Chapter 50: Breaking Point
"Hi, Sabby! Kumukuha ka raw ng order na dessert ni Tita Tess kay Mel sa Purple Plate. Nagpasabi ako kay Pat na pagawan ka ng low-carb tas dun mo na kunin. Ask mo na lang sina Shiela sa dessert mo ha? Dito lang kami nina Leo sa office. Text ako pag di na ko masyadong busy. Labyu ♥"
Gusto ko na lang talagang alagaan si Sabrina para hindi na ganito ang mga problema ko.
Habang dumaraan ang bawat araw, lalo kaming kinakabahan sa ginagawa namin.
Noong college kasi kami, after naming makapasok sa Coastal, wala naman talaga kaming pakialam kung magkano ang hawak naming pera na allocated para talaga sa Coastal. Labas ang mga allowance namin doon, e. So, parang extra money lang namin pang-hobby o kaya panggala.
At dahil naka-manual logbook at ledgers kami, noong isa-isa namin 'yong in-encode, umabot na kami sa point na kahit kami, gusto na naming kuwestiyunin ang lumalabas sa spreadsheet.
"Dude, we've spent forty million for a fucking month," di-makapaniwalang sabi ni Pat nang sumaglit ng hinto sa pag-e-encode niya. "Magkano lang ang lamborghini na pinag-ipunan natin? Seven?"
"But we've lost almost all of it, Pat. Expenses lang 'yan," kontra ni Rico. "We needed to lose nga, di ba?"
"But that forty million can buy five brand new unit of my car!"
"How much is the expenses inside that forty million?" hamon ni Rico.
Doon na nagbuntonghininga si Patrick at hindi na sumagot.
Eighteen, nineteen years old spending forty million within a month wasn't normal. Si Rico at si Patrick, monitored ang allowance. Si Leo, ayaw ipahawak ang allowance. Si Will, kulang sa allowance. Tapos wala akong pakialam sa allowance ko. Si Calvin, tagakuha lang ng akala niya, allowance naming lahat.
Kahit pagsama-samahin ang mga allowance namin, hindi 'yon aabot ng forty million, pero umabot ng forty ang gastos namin. Salamat kay Rico at sa lakas niyang pumusta kasi confident siyang magyabang. Pumupusta nga siya ng 40 thousand kahit 9 thousand lang ang nasa kamay niya. Sana lang talaga, may ganoon akong lakas ng loob kasi nakakaputang-ina matakot mag-risk nang wala kang enough na panabla. Tapos biglang talo ka na nga, abonado ka pa.
Summer pa lang 'yon noong before kami mag-second year college. The more we encode, the more questionable records ang lumalabas. Doon pa lang sa lending business namin na managed nina Calvin at Will noon, pumalo na ng 54 million ang inilabas namin para ipautang for six months. Take note na six months lang at 54 million habang ang lunch lang namin, tira-tira sa factory nina Rico.
Naaalala ko ang tanong ko kay Tita Tess before kung kikita ba ako agad-agad kapag pinautang ko ang 20 thousand ko. Putang ina, 54 million, tapos third year college lang kami. Saan kami magnakaw ng putang-inang 54 million?
"Saan ba tayo kumukuha ng fund noong college?" naiiyak nang tanong ko sa kanilang lima.
"Sa . . . pustahan?" alanganing sagot ni Patrick.
"Saan pa?"
"Yung interest sa lending, malaki naman, di ba?" sabi ni Will.
"Sige, let's say sa interest sa lending," sagot ko sa sinabi ni Will. "Ang nandito sa record, parang sa isang araw, umaabot ng 40 ang pinauutang n'yo ni Calvin. Yung fund doon, ganoon ka-enough para makapag-lend tayo sa 40 people?"
"Actually, sobra pa ang fund. Kaya 'yang i-reach ng 55 to 60," paliwanag ni Will. "The thing is mahirap pagkasyahin sa isang araw ang pagkausap sa 40 clients. So more like manpower issue ang quantity ng kayang i-cater. Parang paramihan na lang kami ni Calvin ng makakausap. Marami rin kasing gustong mangutang."
Ang lalim ng paghinga ko habang himas-himas ng palad ang magkabilang pisngi.
Putang ina . . . paano ko ie-explain itong 54 million na meron kami noong 19 years old kami?
Kung tutuusin, accumulated na pautang siya, e. Kumbaga, nakuha ang pera, pinautang, wala na ulit sa amin. Pagbalik sa amin, ipapautang sa dalawang magkaibang client, wala na ulit sa amin. Paulit-ulit na process na para na ngang naka-Fibonacci sequence, so hindi imposibleng makaipon nang ganito kalaking pera para ipautang. But the thing was accumulated ang 54 million pesos sa loob lang ng six months. Malalampaso namin ang mga legal na lending business kung kaya naming maka-hit ng asset na 54 million sa half-year audit lang!
Nire-review ko ang lahat ng in-encode ko.
Noong unang quarter, nasa 5k to 10k ang pinauutang namin. E, hindi naman mga poor kid ang mga estudyanteng nagiging client nina Will at Calvin. Para ngang pang-gimmick lang itong inuutang kasi ang bilis ding maibalik. Bihira ang maalat magbayad.
Sabihin nang average of 7,500 kada 20 client nila sa isang araw lang, 150k na agad 'yon na ilalabas namin. Meron kaming 150k na kayang ipautang sa isang araw kasi nakuha naman namin ang share namin noong nanalo si Pat kay Jackson. Two million din 'yon na pinaghatian naming magbabarkada.
Kung maibabalik sa amin ang 150k plus interest, may tubo talaga sa ipon namin.
Tapos may nakita pa ako ritong nangutang ng 68k na nabayaran din. Napaisip tuloy ako kung anong klaseng estudyante 'tong nangutang ng 68k. Aanhin niya 'to? Pan-debut? Pambayad sa tuition?
At dahil nasa bangko kami nagde-deposit, may interest na kami sa pautang, may tubo pa sa bangko.
Habang tumatagal ang pag-encode ko, lalo akong nanghihina. Mapupudpod na ang noo ko kahihimas. Sa lending pa lang 'to. Hindi pa kasama ang kita namin sa iba't ibang pustahan na ine-encode ni Leo at mga panalo sa casino na tinatapos ni Rico kasi siya naman ang may hawak ng pera noon para doon.
Ibinagsak ni Leo ang tatlong logbook sa sahig sabay sabi, "Tapos na 'ko for the whole year nitong 19."
"Total assets?" tanong ni Rico na gusto ko ring malaman ang sagot.
"182 million pesos," walang emosyong sabi ni Leo saka natulala sa sahig. "Are we this rich noong college tayo?" carefree niyang tanong sa aming lahat habang tinuturo ang mga logbook na ibinagsak niya. "Kasi parang hindi ko naramdaman. O masyadong lang tayong magastos? Nakakailang Jollibee ba tayo dati?"
"Dude, we're spending money sa schools din, di ba? You bought drafting set din saka payment sa miscellanous," katwiran ni Will.
Napaisip tuloy si Leo. "Yeah . . ." mahinang sabi niya habang nakatulala sa labas ng glass wall ng sala ko. "School, yeah. Pero putang ina, 182 million, pambili ng drafting set? DepEd ka ba?"
Ang lakas ng tawa namin sa rant ni Leo, pero hindi pa rin n'on mababago ang katotohanang wala talagang school supplies o drafting set worth 182 million pesos.
Inabot na kami ng hapon sa pag-e-encode at pagrereklamo kung bakit ang dami naming pera at ang dami rin naming gastos noong college na sa sobrang laki, ayaw na naming tanggapin na kami ang gumastos at nagsulat n'on sa logbook. Gusto na nga naming sunugin na lang lahat 'yon kung hindi lang importante, e.
Nakakaumay. Tapos gusto ng barkada, ako lang mag-isa ang mag-encode n'on para sa soft copy. Putang ina, hard pass. Mag-hire na lang sila ng team para diyan.
"You look tired."
"Actually, I am." Kinuha ko na lang ang magkabilang kamay ni Sab saka siya hinatak palapit sa akin para yakapin.
"Mahirap ba yung ginagawa n'yo nina Kuya?"
Inugoy-ugoy ko siya saka ako nagbuntonghininga. Nayakap ko siya nang mahigpit bago sumagot. "Parang mas tamang sabihing nakaka-disappoint."
"Why?"
"Kasi kung hindi pa kami hahabulin ni Tita Tess, hindi pa namin itse-check ang mga record namin. So . . . parang disappointing na ngayon lang kami kumikilos when we have all the years to do that hard work before this."
"Kuya's smart naman. I know you two can handle that."
Napapikit na lang ako at dinama ang paghagod niya sa likod ko para pakalmahin ako.
Gusto ko sana siyang ayaing i-date para sa dinner pero kailangan na rin niyang umuwi maya-maya. Siyempre, ayokong magpakita kay Tita na may tinatapos akong backlogs na related sa authorization na gusto niyang pirmahan ko.
Wala tuloy kaming choice ni Sab kundi tumambay na lang saglit sa park ng village kung saan siya nag-deliver ng huling folder na work niya para kay Tita.
Nakaupo lang ako sa may-kataasang sementadong bakod ng mga santan. Sakto lang naman ang taas ko kapantay kay Sabrina na mas piniling tumayo at magpa-cute sa harapan ko.
"Baka matagalan pa kaming matapos kasi sobrang dami pa ng hindi namin naaayos na files. Pero pagkatapos talaga nito, bahala na talaga sila," nanlulumong sabi ko kay Sab. Napatingin na lang ako sa kamay niyang hawak ko at inuugoy-ugoy.
"Di ba, sabi ko naman, okay lang. I can wait until puwede na," sabi niya at bumitiw sa isang kamay ko para lang suklayin ang buhok kong bumabagsak sa noo ko.
Hindi ako makatingin sa kanya. Nadidismaya kasi talaga ako. Noong nakita ko ang list ng records namin at pag-audit sa bawat isa, ang malalaki ang gastos, sina Rico, Leo, at Patrick. Kami ni Will, taga-ambag lang talaga kami. Kahit anong kuwenta namin sa mga ginastos namin ni Will noong Coastal days, hindi aabot ng dalawang milyon, e.
Nate-tempt akong manumbat. Nate-tempt akong pirmahan ang authorization na 'yon. Kasi habang iniipon namin ang mga record, parang hindi ko naman problema ang inaayos naming lahat. Para bang . . . hawak ko lang ang mga record ng mga problema ng barkada, pero yung problema ko mismo? Wala akong problema sa mga papel na 'yon.
Ang labas, parang lahat ng ebidensiya para madiin ang barkada ko, hawak ko, e. Na kaya ako nasa problema kasi hawak ko ang dapat na pinoproblema nila.
Ako, mas marami akong kinita sa records namin kasi pati sahod ko sa pagpa-part-time sa Red Lotus, inaambag ko sa lending kaya bumabalik nang may interes na. Investment 'yon, e. Ang negative lang ako sa part na 'yon, galing Red Lotus ang pera. Pero kaya kong ilaban 'yon sa audit, kasi taxable ang sahod ko sa site lalo sa mga modeling gig ko. May resibo ang billboards ko. Audited 'yon ng company. Kayang hingan ng kopya sa accounting office. Makausap ko lang si Mother Shin, kaya kong i-settle 'yon. Pero ako lang ang kaya kong i-settle ang status sa ngayon . . . pero sina Rico? Hindi ko alam.
"Pagkatapos talaga nito, papakasal tayo sa malayo. Gusto ko sa puwedeng pag-landing-an ng helicopter tapos entrance nating dalawa, naka-parachute tayo," sabi ko kay Sab.
Tinawanan niya 'yon at sinampal ako nang mahina. "As if Mum will allow you to do that."
"Gusto naman ni Tita ng maraming pasabog, di ba? Magdadala ako ng maraming dinamita, sindihan niya isa-isa."
Tawa lang nang tawa si Sab. Sinusubukan kong tumawa rin pero hindi kaya ng natitirang energy ko today na sabayan siya.
Tumayo na lang ako at hinawakan siya sa magkabilang pisngi saka 'yon pinisil gamit ang buong palad parang sandwich.
"Sabihin ko bukas sa kanila, may date kami ni Mami para makaalis ako nang maaga. Tapos date tayo." Hinalikan ko siya sa noo, sunod sa tungki ng ilong bago sa labi. "I love you."
Humagikhik lang siya bilang sagot. Tinusok-tusok lang din ang magkabilang pisngi ko gamit ang hintuturo niya.
"Ano oras tayo alis bukas?" tanong niya sabay ngisi.
"Baka 4? Para puwede ka na makauwi by 6 kasi baka pagalitan ka ni Tita kapag ginabi ka."
"Okay!"
Niyakap ko pa ulit siya nang sobrang higpit habang paugoy-ugoy kami sa puwesto. Hindi siya bumitiw kaya yakap ko siya hanggang dalhin sa pinag-parking-an niya ng sasakyan.
"Ingat ka sa pag-drive, ha?" paalala ko.
"Opoooo."
Hinalikan ko ulit siya sa tuktok ng ulo saka niyakap sa huling beses. "I love you, Sabby."
"Kiss mo ulit ako," pa-cute na sabi niya nang tumingala sa 'kin.
Nanggigigil kong pinisil ang ilong niya saka ko ulit siya hinalikan sa labi nang mas matagal.
"I love you," mahinang sabi ko nang bahagyang ilayo ang labi sa kanya.
Wala pa rin siyang sagot. Tinawanan lang ako nang mahina saka kinagat ang labi.
"Uwi na 'ko," sabi lang niya saka sumakay sa driver seat.
"Text ka kapag nasa bahay ka na, ha?" utos ko nang sumilip sa bintana niya.
"Yes po!"
Paisa-isang hakbang ako paatras habang sinusundan ng tingin ang sasakyan niyang palayo sa akin.
Gusto ko na lang piliin si Sab . . . pero ang hirap kasing hindi piliin ang barkada ko.
Gusto ko na lang matapos 'to agad para wala na 'kong excess baggage kapag kasal na kami ni Sab. Kasi ayokong maghahabol sila kung kailan napili ko na yung isa.
♥♥♥
"Clark."
Napatingin ako kay Calvin nang lapitan niya ako habang nag-e-encode ako.
"Ano?" sabi ko, hinihintay ang sasabihin niya.
"Baka sa Saturday, maisama ko si Shin sa labas."
Napaayos ako ng upo dahil sa balita niya. "Kaya ba ng umaga? Breakfast, gano'n?"
Napangiwi siya. "Hindi ba puwedeng hapon o kaya gabi?"
"Dude, hindi puwede ng hapon, mas lalong gabi."
Napakamot siya ng ulo. "Tulog pa 'ko niyan, e."
"Sasaglit lang naman. Para din naman 'to sa barkada," mahinang sermon ko. "Minsan ka lang gigising nang maaga, para namang ano 'to."
Nakasimangot lang si Calvin sa mesa, halatang pinag-iisipan pa ang schedule na sinabi ko.
Hindi kasi puwede ng hapon dahil nga magkasama kami nito ni Sab. Hindi puwede ng gabi kasi lahat ng ligpitin dito sa bahay, sa gabi ko ginagawa.
"Titingnan ko muna," pagsuko ni Calvin at umalis na sa harapan ko.
Huwag niyang tingnan, gawin niya.
Nakaka-three years na kami sa ine-encode, at habang tumatagal, lalong lumalaki ang inilalabas namin sa iba't ibang pustahan na naka-record doon sa logbooks. Sa third year ng records namin, sina Leo at Patrick ang grabe ang ipinusta. Nag-lie low nga si Rico, pero triple naman inilabas ni Patrick—to think na dinaya pa nga niya yata itong record kasi ang daming shady ang figure.
Eto ang poker machine years niya at hindi ko alam kung paano niya 'to itatago kay Uncle Bobby kapag na-audit. Kaya niyang gumastos ng 2.4 million sa isang gabi lang para sa gold coins. And note na ang record niya ng poker game, nagtagal hanggang eight months. May mga bungi pa at nilagyan ng correction ink ang mga note dito kaya sigurado akong hindi lang 2.4 million ang pinakamalaking nailabas niya para sa poker machine.
Ang may "questionable" record sa file, ang mga hinuhulog kong pera na ang particulars ay puro pangalan ng mga babae. Doon ko madaling na-pinpoint na galing na 'yon sa escort services ko at kung kaninong client galing ang hulog ko. Sa spreadsheet ko na inilagay ang source of fund n'on nang mas malinaw.
Busy kaming lahat—sobrang busy—nang magulat na lang kami kasi dumating sa bahay si Sabrina.
"Hi?" naiilang na bati niya sa aming lahat at napaatras ako ng lakad pabalik sa sala para lang makita kung tama ba ang nakikita ko.
"Sab?" gulat na tawag ni Rico.
"Uhm . . . hi, Kuya?" bati niya sabay ngisi.
Napatingin tuloy ako sa relo ko. 4:06 PM.
Shet! May date nga pala kami!
Putang ina, akala ko, alas-tres pa lang!
"What are you doing here?" Tumayo agad si Rico, balak yatang harangin ang kapatid niya palapit sa sala.
"I'll visit Clark," sagot ni Sab at sinilip ako mula sa likod ng kuya niya.
Pilit ang ngiti ko pagtingin sa kanya kasi . . . hindi ko nakalimutan ang date namin, pero hindi ko napansin ang oras.
"But I know na you do paperwork every day! I thought . . ." Itinuro niya ang likuran. ". . . nasa office kayo over there."
"Alam ni Mum na nandito ka?"
"Nope."
"Can you go somewhere else kasi busy kami?" naiiritang utos ni Rico.
"I'm here for Clark kaya! Akala ko, nasa office kayo, e."
"E, wala nga kami sa office. Sab, nag-iisip ba tayo?"
"Hayaan mo na siya rito," sita ko kay Rico bago binalingan si Sab. "Gusto mong juice?"
Ngumiti lang si Sab nang malapad saka tumango nang mabilis.
Kumandirit agad si Sab papuntang dining area ko at pagsulyap ko kay Rico, nakapamaywang lang siya habang nagtatanong ang tingin sa akin.
Bahala siya. Mamili sila: take Sab here as nuisance or they leave. Wala rin namang kaso kung aalis sila, pabor pa sa 'kin.
"Ang messy ng sala mo," bulong ni Sab sa 'kin habang hawak niya ng magkabilang kamay ang baso ng orange juice. Doon kami nakasiksik sa sulok ng kitchen counter na hindi kita ang kuya niya.
"I know. Nabawasan na nga 'yan, actually."
"Ngi? Bakit ang dami pa rin?"
"Same question." Tumitig ako sa kanya at inipit ang buhok niya sa likod ng tainga. "Akala ko, 3 pa lang. Gusto mo, paalisin ko na sila?"
Umiling agad siya saka itinutok ang labi sa bibig ng baso.
Nakikita ko sa mga mata ni Sabrina na hindi siya nagagalit o nagtatampo dahil nakalimutan kong may date dapat kami ngayon. Pero ako, dismayado ako kasi nakalimutan ko. next time, magse-set na talaga ako ng alarm.
"With those papers? I don't think I will ask you to ask them to leave. Super dami ng kalat," sabi niya.
"Hindi rin namin in-expect. Akala ko, mga isang box lang ang titingnan namin."
Inilapag niya ang basong halos ubos na ang laman sa counter at saka ipinalibot ang kamay sa baywang ko. Tiningala niya ako saka ako nginitian nang matipid.
"I'll watch na lang sa inyo. Doon na lang ako sa bahay magdi-dinner," pa-cute na sabi niya, nakikiusap sa akin.
"Bukas, tuloy na yung date. Mag-a-alarm ako, promise."
"It's okay. We can have our dinner naman here. Papaalam na lang ako kay Mum na pupunta ako rito."
"Papayagan ka ba?"
"I'll ask. Hindi muna ako magpa-promise, but I'll try."
Hinalikan ko na lang siya sa noo saka idinikit ang pisngi ko sa pisngi niya bago siya niyakap nang mahigpit.
"Sorry, Sab . . ." malungkot na sabi ko.
"Why?"
"Kasi wala pa rin akong time sa 'yo."
"But you're trying naman, and I understand." Tinapik-tapik pa niya ang likod ko para pakalmahin ako. "After seeing those papers, I really understand. I hate paperwork pa naman."
Natawa ako nang mahina pero hindi rin nagtagal, nilamon agad ako ng pagkadismaya.
"Bukas, promise, palalayasin ko agad 'yang mga 'yan dito sa bahay para makapag-date tayo." Hinalikan ko siya sa pisngi saka ako bumitiw sa yakap. "Promise, after this, sa 'yo na lahat ng time ko."
Matipid ang naging ngiti niya sa sinabi ko, at kitang-kita ko roon na hindi siya naniniwala sa pangako ko.
At kahit ako . . . hindi ko rin mapaniwalaan 'yon.
"Kahit matagalan, okay lang," sabi niya at tinusok ulit ng magkabilang hintuturo ang pisngi ko. "I can wait."
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top