siya ng mga braso at tinaasan ako ng kilay, nangunguwestiyon na kahit wala pang sinasabing kahit na ano.

"Mother," pakiusap ko, "ang akin lang, kailangan ko rin ng tulong ngayon kaya kami nandito. Hindi naman sa ginagamit ko 'tong opportunity, pero hindi ko kayang maging honest ngayon kay Tita Tess. Hindi siya cooperative sa new management ng Red Lotus, at ayoko sa kung sinong Pilato na nakaupo ngayon sa dating hawak mo."

"Wala na akong authority ngayon, Clark," paalala niya sa bagay na hindi ko naman nakalimutan. "You should have known that four years ago."

"Pero hindi authority ang kailangan ko ngayon, Mother. Ang kailangan ko, yung alam mo sa dapat itago namin kay Tita. Ie-explain mo lang sa barkada ko, then we're good."

Nakikita ko sa tingin ni Mother Shin na ayaw niya sa ginagawa namin ng barkada ngayon at nadi-disappoint na siya. Same feelings kung tutuusin.

Pero kailangan nga kasi naming malaman kung ano ang hinahanap sa amin na sinasabi ni Tita Tess na baka alam ni Mother kasi siya nga ang may hawak ng Coastal noon.

Hindi ko alam kung ano kaya gusto kong kay Mother manggaling ang sagot.

"Dude, dito mo siya paupuin," sabi ni Rico nang maglapag ng folding chair doon sa ilalim ng blue umbrella na kabubukas lang ni Leo.

"Mother, ayusin ko lang uupuan mo, ha?" paalam ko saka ako pumunta roon sa puwestong sinetup ni Rico.

Naniniwala akong matutulungan kami ni Mother Shin dahil siya ang may hawak ng buong Coastal noon. At kung may hanapin man ang mga naghahanap sa akin, malamang na may idea siya sa sagot.

Inayos ko folding chair at nilapagan ng battery-operated portable fan sa tabi para hindi masyadong mainit. Mabilis na pumuwesto si Patrick sa gilid ng upuan habang pasipol-sipol pa.

Ito, hindi talaga 'to makaka-survive nang nakapamaypay lang, e.

Nakaupo na roon sa arawan ang buong barkada. Alas-nuwebe pasado pa lang ng umaga pero ramdam na ramdam na ang alanganing init ng umaga at init ng tanghali.

May head parasol sina Leo na balak mag-ihaw para may proteksiyon sila sa init. Si Rico, wala naman siyang pakialam kung mabibilad sa araw. Si Will, ayos lang sa towel na takip sa ulo. Si Patrick, mukhang mas pipiliing tumabi kay Mother Shin sa ilalim ng payong at automatic fan kaysa tumabi sa asawa niyang nakatabi kay Will sa arawan.

"Mother, upo ka na, Mother," alok ko at itinuro ang uupuan niya. "Psst!" sita ko kay Patrick. "Lumipat ka sa tabi ni Mel. Baka magsapakan bisita natin saka asawa mo, nandito ka nakikitabi."

"But it's hot in there, dude."

"Wala akong pakialam. Doon ka sa malayo kay Mother. Gusto mo, mag-file bigla ng annulment si Mel kasi nakatabi ka rito?"

"Hnng!" pagdabog ni Patrick at padabog na binuksan ang pamaypay niya. "I hate you all."

Nagmartsa pa si Patrick para lalong magdabog kasi pinalayas ko rito sa lilim.

"Hi, I'm Ronerico," pakilala ni Rico nang mag-alok ng kamay kay Mother na palalapit sa amin.

"I know you. Kayong lahat," walang emosyong sagot ni Mother sa kanya, inisa-isa pa sila ng tingin.

"Oh. Uhm, have a seat."

Halatang awkward kay Rico ang attitude ni Mother Shin. Pero mabuti na 'yon kaysa sumabay siya sa pag-tantrum.

"Alam mo, Bing, ang dami mong option, oo, alam mo 'yon?" parinig ni Mel kay Mother at kay Calvin.

"Mel, tumigil ka diyan," singhal tuloy ni Calvin sa kanya.

Wala pa kami sa topic, nagkakagulo na.

Naghahanda si Leo ng iihawan sa tabi ng sasakyan namin. Nakaupo sina Will sa malaking troso na upuan naman talaga ng camping site na 'yon. Binabantayan niya ang mga iihawin namin kasi ayaw patagalin ni Leo sa van. Mangangamoy barbecue nga raw kasi sa loob. Si Calvin, hinahanda ang ilang gamit namin sa kotse niya. Isa-isa niyang inilipat doon ang mga gamit na nakatambak sa van ni Leo. Pareho naman kami ni Rico na ikot-ikot sa paligid para asikasuhin ang lahat.

Sa sobrang init, inilayo ko ang fan kay Mother at sinubukang itapat sa pinagdadaluyan ng hangin para mapunta sa aming lahat ang lamig.

Isa-isang inabutan ni Rico ng maiinom ang lahat.

"So, you're Calvin's . . . fiancée?" usisa ni Will nang magkaroon ng chance makausap si Mother.

"I'm not aware," walang buhay na sagot ni Shin.

"Hoy," puna agad ni Calvin kaya natawa ako habang inaayos ang payong ni Mother.

"Are you okay?" sunod na tanong ni Pat. "Uhm, no other intention. You're too pale kasi."

"Matagal nang walang dugo 'yan," sagot ni Mel kahit hindi tinatanong. "Hayaan mo siya." Ipinaling pa ang mukha ni Pat palayo kay Mother. Napakaselosa ba nito o napakadamot kasi si Mother ang kaaway?

"Mother, naiinitan ka na?" tanong ko kasi wala na sa kanya ang portable fan. "May dala akong fan dito. Hawakan mo na lang." Kinuha ko sa bag ko na nasa van ni Leo ang maliit na rechargable fan para gamitin ni Mother.

"Ano 'yan? Asawa mo?" puna ni Mel pag-abot ko ng fan kay Mother.

Namaywang din ako. "E, bakit ka nagtatanong? Asawa kita?" Itong Melanie na 'to, lahat na lang pinapansin.

"Hoy, lalake!"

Bahala ka diyan, sumigaw ka, ay dont ker.

Pinuntahan ko na ang iba pa naming gamit sa van ni Leo para ilipat sa kotse ni Calvin nang marinig kong nagtanong ulit si Will.

"Kilala ka ni Clark?"

"You think so?" sabi ni Mother.

"Nakakainis ka talaga kausap," paningit na naman ni Mel.

"You're not even in the conversation, bitch. Shut your mouth."

"Aba, talagang—"

Nayakap ko ang ilang bag na bitbit ko at napatakbo palapit kay Calvin na medyo malayo roon kina Mother. Akala ko, magkakabatuhan na ng troso rito, e.

Nakaupo lang si Mother sa folding chair, naka-de-kuwatro at nakangisi kay Melanie na namamaywang sa harapan niya

"Alam mo, Chill, wala pa namang kasal, e. Magbabago pa ang isip mo," mataray na sabi ni Mel.

"Huwag ako ang pagsabihin mo. Tahimik akong nakakulong sa bahay, aabalahin ako ni Calvin. For what? Gusto niyang magpatayan kami habambuhay?"

Napatingin kami agad kay Calvin na napatingin din sa aming lahat na nakatingin sa kanya.

"Desisyon nina Ah Ko 'yon, di ba?" kontra niya sa sinabi ni Shin, halatang kabado sa sagot.

"Then tell that to your ex-fiancée na kung ano-ano ang sinasabi sa 'kin," panduduro ni Mother kay Shin.

"EX-FIANCÉE?" sabay-sabay na sigaw nina Will.

"Hwoy, gago, ano 'yon, Calvin Dy!"

"Ex mo si Mel?"

"Akala ko, kinakapatid mo!"

"'Tang ina, ano ba 'to? Sweet Home Alabama ba 'to?"

"Gustong-gusto mo talagang binubuwisit kami!" sigaw ni Melanie.

At doon na nga nagkagulo.

Nagkakasigawan na. Napatakbo palapit sa amin si Will saka si Patrick. Sinugod ni Melanie si Mother. Mananabunot na sana si Mel pero tinapik ni Mother nang walang hirap ang kamay niya.

Mangangalmot na lang sana si Mel pero nakasapak agad ng isa si Mother kaya napaatras itong isa.

"Aaaahhh!" sabay-sabay pa naming sigaw nang kunin ni Mother ang folding chair, itinupi at saka siya sumugod sa arawan para lang maihampas ang upuan kay Melanie.

"Whoa! Whoa! Easy, ma'am! Walang violence, please!"

Sabay-sabay kaming napasinghap nang walang ka-effort-effort na hinawakan ni Rico ang paa ng upuan sa ere at kinuha 'yon na parang laruan lang mula sa kamay ni Mother Shin.

Binuksan niya ulit 'yon at ibinalik nang maayos sa lupa para maupuan ulit.

Sabay-sabay kaming pumalakpak dahil sa ginawa niya.

"Ang tapang talaga ni Daddy Rico."

"Daddy Rico for the win! Whooh!"

Pinandilatan agad ni Mother Shin si Rico, nagtatanong kung ano ang ginawa niya ngayon-ngayon lang.

Well . . . nagulat din ako. Kasi na-experience ko nang makipagpatayan kay Mother at hiningal ako roon. Pero si Rico, ang chill-chill lang kung umagaw ng murder weapon habang ready to kill na si Mother, putang ina.

Nakatingala lang si Mother kay Rico, pero kita sa tingin ni Mother na kinukuwestiyon niya ang ginawa ng kabarkada namin.

"We already know na hindi kayo okay ni Melanie. From now on, we're acknowledging the distance," paliwanag ni Rico at nilampasan si Mother para i-check naman si Mel. "Clark, she's bleeding."

"Mel!" sigaw ni Patrick sa tabi ni Will. "Ayos ka lang?"

"Lumapit ka rito at nang malaman mo!" galit na sigaw ni Melanie.

Nagkumpulan tuloy kami roon para mabilisang mag-deliberate.

"Hindi okay si Mel at si Shin," sabi ni Calvin. "Kailangan nating tanungin si Shin agad kasi kung hindi, magpapatayan talaga 'yang dalawa."

"Pat, iuwi mo na nga lang si Mel," utos ko.

"But I have to go home na rin, if ever."

"Bakit ba kasi sumama 'yan?"

"I don't even know rin! Basta namilit lang, e."

"Haay, nakuuu!"

"If you want to talk to me, talk to me right now, if this is just a simple outing, ibalik n'yo na lang ako sa bahay," malakas na sabi ni Mother kaya napalingon agad ako sa kanya.

"Mother," pakiusap ko.

"Alam mong ayokong sinasayang ang oras ko, Clark. Kung walang magsasalita kung bakit ako nandito, huwag n'yo 'kong pipigilang umalis."

Tsk!

Naibalik ko ang tingin sa kanilang lahat. "Guys, magtanong na agad. Sayang ang chance na 'to."

Doon muna sa may ihawan si Melanie, pinatulong kay Leo para lang ilayo kay Mother. Ayoko sana kasi parang mas delikado, pero nandoon naman si Leo. Sipain na lang niya si Mel kapag nanggulo na naman.

Bumalik kami sa mga puwesto namin sa may log benches para makausap na nang masinsinan si Mother Shin.

"Okay, Mother, ganito kasi . . ." panimula ko. "Hinahanap ni Tita Tess ang sources ng funds sa bangko naming lahat. Alam kong magagalit siya kapag ibinagsak ko ang Red Lotus sa record."

"For sure," segunda ni Calvin.

"Natawagan n'yo na si Syaho?" tanong niya na ikinatahimik namin ni Calvin. "Did you try to?"

Ang hirap ng naging paglunok ko. Hindi alam ni Mother na wala na si Kuya Wing. Hindi rin kasi namin alam kung talaga bang wala na si Kuya Wing kaya in-assume na lang naming patay na nga.

"Did you?" tanong na naman ni Mother sa mas mabigat na tono.

Hindi ako makatingin sa kanya nang deretso.

"What?" malakas na tanong niya.

"Wala na si Syaho," sagot ni Mel sa ihawan. "Last year pa, Shin. Hindi ba nila sinabi sa 'yo?"

Napasulyap ako kay Mother mula sa pagkakayuko.

"No." Nakuyom ko ang kamao nang unang beses makitang manubig ang mga mata niya. Nakatingin lang siya kay Calvin at may galit sa mga mata niya. "No . . . no, not him . . . no."

"Shin," mahinang awat ni Calvin.

Napatayo si Mother sa inuupuan niya. Napakislot sa upuan sina Will pero kami ni Calvin, hindi kami nakagalaw.

"How dare you . . . ?"

"Hindi ko puwedeng sabihin—"

Bahagya akong napatalon sa kinauupuan ko nang lumapit siya kay Calvin at saka niya malakas na sinampal ang katabi ko.

"Hindi puwede?" gigil na tanong niya kay Calvin. "Bakit hindi puwede, hmm?"

Tumayo agad si Calvin para awatin si Mother, binalewala ang sampal na 'yon.

"Clark!" sigaw ni Mother sa akin.

"Mother," pakiusap ko at tumayo na rin para awatin siya. Hahawakan ko na sana siya pero inilayo niya sa 'kin ang braso niya bago ko pa maabot. "Mother, ipapaliwanag ko, okay? Makinig ka muna. Kinuha nila si Kuya Wing sa resto, tapos hindi na siya ulit nakabalik. Yung isang waiter lang ang nagsabi sa aming pinagtulungan siya nina Wei tapos until now, hindi pa namin alam kung nasaan ang katawan niya—"

Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko, nag-angat na siya ng laylayan ng dress saka mabilis na naglakad paalis.

"Shin!" sigaw ni Calvin at hinabol si Mother. "Shin, ano ba!"

Bumaba sila sa camp at pare-pareho kaming naiwan doon na hindi makaimik.

"Alam mo, Clark, hindi dapat inilabas ni Calvin si Shin," sabi ni Mel at itinuro ng tong ang direksiyon na binabaan nina Mother at Calvin. "Dapat nga, hindi inilabas si Shin, e."

"Puwede ba, Mel . . . ?" naiirita nang sita ko sa kanya nang lumapit ako sa upuan namin. "Kung ayaw mo kay Mother, puwede ka namang tumahimik, e."

"Hindi ko 'to sinasabi dahil lang ayoko sa babaeng 'yon," depensa niya sa reklamo ko sa kanya. "Kilala ko si Shin. Sobrang importante ni Syaho sa kanya. At kapag hindi siya napigilan ni Calvin, humanda na sina Wei. Si Syaho lang naman ang pumipigil kay Shin para hindi durugin ang mga Yu. E, ngayong wala na si Syaho, sana kayanin ni Calvin na pigilan ang aasawahin niya."

"Clark."

Ako lang ang tinawag pero sabay-sabay kaming lumingon kay Calvin na lulugo-lugong bumalik.

"Hindi mo nahabol?" pang-asar pa ni Mel.

Umirap lang si Calvin sa tanong ni Melanie.

"Hahaha! Tawagan mo na mama niya! Sabihin mo, magdasal na sila sa lahat ng Buddha nila sa bahay! Pinatakas mo yung psychopath niyang bunso!"

"Meng," awat ni Calvin.

Pero ayaw magpaawat ni Melanie. Lalo pang tinawanan ang sitwasyon.

"Sabi nang huwag mong ilalabas 'yon sa kanila, e! Kapag pinugutan n'on ng ulo si Wei, kukuha talaga ako ng puwesto sa Long Table para manood ng agawan sa puwesto."

Ang talim ng tingin ni Calvin kay Melanie.

Alam ko namang OA mag-joke si Melanie kaya hindi ko na rin siya pinansin. Nag-aalala naman ako kasi walang phone si Mother.

"Vin, binigyan mo ba ng phone si Mother?" tanong ko agad.

"Walang phone 'yon," dismayadong sagot ni Calvin nang lumapit sa amin.

"Paano natin mate-trace ngayon 'yan?" sermon ko pa.

Ang bigat ng buntonghininga ni Calvin at hindi sumagot pagkaupo niya.

"Huwag n'yong problemahin ang phone," sabi na naman ni Melanie na kanina pa maingay. "Teritoryo ni Shin ang buong Luzon. Siya ang tatawag kay Calvin kapag busog na ang kamay n'on ng dugo. Sabi na kasing huwag gagalawin si Syaho, e."

"Meng, tumahimik ka na nga, puwede ba?" naiiritang sabi ni Calvin.

"Kahit patahimikin mo 'ko, hindi pa rin niyan maibabalik ang pinatakas mo. Tawagan mo na si Madame Ai Ling habang maaga pa. At sabihin mo sa kanya, magbilang na siya ng oras niya." Kinuha na ni Mel ang phone niya sa bulsa at nakangiting tiningnan 'yon. "Magbabalita muna ako ng happenings. Kapag may nakarating na exciting news, for sure, gawa 'yon ng babaeng 'yon."

Napasuklay na lang ako ng buhok sa sobrang frustration. Pakiramdam ko, nagdagdag lang talaga ako ng panibagong problema ngayon.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top